EPISODE 18
"A Day Before and The Clock Man"
Ang nakaraan..
Tinulungan ng Isang nilalang si Helen.
"Hindi ko man maibabalik ang gift mo, maari ko namang ibalik ang oras ng iyong buhay." Gamit ang hawak nyang Hour glass muli Niya itong binaliktad at sa isang iglap ay muling nabuhay si Helen.
Sa pagpapatuloy...
Sa Novaria..
"Mahal na Reyna, Hindi kaba natatakot sa winika ni Bonch. Tungkol sa kanyang sumpa na ibinigay sa prinsesa?" Tanong ni Criselda.
"Hindi rin ako papayag na aalis si Beam dito sa Novaria." Wika ni Queen Victoria habang nakatingin sa kanyang anak habang kalaro Ang kanyang mga pinsan. Lumapit naman ang Hari sakanya at hinalikan sya sa pisngi Bago nag wika.
"Kung ganun? Bakit Hindi mo nalang isara Ang lagusan papuntang earth?"
"Mahal ko, Wala saakin Ang susi matagal ng nawawala." Sambit ni Victoria.
"Mahal na Reyna at Hari may swestyun akong naiisip." Wika ni Criselda.
"Ano yun?" Tanong ni Victoria.
"Kung Hindi man natin mapipigilan ang sumpa ni Bonch. Pwde nating tanggalan ng alala ang mga taga Novaria tungkol sa madilim na pangyayari." Wika ni Criselda.
"Yun ang Hindi Hindi natin gagawin Criselda. Minsan ko nang ginawa ang sumpang iyan. Tingnan mo Ang nangyari saakin." Wika ni Victoria at Sabay hubad ng kanyang suot na pantakip sa kanyang kanang kamay.
Dito nakita Nila Ang Isang maitim na ugat na tumitikbok-tibok tila buhay ito. Kapag iilaw ito sumasakit ito, Hindi lang sa kanyang katawan maging sakanyang kaluluwa.
"Hindi ka Naman gagamit ng gift Mahal na Reyna." Wika ni Criselda.
"Hindi na importante yan sa ngayon Criselda. Ang importante ay ang anak ko." Sambit nito.
Pagkalipas ng Labing walong taon.
"Beatrice , saan ka pupunta.?" Tanong ng babaeng may kulay puting buhok kasama pa ang Isang babaeng may hawak ng libro.
"Diba sinabi ko na sainyo na delikado ang lugar NATO? Dito naninirahan ang mga skin walker. Nasa Lemen Forest Tayo!" Wika ng babaeng may hawak na libro.
"Aalis nako dito sa Novaria. Mag tutungo ako sa Mundo ng mga tao. Sabi ni Elizabeth maganda daw Doon. Malaya Kang mamumuhay ng Normal." Sambit ni Beam.
"Beatrice, delikado. Hindi mo alam kung Anong nandoon sa earth. Iba si Elizabeth. Nandoon ang nanay nya. Ikaw nandito ang pamilya mo!" Sabi ng batang may puting buhok.
"Pamilya ba ang tawag don? Lahat ng mga ginagawa ko ay puro Mali? Hindi nyo na ako mapipigilan mga pinsan." Sambit ni Beam at biglang napatili Ang babaeng may hawak na libro. Nabitawan nya ito sa labis na hilakbot.
Habang Ang babaeng may kulay puting buhok ay mabilis itong hinarap ang nakakatakot na nilalang.
"Angelica! Wag!" Sigaw ni Beam.
"Umalis na Tayo dito!" Wika ng Isa pang babae.
"Lean? Nasaan ang libro mo?" Tanong ni Beam. At Isang malakas na hampas Ang kanilang naramdaman ng di nila nakita ang Isang malaking sanga na papunta sakanila. Habang si Angelica ay patuloy ito sa pakikipag laban sa Skin walker. Ngunit na hinto sya nang Makita nyang Wala nang Malay at humandusay na sa lupa Ang kanyang dalawang pinsan.
Agad Niya itong nilapitan ngunit. Isang baging ang mabilis na kumulupot sakanyang paa at naging dahilan upang sumubsob sya sa lupa.
"Beam, Lean!" Sigaw nya Hanggang sa unti-unting nawalan sya ng Malay.
Mula sa likud ng mga puno, Isang babae ang lumabas. At nag wika.
"Oras na, ilagay nyo na sila sa lagusan!"
"Masusunod, Binibining Gemma." Sagot ng malaking nilalang na marami Ang ugat.
Habang sa palasyo Naman ay nag alalala na si Victoria. Maging ang kanyang mga tiyahin ay nag aalala. Sabay sabayng nawawala ang kanilang mga anak.
"Kasalanan ito ng anak mo Victoria." Sabi ni Lena.
"Napaka suwail ng anak mo!" Dagdag ni Paula.
"Wag nyo akong sisihin. Kung ayaw nyong ibunyag Ang lahat sa mga taga Novaria. Kung papano nyo pinatay si ama at pinahirapan ang magkapatid na anak ni Haring Isaac. Kaya wag kayong nagkakamali. " Mahinahong Sabi ni Victoria.
Lumapit si Criselda Kay Victoria at ipinakita nya sakanyang ikatlong Ang nangyayari sa kanyang anak at sa mga pinsan nito.
"Beam!" Wika nya.
Balik sa Kakahuyan...
"Tatanggalan ko ng mga aalala ang mga batang ito. Katulad ng pag Lapastangan nila saakin." Sambit ni Gemma. Unang tinanggalan nya ng ala-ala ay Ang anak ni Paula na si Angelica, sumunod naman si lean na anak ni Lena.
"Ikaw na Mahal na prinsesa.." sambit ni Gemma. Habang nasa kalagit naan sya nang pagtanggal ng ala-ala ni Beam. Isang palaso ang tumama sakanyang balikat. Na agad namang nabitawan nya sa pagkakahawak sa Ulo ni beam.
"Skin walker parusahan sya!" Wika ni Gemma. At mabilis namang sumalakay Ang skin walker nyang alagad. Mabilisang binuksan ni Gemma Ang lagusan papuntang earth.
"Kayo ang magiging susi upang magbalik Ang aking kapatid!" Wika nya at mabilis na hinigop Ang tatlong babae palabas ng Novaria. Napadpad Ang tatlo sa magkabilang lugar. Habang si Gemma ay mabilis na nagtago at bumalik ng Kastilyo.
Bago sya nagpakita sa Reyna, sinugatan nya ang kanyang sarili gamit Ang kanyang mga baging upang makumbinsing inatake sya ng Isang skin walker.
Mabilis syang tumakbo papunta sa harap ng Reyna at nag wika.
"Mahal na Reyna, patawad Hindi ko na napigilan sila." At umarteng nawalan ng Malay.
"Mahabanging bathala. Gemma!" Sigaw ni Queen Victoria. Na agad namang tinulungan ng magkapatid na Sina Paula at Lena. Gamit ang Kakayahan ni Paula na magpagaling. Pinagaling ni Paula si Gemma at si Lena Naman ay ginamit ang kanyang isip at dito nakita Nila Ang huwad na pangyayari.
Nakita nilang inatake si Gemma ng mga skin walker habang pilit nyang pinoprotektahan ang mga prinsesa. Nakita din nila ang huwad na imahe ni Bonch na nag bukas ng lagusan at mabilis na hinigop Ang mga magpipinsan.
"Paula at Victoria si Bonch!" Wika ni Lena.
"Bakit si Bonch ba Ang may kakagawan nito?" Tanong ni Victoria.
"Oo maging kanyang kapatid ay kanyang sinaktan." Sabi ni Lena. Lihim namang napangiti si Gemma.
"Humanda kayo magbabayad kayo sa lahat ng ginawa nyo saakin at sa kapatid ko!" Wika ni Gemma sakanyang isipan.
"Ang kapatid na nag tanggol sakanya sa lahat." Sambit ni Victoria.
Habang si Beam naman ay nagising sa Kakahuyan sa Mundo ng mga tao. Ang tanging naalala nya ay nag layas sya. Hindi na nya naalala ang lahat maging ang kanyang dalawang pinsan na Sina Angelica na Angel na dito sa earth. Habang si Lean Naman ay naging si Leah na.
Bago pa umalis si Gemma sa Kakahuyan. Gamit ang kanyang gift, inutusan nya ang libro na mag tungo sa Mundo ng mga tao.
"Libro ng karunungan, mag tungo ka sa Mundo kung saan ang tunay na nagmamay-ari Sayo ay muling magpapakita." Mabilis na naglaho ang libro at napunta ito sa gift archive nag aantay lang ng tamang oras para mahanap ni Leah.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro