Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: X Marks the Spot

AIDEN

HINDI AKO sanay na wala si Harriet sa paningin ko. Kahit pinagpapalo niya ako noon ng singlestick at kahit puro pang-iinsulto ang inabot ko, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya. Bilang kaibigan, kahit hindi mutual ang feeling.

Kaya nga mararamdamang kulang ang Team WHAM dahil wala siya. Ewan ko ba kay Morrie kung bakit gusto niyang ituloy ang activities kahit tatlo lang kami. Wala namang kibo si Mina. Hindi ko tuloy mabasa kung payag siya o tutol sa desisyon ng acting leader namin.

One thing's for sure: We might be at a disadvantage in the next task. Kundi sana dahil sa malaking aso na humabol sa amin kanina pati na ang butas kung saan nahulog kami ni Harriet, malamang ay nakahabol kami.

Tuwang-tuwa ang ilang miyembro ng dalawang team dahil wala ang tumatayong leader namin. They would take advantage of this situation para mapag-iwanan kami sa games. But I trust that Morrie, being the substitute leader, wouldn't allow that to happen. Kapag ipinatalo niya kami, malamang makakatikim siya ng singlestick ni Harriet.

Ipinatawag kami ni Professor Dred sa labas ng cabin at ipinaglupong base sa team namin. Puno ng energy ang Team Quattro (sina Sherry, Matthew, Joanna at Andre) habang tahimik namang nakamasid ang Team Crux (sina Locke, Faye, Sean at Jacquelyn) sa amin.

Kahit wala pang trashtalk-an na nagaganap, ramdam ko na ang pagiging competitive ng bawat team. They may be smiling at us, but deep inside, I could feel that they wanted to smash our hopes of victory.

May the best group win this round.

"Good afternoon!" bati ni Sir Dred, hawak-hawak ang ilang piraso ng papel. "Kung ang unang challenge kanina ay pabilisan sa pagpunta rito, ngayon nama'y susubukan natin ang galing n'yo sa treasure hunting!"

Tila na-excite ang lahat sa susunod na challenge. Ewan kung madi-disappoint ako dahil in-expect kong more on deduction showdown ang mga game.

"Bibigyan ko kayo ng magkakaibang bugtong," sabi ni sir habang ipinamimigay ang hawak niya. "Magkakaiba ang mga sagot diyan kaya kung susubukan n'yong mandaya, hindi kayo magtatagumpay."

Kinuha ni Morrie ang clue para sa amin. I peered over his shoulder upang makita kung ano ang nakasulat na bugtong doon.

I have bark, but can't wag my tail.
You can find me where most people trail.

Others may reward you a fruit for your labor.
But expect nothing from me at this hour.

Have feast with my shadow at three.
Don't forget to share your spoon with me."

"When you find what needs to be found, ituturo kayo nito sa susunod na lugar ng challenge," paliwanag ni Sir Dred. "Understood?"

"Yes, sir."

"Treasure hunting ang challenge na 'to kaya dapat handa kayo!" Itinuro ng instructor namin ang cabin sa kanyang kaliwa. "Meron tayong mga gamit na pwede n'yong dalhin sa inyong misyon. You can bring as many as items as you can. I will give you five minutes to choose."

Nagsitakbuhan ang lahat sa loob at pinagdadampot kung ano ang una nilang makita. Siyempre, hindi ako nagpatalo sa kanila! I picked up three bottles of mineral water and threw two of them at Mina and Morrie. Aksidenteng natamaan sa ulo ang kasama kong Moriartian dahil hindi niya nasalo ang bote.

"Ano pa bang pwede nating dalhin?" tanong ko sabay kuha ng isang pala. Sabi nga ni prof, treasure hunting ang game kaya mabuti nang may ganitong gamit kami. Pwede rin kasi itong pamalo sakaling may humabol ulit na aso sa amin.

Mina picked the remaining compass on the table while Morrie inspected a grenade-looking item.

"Hindi naman siguro pampasabog 'yan, tama?" tanong ko habang isinusuot ang nakita kong digital watch. Sandaling nabaling ang tingin ko sa kanya na mabusising sinusuri 'yon. "This is just some sort of game after all."

"We are not sure about that." Without saying any word of caution, Morrie pulled the pin of the grenade and pressed the lever. Lumikha ito ng nakakangilong tunog na nagpasakit sa tenga ko. Lahat ng mga nasa cabin, napatakip ng tenga.

Pasalamat kami dahil muling pinindot ni Morrie ang lever at huminto na ang nakabibinging tunog. But my ears were still ringing.

"Why?" tanong ni Mina. Hindi man niya kinumpleto ang gusto niyang sabihin, tinatanong niya siguro kung bakit kasama sa pagpipilian ang isang pampabinging bagay.

"Baka random item ang ilan na nandito sa mesa?" sabi ko. "Baka naglagay rin sila ng mga walang kwentang bagay para i-test kung mapipili natin ang mga essential lang?"

"In any case, we should bring one of these. Might prove to be useful along the way." Ipinabulsa sa akin ni Morrie ang isa sa mga sonic grenade bago siya lumabas ng cabin.

Si Mina naman, kumuha ng isang kulay pulang yarn. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit 'yon ang pinili niya, but she might feel insulted by my question. After all, she wouldn't pick something that had no use or whatever. Magtitiwala ako sa judgment nila.

Sa labas, naka-ready na ang ibang teams pati na si Sir Dred. Excited na silang simulan ang challenge. Pagdating sa manpower, dehado kaming Team WHAM. Ngunit pagdating naman siguro sa utak, halos kapantay o mas lamang kami sa mga kalaban.

"Are you ready? Let the second challenge begin!" Nagpaputok ng baril na may blangkong bala si Sir Dred sa taas, hudyat na simula na ng labanan.

Naghiwa-hiwalay na ng landas ang bawat team. Dumiretso kami sa timog habang sa silangan at hilaga nagtungo ang mga kalaban namin.

"Hindi na siguro tayo mahihirapang mag-navigate dahil may compass na tayo!" komento ko habang dinadaanan namin ang mga puno ng mangga. May mga nahulog pa ngang bunga nang makalagpas kami.

"No," sagot ni Mina, kaya napalingon ako sa kanya. She showed the compass in her hand. Walang tigil sa pag-ikot ang pointer nito.

"Problem on magnetic poles." Nabasa siguro ni Mina ang tanong na "bakit?" sa mukha ko. "Can't decide where north is."

"This is after all the legendary island of the Ibarras," komento ni Morrie habang tumitingala sa matatayog na puno. "Weird things have been happening since we arrived here."

"Posible na namang maligaw tayo gaya ng nangyari kanina?"

Mina shook her head as she showed the ball of yarn. Hindi ako magmamagaling. Wala akong ideya kung bakit pinapakita niya sa akin 'yon. Hindi naman siguro niya sina-suggest na gumawa kami ng sweater sa gitna ng kagubatan.

"Is that your plan?" Morrie spoke as if he understood the Watsonian's plan in just a single glance! Ano, kayong dalawa lang ba ang magkakaintindihan?

Nilapitan ng Watsonian ang isa sa mga puno ng bayabas at itinali ang isang dulo ng yarn doon.

"Do you know the story about Theseus and the Minotaur in the Greek mythology?" tanong ni Morrie sa akin habang pinapanood na magtali ang kasama namin.

"Hindi ako mahilig sa mythology."

"When Theseus went on a mission to kill the Minotaur in the labyrinth, he tied one end of a thread on the door," Morrie explained. "After slaying the monster, he used the thread to get out of the maze."

Napakamot ako ng ulo. "Bale gano'n din ang gagawin natin sa gubat na 'to?"

"The way inside and outside the forest is treacherous," sagot ni Morrie. "Considering how vast the area is, we might get lost along the way. A compass would have helped us, but unfortunately, it has become useless."

Gaya nga sinabi ko kanina, naglagay ng mga walang kwentang bagay ang mga facilitator sa mesa bilang pampagulo.

"Done." Mina tied a knot on the tree trunk and returned to our side, holding the ball of yarn.

"I hope na wala tayong makakasalubong na minotaur sa gitna ng kagubatan," biro ko. "Alam n'yo na ba kung saan ang x sa ibinigay nilang riddle?"

"Keep your eyes peeled. You might see it on our way," Morrie raised his head and looked up at the tree branches. May hinahanap ba siyang kakaibang ibon dito?

Hindi gaya sa dinaanan namin kanina, mas maliwanag ang parte ng gubat na 'to. Makikita mo ang sikat ng araw na sumisilip sa mga malalaking dahon at sanga.

Hiningi ko kay Morrie ang clue na ibinigay ni Sir Dred. "Nasa bugtong ang salitang 'bark.' Ang unang bagay na pumasok sa isip ko ay isang aso. 'Di naman siguro 'yong asong humabol sa atin kanina ang hinahanap natin, 'no?"

"The hint says that it cannot wag its tail," tugon ni Morrie. Baka magka-stiff neck na siya dahil kanina pa siya nakatingala.

"Isang aso na hindi kaya igalaw ang buntot niya?" Napahawak ako sa aking baba. Muntik na akong matapilok dahil sa batong natapakan ko. "Baka pinutol ang buntot? O kaya naman, baka estatwa ng isang aso ang dapat nating hanapin?"

"Statues don't bark," sabi ni Mina. Hindi pa rin ako sanay na marinig ang boses niya. Maganda namang pakinggan kaya nga sayang kung 'di niya ginagamit sa pakikipag-communicate.

"The bark in the clue isn't the sound that dogs make," Morrie explained. "It is the outermost layer of trees. It may not be obvious to you but trees can't wag their tails because they don't have tails in the first place."

Was it just me or did he sound so condescending? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kanina pa siya nakatingala.

"Nasa loob tayo ng isang gubat. Natural na maraming puno rito. How can you find the one tree that the clue is referring to?"

"Second verse," Mina said as she looked back at the trace created by the yarn.

Muli kong binasa ang ikalawang linya ng clue.

Others may reward you a fruit of your labor.
But expect nothing from me at this hour.

Fruit. Labor. Nothing. Ang tatlong salitang 'yan ang tumatak sa akin. Napaangat sa taas ang tingin ko habang iniisip kung anong sagot ang mabubuo rito. Bawat salita sa bugtong na 'to ay may kahulugan kaya nga—

Nahinto ako sa paglalakad nang may napagtanto. I understood why Morrie was looking up the whole time during our stroll in the forest!

"A non fruit-bearing tree," I mumbled, staring at a mango fruit hanging above me. "Kailangan nating hanapin ang punong hindi namumunga!

"Yes, yes, we are already on it," sagot ni Morrie. "Can you check the trees on the left while I look on the right? And Mina, make sure that we miss nothing."

Lider na lider kung magsalita ang kasama naming Moriartian. Ewan kung magiging proud sa kanya si Harriet, knowing that these two do not have a good working relationship.

Mahigit kalahating oras din kaming naglakad-lakad sa gubat, lahat ng mga punong nadaraanan namin ay may mga bunga — mangga, starfruit, sampaloc, guyabano. As we went deeper into the forest, Mina's ball of yarn was getting smaller.

"Found it!" I yelled upon seeing a maple tree in front of me. Never pa akong nakakita ng ganitong klaseng puno rito sa Pilipinas dahil sa pagkakaalam ko, tanging sa ibang bansa meron nito.

"No doubt," Morrie muttered, touching the tree's bark and raising his head. "Desiduous trees like maple and oak trees do not bear fruits."

"Bale ano nang gagawin natin?" Itinarak ko muna sa lupa ang hawak kong pala. "Mukhang wala namang clue na nakaukit sa bark niyan."

"What time is it?"

"Two-thirty pa lang." Tumingin ako sa watch na dinampot ko kanina sa cabin. "Halos isang oras din tayong naglakad. Nakita na rin kaya ng ibang teams ang hinahanap nila?"

"Probably. But if we were given almost the same clue, except for the non-fruit bearing part, they might have to wait until three o'clock."

"So ang 'at three' sa third verse ay tumutukoy sa oras? Para saan? May pinto bang biglang lilitaw sa harapan natin?"

"Shadow," sagot ni Mina sabay turo sa anino ng puno. "Observe the tree's shadow at three o'clock."

"Good thing that you brought a shovel," sabi naman ni Morrie. "You can dig up the treasure chest."

Sumilong muna kaming tatlo sa ilalim ng puno at hinayaang lumipas ang oras. Parang bumagal ang paggalaw ng mga kamay ng relo.

Ngunit ang mas napansin ko ay ang awkward na katahimikan sa aming tatlo. Ibang-iba talaga kapag wala si Harriet. Parang hindi kami connected sa isa-isa.

Pagpatak ng alas-tres, tumayo na ako at kinuha ang aking pala. Kumpara kaninang bago kami sumilong, mas humaba nang kaunti ang anino ng puno.

"I assume na ang spoon sa clue ay ang pala, tama?" Tumayo ako sa dulo ng anino. Iisa lang ang gamit naming panghukay at tanging ako lang ang may sipag na maghukay rito. Ako na mismo ang nag-volunteer na gawin kung anuman ang dapat gawin.

Tumagaktak ang pawis ko habang naghuhukay. Gaano ba nila kalalim itinago ang baul o kung anumang bagay ang pinaglagyan nila ng susunod na clue? Kung sanang tutulungan ako ni Morrie, mas mapapadali ang trabaho. Ngunit kilala ko na ang lalaking 'yon, ayaw niyang may ginagawang iba maliban sa pag-iisip.

Natigil ako sa paghuhukay nang may tamaang matigas na bagay sa ilalim ang pala. Napatayo ang dalawang kasama ko at lumapit sa maliit na hukay. Dahan-dahan kong iniangat ang isang kahon na yari sa kahoy at inilapag sa lupa.

Napatingin muna ako kay Morrie na marahang tumango sa akin. Binigyan na niya ako ng go signal na buksan ang mahiwagang kahon. I opened the lid slowly, weary that a booby trap might be activated unknowingly.

But thankfully, there was none. May nakita kaming isang pirasong papel sa loob na kinuha ko.

Saktong babasahin ko na ang nakasulat dito nang may marinig kaming pagkalansing ng lata. We looked to our right and saw an object with the shape of a tin can rolling to where we stood.

"Teka, 'di ba isa 'yan sa mga item na nasa cabin kanina?" nagtataka kong tanong. "Anong ginagawa niyan dito?"

Morrie seemed to have realized something dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Before he could tell us what was going on, mabilis na napuno ng usok ang paligid. And that smoke came from the cannister.

"Smoke bomb!" bulalas ko sabay takip ng ilong at bibig. Ngunit hindi lang 'yon usok! Halos maluha ako nang makasinghot kahit kaunti lang.

Tear gas!

"SURPRISE!" A boy who had a familiar face sprang from the bushes and ran to our direction. Nakasuot siya ng face mask at protector glasses kaya hindi siya tinatablan ng usok.

"Andre!" tawag ko sa kanya. That Moriartian! Dahil sa makapal na puting usok, hindi ko siya malinaw na makita. Naramdaman ko na lang na may kumuha sa hawak-hawak kong maliit na box.

"Sa amin na 'to! Thank you, Team WHAM!"

Nang mawala na ang usok, nawala na rin sa paningin namin ang ikalawang clue.

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro