Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Paunang Salita

Kung binabasa mo ngayon ang Paunang Salitang ito, iisa lang ang ibig sabihin, napag-isipan mong bisitahin ang aking akda at ako ay nagagalak. Maligayang pagdating sa mundo ng Buong Lupain! Matapos ang isang taong pamamahinga mula ng mailathala ko ang unang libro ng aking Questing Heirs Trilogy, ako ay nagbabalik para ipagpatuloy ang aking kwento.

Gaya ng nakasulat sa aking blurb, kung ang Tadhana ng Magkapatid ay nakatuon sa magkapatid na Fierro at Costan, ang ikalawang aklat naman ay nakatuon sa bagong henerasyon: Ang mga heredero ni Costan at Ysavel, at kung paano sila makikipagsapalaran sa hamon ng buhay. Ang istorya ay magsisimula ilang buwan pagkatapos ng wakas ng unang libro, konektado ang mga unang kabanata ng Book 2 sa mga huling kabanata ng Book 1, kaya kung di niyo pa nababasa ang unang libro, sa tingin ko mas makabubuti kung babasahin niyo muna ito, para mas maunawaan ang kwento. You can find it on my account @johnmg95, search my works and you'll find the first book entitled Questing Heirs: Tadhana ng Magkapatid. Kung hindi niyo naman ibig na basahin ang unang libro at gusto niyo na agad simulan ang pagbabasa sa ikalawa, ayos lang rin naman, dahil ang mga kabanatang sakop ng Prologo lang naman ang dikit sa unang libro, and afterwards, it will have a story of its own.

Para naman sa dyanra, this story is a Political Drama mixed with Medieval Fantasy, naging inspirasyon ko ang Lord of the Rings ni J.R.R. Tolkien at pati na rin ang A Song of Ice and Fire ni George R.R. Martin na ngayon ay ang hit megaseries na Game of Thrones. Gaya nila gumawa ako ng sariling mundo, relihiyon, tradisyon, paniniwala at pamumuhay na maaaring may pagkakapareho o pagkakaiba sa ating mundo. Aside from Tolkien and Martin, my other inspiration comes from classic authors Alexandre Dumas and Victor Hugo who wrote The Count of Monte Cristo and Les Miserables.Inspirasyon ko man ang mga banyagang manunulat, I'm also proud of my Filipino Heritage at malaking impluwensiya rin ang mga gawa ni Francisco Balagtas at ng ating pamabansang bayaning si Dr. Jose Rizal. My story also owes its existence to their beloved works: Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, El Filibusterismo.

As for the writing style, ang mga unang kabanata ay magsisilbing 'Prologo,' to set the events of the second story in place, pagkatapos it will proceed to the first chapter. Okay, now here's the part na kailangan kong ipaliwanag. Ang bawat kabanata pagkatapos ng prologo will be divided into 5 parts. That's right, 1 Chapter = 5 parts. Ginawa ko ito to give my characters an equal amount of significance. These characters are the eponymous Four Heirs: Covel, Cordelia o mas kilala bilang Saraphine, Yrvin o mas kilala bilang Graison, Ymma o mas kilala bilang Miya and another major character na si Aric. Each of them will have their own part in every single chapter of the story, pero hindi lamang ang Point of View nila ang makikita natin sa bawat kabanata, isasama ko rin ang subplot ng mga supporting characters and villains na related sa kanilang Story Arc. Another thing, hindi rin sequential ang format ng aking kwento, I'll write the order of POV Characters base sa kung sino ang panganay hanggang sa pinakabata so that means na si Covel ang palaging mauuna since dahil siya ang pinakamatanda sa magkakapatid at si Miya naman ang panghuli dahil siya ang pinakabata. Maaaring sabay-sabay na nangyayari ang kanilang mga kwento sa iba't-ibang ibayo o pwede ring mas nauuna ang kaganapan sa bahaging Silangan ng Kontinente kaysa sa Kanluran. Maraming lugar ang sasakupin ng librong ito, mula sa Kanluran, Imperyong Cenpyre at Silangan, so bear with me.

By this rate, wala ng duda na malalagpasan ng Book 2 ang 62 kabanata ng Book 1, this is going to be a big book with a big story and different plotlines kaya sana naman kahit papaano ay mayroong magpatuloy sa pagbabasa at pagsuporta hanggang sa huli, parang pabonus niyo na ito sa aming mga writers na nagsusumikap na makapaghatid ng isang maganda at kaaya-ayang reading experience sa mga mambabasa, pero hindi ko naman kayo pinipilit na tapusin ito, you have your own free will and you have the right to choose which stories you will read. Isa lamang ang pinapangako ko, sisiguraduhin kong kapupulutan ng aral ang aking akda, it tackles some important timely matters na nararapat lamang na basahin at mapagtanto natin. It might seems like another epic fantasy story but it is so much more than that. Iyon lamang, nawa ay masayahan kayo sa kwento at sana'y samahan niyo ang Ang Apat na Heredero sa kanilang pakikipagsapalaran para sa hinahangad na pag-ibig, karunungan, katarungan at karapatan.Hanggang sa muli, at maligayang pagbabasa!

-johnmg95

*****

-Mga Pangunahing Tauhan-

Aric

Isang Panday mula sa Kontinente ng Silangan.

***

Covel

Panganay na Prinsipe at Tagapagmana ng Imperyong Cenpyre.

***

Graison/Yrvin

Bunsong Prinsipe at Tagapagmana ng Imperyong Cenpyre.

***

Miya/Ymma

Bunsong Prinsesa at Tagapagmana ng Imperyong Cenpyre. Prinsesa ng Tribong Myongan.

***

Saraphine/Cordelia

Panganay na Prinsesa at Tagapagmana ng Imperyong Cenpyre. Tagapaglingkod sa Palasyo ng Silangan.

***

Tampok rin si:

Fierro

Mataas na Panginoon ng Imperyong Cenpyre. Ang Panginoon ng Apoy.

Mga Natatanging Tauhan:

Ysavel

Emperatris ng Imperyong Cenpyre.

At:

Costan

Emperador ng Imperyong Cenpyre.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro