Kabanata 5: Saraphine
-Taberna-
Ilang minuto bago sumapit ang ika-walo ng gabi, buhay na buhay na ang taberna sa dami ng kalalakihang naroroon. Ika nga ito ang sinasabi nilang oras kung kailan maraming mahuhuling mga isda sa dagat. Abala ang karamihan sa kanilang mga binayarang babae, may nagaganap na milagro sa bawat munting silid. Maririnig ang ingay ng kanilang pagroromansa, ang pagtalbog ng mga kama, lalo na ang ungol ng mga kababaihan habang sila ay dinidiligan. Sa dami ng tao ngayon, kailangan pang maghintay ng iba na may matapos bago sila ang tumira.
Kasalukuyang nakaupo si Prinsipe Rigo sa may sentro, nakabantay sa kanya ang ilang kawal ng kanyang Ama. Maraming umaali-aligid na mga kalapati sa kanya, ngunit walang ubra sa Prinsipe ang kanilang mga ngiti at kindat. Para bang may hinahanap siya sa mga babae sa taberna.
"Nakita nyo na ba siya, Mahal na Prinsipe?" tanong ng isa sa kanyang mga Kawal.
"Hindi pa, nandito lang siya, nakakasiguro ako," nag-ikot-ikot ang mga mata niya sa mga paligid, sa bawat babaeng puta na masisilayan, ngunit wala pa rin ang tipo niya. Sa kanyang pagsilay, iba ang kanyang nahanap, itinuon niya ang pansin sa lalaking nakabalabal sa may dulo na bahagyang tinatakpan ang mukha.
Tumalikod si Prinsipe Rionne nang mapagtanto niyang namataan siya ng Prinsipe. Hindi maaaring malaman ni Rigo na nandito siya at nagbabantay sa kanyang bawat galaw.
"Hindi pa rin siya napapagod kakasunod sakin," natatawang tugon ni Prinsipe Rigo. Ininom niya ang alak sa tasa, nakaisip siya ng isang ideya nang maubos niya ito. Sumenyas siya sa isa sa mga babaeng tagapaglagay ng alak.
"Bigyan mo pa ko," itinapat niya ang kanyang tasa at ito ay sinalinan ng babae.
"Nakikita mo ang lalaking nakaupo roon?" Itinuro niya ang pwesto ng tiyuhin, "gaano katagal na ba siyang nandito?"
"Mga ilang oras na po, Kamahalan," paglalahad ng babae.
"May ipapagawa ako sa iyo," dumukot si Rigo sa kanyang bulsa at isang maliit na bote ang inabot niya sa tagapaglagay. "Ilagay mo iyan sa iinumin niya."
Pasimple niyang inabutan ng 10 Gintong Silangan ang babae at ito ay mabilis niyang kinuha mula sa likuran, "Masusunod po, Mahal na Prinsipe."
Ilang minuto ang makalipas, lumapit ang nasabing tagapaglagay kay Prinsipe Rionne na kanina pang walang laman ang tasa.
"Alak, gusto nyo pa?" alok niya.
"Sige, salamat," hinayaan niyang punuin ng babae ang kanyang tasa at mabilis niyang tinungga ang alak, habang nakamasid si Prinsipe Rigo at ang kanyang mga kawal.
Makalipas ang ilang saglit, nakaramdam ng pagkahilo si Rionne, nagsimulang dumoble ang kanyang paningin at siya ay napahawak sa kanyang sentido, inaakalang nasobrahan lang siya sa alak. Napayuko siya sa may mesa at tuluyan nang nawalan ng kamalayan.
"Wala ng makakapanggulo sa akin," ikinagalak ni Rigo ang pagtatagumpay ng kanyang plano.
Maya-maya, nagsilabasan ang mga kalapating mabababa ang lipad mula sa silid kung saan sila nagbibihis at nag-aayos. Kabilang sa mga lumabas si Saraphina na lubos na ikinatuwa ni Rigo. Siya ang babaing hinahanap niya mula pa kanina. Taliwas sa mga mapang-akit na kasuotan, siya ay nakasuot lamang ng bestidang may manggas. Kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa mga kasamahan niya sa taberna.
"Sigurado ba kayo na hindi ako hahanapin ni Tiyang Uranna?" tanong ni Pinang sa mga kasama.
"Oo, nandun siya sa kabilang silid, may kakantutan," natatawang saad ng kanyang kasama.
"Sige na at lumabas ka na habang hindi pa sila natatapos," payo ng isa pa niyang kasama.
"Salamat," nagmadali si Pinang patungo sa pintuan nang biglang humarang si Rigo sa kanyang dinaraanan.
"Sandali lang," pagpigil ng Prinsipe. "Nagmamadali ka atang umalis."
"Mahal na Prinsipe," nakangiting yumuko si Pinang sa kanyang presensiya.
"Kanina pa kita hinihintay, sa lahat ng babaeng tinira ko dito sa taberna, sa'yo ako pinakanasarapan."
Bahagyang kinilig si Pinang sa kanyang papuri, "ganoon rin kayo, hindi ko akalaing sobrang galing nyo pala sa pagromansa."
"Medyo nabitin nga lang ako sa ilang oras, bakit di natin paabutin magdamag?" alok niya. "Ikaw at ako lang, buong gabi sa pinakamalaki nyong silid. Anong masasabi mo?"
"Sa susunod na lang, Mahal na Prinsipe," pagtanggi ni Pinang. "Kinakailangan ko na pong umalis."
"Aalis ka na agad? Kasisimula pa lang ng gabi," hindi natinag ang Prinsipe sa kanyang pwesto. "Saan ka ba pupunta?"
"May kikitain lang po ako," ipinaalam ng dalagita.
"Hindi naman siguro siya kasing importante ko?" inakala ng Prinsipe na isang lalaki ang kikitain ng dalagita. "Nasisiguro ko sa'yo kung ano man ang kaya niyang ibigay sa'yo, hihigitan ko."
"Nagkakamali po kayo ng iniisip," sagot ni Pinang.
"Huwag ka munang umalis," hinatak niya ang braso ng dalagita, "dodoblehin ko ang bayad sa'yo, titriplehin ko pa."
"Nasasaktan na ako," hindi na interesado si Pinang sa pera niya, ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay ang pagkikita nila ng kapatid sa may burol. "Bitawan nyo na ko."
"Hindi ka aalis, pag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang at paliligayahin mo ko," namumula na ang pisngi ni Rigo sa kalasingan.
"Sinabing bitawan nyo ko!" napalakas ang tinig ni Pinang at napalingon sa kanila ang ilang kalalakihan at kababaihan sa taberna, napabitaw naman si Prinsipe Rigo sa lakas ng kanyang sigaw.
"Pasensya na at kailangan ko na talagang umalis!"
"Tinatanggihan mo ba ko? Nakakalimutan mo yata na isang Prinsipe ang kausap mo at walang sinuman ang maaaring tumanggi sa kagustuhan ko lalo na ang isang putang katulad mo!"
"Isa akong kalapitang mababa ang lilipad aaminin ko," sinagot ni Pinang ang Prinsipe nang may pagmamalaki, "pero may hangganan ang serbisyo ko at hindi nyo ko magagawang bayaran at angkinin sa oras na tapos na ang trabaho ko."
"Pagsisisihan mo ang pagtanggi mo sa akin," pananakot ni Rigo.
Tinalikuran ni Pinang ang Prinsipe at lumabas siya ng taberna, pinawawalang bahala ang sinabi ni Rigo.
Bahagyang napahiya ang Prinsipe sa nangyari lalo na at maraming nakakita na siya ay inalmahan ng isang babaeng mababa ang lipad. "Hindi niya pwedeng gawin sa akin to."
Pagbalik sa kanyang pwesto, sumenyas si Rigo sa kanyang mga Kawal, tila naunawaan nila ang nais ng Prinsipe at agad silang lumabas ng taberna.
***
Hindi pa nakakalayo si Pinang mula sa taberna nang biglang sumunggab sa kanya ang dalawang kawal.
"Sumunod ka lang kung ayaw mong mapahamak," saad ng isang Kawal habang tapat-tapat ang isang tarak sa kanyang likuran.
Nagulantang si Pinang sa pagbabanta ngunit wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang at naglakad kasama ang mga Kawal. Tinakpan naman ng isang Kawal ang kanyang bibig, nahilo ang dalagita sa kakaibang amoy na nalanghap at siya ay unti-unting nawala sa wisyo.
Suot-suot ang kanyang balabal at makakapal na kasuotan, naglalakad na si Saraphine patungo sa taberna para sunduin ang kapatid gaya ng kanilang napag-usapan. Patawid na siya sa taberna nang makita niya si Pinang na akbay-akbay ng dalawang kawal.
"Ate?" nagulumihanan si Saraphine, itinuon niyang titig rito at nakumpirma niyang si Pinang nga ang hawak nila. "Ate!"
Hindi na narinig ni Pinang ang kapatid sa sobrang pagkahilo at ganoon rin ang dalawang kawal at sila ay sumakay sa isang magarbong karwahe kasama ang dinukot na dalagita.
Anong gagawin nila sa Ate ko?
Hindi na maganda ang kutob ni Saraphine, sinubukan niyang sundan ang karwahe pero alam niyang hindi niya kayang abutan ito. Nagmasid siya sa palagid, humahanap ng paraan paano sila susundan. Namataan niya ang isang kariton na naghahakot ng mga bariles ng alak sa may taberna.
"Manong," pagtawag niya sa matandang nagkakariton, "tulungan nyo po ako, sundan nyo po ang karwaheng yun, nagmamadali lang po ako."
"Pasensya na, hindi kita matutulungan," tumanggi ang matanda, "hindi pampasahero ang kariton ko, gabi na at umuwi ka na."
"May pera ako, babayaran ko kayo," ipinakita niya ang ilang piraso ng Gintong Silangan mula sa kanyang bulsa. "Mahalaga pong masundan ko ang karwahe, nasa panganib ang buhay ng kapatid ko. Pakiusap po."
"Sige, sumakay ka na," nakuha niya ang simpatya ng manong. Pumwesto si Saraphine malapit sa mga bariles at nagsimula nang habulin ng kanyang asno ang karwahe. Maraming pasikot-sikot at eskinitang dinaraan ang karwahe at napagod sa pagsunod ang matanda.
"Pakibilisan lang po," saad ni Saraphine nang mapansin niyang nahuhuli na sila. Pinabilis ng manong ang pagtakbo ng kanyang alaga at patuloy nilang sinundan ang karwahe hanggang sa ito ay nagtungo sa madilim at masukal na bahagi ng bayan, ang kakahoyan.
Anong gagawin nila sa lugar na to? Saan nila dadalhin si Ate?
"Pasensya na," pinatigil na ng matanda ang kanyang asno, "hanggang dito na lang kita matutulungan. Hindi ko kabisado ang kakahoyan at baka maligaw ako."
"Ayos lang po," inabot niya sa matanda ang kanyang bayad, "ako na po ang bahala mula rito."
"Mag-iingat ka at delikado rito lalo na pag gabi," babala ng matanda. "Ito ang lampara"
"Maraming salamat po," kinuha ni Saraphine ang bigay ng matanda.
Lumarga na ang matanda pabalik sa bayan at naiwan siya sa liblib na kakahoyan. Napakadilim rito at ang tanging liwanag na makikita lamang ay ang ilaw mula sa lampara at ang kabilugan ng buwan. Tanda niya noong mga bata pa sila, nagpupunta sila dito ni Pinang ngunit umaga noon hindi gabi. Kung nasaan man ang karwahe, siguradong napag-iwanan na siya nito, gayunpaman hindi siya susuko sa pagsunod. Sinimulan niya ang paglibot sa kakahoyan. Habang siya ay naglalakad, lumipad malapit sa kanya ang isang grupo ng mga paniki. Napahiyaw si Saraphine sa pagkagulat at siya ay nagtago sa likod ng puno.
Ate Pinang, nasaan ka na ba?
***
Sa puso ng kakahoyan, tumigil ang karwahe. Ibinaba ng dalawang Kawal ang walang malay na si Pinang at ihinagis siya sa may damuhan. Bumaba ang isa pang lalaking nakasakay at siya ay naglakad nang dahan-dahan papalapit sa dalagita, pumaibabaw siya rito at hinawakan nang mahigpit ang magkabila nitong kamay.
Hindi nagtagal, nagkamalay na ang dalagita. Natakot si Pinang nang matapagpuan ang sarili sa isang madilim na kakahoyan, pagkatingin niya sa harap, napagtanto niyang mayroong isang lalaking nakapatong sa kanya.
"Sino ka?" Nagigimbal niyang tinanong. "Pakawalan mo ko!".
Lumapit ang dalawang kawal dala-dala ang kanilang mga tanglaw, sapat na ang liwanag nito para masilayan ni Pinang kung sino ang lalaking may bihag sa kanya.
"Ikaw?"
Sumunggab ang lalaki sa leeg niya at pinupog niya ito ng halik.
"Tulong!" hiyaw ni Pinang na nagpadagundong sa bahaging ito ng kakahoyan. "Tulungan nyo ko!"
"Ate!" Nabosesan ni Saraphine ang sigaw ng kapatid at siya ay tumakbo nang walang kasing tulin sa direksyon kung saan niya narinig ang nakapangingilabot na ingay.
"Hayop ka! Bitawan mo ko!" Pilit na nagpupumiglas si Pinang ngunit sa bawat subok niya, bumibira sa kanyang mukha ang mga suntok ng nananamantala.
Pinunit ng lalaki ang bestidang suot ng dalagita mula pantaas hanggang pambaba at nagsimula niyang pagpiyestahan ang katawan nito. Hindi magkamayaw ang pagtili ng kaawa-awang dalagita habang patuloy ang ginagawang paghalay sa kanya.
Walang humpay sa pagtakbo si Saraphine, hanggang ngayon naririnig pa rin niya ang naghihikahos na sigaw ng kapatid.
Parating na ko Ate, ililigtas kita!
Bumibilis ang kabog ng kanyang puso kasabay nang pagpadyak ng kanyang mga paa.
Natapos na ang panggagahasa ng lalaki kay Pinang, natahimik ang dalagita at natulala na lamang siya sa takbo ng mga kaganapan. Bumunot ng tarak mula sa kanyang sintrunan ang lalaki at itinapat ito sa dalagita. Tila nanumbalik ang tamang pag-iisip ni Pinang nang makita ang talas ng patalim.
"Huwag! Huwag! Maawa ka!"
Lalong ikinabahala ni Saraphine ang narinig, hindi na niya inaalintana kung saan siya tumatakbo. Sumabit ang talampakan niya sa nakausling mga ugat at tumama ang kanyang noo sa isang piraso ng bato na ikinawalan niya ng malay. Inulos ng lalaki ang kanyang tarak patungo sa nagmamaka-awang biktima.
***
Nagising si Saraphine sa may batuhan na may putok sa kanyang noo, dumugo ang ulo niya sa tinamo ngunit hindi naman seryoso ang pinsala niya. Hindi niya namalayan kung gaano katagal ba siyang nawalan ng malay. Bumangon siya, kinuha ang lampara at nagpatuloy sa paghahanap.
"Ate Pinang!" pagtawag niya habang iniilawan ng lampara ang paligid. "Nasaan ka?"
Nakarinig siya ng pag-ubo at pagdaing sa kanang bahagi ng kakahoyan.
"Ate Pinang?"
Itinapat niya ang kanyang lampara sa dinaraanan. Bumilog ang berdeng mga mata ni Saraphine sa pangingilabot. Natagpuan na niya ang kanyang Ate Pinang, duguan itong nakahandusay sa may damuhan, hindi kalayuan sa kanya.
"Ate!" agad na nilapitan ni Saraphine si Pinang, pinagmasdan niya ang tinamo nitong pinsala. Bugbog sarado ang kanyang pisngi at lumalabas ang dugo sa kanyang labi. Warak-warak na ang kasuotan niya lalo sa pang-ibaba at halos kita na ang kanyang ari. Ang nakakapanlumo pa sa lahat ay mayroon siyang saksak na nagdulot ng matinding pagdurugo sa kanyang sikmura.
"Saraphine," sambit ni Pinang nang marinig ang kapatid, hinahabol niya ang kanyang hininga. Pilit niyang itinaas ang kanyang kamay at hinawakan ni Saraphine nang mahigpit ang palad ng nag-iisang taong itinuturing niyang pamilya.
"Nandito na ko, Ate," lumuluhang sinabi ni Saraphine na lubhang nahahabag sa kalagayan ng kapatid.
"Makinig ka sa akin," kinuha ni Pinang ang atensyon ng nalulumbay na kapatid, "ang burol...tanda mo ang napag-usapan natin?"
Tumatangis na napatango si Saraphine.
"Ipinangako mo sa akin na pupunta ka ng burol..."
"Pangako Ate," lumingon si Saraphine sa paligid at nagsimula siyang sumigaw. "Tulong! Tulungan nyo kami!"
Umalingawngaw ang tinig niya sa kagubatan, ngunit tanging mga kwago at kulisap na lamang ang nakakarinig sa kanya.
"Huwag na...huli na ang lahat para sa akin... Mayroon akong iniwan doon para sa'yo...gamitin mo para makapagbagong buhay ka."
Sa bawat salita, unti-unti nang nanghihina ang tinig ni Pinang.
"Huwag kang magsalita ng ganyan Ate Pinang. Sabay tayong pupunta ng burol paggaling mo."
Isang ngiti ang pumorma sa naghihikahos na dalagita,"ingatan mo lagi ang iyong sarili...magpakatatag ka kahit wala na ko..."
"Hindi Ate, hindi ka mawawala, hindi ako makakapayag," pilit na itinatanggi ni Saraphine. "Sino ang hayop na gumawa nito sa'yo?"
"Si Prinsipe..." Lalong nahirapan sa paghinga si Pinang, umabot sa sukdulan ang paghihingalo niya, napa-ire siya sa sakit pagkatapos tuluyan na niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang hindi na muling idilat pa at bumitaw na rin ang kanyang kamay kay Saraphine. Hindi na niya nasabi sa kapatid ang pangalan ng taong lumapastangan sa kanya.
Nang mga panahong iyon batid niyang wala na ang kanyang Ate Pinang, walang tinag ang pagtulo ng mga luha ni Saraphine, yumakap at napasandal na lamang siya sa namayapa niyang kapatid, ang huling taong nagparamdam ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya. Siya na lamang ang natitira sa kanya, ngayon ay wala na rin sa kanyang piling.
-Palasyo-
Umuwi si Prinsipe Rigo sa bahay na nanginginig, balisa at hindi mapakali. Namumula pa ang kanyang mga mata na hanggang ngayon ay nanlilisik pa rin.
"Rigo," pagbati ni Reyna Helena sa kanya, "nakauwi ka na pala."
Napansin niya ang kakaibang aura ng Prinsipe na ilang beses na nilang nakita ng Hari.
"Anong nangyari? May problema ba?"
"Wala," giit ni Rigo, "nasobrahan lang ako sa pagliliwaliw ko kanina kaya ngayon medyo may tama pa ko."
May palagay na si Helena kung ano ang tinutukoy niya.
"Tama si Ama, dapat manatili muna ako rito. Hindi muna ako lalabas. Hindi ko na kayo susuwayin."
"Rigo, tandaan mo to," hinaplos ni Helena ang mukha ng anak-anakan. "Kung ano man ang nangyari ngayong gabi, wala kang alam. Inosente ka. Iyan lang ang katototohanang dapat nilang paniwalaan. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka."
Yumakap ang Prinsipe na naiiyak sa kanyang tinuturing na Ina.
-Taberna-
Umaga na nang bumalik ang kamalayan ni Prinsipe Rionne. Sumilaw sa kanya ang sinag ng araw mula sa bintana.
Wala ng tao sa taberna, tanging siya na lamang at ang ilang tagalinis at tagaligpit ng mga kalat.
"Anong oras na?" tanong niya sa lalaking nagwawalis.
"Ika-walo na po ng umaga, Mahal na Prinsipe," sagot nito.
Natandaan niyang huli siyang may malay bago mag-ika-walo ng gabi kahapon.
"Ginigising po namin kayo kanina kaya lang tulog na tulog kayo. Nagtataka nga kami. Nasobrahan po siguro kayo sa alak."
Maging si Rionne ay nagtataka, kahit kailan ay hindi pa siya pinatulog ng kahit anong alak nang ganitong kahimbing, ngayon lang. Hindi niya alam na dahil ito sa pampatulog na pinainom sa kanya ni Prinsipe Rigo.
"Pagpasensyahan nyo ko, aalis na rin ako," saad niya, "may nakakaalam ba sa inyo kung ano oras umalis ang pamangkin ko?"
"Prinsipe Rigo? Ika-walo pa lang ng gabi wala na siya rito," pagbubunyag ng isang katiwala.
Napaisip ang bastardong Prinsipe kung bakit maagang umalis ang nakababatang Prinsipe.
Pumasok ang dalawang dalagitang nagtatrabaho sa taberna bago pa man makalabas si Rionne.
"Ibig sabihin di makakapasok ngayon ang Reyna Uranna ng taberna?"
"Hindi," sagot ng isa, "ikaw ba naman mamatayan ng kapamilya, makakapasok ka pa ba?"
"Grabe ang nangyari kay Pinang, kahapon lang kasama pa natin siya, ngayon malamig na bangkay na. Buhay nga naman."
Napakinggan ni Rionne ang nangyari kay Saraphina. "Anong nangyari? Sino ang namatay?"
Napaurong ang dalawa na para bang natatakot sila sa Prinsipe.
"Huwag kayong mag-alala, hindi ako mananakit. Gusto ko lang malaman sino ang namatay at ano ang ikinamatay niya."
"Yung isa po sa kasamahan namin dito sa taberna, natagpuan ng kapatid niya sa gubat. Hubad-hubad at may saksak. Duda po namin ginahasa bago patayin. Sana makonsensya na ang tunay na may sala at ganoon na rin ang mga pumoprotekta sa kanya."
Tila alam na ni Rionne kung sino ang pinatatamaan ng mga babae. Problemado niyang nilisan ang taberna, hindi masikmura ang nabalitaan.
-Palasyo-
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Prinsipe Rionne, umuwi siya sa Palasyo at hinarap ang Hari sa kanyang trono.
"Rionne," pagbati sa kanya ni Haring Rucaz, "gumapang ka rin pabalik sa puder ko. Pagod ka na ba magmataas?"
"Hindi ako naririto para bumalik," paninindigan niya, "may gusto lang akong ibalita tungkol sa mga kaganapan noong nasa labas pa ang magaling mong anak."
"Maganda ba o masama?" tanong ni Haring Rucaz.
"Kailan pa nagkaroon ng magandang balita tuwing lumalabas si Rigo?"
Nagsimula nang mangamba ang Hari sa pinapahiwatig ng kapatid . "Nangako na si Rigo na mag-aayos na siya...huwag mong sabihing-"
"Ganoon na nga," pagsang-ayon ni Rionne.
Napailing ang Hari at napahawak sa kanyang kunot na noo.
"Ano na ba ang balak mong gawin tungkol rito?" nanggagalaiting tanong ni Rionne.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro