Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10: Covel

-Kanlungan ng Kanluran-

"Sige na, humayo na kayo. Tandaan nyo, kahit anong oras maaari kayong umuwi basta huwag nyo lang palipasin ang araw," katatapos lamang tipunin ni Haurre ang Kapatiran.

Nanigla ang lahat sa kapahingahang hinandog sa kanila ng Pinuno, wala silang kamalay-malay na ito'y pamamaraan lamang ni Haurre upang mahuli ang hinihinala niyang traydor sa samahan.

Bago umalis ang lahat, pinagsuot sila ng kulay lumot na balabal bilang pag-iingat na hindi sila makilala ng mga Tagapuksa at isa pa para mapadali rin ang gagawing pagmamanman nina Covel, Gavielle at Tukmul.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang lahat at sila ay sabik na lumabas sa Kanlungan ng Kanluran, tila mga ibong nakawala sa kanilang hawla.

Tinapik ni Haurre si Covel, halata pa rin ang kanyang pagkabalisa. Wala pa rin siyang tulog at matamlay pa rin ang kanyang mga mata. "Mag-iingat kayo."

Napatango ang Prinsipe nang may kasiguraduhan bago sila umalis sa kanilang lungga.

-Lupain ng Gremon-

Kasisikat pa lamang ng araw noong lumisan ang lahat, wala pang gaanong tao sapagkat pasimula pa lamang ang panibagong araw. Isang magandang pagkakataon para magmatyag. Mabuti na lamang at nagsuot sila ng makakapal na balabal sapagkat tagos sa buto ang lamig na dala ng hamog sa Kanluran. Mayroon ng mga nakapatrolyang mga Tagapuksa sa bayan ngunit hindi sila hinuhuli ng mga ito dahil hindi naman sila mga maiitim at mapuputla. Sila ay mga ignorante kung sino ang mga miyembro ng Kapatiran.

"Anong plano natin, Kamahalan?" handa na si Tukmul sa kanilang misyon.

Napaisip si Covel ng estratehiya, kailangan nilang maging mabilis ngunit tago at hindi nakikita ninuman. Hindi sila maaaring mabuko ng kahit na sino, dito nakasalalay ang pagtatagumpay ng kanilang misyon.

"Mabuti siguro kung maghi-hiwalay tayo, mas mapapabilis ang pagmamanman natin pag magkakalayo tayo kaysa magkakasama."

"Magandang ideya," pumayag si Gavielle sa mungkahi niya.

Napasiyasat si Covel sa paligid at namataan niya ang isang puwenteng mahinahon ang pag-agos sa hindi kalayuan.

"Sa kanan ako at ikaw naman sa kaliwa," panuto ng Prinsipe. "Magkita na lang tayo dito sa may puwente mamaya."

"Saan naman ako?" pinaalala ni Tukmul ang sarili, sobrang pursigido siya na simulan ang kanilang misyon.

"Pa-Hilaga ka."

"Sige sige, lalarga na ako," nagmadali ang pulubi sa pagtahak sa direksyong ito.

Naglakad na rin si Gavielle patungo sa kanyang patutunguhan. Natigilan si Covel sa kanyang kinatatayuan. Para bang hindi siya mapakali noong nakita niyang naglalakad ang dalaga na nag-iisa.

"Gavy."

Napalingon ang dalaga sa kanya. "Ano yun, Kamahalan?"

"Mag-iingat ka, huwag kang magpapahuli."

"Salamat," bahagyang napangiti ang dalaga sa kanyang pag-alala.

Nagsimula na ang lihim nilang pagmamatyag sa bawat miyembro ng Kapatiran. Mayroong humiwalay sa hanay ngunit marami rin ang nagsama-sama sa kanila. Mga 20% lamang ng Kapatiran ang lumakad ng kanya-kanya. Nag-ingat sina Covel, Gavy at Tukmul sa kanilang pag-iimbestiga. Tinanggal nila ang kanilang mga balabal kahit na maginaw. Hindi sila nagpapahalata na sila ay sumusunod at kinukubli nila ang kanilang mga sarili sa mga pader at kapunuan. Paminsan-minsan naman ay nakikihalo sila sa mga sibilyang dumadaan sa bayan.

Karamihan sa mga humiwalay ay nagtungo sa kanilang mga tahanan upang bisitahin ang kanilang asawa, mga anak at iba pang mahal sa buhay. Ang isang grupo ay nagtungo sa isang pasugalan upang maglaro at ang grupo naman ni Toro ay nagpunta sa taberna.

Pagsapit ng tirik ngunit di-kainitang tanghali, nagbalik si Covel sa may puwente matapos ang kanyang pagmamasid. Lahat ng kanyang binantayan ay di naman kalayuan ang pinuntahan. Ilang saglit lamang nagbalik na rin si Gavy at Tukmul.

"Kamusta ang pagbabantay nyo?" Nakibalita siya sa mga kasama.

"Nagtungo lang ang karamihan sa pasugalan, wala namang kahina-hinala, naglalaro lang sila para mag-aliw," ulat ni Gavielle.

"Ganun din sakin," kumpiyansang binalita ni Tukmul, "yung grupo ni yabang nandoon lang din sa taberna, hindi umaalis."

"May nakahalata ba sa inyo?"

"Wala," nagkasabay ang dalawa sa pagsagot.

"Inisa-isa ko din yung mga humiwalay, nag-uwian lang naman sila sa kanilang bahay, wala naman nagtungo sa direksyon ng Kampo ni Lodell. Mahirap man pero naisa-isa ko na karamihan, pwera na lang kina Jualem, Acho, Buto at Bilbel. Hindi ko sila mahagilap."

"Ayun ang sampu," tinuro ni Tukmul. Gumana na naman ang malalaki niyang mga mata.

Nakilala ni Covel ang dalawang naglalakad. "Si Buto at Bilbel. Anong sampu? Dalawa lang sila."

"Pag tinignan mo para silang 10," katwiran ng palaboy.

"Tara sundan natin?"

"Maghihiwalay ba tayo ulit?"

"Hindi magsama-sama na tayo."

Maingat nilang sinundan ang dalawa sa kanilang paroroonan. Ilang lakaran lamang mula sa puwente, tumigil ang dalawa sa isang parihabang gusali sa may sulok. Tila isang abandonadong establishamento na sa sobrang disporma mapapagkamalan mong guguho na ito sa isang ihip ng hangin. Pumasok ang dalawa nang walang bahid ng takot.

Kahina-hinala.

May pag-iingat na sumunod si Covel at ang mga kasama niya sa loob. Wala namang pintuan kaya madali silang nakapasok. Dahan-dahan nila itong nilibot. Pinagmasdan nila ang looban ng abandonadong gusali. Malawak ito at maraming mga sirang silya at lamesang kahoy. Mayroon ding mga basag na salamin at bote ng alak. Punong-puno na ng mga agiw ang dingding at ang mga kahoy naman ay unti-unti ng nauubos ng mga anay. Hula ni Covel posibleng isang kainan ang lugar ngunit sa dahilang hindi nila alam, ngayon ay maihahalintulad na ito sa magulong bodega.

Maingat na napapatitig si Gavielle sa lumang kisame habang si Tukmul naman ay nangangatog na sa takot. Nabasag ang nakakabinging katahimikan sa loob nang makarinig sila ng ingay mula sa kahoy na sahig. Mga yabag ng paa. Nagtago si Covel at ang dalawa sa likod ng isang sirang mesa. Sumilip sila at nakita nila sina Buto at Bilbel na abala sa pagsisindi ng mga kandila. Yumuko ang dalawa at bumulong, para bang nagdadasal.

Anong ginagawa nila?

Habang sila ay nagmamanman, napausog ng kaunti si Tukmul at di niya namalayan na napatapak na pala siya sa piraso ng silyang kahoy. Natapilok ang lampang palaboy. Nagambala si Buto at Bilbel sa kanilang ginagawa nang marinig ang malakas na galabog sa loob ng gusali. Kinuha nila ang kanilang mga armas.

Agad na hinatak ni Covel at Gavy ang bumagsak na si Tukmul sa kanilang pinagtataguan.

"Sinong nandyan?!" sigaw ni Buto habang nakatutok ang kanyang sibat.

"Lumabas kayo!" Inudyukan sila ni Bilbel.

"Kami to!" Sumulpot si Tukmul mula sa mesa, hindi nagtagal sumunod na ring nagpakita sina Covel at Gavielle.

"Kayo?" nasorpresa ang magkaibigan. "Sinusundan nyo ba kami?"

"Hindi, hindi bakit namin kayo susundan, naglilibot lang kami at nakasalubong kayo," nagmaang-maangan si Tukmul.

"Naglilibot? Sa dinami-rami ng lugar dito pa talaga?" Hindi niya nakuha si Buto sa palusot niya. "Huwag nyo kami lokohin."

"Kamahalan, ano ba talaga ang nangyayari?" tinanong ni Bilbel na naguguluhan.

Hindi makaimik si Covel, hindi niya malaman kung ano ang kanyang isasagot. Taranta pa rin siya dahil sila ay nabuking.

Ano bang sasabihin ko?

"Kung di kayo aamin, baka magkasubukan tayo," mahinahon ang tinig ni Buto ngunit mayroon itong panghahamon.

"Binigyan kami ng Pinuno ng misyon," hindi na nag-atubili pa si Gavielle.

Napatingin si Covel sa dalaga na may pagkabigla, hindi niya inaasahan na ganitong kabilis mapapaamin si Gavielle.

"Anong misyon, ang sundan kami?"

"Pasensya na pero hindi namin pwedeng sabihin, ang masasabi lang namin ay ginagawa namin ito para sa ikabubuti ng Kapatiran."

Binaba na nila ang kanilang mga sandata. Mukhang napaniwala naman ang dalawa sa paliwanag ng dalaga.

"Pasensya na rin kung naabala namin kayo kung ano man tong ginagawa nyo. Ano ba tong lugar na to? Bakit kayo nandito?" Inikot ulit ni Covel ang paningin niya sa paligid.

"Tutal mukhang pinaghihinalaan nyo lang rin kami, bakit di pa natin kwento sa kanila?" Pinagpaalam ni Bilbel kay Buto.

"Tama ng mawala na ang pagdududa nyo sa amin. Nakikita nyo ang mga kandilang yan? Tuwing ganitong araw nagtutungo kami dito upang magbigay pugay sa isang dakilang kaluluwa, sa isang Itmai na malaki ang aming utang na loob."

"Anong nangyari sa kanya?" nais malaman ni Gavy ang kanilang kwento.

"Pinaslang siya at inusig na parang isang hayop, kinuha ang mga ari-arian, pinasara at winasak ang lahat ng mga pag-aari niyang negosyo at establishamento."

"At isa ito sa mga pag-aari niya?" nahulaan ni Covel.

Malungkot na tumango ang dalawa.

"Mahalaga samin ang lugar na ito. Ito ang taberna kung saan kami nagtrabaho noon ni Buto. Ako ang Tagaluto at siya naman ang Tagahain at ligpit. Hindi perpekto ang amo namin, mahilig siyang maglasing at mambabae pero mabuti ang kanyang puso. Siya ang nag-ahon sa amin noong kami ay walang-wala sa buhay. Lagi siyang bukas sa mga nangangailangan, madalas sila nitong patuluyin ng libre sa kanyang mga panuluyan, lalo na ang mga kapus-palad na Itmai. Noong dumating si Lodell sa kapangyarihan, nalason niya ang isipan ng mga Erroiah. Nilusob nila ang taberna, ang panuluyan. Winasak nila ang lahat at wala siyang naisalba. Pagkatapos, walang awa siyang pinaslang ng mga Tagapuksa dahil lamang pinanganak siyang Itmai."

Nagpipigil na lamang ng luha ang dalawa, si Buto naman ang sumunod na nagpahayag ang kanilang sentimiento. "Tanda nyo noong sinabi namin na nakuha namin ang bansag na Bilbel at Buto dahil sa pagtatrabaho namin sa taberna, nagsinungaling kami. Ang totoo napilitan kaming ikubli ang tunay naming mga pangalan bilang pag-iingat. Nakadikit na ang pangalan namin sa aming amo at hindi lamang sila ang pinapaslang nila, pati na rin ang sinumang kumakampi at may kaugnayan sa mga Itmai at Puttlan. Mula noon naglagalag na kami, naging mga tulisan hanggang sa makilala namin si Pinunong Haurre at sumali kami sa Kapatiran."

"Nais naming bigyan ng hustisya ang taong tumulong sa amin ng walang hinihinging kapalit, naiintindihan nyo ba?" tanong sa kanila ni Bilbel.

"Naiintindihan ko," may bahid ng lumbay ang tinig ni Gavielle.

"Hindi ko alam na ganitong kasalimuot pala ang pinagdaanan niyo," sambit ni Covel.

"Sampung taon na ang nakalipas ngayong araw na ito pero sariwa pa rin ang aming sugat. Mabuti na lang at pinalabas tayong lahat ni Pinuno, hindi na namin kailangan magpaalam sa kanya na magtutungo kami rito para mag-alay ng kandila at dasal."

"Ngayon naniniwala na ba kayo na tapat kami sa Kapatiran?" usisa ni Buto na higit nang mas mahinahon kumpara kanina.

"Naniniwala na kami. Hindi nararapat sa inyong amo ang nangyari sa kanya. Pinapangako ko sa inyo, tutulong kami para makamit nyo ang katarungan."

"Maraming salamat, Kamahalan."

"Aminin nyo na kasi na misyon nyo kay Pinuno na sundan kami," hinikayat sila ni Buto. "Wala naman kayo dapat ikatakot samin."

"Napansin namin na wala sa sarili si Pinuno, bakit bigla na lang siya nag-aalangan sa katapatan ng Kapatiran?" may pangambang tinanong ni Bilbel.

Nakapagpasya na ang Prinsipe na umamin sa kanila. "May kinalaman ito sa pagligtas namin kay Donello, noong napalaban siya sa mga Tagapuksa."

"Naisip niya ang posibilidad na baka mayroong isa sa inyo ang nagsuplong sa kanya doon sa may ilog," tinapat na sila ni Gavy.

"Gusto ng Pinuno na bingwitin sa bibig ang traydor," sumingit na rin si Tukmul.

"Kung ganoon, kaisa nyo kami," nagpahayag ng pasuporta si Bilbel.

"Hayaan nyong tulungan namin kayo na hulihin ang traydor kung mayroon man," pagpresinta ni Buto.

"Maraming salamat sa inyong dalawa. Kinakailangan na nating kumilos at magmatyag pa sa iba."

Bago nila lisanin ang abandonadong taberna, napalingon si Buto at Bilbel sa kandilang kanilang iniwan. Nananatiling payapa ang apoy sa kandila.

***

"Sino pa ba ang di nyo namamanmanan?" Inalam ni Buto habang sila ay naglalakad sa bayan.

"Sa pagkakaalala ko si Jualem at si Ancho hindi pa namin nakikita."

"Hindi namin alam kung saan tutungo si Ancho pero si Jualem, may hula na kami kung saan siya posibleng pumunta. Sumunod lang kayo."

Lumayo sila ng bahagya sa bayan at pumunta sa kabahayan ng mga mayayaman at maimpluwensiya sa Kanluran. Gaya ng inaakala ni Buto at Bilbel, naroroon nga si Jualem. Seryoso at taimtim siyang nakatayo sa harap ng isang napakalaking bahay. Ito ay yari sa purong bato, maasul-asul ang kulay nito gaya ng kalangitan tuwing oras ng gabi, maraming palapag at kaunti na lang maikukumpara na ito sa mga kastilyo."

"Napakagarang bahay naman nyan," halos maglaway na si Tukmul sa nakita.

"Hindi yan basta bahay, yan ay isang mansyon," pagtatama ni Buto.

"Sandali, alam ko ang mansyong ito," napagtanto ni Gavy pagkatapos niya itong suriin. "Pag-aari ito ni Don Julueto na isa sa pinakamayaman sa Kanluran sapagkat ang angkan nila ay purong Erroiah."

"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" tanong ni Covel.

"Kilala siya ng aking Ama, muntikan na kami tumira sa bahaging ito ng Gremon pero naisip niyang magpagawa na lang ng mas simpleng tahanan. Anong ginagawa ni Jualem dito?"

Nakadungaw ang binata mula sa bakod, may bahid ng pananabik ang kanyang tingin sa nasabing mansyon. Kasalukuyang nagwawalis sa loob ang isang matandang babaeng katiwala. Napalingon siya sa labas at napatigil siya sa paglilinis nang makita niya si Jualem.

"Jualem, ikaw ba yan?" nakilala niya agad ito, nasubaybayan niya ang paglaki ng binatilyo kasama ang kanyang mga kapatid.

"Kamusta po, Manang Toria?" nahihiyang binati ni Jualem ang katiwala.

"Ayos naman, ikaw kamusta ka?" Pinagmasdan niya ang dating alaga. "Ikaw bata ka, nangayayat ka na."

"Maayos naman po ako, Manang. Wala po kayong dapat ipag-alala."

"Naparito ka ba para makausap ang iyong Ama? Sandali lang at tatawagin ko siya."

"Hindi na po kailangan..." Tumaripas na ng takbo sa pagmamadali si Manang Toria papasok ng mansyon bago pa siya mapigilan ni Jualem.

"Ama niya si Don Julueto?" Ikinamanghang binulong ni Gavy.

"Nasagot na ang tanong nyo," bungad ni Bilbel.

"Galing din pala siya sa mayamang pamilya," nalaman ni Covel na may pagkakapareho rin pala sila ni Jualem.

"Kaso nga lang tinakwil siya ng kanyang pamilya noong sumali siya sa Kapatiran," kwento ni Buto sa kanila. "Inalisan din siya ng lahat ng mana."

"Kawawa naman pala siya," nahabag si Tukmul sa binatilyo.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang Ama niyang si Don Julueto. May edad na ang kanyang Ama, makapal pa ang kanyang buhok ngunit katiting na lang ang hindi puti, may katangkaran din siya at matikas ang postura. Sumenyas ito sa utusan at pinagbuksan nila si Jualem. Lumapit ang lima mula sa bukana at pinakinggan ang kanilang usapan.

"Bakit ka nandito?" wala man lang maririnig na tuwa sa tinig ng kanyang Ama. "Tinatalikuran mo na ba ang buhay na pinili mo? Isusuplong mo na ba ang kapatiran?"

"Hindi po, Ama. Napadaan lang po ako saglit, napag-isipan ko lang tignan ang mansyon. Yun lang po."

Hanggang ngayon naiilang pa rin si Jualem sa tuwing haharap siya sa kanyang Ama. Ilang taon na rin ang nakalipas noong huli silang nagkita.

Napangisi si Don Julueto nang may pag-uuyam sa kanyang sinagot. "Ano pa nga ba ang aasahan ko, kung di kita nakumbinsi dati, talagang wala ng makapipigil sa'yo na lumubog sa kumunoy. Tignan mo ang sarili mo, nangangayayat ka na."

"Kailangang magsakripisyo kaming mga nasa tama," sa pagkakataong ito, tumindig na si Jualem.

"Sakiripisyo, sakripisyo...Noong bata ka pa, mataas ang inaasahan ko sa'yo. Gaya ng mga nakatatanda mong kapatid, ang buong akala ko ay magiging Kawal Erroiah ka rin. Magaling sa pakikipaglaban, pakikidigma at pangangabayo. Hindi ko lubos akalain na nagkakamali ako at bibiguin mo lang ako."

"Tama kayo, binigo ko kayo dahil hindi ko sila tinularan pero ano ba ang ginawa nilang mga bagong Kawal noong sinakop ni Lodell ang Kanluran? Noong isinasagawa niya ang mga walang-awang pagpatay sa mga Itmai at Puttlan? Wala silang ginawa, nagbigay pa sila ng kanilang pagsuporta sa kanya. Tapatin nyo ko, ito ba ang dapat nyong ipagmalaki?"

Napailing si Julueto sa katwiran ng anak.

"Yan ang napapala ng mga nagbababad sa aklat at nagdudunung-dunungan. Kung ano-anong mga baluktot na kaisipan at ideyolohiya ang pumapasok sa kukote mo. Isang malaking kahihiyan ang iniwan mo sa ating angkan sa pag-anib mo sa Kapatiran at pagtatanggol sa mga mikrobyong yan! Nakakasuka!"

"Mga mikrobyo?" Hindi na nakapagtimpi pa si Jualem. "May buhay rin sila, humihinga rin sila ng iisang hangin tulad natin. Kung sila ay mga mikrobyo gaya ng sinasabi nyo, ano ba ang pinagkaiba natin sa kanila?"

"Ayaw ko ng mag-aksaya ng oras sa'yo. Mabuti pa umalis ka na, bago pa magbago ang isip ko at isuplong kita sa Mataas na Panginoon."

Binuksan na ng utusan ang pinto para sa binata. Tinalikuran ni Julueto ang anak.

"Bakit hindi nyo pa rin ginagawa?" natigilan ang kanyang Ama habang nakatalikod. "Ibig sabihin kahit papaano ay may katiting na malasakit pa rin kayo sa akin na inyong anak."

"Matagal ng patay ang anak ko," ito na ang huling sinabi sa kanya ng Ama at siya ay pumasok na sa loob ng mansyon.

Masakit ang mga salitang ito para sa isang anak ngunit sanay na rito si Jualem. Lumabas siyang nakayuko at nalulugmok. Sinundan nila ito at nilubayan noong nalaman nilang tinahak niya ang daan pabalik sa kanilang lungga.

"Ngayon nakakasigurado na tayo na hindi traydor si Jualem," sabi sa kanila ni Covel. "Nasaksihan natin kung paano niya pinagtanggol ang Kapatiran sa kanyang Ama."

"Nanindigan siya sa pinaniniwalaan niya," sagot ni Gavielle. "Hindi iyon magagawa ng isang traydor."

"Naaawa nga lang ako sa kanya dahil di nakikita ng kanyang Ama ang ginagawa niya para sa Kanluran."

Sadya ngang may mga taong mas pipiliing maging bulag kaysa makakita.

"Hanga talaga kami dyan kay Jualem," sabi ni Buto. "Napakabata pa pero napakataas ng paninindigan. Totoo ngang minsan mas mulat pa ang mga kabataan kumpara sa mga nakatatanda."

-Kampo ng Kamatayan-

Wala pa ring pinagbago ang kalunos-lunos na kalagayan sa Kampo ng Kamatayan, habang tumatagal, mas dumarami ang mga bangkay ng mga Itmai at Puttlan, gayunpaman, hindi pa rin nababawasan ang dami ng nakapiit sa kampo sapagkat napapalitan lamang ng mga bagong dating na bilanggo ang mga namamatay sa gutom, hirap at pagod.

Napapaurong sa pangagatog ang mga bilanggo noong makita nilang nagpapatrolya si Wharen na dala-dala ang kanyang paboritong latigo. Noong isang araw lamang marami siyang nahagupit na Puttlan. Hindi niya nagugustuhan na sila ay hihina-hina at malamya sa trabaho kaya naman sila ay nakatikim ng kanyang galit.

Habang naglalakad, nakarinig siya ng pagtatawanan ng mga bata sa loob ng kampo. Tila naiirita siya sa ganitong ingay. Mas nanaisin pa niyang siya ay rindihin ng kalembang. Kahit napakaliit na bagay ay kinaiinisan niya ngayon, kaya maging ang kanyang mga tauhan ay nag-iingat dahil walang makakapagsabi kung ano ang susunod niyang gagawin.

"Nadala na ba ang mga bagong dating na bata sa Silid-Sunugan?" tanong ni Wharen sa mga kasama.

"Hindi pa po, Mataas na Komandante," sagot ng isang Tagalinis.

"Anong hindi? Di ba mahigpit kong bilin na pag may bagong dating na mga bata rito, ligpitin nyo agad! Gawin nyo na ngayon kundi kayo ang susunugin ko."

"Sinabi po kasi ni Komandante Jiaruz na ipagpaliban ang lahat ng aktibidad ngayong araw."

Lalong nanggalaiti ang Mataas na Komandante ng marinig ang pangalan ni Jiaruz

"At bakit mo naman siya sinunod?"

"Kaya po daw ang may sabi, na magpapahinga kayo."

Nilabas ni Wharen ang kanyang latigo sa panggigigil at pinaghahampas ang Tagalinis hanggang sa ito ay mamilipit sa sakit.

***

Pagpasok ni Wharen sa kanyang himpilan, natagpuan niya si Jiaruz na nakaupo sa kanyang pwesto.

"Wharen nandito ka na pala, kanina pa kita hinihintay," nakangiti siyang binati ni Jiaruz. May dala siyang bote ng alak.

"Kung di ba naman talaga makapal ang bungo mo, kulang pa ba na nakuha mo na ang pabor ng Panginoong Lodell, ngayon pati tungkulin ko gusto mo na ring sulutin. Anong karapatan mong pangunahan ako?"

"Kumalma ka muna, alalahanin mo sa ating dalawa iniwan ng Panginoon ang Kanluran, may magandang rason ako kung bakit ko yun nagawa. Hayaan mo munang magpaliwanag ako. Sobra-sobra na ang mga Itmai at Puttlan na napapatay natin, patay doon, paslang dito. Sunog doon, ligpit dito. Nakakaumay din minsan. Masyado na tayong abala sa tungkulin natin, bakit hindi naman tayo magpahinga, magsaya at magpasarap."

Pinunan ni Jiaruz ang isa pang tasa at inalok ito kay Wharen, dinedma niya lamang ito at napahiya siya.

"Hindi ko kailangan ng mga yan, ang gusto ko tumigil ka sa pagmamagaling mo."

"Sabi ko na nga ba. Napansin ko rin na hindi mo ako kinikibo mula noong umalis ang Pinuno, naisip kong baka may galit ka sa akin kaya naisip ko namang bumawi sa'yo. Tumagay tayo, mag-usap. Matagal na tayong magkaibigan, Wharen. Huwag naman sana nating hayaan na masira yun dahil lamang dito. Tigilan na natin itong alitang ito alang-alang sa pagkakaibigan natin."

"Marami akong kaibigan, mga taong sumusunod sa bawat utos ko. Hindi ka kawalan sa akin."

"Ganito naman ang sistema dito sa tungkulin natin. Sinusunod lang nila tayo dahil takot sila sa atin, hindi dahil mga kaibigan natin sila. Takot lamang ang nagpapagana sa kanilang makinarya, alisin mo ang takot sa kanilang mga dibdib at para silang mga asong ulol na mag-uunahan sa paglapa sa atin. Tayong dalawa lamang ang magkaibigan. Wala tayong maaasahang iba."

"Magaling kang manghikayat pero hindi sapat para makuha ako," sagot ni Wharen.

"Ito ba magiging sapat na?"

Sumenyas si Jiaruz at pumasok ang kanyang mga utusan na hatak-hatak ang dalawang magandang babae na umiiyak at nagpupumiglas.

"Sino sila?" hindi pinahalata ni Wharen na siya ay nagulat.

"Kabiyak ng mga bilanggo natin, yung mga nahuli ng tauhan nating nag-aaklas sa ngalan ng manunulat. Nabigo akong makuha ang magandang kapatid ni Donello na sinasabi ko sa'yo, buti na lang sa pagkakataong ito, madali kong nakuha ang mga babae ng kanyang mga tagasunod. Sinabi ko naman sa'yo na babawi ako at magsasaya tayo. Pumili ka ng isang tipo mo."

Isang masamang ngiti ang pumorma sa mukha ni Wharen, pinagmasdan niya ang dalawa at mas napukaw ng kanyang pansin ang mas bata at mas maputi."

"Siya," nakangiti niyang tinuro.

Nagbigay hudyat si Jiaruz at hinatak ng mga tauhan ang napiling babae kay Wharen.

"Nakikiusap po ako sa inyo, maawa po kayo sa akin!" Walang humpay ang pagtangis ng dilag.

"Patawarin mo kami, pero walang saysay ang salitang awa dito sa kampo." Hinanda niya ang kanyang latigo.

Winarak agad ni Wharen ang suot ng babae hanggang sa siya ay mahubaran na, pilit niyang tinatakpan ng kanyang palad ang kanyang suso. Hinubaran na rin ni Jiaruz ang babaeng naiwan sa kanya.

"Tumuwad ka na," mahinahong utos ni Wharen.

"Maawa na po kayo!"

"Pag sinabi kong tumuwad ka, tutuwad ka!" hinambalos ni Wharen ang babae ng kanyang latigo, namilipit ang babae sa sakit kaya naman wala na itong nagawa kundi sumunod na lamang.

Tumuwad na sila at sabay na pinasukan ni Wharen at Jiaruz mula sa likuran.

"May naisip ko," saad ni Jiaruz.

"Ano yun, kaibigan?" tanong ni Wharen.

"Magpustahan tayo, kung sino ang unang lalabasan, magbabayad."

"Gusto ko yan," lalong bumangis ang ngiti ni Wharen.

Sinimulan na nila ang panghahalay sa dalawang babae. Nanggigigil ang dalawa habang tinitira nila ang mga tumatangis na babae. Nakakapangilabot ang pag-ungol nila na puno ng sakit at pagdurusa. Namumula na ang mukha ni Jiaruz na lalo pang bumilis ang pag-arangkada at pagtalbog sa babaeng kanyang kinakantot. Sa sobrang bilis, maging siya ay napapaungol na rin. Si Wharen naman ay dahan-dahan lamang ang pag-atake, hila-hila niya ang buhok ng nakatalikod na babae at sinasabayan niya ng malakas na hampas ng latigo sa pwet ang dalaga na lalong nagpapatili sa kanya.

Wala ng ititigas pa si Jiaruz sa kanyang pagka-agresibo, umabot na siya sa sukdulan, "ahhh...hindi ko na kaya...ayan na...lalabas na...ah."

Matapos niyang maputukan ang babae sa loob, inilabas niya ang kanyang ari na mamasa-masa pa sa kanyang malapot na semilya. Napahiga siya at nawalan ng enerhiya at kailangan niyang mag-ipon ulit ng lakas.

"Talo ka, mahina ka pala, magbayad ka na," pangungutya ni Wharen habang patuloy ang pagtira niya sa babaeng napupuno na ng latay sa katawan at luha sa mga mata.

Naghahabol pa ng hininga si Jiaruz, inabutan niya ng barya si Wharen. Ilang minuto lang, sumabog na rin si Wharen sa looban ng babae.

Walang pasintabing pumasok ang isang Tagapuksa na nagulantang sa nakita ngunit hindi na lamang niya pinahalata sa takot sa Mataas na Komandante.

"Ano yun, di mo ba nakikita na nagsasaya kami?" may pagkayamot na tanong ni Wharen.

"Ibabalita ko lang po sana na nasunod na po ang utos nyo at natupok na po sa Silid-Sunugan ang mga bata sa kampo."

"Magaling," hinihingal pa si Wharen. "Iwan mo na kami."

Bahagya namang sumama ang mukha ni Jiaruz nang marinig ang balita. Ang buong akala niya ay ipinagpaliban muna ang lahat ng gawain sa kampo. Tumayo siya at nagbihis.

"Ano ayaw mo na ba?" pagyayaya ni Wharen. "Isang putok pa."

"Gusto ko pa sana, kaso biglang sumama ang pakiramdam ko. Tsaka na lang muna."

"Sige, pero sakin na tong babae mo," hamon ni Wharen.

"Sige lang, magsawa ka," maging ang tono ni Jiaruz ay nag-iba rin. Parang nanamlay.

Pagkaalis niya, hinatak ni Wharen ang buhok ng isang babae. Tinira niya ng patalikod ang kahabag-habag na dalaga. Isang tusok ng kanyang ari at isang malakas na hagupit ng kanyang latigo sa likod.

-Lupain ng Gremon-

Nagpasya sina Covel na muling balikan ang grupo ng mga kapatiran na kasalukuyang nagsasaya, inuna nila ang grupo ni Toro na nag-iinuman sa may taberna. Tinuro ni Tukmul ang daan patungo sa taberna at sila ay pasimpleng sumilip sa bintana.

"Nasaan sila?" tanong ni Covel.

Inaninag ni Tukmul ang loob ng taberna, dumami na ang tao kumpara kanina kaya nahihirapan siyang hanapin kung nasaan sina Toro.

"Ayun!" Tinuro niya.

Kasalukuyang nagpapakalasing ang pangkat sa isang sulok ng taberna. Nagbubunong-braso sina Toro at Ronis habang sina Nolan at Kamlon naman ay nanonood at may kanya-kanyang pambato.

"Kay Ronis ako, mas lalong lumalakas yan kapag lasing," pusta ni Nolan.

"Basta ako kay Toro pa din, di yan tinawag na Toro para sa wala lang," banat naman ni Kamlon.

Pasuray-suray na sila sa kanilang kinaroroonan.

"Tignan nyo, lamong-lamo na sa alak," saad ni Bilbel

"Tiyak na magagalit si Pinuno sa kanila," napapapalatak si Buto sa inaasal nila.

"Sumuko ka na Toro, alam mo naman sino sa atin ang mananalo." Mamaos-maos na si Ronis sa kalasingan.

"Susuko ako pero sa panaginip mo lang," mapangahas na tugon sa kanya ni Toro.

Lalong umigting ang palakasan ng kanilang mga braso, pareho silang namimilipit at pilit na nangingibabaw. Napahiyaw si Ronis at binigay ang kanyang buong pwersa. Sa huli nagawa niyang ibagsak sa mesa ang braso ni Toro.

"Paano ba yan nanalo ako! Ayaw nyo pang maniwala na mas batak ang may alak!"

Nainis si Toro sa kanyang pagkatalo at tumayo siya sa kanyang upuan. "Aalis na ako, dyan na kayo."

"Sandali lang, Toro, sino aakay dito sa dalawa?" tanong ni Ronis.

"Di ko na problema yun, bahala ka na."

Nagtago ang lima sa may dingding noong lumabas si Toro.

"Sundan natin," utos ni Covel.

Tiniktikan nila si Toro ngunit wala din silang nakitang kahina-hinala sapagkat siya ay dumiretso lamang pauwi sa kanilang kuta gaya ng sinabi niya.

"Tingin ko hindi sila ang traydor," pinagpalagay ni Gavielle, "kung may binabalak sila na puntahan si Lodell, hindi sila magpapakalasing ng ganito."

"Hindi pa rin tayo maaaring makasigurado, iba ang kutob ko kay Toro, kung mayroon mang magtataksil sa Kapatiran siya ang una kong paghihinalaan."

Sa lahat ng binantayan ng Prinsipe, dito siya kay Toro hindi mapakali.

"Prinsipe Covel alam namin mayroon kayong di pagkakaunawaan ni Toro pero sinasabi namin sa inyo, hindi masusukat ang katapatan niya kay Pinuno," sagot ni Bilbel.

"Parang siguradong-sigurado kayo sa mga sinasabi nyo," sambit ni Gavy.

"Syempre naman, yang apat na yan mas nauna pa nga sa amin yan," binunyag ni Buto.

"Kaanak sila ng mga dating Kawal na kasama ni Pinuno sa pagtatag ng Kapatiran, noong nasawi sila, nagpasya ang Pinuno na sila ang magpapatuloy ng kanilang sinimulan. Mula pagkabata sinanay na niya sila. Parang anak na sila ng Pinuno."

"Kaya napakalabo ng tsansa na sila ay magtaksil, buong buhay nila pakikipaglaban at prinsipyo ng samahan ang nalalaman nila. Si Ronis nga kaya naging lasenggero para naman daw kahit papaano ay makapaglibang siya."

"Mabuting tao naman din si Toro, mainitin nga lang ang ulo talaga, isang bagay na hindi naalis sa kanya ni Haurre."

Matagal na niyang pinakita sa akin ang pagiging barumbado niya...hanggang ngayon nahihirapan akong bigay ang tiwala ko sa kanya.

***

Nagpatuloy ang lima sa pag-iimbestiga sa iba ngunit wala silang napansin na kakaiba sa mga kinikilos nila. Karamihan sa kanila ay umuuwi din sa oras na matapos na ang kanilang lakad.

"Lahat ay nabantayan na natin, pwera na lang kay..."

"Nakita ko si Ancho," pinaalam ni Gavielle.

Kasalukuyang tinatahak ng binatilyo ang makipot na daan sa maliliit na kabahayan. Nagmadali sila sa pagsunod sa kanya dahil may kabilisan siya sa paglalakad.

"Nakakapagod naman!" nagreklamo na si Tukmul.

"Tukmul shhh," sinaway siya ni Gavielle. "Huwag maingay."

"Patawad," pabulong na sinabi ng palaboy.

"Ito namang si Ancho, ano ang masasabi nyo sa kanya?" pabulong na inusisa ni Covel.

"Wala kaming masasabi dyan kay Ancho, parang si Jualem rin siya...mabait at...tahimik lang," hinihingal na din ang matabang si Bilbel sa pagsunod.

"Maaasahan din, kung siya ang traydor gagawin ba siyang utusan at tagapamahala ng pera ni Pinuno?"

"Ni minsan ba hindi siya pumalya sa paghawak ng mga gastusin?"

"Ni minsan hindi talaga," walang bahid ng pagdududa sa tono ni Buto.

"Sa buhay niya may alam kayo?" Tanong ni Gavielle.

"Sabi niya lang samin may sakit ang tiyahin niya kaya napapadalas ang pagbisita niya rito."

"Baka naman doon siya pupunta?" palagay ni Covel. "Bilisan natin, mabilis siya."

Pumasok si Ancho sa isang makipot na bahay na bato, sa lugar ng mga kapus-palad sa Gremon. Sumilip ang lima sa bintana, hindi nila maaninag sa maliit na sala si Ancho.

Maya-maya lumabas siya na inaalalayan ang isang matandang babae patungo sa kanyang kama. Pinaghanda niya ito ng maiinom, at pinahigop ng mangkok ng sabaw.

Malamang ito nga ang tiyahin niya.

"Kawawa naman, naalala ko tuloy yung Lola ko," nahahabag na binulong ni Tukmul.

"Tara na at huwag na natin siyang abalahin, " nagpasya si Covel na lubayan na ito.

Naglalakad na sila paplayo nang biglang bumukas ang pinto. "Aalis na agad kayo?"

Napalingon ang lima sa pagkamangha. Hindi nila lubos akalain na tatawagin sila ni Ancho.

"Nagulat kayo no? Nakutuban ko na agad kayo kanina. Natutunan ko kay Pinuno na magkaroon ng mata sa likod at maging alisto kung may sumusunod sa'yo. Bakit nyo ko sinusundan?

"Wala," giit ni Gavielle, "masama bang maging tsismosa kahit minsan lang? Namamasyal lang kami, nakita ka namin kaya tinignan lang namin kung ano ang gagawin mo, masama ba?"

"Hindi naman, pero masama ang magsinungaling," nakangiting binalik ni Ancho sa kanya.

Natahimik si Gavielle, napagtanto niyang nagbulaan nga siya.

"Ancho siya ba ang tiyahin mo?"

"Oo, dinalaw ko lang at kinamusta."

"Ano bang sakit niya?" Muling inusisa ng Prinsipe.

"Paminsan-minsan ay nababaldado at namamanhid ang katawan. Bigla na lang nahihilo at nawawalan ng gana sa pagkain, buti ngayon medyo maayos siya."

"Hindi ko maintindihan, maysakit ang tiyahin mo pero hindi mo siya kasama, bakit nasa kapatiran ka kaysa dito sa tabi niya?"

"Dahil siya ang may gusto nito," direktang tinugunan ni Ancho ang kanyang tanong. "Ilang ulit ko ng sinubukan na magpaalam sa Kapatiran nang sa ganoon ay maalagaan ko siya ngunit siya ang nagpupumilit na ipagpatuloy ko ang paglaban para sa katarungan. Naniniwala siya na balang araw manunumbalik ang kaayusan at kabutihan sa Lupaing ito, gusto ko man magbitiw sa Kapatiran, hindi ko magawa, hindi ko siya kayang biguin. Utang ko sa kanya ang lahat, siya na ang nagpalaki sa akin noong naulila ako."

Nadala ang lahat sa kwento ni Ancho, lalo na si Covel. Kahit papaano ay nagagalak siya dahil may mga tao pa rin na nangangarap ng isang mapayapa at mabuting mundo.

"Nauunawaan na namin, maswerte siya dahil may pamangkin siyang kagaya mo."

"Ganoon di naman ako sa kanya. Paano babalik na ko sa taguan, baka gusto nyo sumabay na kayo?"

Napagtanto ni Covel na si Ancho na ang huli nilang iimbestigahan, napapaisip siya kung dapat na ba silang umuwi ngunit sa huli napilitan na rin siyang sumama pabalik sa kanilang kuta. Lumubog na ang araw at sasapit na ang gabi. Mabilis naman nilang narating ang kanilang taguan.

"Sige na Ancho, mauna ka na muna, may pag-uusapan lang kami."

Nang makaalis na si Ancho, nag-usap-usap na ang lima sa labas ng kanilang taguan.

"Tagumpay ang ating misyon!" Napatalon si Tukmul sa tuwa.

"Kaya nga, dapat tayong magbunyi dahil walang taksil sa samahan," maligayang sambit ni Buto.

"Tiyak na matutuwa ang Pinuno."

Si Covel naman ay nananatiling tahimik at tila malalim ang iniisip.

"Ayos ka lang, Kamahalan?" tanong ni Gavielle. "Hindi ka ba masaya na tagumpay ang misyon natin?"

"Hindi ko alam Gavy, dapat maging masaya ako dahil napatunayan nating walang espiya ang kaaway pero bakit nag-aalangan ako? Parang nararamdaman ko na rin ang pagkabahala ni Pinuno. Sapat na ba ang nagawa natin? Parang hindi ako kuntento, baka kailangan natin magmatyag ulit."

"Naku, huwag na, inaantok na ako." Napahikab na si Tukmul.

"Pero paano kung may nakalusot sa atin?"

"Mahal na Prinsipe, makinig ka sa amin, ganito kasi yan. Lahat tayo dito mga pugante, pati na si Pinuno. Matagal-tagal na kaming nagtatago. Sa buhay na pinasok natin, talagang darating ang araw na mamumuhay tayo sa takot at pangamba, walang kasiguraduhan ang bukas sa mga inuusig na tulad natin. Hindi natin masisisi si Pinuno o ang ating mga sarili kung minsan ay nakakaramdam tayo ng takot kahit wala naman talagang dapat ikabahala. Natural lang yun."

Nakuha naman rin ni Covel ang ipinupunto ni Buto.

"Nasa isip mo lang yan, Kamahalan," sinigurado sa kanya ni Bilbel.

"Covel, apat na kaming nagsasabi sa'yo, wala kaming napansing kasuspe-suspetsa sa kanila." Pahayag ni Gavielle. "Ginawa na natin ang ating makakaya."

Napahinga ng malalim si Covel. "Siguro nga tama kayo. Halika na, samahan nyo na lang ako mamaya, sasabihin natin ang magandang balita sa Pinuno."

-Kanlungan ng Kanluran-

Pagpasok nila ay agad na sumalubong si Itoi kay Covel.

"Kulev!"

Kinalong ni Covel ang kapatid. Para bang napawi na agad ang pagod niya sa yakap nito.

"Mukhang napakasigla mo ngayon, ano ba ginawa mo habang wala kami?"

"Nakipaglaro lang Itoi kay Pinuno, kay Kuya Jualem pati rin Kuya Toro," matawa-tawang kinwento ng bata sa kanya.

"Nakalaro mo si Toro?"

"Opo, bait din pala siya, nung una ayaw laro kay Itoi pero napapayag din siya. Naglaro kami ng taguan, hindi nila agad nahanap Itoi, galing kasi tago."

"Aba magaling!" Ginulo niya aa panggigigil ang buhok ni Itoi sa ulo.

"Mabuti na lang at nandito si Itoi, kahit papaano ay napagaan niya ang loob ko." Lumabas si Haurre na higit ng mas maayos ang aura kumpara kanina. "Kamusta ang lakad niyo?"

"Maayos naman po, Pinuno, sandali lang at tatawagin ko sila para mapag-usapan natin."

Hinanap ni Covel ang apat na kasama. "Tara na at-"

Natagpuan niya sina Gavielle, Tukmul, Bilbel at Buto na nakasandal sa isang tolda. Lahat sila ay tulog na, malamang napagod sa naging lakad nila.

Napangiti na lamang si Covel, hindi na niya ginising ang mga kasama. Nilagyan ni Itoi ng kumot ang apat at sumenyas sa kanyang Kulev na huwag itong maingay.

***

Pagsapit ng gabi noong tulog na ang lahat, nagpulong si Haurre at Covel sa kanyang tolda.

"Sigurado ba kayo na walang nakahalata sa ginawa nyong pagmamanman kanina?"

"Pwera po kina Ancho, Buto at Bilbel na napatunayan naming tapat sa kapatiran, wala na. Nagtungo lamang sa kani-kanilang mga pamilya ang nagsarili ng lakad. Ang mga pangkat naman ay nagsugal at nag-inom lamang sa taberna. Wala po kaming napansin na may kakaibang kinikilos o may kinausap na kahina-hinalang tao."

"Sa Kampo ng Kamatayan?" may pagdududa pa rin sa mga tanong ng Pinuno. "Wala bang nagtungo malapit doon?"

"Wala po, Pinuno. Malinis silang lahat. Noong una nga ay nag-aalangan din ako, pero ngayon malinaw na rin sa akin. Mabubuti silang tao, bawat isa sa kanila."

Napasandal si Haurre sa kanyang upuan at nagpakawala ng bugtong-hininga, muling nanumbalik ang kanyang pamomroblema.

"Nangangahulugan lamang na nagkamali ako. Nagpadala ako sa takot. Hindi ko dapat sila pinaghinalaan. Para ko na silang pamilya at pinag-isipan ko sila ng masama. Ano pang mukha ang maihaharap ko sa kanila ngayon?"

"Pinuno, wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ninyo, lahat ng ito para lang din sa kapakanan ng Kapatiran. Kung malaman man ng lahat ang tungkol dito, alam kong mauunawaan ka nila."

"Salamat, Kamahalan. Ngayong nakakasiguro na tayo, mabuting isarado na natin ang kasong ito. Walang traydor sa Kanlungan ng Kanluran."

-Kampo ng Kamatayan-

Iniwan ni Wharen ang kanyang himpilan na duguan. Nagkalat ang nagtalsikang dugo sa apat na sulok ng mga dingding. Sa sahig, punong-puno ng latay ng latigo ang dalawang nakahubad na babae. Sila ay naliligo sa sariling dugo na umaagos mula sa kanilang nilaslas na leeg. Nagawa na ni Wharen ang lahat ng gusto niya sa kanila, wala na silang pakinabang sa kanya ngayon, kaya naman dinispatsa na niya ang mga ito.

Pinunasan niya ang mga tumalsik na dugo sa kanyang pisngi at pati na rin ang tarak na ginamit niya sa pagpatay sa kanila, pagkatapos siya ay humiga na upang matulog. Lumipas ang ilang oras ngunit hindi pa rin siya nakakatulog, tila hindi siya pinatatahimik ng isang pangyayari na palagi niyang nagugunita.

Noong araw ng pagbitay kay Donello sa Plaza Gremo, abala si Wharen sa pag-aasikaso sa kanyang hanay upang masiguro ang seguridad sa Plaza.

Isang Komandante ang lumapit kay Wharen, ang parehong Komandante na namuno sa paghuli kay Pinunong Haurre noong araw na iyon.

"Mataas na Komandante, mayroon akong mahalagang bagay na ipapaalam sa inyo."

"Hindi ba makakapaghintay yan? Abala ako sa pamumuno ng gagawing palabas mamaya."

"Nanaisin mo itong marinig ngayon mismo. Tungkol ito kay Haurre at sa mga Kapatiran."

Natigilan si Wharen sa narinig. "Anong tungkol sa kanila?"

"Napag-alaman kong mayroon balak ang Kapatiran na itakas ang ating bilanggo at kikitain nila si Pinunong Haurre sa may ilog kung saan walang nakabantay sa kanila."

"Paano mo naman nalaman yan?"

"Nakalap ko ang impormasyong ito kanina lamang. May isang lalaking lumapit sa akin, sinabing siya'y diumano'y kasapi ng Kapatiran."

Hindi pa rin buo ang tiwala niya sa balitang ito.

"Nakakasiguro ka bang totoo ang sinabi niya? Baka naman nanloloko lang yan, alam mo namang maraming naghahangad sa pabuyang nakapatong sa ulo ni Haurre."

"Pinakita niya ang kanyang marka, totoo talagang miyembro siya ng Kapatiran."

"Biruin mo nga naman," napangiti si Wharen sa kompirmasyong ito, "mayroon din palang traydor na magkakanulo sa kapatiran. Nagpakilala ba siya?"

"Hindi siya nagpakilala, may pagkamisteryoso ang isang ito, basta ang hinihingi niya lang ay ang pabuya."

"Makukuha niya ito sa oras na nahuli na natin si Haurre. Magandang balita ito, siguradong matutuwa ang Mataas na Panginoon, kailangan natin siyang sorpresahin!"

"Anong binabalak mong gawin?"

"Magsama ka ng mga tauhan mo, mag-abang na kayo ng patago sa may ilog at paligiran nyo si Haurre, siguraduhin nyong di siya makakatakas. Huwag nyo siyang papatayin, dapat madala ko siya kay Lodell ng buhay!"

"Makakaasa ka, Mataas na Komandante, mahuhuli na namin si Haurre sa aming bitag."

Sa kabila ng lahat ng kanilang paghahanda, naisahan pa rin sila ni Haurre at napatay niya ang Komandante at ang lahat ng mga tauhan nito.

Isang palaisipan ang patuloy na umiikot sa isipan ni Wharen. "Sino ka bang traydor ka? kailangang mahanap na kita sa lalong madaling panahon!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro