EPISODE 14
"The Speedo"
Sa pagpapatuloy...
Habang nag tatago Sina Beam at Angel sa Isang iskinita..
"Ate ayus lang ba talaga si Dave?" Tanong ni Beam. Habang abala ang kanyang mga mata na naka masid sa paligid.
"Sa palagay ko ayus na sya. Pero seryuso? Sya ba talaga ang susi na sinasabi ni Miss Gemma?" Tanong ni Angel. Sasagot na sana si Beam nang biglang mag bigay ng go signal si Leah.
"Beam at Gel, papunta na sya Dyan. Get ready!" Sabi ni Leah sa kabilang linya.
"On it ate." Sagot ni Beam at mabilis niyang ikinumpas ang kanyang mga kamay. At si Angel naman ay ginamit ang kakayahang mag laho upang abangan ang kanilang inaantay sa kalsada.
Samantala may isang nilalang ang matulin na tumatakbo patungo sa patibong nina Angel at Beam.
Mabilis na nagapos ni Beam ang nilalang ng kanyang mga baging sa tulong ni Angel. Gamit ang liwanag na ginawa nya ay nasilaw Ang nilalang na kanilang inaantay.
"Huli ka!" Wika ni Beam at mabilis din namang iginapos ni Angel ng kanyang Nagliliwanag na lubid. Habang Sina Dave at Leah ay mabilis na nag tungo sakanilang kinalalagyan.
"Good Job!" Bati ni Leah sa dalawa. Habang Ang nilalang na may bilis ay pilit na kumakawala.
"Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ni Dave.
"Ang alin?" Sambit ng nilalang.
"Ang mangulo sa mga police. Last two months ago. May sinalakay kang tatlong police car. Hindi mo ba alam na delikado ang mga katulad natin?" Sabi ni Dave.
"Hindi masama Ang akong ginawa!" Sabi ng lalaki na nakagapos sa mga baging ni Beam.
"Mama Utlom lang?" Wika ni Angel.
"Delikado ang mga katulad mo sa mga skin walker. Ako nga Pala si Leah ang ~" Naputol na sasabihin ni Leah ng biglang isang malakas na kidlat ang muntik na tumama sakanya. Habang Sina Angel, Beam naman ay nakaranas nang pagsakit sa Ulo. Si Dave naman ay nag yelo ang kanyang katawan mula paa Hanggang bewang.
Mula sa kanilang likuran dumating ang grupo nina Julianne, Nicole at Cristy.
"Hello mga ate at kuya." Bati ni Julianne.
"Sinasabi ko na nga ba!" Galit na wika ni Angel. Habang ang lalaki nakagapos sa baging at maliwanag na lubid ay pinakawalan Nina Nicole at Cristy.
"Sumama ka saamin. Delikado ka dito. Sila Ang mga alagad ng Skin walker. Kukunin Nila ang gift mo. Ako si Julianne at Ikaw ay si?" Tanong ni Julianne sa lalaki.
"Abram, o Bram nalang." Pakilala ng lalaki sakanya.
"Nice to meet you Bram. Sumama ka saamin para mailayo ka namin dito. Sa mga katulad Nila!" Wika ni Julianne.
"Hindi yan totoo!" Sigaw ni Leah.
"Wag Kang maniniwala Bram. Sila Ang sugo ng mga Skin walker!!" Wika ni Angel habang namimilipit sa sakit ng kanyang Ulo dahil sa gift ni Julianne.
"Actually, kinuha Nila Ang gift ng Isa naming kasamahan na si Ryan. Diba Kuya Dave?" Sambit ni Nicole.
"Hindi ko sinasadya yun!" Sagot ni Dave habang pilit syang kumakawala sa yelo na ginawa ni Nicole.
"Tayo na!" Utos ni Cristy sakanila ng biglang umalog ang buong paligid. Nang lingunin nila ay matagumpay na nabasag ni Dave Ang yelong ginawa ni Nicole sakanya habang si Julianne Naman ay nawalan ng balanse kaya naka takas Sina Leah at Angel sa ginawang pag sakit ng kanilang Ulo.
Ikinumpas muli ni Beam ang kanyang kamay upang gapusin sa mga baging sina Julianne ngunit ginamit ni Bram Ang kanyang gift upang mabilis niyang ipalit Sina Cristy at Nicole kina Leah at Angel. Imbes na Sina Cristy at Nicole ang magagapos sa mga baging ni Beam. Ngunit dahil sa bilis ni beam, mabilis nya itong ipinag Palit.
"Sorry ate angel at ate Leah!" Wika ni Beam at mabilis din nyang pinakawalan sina Angel at Leah.
"Nakita muna Bram, sino ang masama saamin?" Wika ni Julianne.
"Sila! Sasama ako sainyo!" Wika ni Bram.
"Hindi! " Sigaw ni Dave at Isang malakas na pwersa ang kanyang pinakawalan na maging dahilan upang lumindol ng napakalakas.
"Tama na Dave! Hindi mo pa kabisado Ang gift na Yan!" Utos ni Leah.
"Tama nga si Leah sissy. Enough. Kalma lang!" Saway din ni Angel. At huminahon naman si Dave kasabay nyan ay tumigil na Ang lindol.
Habang si Randy naman at Cathy ay nagtungo sa isang facility upang tukuyin ang totoong nangyari sa pag atake ni Bram sa mga pulis.
"So, intake nya ang pulis dahil dito sa drugs?" Sabi ni Cathy.
"Last nakita si Speedo, ay sa dagat. Baka pagkuha nya ay itatapon nya ito sa dagat?" Sambit ni Randy.
"Yan ang palagay ko!" Wika ni Cathy.
"Mabuti pa tawagan natin sina Beam." Sambit ni Randy na mabilis niyang idinial Ang number ni Beam.
"Hello love, walang ginagawang masama si Speedo. Ninanakaw nya ang mga nakompiska ng mga police na drugs at tinatapon sa dagat." Sambit ni Randy. Nang marinig ito Nina Beam, Leah, Angel at Dave ay huli na Ang lahat dahil sumama na ito kina Julianne.
Samantala sa Isang bar. Kung saan may Isang babae ang lumapit sa Isang matandang lalaki at nag wika.
"Kamusta ka pogi?" Tanong ng babae. Ngumiti lang ang lalaki sabay sabing.
"Ang Ganda mo Naman, pwde mo bang hubadin ang suot mong eyeglass baka kapag hinubad mo yan mas Lalo Kang gaganda.!" Bola ng matandang lalaki sakanya.
"Sure, pero eyeglasses lang ba? How about this." Kinuha ng babae ang kamay ng lalaki at ipinatong sa kanyang dibdib.
"Oh!" Usal ng lalaki ng maramdaman Niya Ang malambot na dibdib ng babae.
"Baka gusto mong mag private Tayo?" Wika ng babae.
"Sige sure.." sagot ng matandang lalaki.
Samantala sa Opisina ni Bonch.
"Narito na po sya miss Bonch." Wika ni Julianne.
"Kamusta ka?" Bati ni Bonch habang papalapit Kay Bram.
"Ayus lang po. Saan na Ang mga kasamahan kung may gift din? Bukod sa kanilang tatlo." Tanong ni Bram na halatang kinakabahan.
Habang si Gemma naman ay abala sa kanyang ginagawang research sa Gift Archive nang biglang may boses na familiar na tumawag sakanya.
"Gemma?" Tawag nito sakanya. Nang lingunin ng Babae ay nakita nya ang lalaking nakatayo sa pintuan.
"Jared? Ikaw ba yan? Ikaw nga?" Masayang Sabi ni Gemma.
"Oo, di ko akalain na makikita Kita dito!" Ngiting Sabi ng lalaki na may malalim na biloy sa magkabilang Mukha.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Gemma.
"Hinahanap ko si Ate rose. Pinapasundo sya ni Queen Victoria saakin." Sagot ng lalaki.
"Sandali nandito lang yun si Rose. Hahanapin natin. " Sambit ni Gemma na agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa loob ng gift archive.
Balik naman sa Bar sa private Room.
"Wait, bago mo hubarin yang crop top mo. Anong pangalan mo?" Tanong ng matandang lalaki.
"Aphrodite!" Sagot ng babae sabay kindat.
"Goddess of Love and beauty." Sambit ng lalaki. Hanggang sa hinubad na ng babae ang suot na eyeglass sabay wika.
"Titigan mo Ang mga Mata ko!" Sambit ng babae. Na agad namang ginawa ng lalaki. Nang matitigan ng lalaki ang mga Mata ng babae biglang nakaramdam ng pagka tuyo at uhaw Ang lalaki Hanggang sa maging bato ang kanyang buong katawan. Ngumiti naman Ang babae at mabilis nyang kinuha ang laman ng wallet na nakapatong sa lamesa.
"Joke lang yung Aphrodite. Helen Talaga Ang pangalan ko! Mga manyak! Salamat dito!" Wika ni Helen. Sabay halik sa bato at dahan dahang nagkapira-piraso Ang lalaki.
Balik sa Opisina ni Bonch. Akmang kukunin ni Bonch ang gift ni Bram. Pinigilan sya ni Cristy gamit Ang kanyang kidlat.
"Takbo!" Sigaw ni Cristy.
"Cris bakit?" Wika ni Julianne.
"Obviously, di ako kabilang sainyo!" Sagot ni Cristy at Isang malakas na kidlat ang kanyang pinakawalan para patamaan Sina Julianne at Nicole maging si Bonch na nag anyong Skin walker sa mga oras nayun.
"Hindi ako aalis nang Hindi ka kasama!" Wika ni Bram na agad namang hinawakan si Cristy. Mabilis silang nagkatakas sa Opisina ni Bonch.
"Aaarrrrrhhhhhh! Bwesit ka Gemma!!!" Sigaw ni Enigma na nagbalik sya sakanyang anyong tao.
"Sundan nyo sila! Dalhin ninyo si Cristy dito ng buhay! Nangigil ako!" Galit na wika ni Bonch at mabilis namang umalis Sina Julianne at Nicole.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro