Kabanata 3: Saraphine
-Pandayan-
"Saraphine, ikaw pala," saad ni Aric na halata ang pagkabigla nang makita niya ang dalagita malapit sa kanyang Pandayan.
"Oo, napadaan lang ako at nakita ko yung Pandayan," tugon ni Saraphine.
"Halika sa loob," alok ni Aric habang bitbit-bitbit ang kanyang mga iskrol at mapa, "may aayusin pa naman ako sa Pandayan."
Muli nyang binuksan ang establishamento at una niyang pinapasok sa looban ang dalagita. Pagkapasok sa loob, pinagmasdan ni Saraphine si Aric habang inaayos nito ang ibang mga kagamitang pampanday na naiwan ni Eron kani-kanina lang. Hindi niya magawang sabihin sa binatilyo na kanina pa siya naghihintay sa kanyang pagdating.
"Pasensya ka na at medyo magulo sa loob," nahihiyang sambit ng binatilyo, "ganito talaga lagi sa Pandayan kada magtatapos ang araw."
Napalingon si Aric at napansin niyang tila hindi umiimik si Saraphine at nakatayo lamang siya habang nakatuon ang tingin nito sa kanya. "Ayos ka lang?"
"Oo naman," sabi ni Saraphine.
"Anong masasabi mo sa Pandayan ko?"
"Mainam naman, nakita ko na to kanina-" natigilan ang dalagita nang napagtanto niyang nadulas ang kanyang dila.
"Kanina?" napaisip si Aric. "Huwag mong sabihing kanina ka pa dito?"
Tumango si Saraphine bilang kumpirmasyon sa tanong ng binatilyo.
"Naku po, pasensya ka na," napakamot si Aric sa kanyang ulo, "kanina ka pa pala naghihintay dito, ngayon lang ako nakabalik sa pinuntahan ko."
"Wala yun," saad ni Saraphine, "sabi naman ni Eron may pinuntahan kang importante at hindi naman ako nagsabi na pupunta ako rito."
"Oo, napakahalaga sakin ng lakad ko kanina," pagsang-ayon niya, "kukwento ko sa'yo mamaya. Ikaw, bakit ka nga ba napadaan dito?"
"Di ba ang sabi mo kung kailangan kita puntahan lang kita dito sa Pandayan? Kailangan ko kasi ng makakausap ngayon."
"May problema ba?" tanong ni Aric. Kinuha niya ng mauupuan si Saraphine at sila'y nag-usap malapit sa may mesa.
"Yung tiyahin ko kasi, pinipilit niya kong magtrabaho sa taberna kahit na labag sa kalooban ko," paglalahad ng dalagita.
Napaisip si Aric sa sinabi niya, "ito rin ba ang dahilan kaya ka naroroon malapit sa taberna at hinahabol ng dalawang maton dahil pinipilit ka ng tiyahin mo?"
"Oo," saad ni Saraphine, "gusto nyang magtrabaho ako sa taberna bilang pambayad sa pag-aalaga niya sa amin ng kapatid ko."
"Hindi naman tama yun," tugon ni Aric, "pang-aabuso na ang ginagawa niya sa inyo, kahit ba sabihin nyang malaki ang utang na loob nyo sa kanya, hindi pa rin tama."
"Ganyan rin ang tingin ni Ate Pinang buti na lang at pinagtanggol niya ko kay Tiyang Uranna."
"Pagkatapos anong nangyari?"
"Hinayaan na niya ako, pero alam kong hindi ito ang huling beses na pipilitin niya ako, ilang araw lang susumpungin na naman siya. Kaya ayoko muna manatili sa bahay ngayon, baka nandun na siya. Gusto ko munang lumayo at makalimot."
"Basta ito ang tatandaan mo, kung kailangan nyo ng tulong, nandito lang ako," paninigurado ni Aric. "Tutulong ako sa paraang kaya ko. Walang masamang lumaban sa nakatatanda, basta nasa tama naman kayo, may karapatan kayong tumanggi sa kanya."
"Salamat, Aric, dahil naging kaibigan kita."
Napangiti ang binatilyo sa sinabi ng dalagita. Masaya siya at kahit papaano ay napapagaan niya ang loob nito.
"Ngayong nagkwento na ko sa'yo, gusto ko namang malaman kung ano ang inasikaso mo kanina, sabi ni Eron, para daw sa pangarap mo?"
"Tama siya," saad ni Aric. "Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa pangarap ko."
"Ano bang pangarap mo?" Pag-usisa ni Saraphine.
"Ang maging isang ganap na Kawal."
Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Aric.
Inilatag niya ang mapa ng Buong Lupain at Kasaganaan sa may mesa at ipinakita ito kay Saraphine.
"Tignan mo ang mapang ito," turo niya sa mapa ng Kasaganaan, "naririto ang Sikretong Lupain ng Kasaganaan, ang nawawalang piraso sa mapa ng Buong Lupain, kung saan nagtatago ang mga Tribong Myongan."
May halong pagkamangha at pagtataka si Saraphine sa mga ipinakita ng binatilyo. "Ang mga Myongan? Ano naman ang kinalaman nila sa pangarap mong maging Kawal?"
"Magandang tanong," papuri ni Aric, "magbibigay si Haring Rucaz ng pabuya sa sinumang makatutunton sa kanilang lungga, ang premyo, babasbasan niya ako para maging isang ganap na Kawal."
Hindi mawala ang pagkakunot sa noo ni Saraphine, hindi siya sang-ayon sa plano ng kaibigan.
"Handa mong isuplong ang mga tribo para lang matupad ang pinapangarap mo?" tanong niya.
"Bakit naman hindi? Masasama at mababangis ang mga Myongan, ikinuwento sa akin ng aking Ama kung paano nila muntikang mapatay ang Ama ni Emperador Costan."
Ang Lolo Cresento na madalas ikwento sa amin ni Ama dati.
"Kaaway sila ng Silangan at ng Imperyong Cenpyre, bakit ako maaawa sa kanila? Matagal ko ng pinapangarap to. Mula noong musmos pa lamang ako."
"Bakit mo nga pala pinapangarap na maging kawal, Aric?" muling tanong ni Saraphine. "Mayroon ka namang mapayapang trabaho dito sa Pandayan."
"Marami akong dahilan na maibibigay sa'yo," kalmadong sagot ni Aric, "pero bibigyan kita ng ilan."
Taimtim na nag-aabang si Saraphine sa kanyang mga sagot.
"Noong bata pa lang ako at nasa Palasyo pa kami, palagi kong pinapanood si Ama habang siya ay nagsasanay. Siya ang Kapitan ng mga Kawal ng Emperador. Matapang siya, magiting at magaling makipaglaban. Tiningala ko siya, inidolo. Palagi kong ginagaya kung paano niya hawakan at iugoy ang kanyang espada at sinabi ko sa munti kong kaisipan na balang araw, pag malaki na ko, magiging katulad niya ako. Mula noon, hindi na namatay ang mithiin kong maging isang Kawal. Kung pahihintulutan niya lang sana ako na maging kagaya niya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Tutol siya sa pangarap kong maging Kawal, sabi niya ayaw niyang mapahamak ako pero sa totoo ayaw niya lang na madapa ako gaya ng nangyari sa kanya. Noong gabing nilusob ng taumbayan ang Palasyo, iyon ang unang beses na nakita ko ang takot sa kanyang mga mata, itinakas niya ako at dinala rito sa Silangan. Mula nang araw na iyon, nabuhay na siya sa takot. Hindi niya mapatawad ang sarili niya sa pag-abandona ng kanyang tungkulin, sa Emperador at sa Imperyo."
Muling naalala ni Saraphine ang gabing bumago sa kanilang mga buhay ngunit agad niya itong pilit na nilimot, masyado pa ring sariwa ang sugat na iniwan nito sa kanya kahit na isang dekada na ang nakalipas.
"Sigurado ako, kung buhay pa ang Emperador, mapapatawad niya ang Ama mo, ginawa niya lang ang makakabuti para sa'yo. Kung hindi ka niya tinakas noong gabing yun, baka matagal ka ng patay, baka hindi na tayo nag-uusap ngayon."
Bahagyang napangiti si Aric sa sinabi niya, "siguro nga tama ka. Alam mo may isa pang dahilan kung bakit ko pinanghahawakan ang pangarap kong ito. Isang taong malapit sa akin."
"Sino?" nais malaman ni Saraphine.
"Ang kababata ko," walang paligoy-ligoy na sinabi ni Aric. "Ang Prinsesa ng Imperyong Cenpyre."
Ako?
"Noong mga bata pa kami, palagi kaming naglalaro ng Prinsesa at Kawal sa Palasyo. Siya ang Prinsesa at ako naman ang kanyang Kawal, sa tuwing nililigtas ko siya sa aming mga laro, nakikita ko ang mga ngiti sa kanyang labi at ang paghanga sa kanyang mga mata. Naisip kong kapag naging kawal ako, ganito rin ang igaganti sa akin ng mga tao. Siguro kaya gusto ko talagang maging Kawal dahil yun ang inaasam ko, ang kanilang papuri, paghanga at pagmamahal. Lahat ng iyon tumatak sa isip ko dahil sa mga ngiti ni Prinsesa Cordelia. Kung makikita ko lang sana siyang muli."
Hindi mapakali ang kalooban ni Saraphine sa nalaman niya, para bang sasabog na ang pangnanais niyang ipagtapat ang lahat sa kaibigan na siya ang tinutukoy nito ngunit alam niyang hindi ito maaari.
"Nasaan na siya?" manginig-nginig ang tinig ni Saraphine sa kanyang pagtatanong. Sinusubukan niyang hulihin si Aric kung may alam ba ito sa kanyang pagkatao.
"Wala na siya," pahayag ng binatilyo, "matagal na kaming nagkahiwalay."
"Patay na ba siya?" tanong ulit ni Saraphine, para sa kanya matagal ng patay si Cordelia.
"Hindi," paninindigan ni Aric, pagkatapos, tinignan niya ng diretso sa mata ang dalagita, "buhay siya at sa tingin ko, muli nang nagkalapit ang aming mga landas."
Hinawakan niya ang malambot na palad ni Saraphine.
"Naririto siya ngayon, kapiling ko. Hawak ko ang kanyang kamay," sa mga titig pa lamang ni Aric batid na ni Saraphine na sigurado ito sa kanyang mga sinabi.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," pagtanggi ni Saraphine. Nilayo niya ang kanyang kamay sa palad ni Aric.
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko..." Pagpupumilit ni Aric. "Alam kong ikaw yan."
"Kailangan ko ng umalis," walang pagdadalawang-isip na tumayo ang dalagita sa kanyang kinauupuan.
Ngayong alam na ni Aric ang lahat, kailangan na niyang lumayo sa kanya. Nagtungo siya sa may pinto ngunit siya ay hinarangan ng binatilyo.
"Hindi ka maaaring umalis hanggang hindi mo sinasabi sakin ang totoo," sambit niya.
"Sinabi ko na sa'yo, nagkakamali ka," pagmamatigas ni Saraphine. "Hindi ako ang kababata mo. Ngayon palabasin mo na ako!"
"Nagsisinungaling ka," palagay ni Aric, "nararamdaman ko, natatakot ka na malaman ko ang sikreto mo. Magmaang-maangan ka man, hindi nito mababago ang katotohanan na ikaw ang Prinsesa ng Imperyong Cenpyre."
"Nagkakamali ka!" hindi pa rin bumibigay si Saraphine. "Lumayo ka sa harapan ko nang makauwi na ko!"
"Sige, bahala ka kung gusto mong itago ang sikreto mo basta makinig ka muna sa akin ngayon, ilang araw lang maaaring wala na ako sa Lupaing ito, ipapatawag na kami ng Hari para maglayag patungo sa Sikretong Lupain, posibleng matagalan pa bago kami makabalik. Maaaring ito na ulit ang huli nating pagkikita, maaatim mo bang hindi sabihin sakin ang totoo? Alam kong gusto mo. Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon, sa oras na tumanggi ka pa, bubuksan ko na ang pinto at hahayaan na kitang umalis."
Napaisip si Saraphine sa ibinunyag ni Aric.
Paano kung ito na nga ang huli naming pagkikita? Aric, kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin na itago ito sa'yo pero ito ang nararapat kong gawin.
"Hindi ako ang kaibigan mo," kalmado niyang sinabi.
Wala ng nagawa si Aric kundi buksan ang pinto at hinayaan niyang lumabas si Saraphine. Naglakad papalabas ang dalagita na nagsisisi at nagpipigil ng kanyang mga luha.
"Kung ganoon ito na ang aking paalam," tugon ni Aric, "Cordelia."
Sinadya ng binatilyo na ilakas ang pagkakasabi sa pangalang ito.
Sa isang iglap, napatigil sa paggalaw ang mga paa ng dalagita. Umalingawngaw sa tenga ni Saraphine ang pangalang matagal na niyang hindi naririnig mula sa iba. Tila nagising muli ang katauhang pilit na niyang binabaon sa kailaliman ng kanyang pagkatao. Para bang muling nabuhay ang Prinsesa sa loob niya.
Nilingon niya si Aric na hanggang ngayon ay nakatuon pa rin ang tingin sa kanya, hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha at pati ang bugso ng kanyang damdamin, tumakbo siya pabalik sa binatilyo at isang napakahigpit na yakap ang binigay niya sa kababata. Napangiti si Aric sa pagbabalik ng kaibigan at isinandal niya ang kanyang mukha sa yakap ni Cordelia.
***
Ipinaghanda niya ng makakain si Saraphine at sila'y muling nag-usap sa may mesa.
"Pasensya ka na Aric at nagsinungaling ako sa'yo," ngayon nagagawa na niyang tignan sa mata ang binatilyo, "ayoko lang kasi mapahamak ka. Maaaring malagay sa peligro ang buhay mo ngayong alam mo na ang pagkatao ko. Inaaalala ko lang kaligtasan mo."
"Nauunawaan ko," paninigurado ni Aric, "huwag kang mag-alala sa akin, malakas pa ko sa Leon, kaya ko ang sarili ko. Ligtas ang sikreto mo sa akin."
"Kailan mo pa alam na ako ito?" tanong ni Saraphine.
"Mula nung una tayong nagkita, hindi ka pa rin naman nagbabago, pareho pa rin ang mga mata at mga ngiti mo at hindi ko basta-basta makakalimutan yun."
Napangiti si Saraphine sa sinabi niya, bahagyang namumula ang kanyang mga pisngi.
"Anong nangyari sa inyo? Paano ka ba napadpad sa kinaroroonan mo?"
"Mahabang kwento," Paliwanag ni Saraphine.
"Sige na, ako nga naikwento ko na lahat sa'yo," pagmamalaki ni Aric. "Nasaan si Ate Editha at si Prinsesa Ymma?"
"Hindi ko alam," ito na lang ang maisasagot ng dalagita sa kanya. "Nagkahiwa-hiwalay kami. Noong makarating kami sa Silangan, wala kaming makuhang matutuluyan, nanakawan pa kami, tapos nilusob kami ng dalawang lalaki, naaalala mo yung mga mananamantala sa akin?"
Napatango si Aric.
"Sila yun, nanlaban si Ate Editha habang hawak niya si Ymma, hinabol nila kami patungo sa may bangin, tumatawid na kami pero naabutan nila kami, sa kasamaang palad, nahulog si Ate Editha at ang kapatid ko."
Lalo lamang naluha si Saraphine nang banggitin ang kanyang kapatid
"Iyon na ang huling beses na nakita ko sila. Sa taas ng bangin hindi ko alam kung nakaligtas sila. Dinukot nila ako, binenta sa subasta na parang isang hayop, doon natagpuan ako ni Tiyang Uranna at binili niya ako. Akala ko mamahalin niya ako pero binili niya lang pala ako para alilain at pakinabangan sa taberna pag nagdalaga na ko. Buti na lang nandyan si Ate Pinang, sa kanya nagkaroon ako ng bagong kapatid, minahal niya ko, inalagaan at tinuruan niyang magsalita ng Silangan. Palagi niya akong pinoprotektahan hanggang ngayon. Binago ko ang katauhan ko at doon isinilang si Saraphine."
Natahimik si Aric nang malaman ang nangyari sa kababata. "Grabe pala ang hirap na dinanas mo. Hanga ako sa'yo dahil pinatunayan mong karapat-dapat ka talaga na tawaging Prinsesa. Sa kabila ng lahat, naging matapang at matatag ka."
"Ang lahat ng iyon ay dahil kay Saraphine," saad niya, "matagal nang wala si Cordelia."
"Hindi para sa akin," Sagot ni Aric. "At sa tingin ko hindi lang ikaw ang tagapagmanang nabubuhay ngayon. Sigurado ako nagtatago lang rin si Covel at si Yrvin at si Ymma, malakas ang kutob kong hindi pa yun ang huli para sa kanya. Magkikita pa kayo."
"Talaga?" tanong ni Cordelia, "pero napakabata pa niya."
"May angkin siyang tapang at lakas gaya ng ate niya."
"At ganoon ka rin, Aric."
"Ako pa ba?" Ipinagmalaki ni Aric ang kanyang maskuladong pangangatawan. "Nagbalik na ang Ginintuang Kawal ni Prinsesa Cordelia, anong masasabi ng kamahalan?"
Natawa na lang si Saraphine sa pagbibiro ni Aric. "Matatanda na tayo para maglaro."
"Sakyan mo na lang," atas ni Aric, "alam kong narriyan pa rin si Prinsesa Cordelia."
"Mahal na Kawal, sagipin mo ako," nagsimulang makipaglaro si Saraphine sa kanya,"may matandang mangkukulam na humahabol sa akin. Dadalhin niya ko sa mga halimaw para kainin!"
"Naririto na ko, Mahal na Prinsesa," tumayo si Aric sa kanyang kinauupuan at kinarga niya ang dalagita, "iniligtas na kita, Mahal na Prinsesa."
Hindi napigilan ng dalawa ang kanilang paghalakhak, "para tayong mga baliw!"
Matapos ang kanilang paglalaro napatingin si Saraphine sa mga mata ni Aric habang siya'y karga nito, hinaplos niya ang hawasang mukha ng kababata.
"Aric," malumanay niyang pagtawag, "masayang-masaya ako at nagkita tayo."
"Ako rin, Cordelia," pangsang-ayon ni Aric.
Hindi maipaliwanag ni Saraphine ang kanyang nararamdaman, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng saya mula nang mag-iba ang takbo ng kanyang kapalaran. Pag kasama niya si Aric pakiramdam niya kahit papaano ay naibalik ang dati niyang buhay sa Palasyo at batid niyang ganito rin ang nararamdaman ng kababata. Malaya siyang maging si Cordelia ulit at malaya rin itong maging isang Kawal.
Napasulyap si Aric sa may labi ng dalagita habang nangungusap naman ang mapupungay na mga mata ni Saraphine. Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha. Hindi na nila napigilan ang pagdikit ng kanilang mga labi at isang matamis na halik ang kanilang pinagsaluhan.
Natigilan si Saraphine nang mapagtanto niyang hinahagkan na niya ang dati niyang kaibigan. "Paumanhin."
Bumangon siya sa kanlungan ni Aric ngunit hinatak siya nito pabalik sa kanya. Muling nagkatitigan nang may lagkit ang dalawa, at sa pagkakataong ito wala na silang sinayang na pagkakataon, sinunggaban ng binatilyo ng halik ang dalagita at ito'y nagustuhan niya.
Kinarga niya si Saraphine patungo sa maliit niyang silid sa may pandayan at ihiniga ito sa may kama. Dahan-dahang inalis ni Aric ang damit na suot ng dalagita pagkatapos ay si Saraphine naman ang nagtanggal ng kanyang kasuotan. Naghalikan sila na parang wala ng bukas. Nang tuluyang pumasok ang binatilyo sa kanyang kaloob-looban, kakaiba ang naramdaman ni Saraphine, tumayo ang kanyang balahibo na parang siya ay tinamaan ng kidlat. Sa bawat galaw, halo ang sarap at sakit ngunit mas matimbang ang sarap. Nagustuhan niyang nasa loob niya si Aric at tuluyan na niyang isinuko ang kanyang puri sa kanya. Kung mayroon man siyang pagbibigyan ng kanyang pagkabirhen, ito ay walang iba kundi si Aric. Nagpatuloy ang kanilang pagroromansa sa kasagsagan ng gabi hanggang sa maramdaman ni Saraphine ang init ng kanyang bunga sa kanyang sinapupunan.
Mahingal-hingal pa ang dalawa nang sila'y matapos, humiga si Saraphine sa ibabaw ni Aric at ninamnam niya ang init at aroma ng kanyang katawan. Naging masaya para kay Saraphine ang kanyang unang beses.
"Nasaktan ba kita?" tanong ni Aric.
"Oo, pero hindi ko maipaliwanag, masakit pero nasarapan ako," sagot sa kanya ni Saraphine.
"Ito ang una mo?"
Napatango si Saraphine, "hindi ko alam na ganito pala. Ikaw unang beses mo rin ba?"
"Hindi, sa totoo lang ikaw ang pangatlo ko," pagbubunyag ni Aric.
"Seryoso?" napabangon si Saraphine.
"Labing-anim na taon pa lamang ako noong una ko."
"Teka, trese pa lamang ako nun," kinalkula ng dalagita ang kanilang edad.
"Nagkayayaan lang kami ni Eron sa taberna, siguro mas matanda samin ng ilang taon yung mga babae, pero hindi ko gaano nagustuhan, hindi tulad sa'yo."
Hinagkan niya ulit ng mabilis si Saraphine bago ituloy ang kwento. "Siguro dahil mas masarap makipagtalik kung may nararamdaman ka sa isang tao, kung gagawin mo ito kasama ang isang taong mahalaga sa'yo, sa kanila kasi parang wala lang."
"Mahalaga talaga ako sa'yo?" tanong ni Saraphine na parang naninigurado.
"Syempre naman, ikaw pa lang ang babaeng nagpasaya sa akin ng ganito."
"At ikaw lang rin ang para sa akin. Matanong lang kita, ano ang mas mahalaga sa'yo ngayong magkasama na tayo, ako ba o ang pangarap mo?"
Napabangon si Aric at natagalan bago siya nakaimik, "hindi ba pwede pareho?"
"Kung bukas sinabihan kang aalis na kayo, papayag ka na ba? Iiwan mo ba ako?"
"Hindi ko alam," may bahid ng pagkabagabag sa tinig ni Aric, "sa totoo lang hindi tugma ang panahon. Kung mas nauna lang tayo kaysa sa pagpunta ko sa Kastilyo, ano kaya ang gagawin ko? Nakatali na ko sa Hari ngayon."
"Huwag mo na kong iwan, Aric," napasarap si Saraphine sa paghiga sa dibdib ng binatilyo.
Hinagkan na lang siya ni Aric sa may noo. Bigla siyang nakaisip ng isang ideya.
"Kung sumama ka na kaya sa akin?"
"Hindi pwede," pagtanggi ni Saraphine, "nangako ako kay Ate Pinang na hindi ko siya iiwan."
"Isama mo siya," saad ni Aric.
"Hindi ganung kadali," paliwanag ng dalagita. "Kung huwag ka na kayang tumuloy, narito na naman ako, isa naman ako sa pangarap mo."
"Hindi rin ganung kadali," pag-uulit ni Aric sa kanyang sinabi, "kung pwede lang. Huwag na muna natin tong isipin ngayon. Ang mahalaga lang sakin ay kung ano pa ang mangyayari ngayon."
Pumaibabaw siya ulit kay Saraphine at pinupog ng halik ang kanyang leeg.
"Hindi pa ba tayo tapos maglaro?" Natatawang napahiyaw si Saraphine.
"Hindi pa at wala akong balak tapusin," at muli silang nagtikiman.
***
Kinabukasan, ihinatid na ni Aric pauwi ang dalagita sa kanyang tahanan.
"Masaya ako at nakasama kita kagabi," sabi ni Saraphine. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon."
"Ako rin," saad ni Aric. "Bibisitahin na lang kita rito bukas, hintayin mo ko."
"Sige, hindi ba ko pwede bumisita sa bahay nyo?" tanong ni Saraphine.
"Gusto sana kitang isama sa bahay kaso baka makita ka ni Ama, baka makilala ka niya at alam mo naman na, mahina na ang katawan niya at hindi makakabuti sa kanya ang mabigla."
"Nauunawaan ko," tugon ni Saraphine.
"Balang araw, iuuwi rin kita sa bahay at magsasama tayo," pangako ni Aric. "Sa ngayon ako muna ang bibisita sa'yo, kung may problema puntahan mo lang ako sa Pandayan."
Muling niyakap ni Saraphine ang kaibigan, "mag-iingat ka."
***
Pagkapasok ni Saraphine sa loob, nakaabang na si Pinang sa kanyang kapatid.
"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" may pag-aalalang tanong ni Pinang.
"Galing ako sa Pandayan, kina Aric," saad ni Saraphine.
"Doon ka nagpalipas ng gabi?" usisa ni Pinang na may pagtataka sa kanyang tono. "Kung magkasama kayo buong magdamag, ibig sabihin?"
Napatango si Saraphine na may pamumula sa kanyang pisngi habang nakangiti. Napahawak si Pinang sa kanyang bibig sa pagkagulat pagkatapos siya ay napahiyaw sa tuwa.
"Grabe! Hindi na bata ang kapatid ko! Teka lang, paano nangyari na ganito kabilis? Pinilit ka ba niya?"
"Hindi Ate Pinang, basta na lang nangyari," malumanay na saad ni Saraphine, "ginusto ko at ginusto rin niya."
"Anong masasabi mo?" nag-aabang si Pinang ng sagot.
"Hindi ko maipaliwanag, ang alam ko lang, hindi ko ito makakalimutan, masakit sa una, pero humigit rin ng sarap, para bang naging iisa lang kami."
"Dahil mahal mo siya, maswerte ka at naibigay mo ito sa lalaking iniibig mo," sagot ni Pinang, "samantala ako pinilit lang ako Tiyang Uranna at lagpas sampung taon ang agwat namin ng lalaking una kong nakasiping. Ibig sabihin ba nito magkasintahan na kayo?"
"Hindi namin napag-usapan kung ano kami, pero tingin ko doon na rin papunta," saad ni Saraphine, "ang sabi niya palagi niya akong pupuntahan dito at balang araw magsasama na kami."
"Mukhang yan na yun," sumang-ayon si Pinang, "alam na ba niya kung sino ka talaga?"
"Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang totoo, kaya nga siguro may nangyari sa amin kahapon dahil nalaman niyang ako ang kaibigang palagi rin niyang naaalala."
"Mapalad ka, Saraphine, hindi lahat nakakahanap ng lalaking magmamahal sa kanila, karamihan kasi sa una lang magaling, pagkatapos makuha ang isang bagay sa isang babae, bigla na lang mawawala at maglalaho na parang bula."
Naalala ni Saraphine ang napag-usapan nila ni Aric kagabi tungkol sa posibleng pag-alis nito sa Lupain ng Silangan para tuparin ang kanyang pangarap.
"Sana hindi ganun si Aric," hiling ni Pinang.
"Sana nga," muling nabahala si Saraphine ngunit hindi niya ito pinahalata sa magiliw na kapatid.
***
Kinabukasan, maagang gumising si Saraphine, halos hindi makatulog sa pagkasabik na bumangon sa panibagong araw na makakasama niya si Aric. Naligo siya, nag-ayos ng buhok at nagpahid ng pabango sa kanyang leeg at braso. Nag-abang siya sa may bintana, naghihintay sa pagdating ng lalaking iniirog.
Hindi na ko makapaghintay na makasama siyang muli.
Naghintay ang dalagita, lumipas ang mga minuto, at oras, sumapit ang tanghali, hapon at gabi, ngunit wala siyang nakita ni anino ni Aric. Umuwi na si Saraphina at Uranna sa bahay ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Aric.
"Nagugutom ako, ipaghanda mo ko ng makakain," atas ni Uranna bago siya pumanik sa kanyang silid sa itaas.
Dinedma lamang ng magkapatid ang pagmamando ng kanilang tiyahin.
"Kamusta? Nagkita ba kayo ni Aric?" tanong ni Pinang.
"Hindi siya dumating," may pagkadismayang sinabi ni Saraphine.
"Bakit kaya? Di ba pinangakuan ka niya na pupuntahan ka niya dito?" pagtataka ni Pinang.
"Baka naman marami lang siyang trabaho sa Pandayan kaya hindi siya nakapunta," palagay ni Saraphine. "Hihintayin ko na lang siya bukas."
"Sige, pero paaalalahanan lang kita, hindi dapat pinaghihintay ng lalaki ang babae sa wala," sambit ni Pinang.
Ikinabagabag ni Saraphine ang salitang binitawan ng kapatid.
***
Nagsimula ulit ang panibagong araw, muling nag-ayos ng kanyang sarili si Saraphine at naghintay sa pagdating ni Aric.
"Pupunta siya ngayon, nararamdaman ko," bulong niya sa kanyang sarili.
Sa kanyang pagkadismaya, dumating ulit ang paglipas ng mga oras, ang pagtilaok ng mga manok sa tanghali, ang paglalaro ng mga bata sa hapon, ang pagdaan ng mga Taga-Silangang nagtitinda ng mga lamang dagat, ngunit wala pa rin si Aric. Sa may bintana, naaaninag na ni Saraphine ang unti-unting pagbaba ng Haring Araw, maski ito ay nauna pa kaysa sa kanyang hinihintay.
Kailangan ko na siyang puntahan sa Pandayan.
Nagtungo si Saraphine sa Pandayan gaya ng sinabi ni Aric. Pagkarating niya sa may pinto, napansin niyang nakasarado ito. Kumatok siya, nagbabaka-sakaling bukas ang establishamento. Sa loob, naririnig niya na tila may nagbubulungan. Muli siyang kumatok.
"Aric, nandyan ka ba?" tanong niya.
Natagalan bago siya pagbuksan ng nasa loob. Inaasahan niyang si Aric ang magbubukas ng pinto, pero sa kanyang muling pagkadismaya, si Eron lamang ang kanyang nakita.
"Saraphine, ikaw pala," saad ni Eron na tila pinagpapawisan.
"Magandang hapon, Eron, nandyan ba si Aric?" tanong niya sa Panday. "Ilang araw na kasi kaming hindi nagkikita gusto ko lang siya kamustahin kung maayos lang siya."
"Ah si Aric," para bang napaisip ang binatilyo ng isasagot kay Saraphine. "Ayos naman siya, kaso wala siya dito ngayon...bumili siya ng mga materyales sa pagpapanday."
"Ganun ba? Sige maghihintay na lang ako rito hanggang sa makabalik siya."
"Hindi," napalakas ng bahagya ang tinig ni Eron, "ibig kong sabihin, hindi kasi siya pupunta ng pandayan ngayon, didiretso na siya ng uwi sa bahay, pinagbilin na lang niya sa akin tong Pandayan, kaya kahit hintayin mo siya dito, di na rin siya darating."
"Talaga? Sige, aalis na ko," hindi pa rin kumbinsido si Saraphine sa mga paliwanag ni Eron, "kung sakaling mapadaan siya, pakisabi lang kinakamusta ko siya."
"Makakarating, Saraphine, pasensya na," nahihiyang saad ni Eron.
Naglakad papauwi si Saraphine na dala ang pagdududa at pagkabagabag.
Wala ka nga ba talaga doon o umiiwas ka lang sa akin, Aric?
***
Sa ikatlong araw, hindi na nagdalawang-isip pa si Saraphine, pagkatapos mag-ayos ng kanyang sarili, hindi na siya nag-abang pa sa bintana para kay Aric, nagpasya na siyang magpunta agad sa taberna nang maaga para matyempuhan ito.
Pagkadating niya sa may Pandayan, isang kakaibang senaryo ang bumungad sa kanya. Nakakandado na ng kadena ang buong establishamento at sa paligid nito nakaabang na ang ilang pulutong ng mga Kawal ng mga Hari.
Anong nangyayari rito?
Malapit sa may pulutong ng mga Kawal, naroroon si Eron na naghahakot ng mga kagamitan sa isang sako at sa kabila naman namataan niya si Aric na dala-dala ang isang espada, mga mapa at isang sako sa kanyang likuran na para bang nag-eempake na siya sa pag-alis.
"Aric!" napalakas ang pagtawag niya sa binatilyo at narinig siya ng ilan sa mga kawal na nakapaligid rito, napansin siya ni Aric at ito ay nagpaalam muna sa kausap niyang isang Mataas na Kawal.
Nilapitan niya si Saraphine na walang bahid ng saya o ngiti sa kanyang mukha.
"Saraphine, anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
"Hindi ba dapat ako ang nagatatanong sa'yo, Aric?" usisa ni Saraphine. "Ano ang ibig sabihin nito?"
Hindi magawang tignan ng binatilyo sa mata ang dalagita.
"Saraphine, kailangan nating mag-usap."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro