Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang mga Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Pagsusulat ng Review

Halimbawa ng generic comment: Amazing! I love it! Wala akong masabi, ang galing talaga, sana ma-publish ito at sumikat! Update please! (pwede ito i-apply sa kahit anong libro)

Halimbawa ng specific comment: Natuwa ako sa karakter ni Juan kasi makulit at maloko sya pero napaka-loyal sa mga kaibigan. Mahusay rin ang pagkalarawan mo sa gubat kung saan sila nag-e-ensayo kasi pati huni ng mga ibon at iba't ibang uri ng halaman ay nagawa mong i-describe. (specific siya kung aling parts ang nagustuhan mo at bakit)


***

Guide Questions sa Pagsusulat ng Review (hango sa "How to Critique Fiction" ni Victory Crane)

Technicalities

- Gumamit ba siya ng tamang grammar? Punctuation? Spelling? Anu-ano ang mga mali niya at paano ito i-correct?

- Nahirapan ka ba basahin ang akda dahil sa sobrang daming technical errors?

Content

- Nakuha ba ng unang sentence o paragraph ang atensyon mo?

- Malinaw at kapani-paniwala ba ang plot ng kuwento?

- Tama lang ba ang pacing ng kuwento o masyado mabilis/mabagal ang mga pangyayari?

- Sapat ba ang description ng setting at characters o masyado maraming description na naging boring na ito?

- Gumamit ba siya ng "show" o "tell"?

- Makatotohanan ba ang characters? Sila ba ay stereotypical o one-dimensional characters?

- Naaayon ba sa katauhan ng characters ang dialogue nila?

- Malinaw ba ang point of view na ginamit?

Impact / Personal Insights

- Nagustuhan mo ba ang kuwento bilang mambabasa? Na-entertain ka ba, naapektuhan emotionally, napaisip?

- Anu-ano ang strong points ng akda? Anu-ano ang mga pwede pang ma-improve? Magbigay ng halimbawa ng improvements.


***

Sa FWFC, pinahahalagahan natin ang pagbibigay ng QUALITY FEEDBACK. Lahat tayo ay naghahangad na maging Featured Writer, pero huwag sana natin kaligtaan ang importante rin na tungkulin natin bilang Reviewer.

Hindi kailangang mahaba ang Review at mala-thesis ang lebel; sapat na na talakayin natin ang content, technicalities at impact ng Featured Work, at ihayag ang personal na opinyon natin dito nang may respeto.

Maaari tayong sumulat ng Review gamit ang Tagalog, English o Taglish -- ang mahalaga ay gamitin natin ang lengguwahe na tayo ay pinaka-komportable para maiparating natin nang malinaw ang gusto nating sabihin.

Sa pagkilatis sa Featured Work at sa pagsulat ng mahusay at matapat na Review tungkol dito, hindi lang natin natutulungan ang ating kapwa miyembro kundi nagiging mas mahusay na manunulat din tayo. Nakikita kasi natin ang lakas at kahinaan ng sarili nating mga gawa.

Do your best in writing Reviews, FWFCers. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro