EPISODE 04
"Hydrokenisis and Princess undercover"
Sa pagpapatuloy..
Nagising si Beam dahil sa ingay ng katok Mula sa kanyang pintuan. Pupungas-pungas itong bumangon at agad binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya ang Isang lalaki na nakauniporme.
"Miss Sirot?" Sambit ng lalaki at itinuro niya ang isang ginang na agad namang nakilala ni Beam.
"Mom? Anong ginagawa mo dito? Papano mo nahanap?" Hindi na natapos ang sasabihin ni Beam ng makitang nakatali ang kanyang kasamahan sa Bahay.
"Mom? Anong ginagawa mo? Pakawalan mo ang mga kaibigan ko!" Utos ni Beam. Tumayo lang ang ginang at nagsalita.
"You supposed to do something good for us. But what happen? Ayuko sabihan ng ibang tao na your failure." Mahinahong wika ng ginang.
"Yan ang problema ninyo, masyadong mataas ang expectation ninyo saakin. Kelangan ko pa bang ulitin? I don't have any interest sa trono ninyo. I want a normal life like this." Sagot ni Beam nang biglang Hindi sya makagalaw dahil sa mga baging na nakapulupot sa kanyang buong katawan.
Dahan dahang lumapit ang ginang sakanya at nag salita.
"You'll never get this normal life, first your the princess of Novaria. Second, This place is no longer safe for humans and this is because of you. Ilang skin walkers ang nakatakas Mula sa Novaria papunta dito sa Mundo ng mga tao. Your friends can't stop those monsters. Hindi lang skin walkers ang nakatakas noong araw na tumakas sa Novaria. Alam na nang mga taga Novaria na may mga tao na may mga gift pero Anong laban ninyo?" Mahinahong Sabi ng ginang Kay Beam at tumingin ito sa kasamahan ni Beam sa Bahay.
"Let me introduce myself. I am Queen Victoria of Novaria. And my daughter Princess Beatrice Enoch Amelia Margarette, she name after the four queens of Novaria. Anyway, the reason kung bakit kami nandito.
Base sa mga galawan ninyo kanina. Hindi nyo matatalo ang mga skin walkers. And yes marami sila." Pakilala ng ginang sa mga kasamahan ni Beam.
Lumapit si Queen Victoria kay Angel.
"Luminous, gift that can control light energy, force and let me guess you can be invisible.? " Tanong ni Queen Victoria kay Angel at tumango lang ang babae bilang pag sang-ayon. Ngumiti si Victoria at Sabay sabing.
"You can do more" sabay kindat kay angel.
Sunod naman nyang pinuntahan si Leah.
"The empath, can feel emotion to other people, you can heal anything. But except for your own wound. Kaya mong magpagaling sa ibang tao, ngunit walang silbi ang gift mo para sa sarili mo. Sa Novaria, Pathokenisis ang Pinaka importante sa lahat, sila ang aming unang depensa." Wika ni Victoria at lumapit sya kay Dave.
"The clairvoyant, they can see the past and future and alam mo ba? You can travel back to past and future. They said, Clairvoyants are the inheritors of Goddess Dalikamata." Sabi ni Victoria at Sabay kumpas ng kanyang mga kamay. Isa-isa silang kumawala sa mga baging na nakagapos sa kanilang mga katawan kasama na din si Beam.
"So what now?" Sambit ni Beam at may mga dahong naka lutang sa ire nakatutok sa mga gwardiya na kasama ni Victoria.
"Beatrice Enoch Amelia Margarette Hindi ako ang kalaban mo dito!" Sabi ni Queen Victoria.
"Stop calling me that name!" At mabilis na pinatama ni Beam ang mga dahon sa mga gwardiya ni Queen Victoria. May mga gwardiya na nakailag at ang iilan ay tinamaan.
"Ang galing? Parang blade yung mga dahon." Wika ni Dave.
"Literal na parang something eme. Basta nakakaloka. Dapa mga sissy. Baka matamaan Tayo jusko!" Sigaw ni Angel.
"Enough !" Sigaw ni Queen Victoria at ang mga dahon ni Beam ay naging mga bulaklak.
"Hindi ako narito, upang ibalik ka sa Novaria. Kinausap ko ang daddy mo tungkol rito. At pumayag sya. You will stay here!" Dagdag ni Queen Victoria.
Samantala sa Opisina..
Habang kumakain ang Isang babae sa pantry. Nakita nya ang kanyang team leader na nagpahiya sakanya sa production floor kanina. At binati pa sya nito. Yumuko lang ang babae at tinapos ang pagkain.
Aalis na sana ang babae ng hinarangan sya ng kanyang team leader sa pintuan palabas ng pantry sabay bulong.
"If you will not change your attitude I'll make sure that you will lose this job." Banta ng lalaki. Hindi na sumagot ang babae bagkus umalis nalang ito at pumasok sa production floor.
"Hello, Nicole. Kamusta lunch break mo?" Tanong ni Julianne. Ngumiti lang si Nicole at isinuot nya ang kanyang headset at nag log in.
Balik kina Beam..
"Iiwan ko sainyo si Randy. Siya ang magsasanay sainyo. He's one of my best soldier, diba randy?" Ngiting Sabi ni Queen Victoria.
"Annoying kamo!" Mahinang Sabi ni Beam habang nakataas ang kilay. Ngumiti naman ang lalaki sabay kindat sakanya.
"Uy, give me a big boy, give me a big boy.." Biro nina Leah at Angel.
"Beatrice Enoch ~ " Hindi na natapos ang sasabihin ni Dave ng pinandilitan sya ni Beam.
"Tapos kana ba mag Speech mom? Matutulog nako!" Wika ni Beam aalis na sana sya upang makapasok sa kwarto ng hinawakan sya ni Randy.
"Miss Sirot?" Wika ni Randy.
"Bitawan mo ko, please. Naiirita ako sa pagmumukha mo!" Sambit ni Beam at Sabay sarado sa pintuan.
"Parang may something?" Bulong ni Angel Kay Dave.
"Oo nga, baka mag ex?" Sagot naman ni Dave. Biglang sumali sa usapan si Queen Victoria.
"Actually, Oo." Sabay kindat sa dalawa at grabe ang reaction ng dalawa na parang sa mga palabas na shock na shock sa nalaman.
Balik sa Office...
"Wala ka na bang call?" Tanong ni Julianne Kay Nicole.
"Wala na ate." Ngiting Sabi ni Nicole. Nang biglang tinawag si Nicole ng kanyang Team Leader.
"Sandali lang ate ha.." paalam ni Nicole. Si Miss Gemma naman ay lumapit Kay Julianne.
"Nakita mo ba mo sila Angel?" Tanong nito sakanya.
"Ay Miss Gemma. Hindi pa po. Bakit po?" Tanong ni Julianne.
"Wala, I thought absent sila. Day off pala nila." Sabi ni Miss Gemma. At bumalik na ito sakanyang cubicle. Sa kanyang computer binuksan nya ang Isang folder kung saan may mga pangalan.
"Nakuha nila ang gift ni Kendra, bago Kay Madisson. Delikado mga agents ko. I need to do something." Sabi nya sakanyang isipan.
Samantala sa Ospital kung saan naka confined si Madisson.
"Miss Rae may bisita ka." Sabi ng nurse sakanya.
"Si ate beam ba yan?" Tanong nya sa nurse.
"Hindi po ma'am." Sagot ng nurse at Isang lalaki ang pumasok.
"Hello Madisson!" Bati ng lalaki sakanya.
"Sir Mark?" Sambit nya.
Balik ulit office..
Habang abala ang team leader ni Nicole. Pasimpleng ikinumpas ni Nicole ang kanyang kamay at dahan dahang kumulo-kulo ang tubig sa tumbler katabi ng kanyang team leader Hanggang sa sumabog ito. At napasigaw ang lalaki.
Dahil sa aksidente nagkagulo ang mga empleyado sa Opisina.
Hindi nya alam ay napansin sya ni Julianne at Miss Gemma.
Balik sa Bahay...
"Kelangan ninyong mag iingat sa Skin walkers. Kinukuha nya ang mga gifts ng mga mabibiktima nila. At kapag nakuha na nila. Isang malaking delubyo ang mangyayari. Apektado ang lahat. Mundo ng mga tao man o Ang Novaria. " Paalala ni Victoria sakanila bago ito umalis. Napaisip silang apat sa mga gagawing pag hahanda.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro