EPISODE 13
"Get out of my head!"
Sa pagpapatuloy...
"Tama, naalala ko na. He's acting weird pagkatapos naming mag grocery kahapon, diba Randy?" Wika ni Beam.
"Oo, wait." Sambit ni Randy ng may maalala sya Nung araw na nakasalubong ni Dave ang kanyang dating kasintahan.
"Ano randy?" Tanong ni Beam.
"Sinundan ko yung Ex nya at parang alam ko na kung saan pupunta si Dave." Sagot ni Randy.
"Minsan nag dududa nako Sayo, kung lalaki kaba talaga o bading." Biro ni Beam.
"May bading bang nagpapawala ng itim sa mata mo?" Sabi ni Randy sabay ngiti.
"Tama na yan, dalhin mo na kami Doon Randy." Saway ni Leah.
Samantala sa Opisina ni Bonch..
"Oras na para mapakinibangan ko kayo. Kelangan ninyong makuha si Dave. At makumbinsing umanib saatin. Nararamdaman ko ang kakaibang itim na enerhiya sakanya. At malakas ito." Wika ni Bonch o enigma sa kanyang mga tauhan.
Tumayo si Nicole at nagsalita.
"Kumbinsihin? Papano?" Tanong nya.
"Yan ang dapat ninyong lutasin." Sagot ni Enigma.
Sa Bahay ng dating kasintahan ni Dave.
Mabilis itong tumayo at nagtungo sa pintuan ng marinig nya na may kumakatok sa pintuan.
"Sino yan?" Tanong ng lalaki.
"Ako ito." Mahinahong sagot ng boses sa labas ng pintuan. Nang makilala ng lalaki ang boses agad nyang pinag buksan at nakita nya si Dave na nakangiti.
"Pasok ka." Sambit ng lalaki.
Agad namang inisikaso ng lalaki si Dave at tinanong kung Anong gusto nitong kainin at kung nagugutom ito. Nanatiling nakangiti pa din si Dave at di sumagot.
"Alam mo, na mimiss ko na ang ngiti na yan." Wika ng lalaki.
"Ako Hindi." Sabi nya at nanatili pa ding naka ngiti.
"Alam ko, nasaktan Kita noon. Pero muli akong nagpakita Sayo para humingi ng tawad." Sabi ng lalaki.
"Baka." ( Stupid) sambit ni Dave at tumayo ito sabay hawak sa kamay ng lalaki. Nag wika ito ng..
"Anata no itami ga hoshī.." (I want your pain..) dahan-dahang nakaramdam ng sakit at hapdi sa buong katawan Ang lalaki. Hanggang sa mapahiyaw ito sa sakit. Hindi naman nag tagal dumating sina Angel at Leah. Habang si Beam at Randy ay nagbalik sa Gift Archive library. Upang hanapin ang kasagutan tungkol sa nangyari ng kanilang kaibigan.
"Sissy, itigil mo yan!" Sigaw ni Angel at napalingon sakanya si Dave.
"It's okay, everything is under control. I'm fine!" Sambit ni Dave na ginagaya ang boses ni Ruffa Mae.
"Dave, si Ate Leah mo ito. Makinig ka saakin. Hindi ka makaka usad sa buhay kung mananatili ka sa nakaraan. Pakawalan muna sya." Wika ni Leah. Habang Wala pading pakialam si Dave patuloy pa din sya sa pag sipsip ng buhay ng lalaki. Hanggang sa unti-unti itong nagiging bangkay sa sobrang payat.
"Gel Anong gagawin natin?" Tanong ni Leah.
"Bahala na Yang.." sambit ni Angel at biglang nag laho si Angel. Si Leah naman ay pilit syang pumasok sa isipan ng kaibigan.
Nang matagumpay na napasok ni Leah ang isipan ni Dave si Angel naman ay Isang nakakasilaw na liwanag ang kanyang pinakawalan upang maging dahilan upang mabitiwan ni Dave ang dating kasintahan.
"Ayus ka lang?" Tanong ni Angel. Hindi makapagsalita Ang lalaki dahil binabawi pa nya ang kanyang lakas. Si Leah naman ay nawalan ng kontrol sa isipan ni Dave.
"Umalis na kayo Dyan!" Sigaw ni Leah, akmang susugurin ni Dave si Angel. Bigla itong napahinto at nag wika.
"Wag! Sissy takbo!" Sambit nito at muling naging itim Ang kanyang mga mata.
Hindi nila alam na nakapasok na ang grupo ni Nicole.
Isang malakas na boltahe ng Kuryente Ang pinakawalan ni Cristy at napaluhod ito sa sahig. Si Nicole naman ay ginapos si Dave ng tubig na kasing Tibay ng lubid.
"Ngayon na Ryan!" Sigaw ni Nicole. Mabilis na lumapit si Ryan Kay Dave ngunit nakawala si Dave sa pagkakagapos ni Nicole. Isang mabilis na maitim na kamay Ang pumasok sa dibdib ni Ryan. Nasaksihan ng dalawang grupo kung papano kinuha ni Dave Ang gift ni Ryan Mula sa kanyang dibdib.
"Parang tumagos lang ang kamay ni Dave sa katawan ng kagrupo ni Nicole." Wika ni Angel.
"Ano bang klaseng nilalang Ang nagtatago Kay Dave.?" Tanong ni Leah.
Habang hawak ni Dave ang isang maliit na liwanag. Mabilis nya itong pinasok sa kanyang dibdib. At napasigaw ito.
"Aaarrgggghhhhh!!!!"
Napaatras naman ang grupo nina Nicole at mabilis itong umalis. Habang si Ryan at dahan-dahang naging bato at naging abo.
Dumating Naman Sina Randy at beam Dala Ang Isang dahon.
"Ate angel, ilapit mo ako Kay Dave." Utos ni Beam. Na agad namang ginawa ni Angel sabay silang dalawa na naglaho at mabilis silang lumapit Kay Dave at inilagay ni Beam sa noo ni Dave ang Isang dahon na naging dahilan upang manghina si Dave at mawalan ng Malay.
Sa kabilang dako ng ating storya.
Nakita naman nina Gemma, Cathy at Rose ang mga nangyari.
"Anong mangyayari sa kanya nakuha nya ang gift ng kasamahan ni Nicole." Sambit ni Rose.
"Nagkakatotoo na ang mga i-winika ni Criselda saakin." Sabi ni Gemma.
"Anong chismis yan?" Tanong ni Cathy.
"Hindi natin mapipigilan ang pagkawasak ng Novaria at nang earth." Wika ni Gemma.
Habang sa Novaria. Katabi ni Queen Victoria Ang Isang clairvoyant na si Criselda at dito nag kwento ang babae.
"Naganap na ang unang sakuna. Wala kayong magagawa upang pigilan sila sa pagkawasak ng Novaria." Wika ni Criselda habang naka tingin sa sapa.
"May paraan pa ba para mapigilan ito Criselda?" Tanong ni Queen Victoria.
"Alam mo na ang sagot Victoria." Sagot ni Criselda.
"Ang patayin ang susi" sabay wika Nina Queen Victoria at Beam na ibinahagi ni Beam ang kanyang natuklasan tungkol Kay Dave.
"Alam kung may paraan pa, kakausapin natin si Dave sa oras na magising ito." Sambit ni Angel.
"Oo nga, Hindi ako naniniwala sa propesiya. Tayo lang ang gumagawa ng kapalaran natin." Dagdag ni Leah.
Ilang sandali pa ay nagising na si Dave at Tila Wala itong maalala.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Dave at biglang umalog ang buong paligid.
"Wait? Anong nangyayari." Pagtataka nitong wika. Ngunit Hindi sumagot Sina Angel bagkus nagkatinginan lang ang tatlo.
"Can someone tell me what's going on?" Naiinis na wika ni Dave. Humakbang si Angel papalapit sakanya at nag wika.
"Sissy, may kwento kami." Paunang wika ni Angel.
"Naka Ali's na ba sila sa isipan mo?" Tanong ni Beam.
At nag kwento na sila sa mga nangyari.
Habang sa Isang syudad kung saan Isang police car ang inatake ng Isang di malamang nilalang.
"Kunin ang mga armas nayan." Wika ng lalaki at mabilis nyang nakuha ang mga baril na naka salubong nilang pulis.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro