Chapter 20: Tense Tea Party
AIDEN
TO BE HONEST, hindi ako gano'n ka-satisfied sa napiling name para sa group namin. Mas pipiliin ko pa rin ang Four Horsemen dahil astig pakinggan. At gaya ng sinabi ni Morrie, tunog "apocalyptic." Kapag narinig ng kabilang teams ang group name namin, maiisip nilang "end of the world" na para sa kanila. 'Di ba mas cool?
Kaso nagustuhan ni Harriet ang suggestion ni Mina. Ayaw ko namang makipag-debate pa sa kanya. Baka pagkatapos ng klase namin, pagpapaluin na naman niya ako ng singlestick. May malalim namang sense at meaning ang WHAM. Kokontra sana ako kung kumontra si Morrie, kaso natikom lang ang bibig niya.
Teka, teka. Nagkakamali kayo kung iniisip n'yong may gusto ako kay Harriet kaya nag-back down na ako. Para mas mapalapit ako, kailangan kong ipakita na agree ako sa kanya at bawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Don't get me wrong. It was all for what Morrie had instructed me to do.
Sa ngayon, ang dapat naming pagtuonan ng pansin ay ang Project L.O.K.I. agent na biglang umistorbo sa klase namin. Ang sabi niya, "we are overdue for a chat." Bago pa ako pumasok ngayong umaga, naikwento na siya sa akin ng House leader. Pinatawag kasi ng — ano kasing pangalan niya? — ah, Roan na 'yan ang mga House leader at mukhang hindi naging maganda ang takbo ng unang meeting nila.
Maituturing daw siya na isang VIP na may basbas ng university chancellor kaya pwede niyang gawin kahit ano. Ang pagpapakita niya ng ID ay ang kanyang I-can-do-whatever-I-want card. Nang tanungin niya si Sir Dred kung pwedeng hiramin muna sandali ang team WHAM, walang nagawa ang instructor namin kundi pumayag.
Naglalakad kaming apat patungo sa Hudson's Hub, nasa unahan ang special agent. Tahimik na nakaupo sa kanyang balikat ang itim na pusa. Mahigpit na ipinagbabawal na magdala ng pet sa mga school building. Dahil sa kanyang special privilege, hindi siya sinisita ng mga guard o ng mga instructor na nakakasalubong namin.
Clueless pa rin kami kung bakit gusto niya kaming kausapin. Wala naman kaming nilabag na rules kaya wala akong maisip na dahilan sa pakikipag-usap niya sa amin.
Habang naglalakad, Harriet and Mina communicated via Morse code by tapping fingers on their arms. Kami naman ni Morrie na nasa likuran, tahimik na nakamasid at binabasa ang palitan nila ng mensahe.
Dahil may pasok pa ang karamihan sa mga estudyante, wala pang masyadong tao sa Hudson's Hub. Umakyat kami sa second floor at dumiretso sa shop sa bandang dulo kung saan may mga Chinese character na nakasulat sa signboard.
Welcome to Mao Di Ghong's tea shop, mas kilala bilang "Ghong's Tsaa"! Para sa mga gustong uminom ng iba't ibang klaseng tea, heto ang pinaka-perfect na tambayan. Teka, parang tunog endorser na nila ako, ah. Pagdating sa drinks, ang tea shop na 'to at ang Diogenes Cafe ang mahigpit na magkalaban sa customers.
"Wercome kayo sa akin tea shop. Kayo inom dito pala daroy sa inyo suwelte."
Parang aso kung ngumiti ang lalaking nasa forty years old na siguro. Sa sobrang singkit ng mga mata niya, parang dalawang dash itong idinrowing sa kanyang mukha. May nakikita pa ba siya? Mas lumapad tingnan ang kanyang noo dahil sa kanyang receding hairline at agaw-pansin din ang kanyang bigote. Siya mismo ang owner ng tea shop.
"Teka, mistel, dito sa amin bawar mga araga hayop," hinarangan niya si Roan na akmang papunta na sa isang bakanteng mesa.
"You haven't aged a day, old Mao!" nakangising sagot ng special agent bago niya itinaboy ang nakaharang na kamay ng shop owner. "Mabenta ba ang oolong tea kaya bumili ka ulit ng bagong stock? I can smell the tea leaves from here."
Nanlaki ang mga mata ni Mao (pero slight lang) kasabay ng pagduro niya kay Roan. "Te-Teka! Ikaw akin legural customel noon! 'Di ba ikaw raging hindi bayad ng iyong binibiri sa akin shop?!"
"That was four years ago!" kinuha niya ang isang upuan mula sa katabing mesa at itinapat sa table na pang-apat na tao. "Don't worry, magbabayad na ako ngayon dahil may mga kasama akong estudyante."
"Ikaw sigulo na ako iyong bayalan kundi kayo akin i-ban dito sa tea shop," padabog na naglakad si Mao sa direksyon ng counter at kinausap ang kanyang empleyado.
Between Diogenes Cafe and Ghong's Tsaa, mas pipiliin ko na roon sa una kahit may "no talking policy" sila.
Parang tambay sa kanto kung umupo ang special agent. Tahimik na nagpapahinga sa kanyang balikat ang alaga niyang pusa. Iminosyon niya ang kanyang kamay sa mga upuan. "Please take your seats."
Nagkatinginan muna kaming apat bago tuluyang umupo. Wala kaming kaide-ideya kung bakit kinailangang dito pa kami mag-usap. Pwedeng sa isang sulok ng hallway, o kaya sa bakanteng classroom.
"Uhm..." Ako na ang unang nagtanong nang makapuwesto na ang lahat. "Ano atin pag-usapan ngayon alaw?"
Pinigilan ni Harriet ang kanyang tawa habang bahagyang napangiti si Mina. Oh sh—Nahawa na tuloy ako kay Mao.
"Make sure na worth it ang time namin dito," saad ng Holmesian sabay patong ng kanyang mga siko sa mesa. "Ayaw kong manghinayang na na-miss ko ang bagong ituturong technique sa amin ni Sir Dred."
"••• •- -- • •••• • •-• •," isinulat ni Mina sa kanyang iPad at ipinakita sa amin.
"Huwag kayong masyadong atat na malaman kung bakit ko kayo pinull out," tugon ni Roan, ninaplos-haplos ang nakahigang pusa sa kanyang balikat bago dahan-dahang ibinaba sa sahig. "Why don't we order something first? Would you like some tea or coffee?"
"Earl grey tea."
"Chamomile tea."
"Coffee lang ang sa akin. Than—"
"ENGK!" napabalikwas ang tingin sa akin ni Roan. Parang may nasabi akong mali. "Have you forgotten that we are in a tea shop? So why would you order coffee?"
Nadala ako sa ibinigay niyang choices kaya mali ang naibigay kong sagot. Pero teka! "Ikaw ang nagbigay ng option kung tea or coffee, 'di ba? So ako pa ang may kasalanan?"
Nayayabangan na nga ako sa lalaking 'to, pangisi-ngisi pa siya. Ang pinakaayaw ko sa lahat, ipinahiya niya ako sa harap ng mga kasama ko, lalo na kay Harriet. Baka ma-turn off siya sa akin.
"If this were a screening test for aspiring L.O.K.I. agents, you would have failed," sabi niya. "By the moment we entered this shop, you should have observed the menu board. Walang kahit anong caffeinated drinks na nakalagay doon dahil — sorry for stating the obvious — isa itong tea shop. You saw but you did not observe!"
Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi nagustuhan ng House leader namin ang kanilang meeting sa lalaking 'to. I'm not the type of man who easily loses my cool, but this person's attitude was getting on my nerves. Mukhang hindi rin nagugustuhan ng tatlo kong kasama ang tabas ng kanyang dila.
Sumenyas siya sa mga staff ng tea shop. Halos itulak ni Mao papunta sa aming mesa ang lalaking may suot na salamin at may kulay pulang apron.
"May order na kayo, sir?"
"Obviously," binigyang diin ni Roan ang bawat syllable sa sagot niya. "Ano nga ulit ang order n'yo? One black tea, two earl grey tea, one chamomile tea and... ano nga ulit ang order ng kasama n'yong 'di nagsasalita? Oolong tea?"
"Got it, sir!" masiglang tugon ng waiter bago bumalik sa kanilang counter at sabihin sa tea barista ang order.
Insert kuliglig sound effect nang namayani ang katahimikan sa table. Wala kaming magawang apat kundi magtinginan. Kung pwede kaming mag-communicate via telepathy, nagawa na siguro namin.
Hinimas-himas ni Roan ang ulo ng kanyang pusa na nasa sahig. Nakalimutan niya yata na may mga kausap siya.
"Instead of us awkwardly staring at one another, perhaps you can tell us why you called for us." Hindi na tuloy nakatiis si Morrie. Siya kasi ang tipo na ayaw magsayang ng oras sa mga idle chit-chat. Tumango si Harriet habang patuloy na nakamasid si Mina.
"Why don't I introduce my cat first? Her name's Bastet and she's been with me in every case that I—"
"I am more interested in your answer to my question than your silly cat," sabat ni Morrie, dahilan para magawi sa kanya ang tingin namin.
Biglang sumiklab ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Parang bumigat ang atmosphere sa aming table. Mukhang nakahanap na ng katapat ang mayabang na special agent sa katauhan ni Morrie.
"You don't like small talk, huh? I should stop beating around the bush then." Ipinagkrus ni Roan ang kanyang mga braso at sumandal sa kahoy na upuan. "According to reports, the four of you thwarted the attempt on the chancellor's life. Commendable, if you ask me. A few days ago, I received an order from the higher ups to investigate the case, especially the killing of the assassin."
"And how can we help?" tanong ni Harriet.
"To be honest, I found it odd that you managed to get hold of the information that the chancellor was about to be assassinated," sabi niya, hindi sinagot ang tanong ng Holmesian. "May ilang detalyeng hindi nabanggit sa official records kaya gusto ko kayong tanungin kung paano n'yo nalaman ang banta sa buhay niya."
Nagtaas ako ng kamay na parang sasagot sa klase. Kahit na hindi ko nagustuhan ang pamamahiya niya sa akin kanina, kailangan kong i-share sa kanya ang nalalaman ko. "Ako ang nagsabi sa kanila tungkol sa assassination plot. Nasa comfort room kasi ako noon nang may marinig akong lalaking may kausap sa phone. Nagpakilala siyang Wayne o Wine."
"Wine..." Napahawak si Roan sa kanyang labi at marahang hinila ito. Naningkit din ang mga mata niya at tila napaisip nang malalim. "The drink or the color? What a weird choice for a name, by the way. It might just be a codename though."
"Na-identify n'yo na ba kung sino siya?" tanong ni Harriet.
Umiling si Roan na ikinadismaya ng mga kasama ko. "Sorry but that information is classified. I cannot tell you anything about him or any particular details about the case."
"Isn't that unfair?" sunod na bumanat si Morrie. "You are asking us for information and yet you refuse to share yours."
"For what purpose? Para kayo na mismo ang mag-imbestiga sa kaso?" Lalo akong nairita sa ngising nakapinta sa labi ni Roan. "As a Holmesian alumnus, I have been in your shoes before. The thrill while solving case, the adrenaline while chasing the criminal. If I tell you something that I shouldn't, you might be tempted to interfere with my investigation. Just leave this matter to the experts."
Saktong dumating ang waiter dala-dala ang mga tea na in-order namin. Maingat niyang inilagay ang mga ito sa mesa. Isa-isa naming kinuha ang mga teacup at hinipan bago inumin.
"Then what is the point of inviting us over a cup of tea?" Kampante pa rin ang pagtatanong ni Morrie pero nararamdaman kong nagtitimpi siya. The twitching of his right eye and the clenching of his fist told me as much. "You could have asked us outside the classroom. We didn't have to sit down here and sip our morning dose of tea."
Hinipan muna ng special agent ang steam mula sa kanyang mainit na inumin bago ibinaling ang tingin kay Morrie. "Good, very good! You can see beneath the false pretenses of people around you. But you are right. There's another reason why I brought you here."
"And that is?"
SWOOSH!
Nagulat kami nang bigla niyang ibinuhos sa mukha ni Morrie ang laman ng hawak na tasa.
"What the—"
"Ouch! Ano bang—"
Parang latigo naman niyang inihampas ang kanyang kamay sa teacup na saktong nasa bibig ko. Sumakit ang gums ko matapos niya akong tamaan. Ano bang problema niya? Kalmado lang siya kanina, a—
"Hey, what are you—"
Sinipa niya ang mesa palayo kaya natumba ito kasama ang mga nakapatong na tasa nina Harriet at Mina. Hinati niya ang kanyang saucer sa dalawang piraso at itinutok ang mga ito sa leeg ng dalawang babae naming kasama.
Nangyari ang lahat nito sa loob lamang ng iilang segundo. Sa sobrang bilis ng mga galaw niya, hindi na kami kaagad nakapag-react pa.
"Nako! Bakit kayo nangguguro sa akin tea shop! Nako! Binasag n'yo akin mga mamaharin tasa at pratito! Kami mamarasin niyan sa inyo gawa!" Halos sabunutan na ni Mao ang sarili niyang buhok nang makita ang kalat namin. "Oy, kuha ka dustpan at waris! Ikaw rinis itong karat bago pa dating mga customel!"
Ano bang trip ng special agent? Bakit bigla siyang nagwala rito sa tea shop? May saltik yata ang lalaking 'to, eh. Kung may problema siya sa buhay, huwag na niya kaming idamay.
"Don't worry, Mao. I will pay for all the damages here." Nakatutok pa rin ang matatalim na piraso ng platito kina Harriet at Mina. Wala kaming nagawa ni Morrie kundi bantayan ang susunod na kilos ni Roan habang pinupunasan ang nabuhos na tsaa sa aming damit.
"I heard that you have fast reflexes and monstrous strength, Harriet Harrison." Napasulyap siya sa Holmesian na nasa kanan niya. Steady lang ang kanyang mga kamay. "I must say I'm disappointed that you weren't fast enough to block my attack. Yes, we are in a public place. There are no threats around us. But you must never let your guard down."
Pasalamat siya dahil hindi na-anticipate ni Harriet ang gagawin niya. Baka nagkabali-bali na ang mga buto niya ngayon. Sino bang mag-aakala na magwawala siya habang umiinom kami ng tsaa?
"Wilhelmina Williams, you have something in your pocket that can pacify me." Sunod siyang sumulyap sa Watsonian na nakapaloob na sa bulsa ang isang kamay. "If you were quick enough, you could have attacked me with whatever's in your hand right now. Herschel's little toy, eh?"
"You're not really planning to kill us, are you?" maingat na tanong ni Harriet. Napanatili niyang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. Kung gagamitan niya ng martial arts ang special agent, baka masaktan o mapuruhan si Mina dahil may nakatutok pa ring matulis na bagay sa leeg nito.
Unti-unting binitawan ni Roan ang mga hawak niya at itinayo ang natumbang mesa. Parehong napahawak sina Harriet at Mina sa kanilang leeg, kinakapa kung nasugatan sila.
"If I were an assassin sent to eliminate you, I would have succeeded in my mission," pagmamayabang niya. "You are right, Harriet. I have no intention of killing you. Gusto kong i-test kung gaano kayo kahanda sa posibleng pag-atake sa inyo."
"And the purpose is...?" tanong ni Morrie. Nakahinga na rin kaming dalawa nang maluwag.
"Kayong apat ang unang nakaalam at pumigil sa assassination plot," paliwanag ni Roan. "Kayo ring apat ang nasa Bartholomew Building kung saan pinatay ang assassin. What if you saw something that might identify his killer? What if Wine's colleagues sent assassins after you to silence you and erase any breadcrumbs that you might have picked up along the way?"
"So a demonstration is necessary?"
"To show you that anytime and anywhere, someone can attack you," sagot ni Roan. "And if you aren't careful enough, you might lose your precious life. Morrie Moreno, you may have the brains of a cunning strategist, but if confronted physically, you will be the first to die. And you, Aiden Alterra, will be next."
Ouch. Parang sinabi niyang mas mataas ang chance of survival ng dalawang babae kaysa sa aming lalaki. Totoong kayang patumbahin nina Harriet at Mina ang sinuman gamit ang physical strength at gadgets, pero hindi ibig sabihin no'n na wala kaming binatbat ni Morrie sakaling atakihin kami.
"We greatly appreciate your concern," tugon ni Morrie. Hindi siya mukhang na-offend... o baka na-offend siya pero hindi lang halata sa kanyang mukha. "Especially the mess you've made in this shop."
Natawa si Roan bago siya muling umupo. Dapat yata, hinila ko ang upuan niya paurong para mahulog siya sa sahig. Gusto kong makaganti sa kanya kahit isang beses lang.
Naningkit ang mga mata ng Moriartian. "Did I say something funny?"
Marahang umiling ang special agent. "You remind me of your brother."
Ngayon lang yata nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Morrie. Ngayon ko lang din yata nalamang meron siyang kapatid. Hindi kasi kami gano'n ka-close kaya hindi kami nakakapag-share ng personal na impormasyon. Pati si Harriet, nagulat na
"You are dense like him, but he has a wacky side when he's not that serious," sabi ni Roan. "You are also in House Moriarty, aren't you? Following his footsteps, huh?"
Mahirap basahin kung ano ngayon ang iniisip ni Morrie. Bumalik kasi sa pagiging poker face ang kanyang ekspresyon.
"Former leader of House Moriarty. Former student regent. Quadetective Tournament champion four years ago," pagpapatuloy ng special agent habang nakatingin sa malayo. "He was my staunchest rival during my student years here. I wonder where he is right now?"
"Do you want me to send your regards to him when we meet?"
Tumango si Roan. "Sure! Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita. Kumusta na pala ang isa niyang mata? I forgot which one got damaged in an accident. One of his eyes is artificial, isn't it?"
Ngunit hindi na sumagot si Morrie. Nagkatitigan silang dalawa ni Roan. Lalong tumindi ang tensyon sa tea shop. Nagdalawang-isip tuloy ang staff kung pwede na niyang alisin ang mga nabasag na teacup sa sahig.
"Twinkle, twinkle, little star! How I wonder what you are!"
Nabasag ang panandaliang katahimikan nang may tumunog na phone sa lugar namin. Nagkatinginan pa kaming apat kung kanino galing 'yon. Salamat sa interruption, humupa ang mabigat na atmosphere dito.
"Yes? Roanoke speaking?" At sa special agent pala galing ang tunog. Kakaiba ang taste niya sa music. Hindi kasi usual na gamiting ring tone ang isang nursery rhyme.
"Unfortunately, I am being summoned by the higher ups," sabi niya sabay bulsa ng kanyang phone. "So nice to have a proper chat. Don't worry, the bill is on me. See you around the campus, team WHAM."
Sumunod sa kanyang paglabas ng tea shop ang pusa niyang si Bastet. That's it? Basta-basta na lang niya kaming iiwan dito matapos niyang manggulo?
"I don't like the guts of that guy," komento ni Morrie nang tuluyang mawala ang special agent sa paningin namin. Hindi siya nag-iisa sa gano'ng sentiment. Nanghihinayang ako dahil hindi ako nakaganti sa pamamahiya niya sa akin.
"Me too," pagsang-ayon ni Harriet. Teka, ito yata ang isa sa mga rare na okasyong nagkasundo silang dalawa. "Even if he's an alumnus of our House, I don't like him."
"But he raised a valid point," dagdag ni Morrie. "We might become targets of the vigilante group. Yes, they only target criminals, as far as we know. But if their organization's secret is being threatened by busybodies like us, I doubt that they would just ignore us."
Sakaling magkatotoo ang sinabi ni Morrie, kailangan naming maghanda. Pero bago 'yon, kailangan muna naming ayusin ang gulong iniwan ni Roan dito sa tea shop. Nakatingin na kasi nang masama ang owner sa amin.
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro