Chapter 11: Confrontation
HARRIET
THE TRUTH was about to be revealed. We were "this close" to solving this case and the serial killings disguised as suicides. Malapit ko nang maideklara ang "checkmate" sa aking kalaban.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Aiden asked. Kahit wala siya sa tabi ko, kaya ko namang i-solve ang kasong 'to. All the facts were available to me and I could draw a conclusion from those vital details.
Inasahan kong susunod si Aiden sa akin. As my partner, he couldn't let me leave his side. He also couldn't inform SPO1 Cosmiano about my plan, because if he did, he would suffer severe consequences. So the only choice for him was to follow me.
Whether he had another motive or not, that was none of my concern at the moment. Ang mahalaga'y matuldukan na namin ang kasong 'to.
This was one of the opportunities where I could prove that a Holmesian live up to the name of the greatest fictional detective. I am a Holmes' disciple after all. Isa rin itong pagkakataon para malamangan ko si Morrie at ang mga kapwa niya Moriartard. Imagine the shocked expression on their faces once they hear that I apprehended the culprit. Malaking sampal 'yon sa kanila.
Alam kong wala akong authority para makialam sa imbestigasyon at hanggang classroom discussion muna dapat kami. Baka nga patawan ako ng punishment kapag nalaman ni SPO1 Cosmiano na pumunta ako rito sa ground floor para sa unofficial investigation ko sa kaso. But to be fair, even Sherlock Holmes broke some laws in his detective career.
"Ang sabi n'yo, kakatapos lang ng interrogation. Nasaan nagpunta 'yong tatlo?" I asked the police officers who were slow to reply. Kung sanang hinold pa nila nang ilang minuto ang mga suspect, naabutan namin sila rito para tanungin. Nevertheless, though their interrogation notes were not too detailed, nakuha naman nila ang mga important point para makabuo ako ng theory.
"Nauna nang umalis 'yong pizza delivery guy sakay ng motorsiklo niyang naka-park sa tapat ng hotel kanina. 'Yong laundry guy, pina-check-up muna namin sa medic dahil na-trauma siya sa nakita niya. At 'yong hotel staff, pumunta sa basement para ihanda ang sasakyan na gagamitin nilang pangsundo sa mga guest."
The police did not have anything against those three at the moment kaya naintindihan ko kung bakit sila pinakawalan. But maybe that's what the culprit was waiting for—an opportunity to escape from the grasps of the police.
I immediately ran to the elevator, repeatedly pressing the down button. Dahil nasa twelfth floor pa ang elevator, minabuti ko nang bumaba gamit ang emergency stairs. Sumunod si Aiden sa akin nang walang reklamo. He was not that dumb so I expected him to suspect the same person for the murder.
The million dollar question: Who killed the victim? Walang iba kundi ang hotel staff. Oo, may pagkakataon ang tatlong suspek na patayin ang biktima, ngunit siya lang ang pinaka-kahina-hinala. Paano? Pinapunta siya sa unit para linisin ang kwarto. Malinis ang bawat sulok, walang pakalat-kalat sa tabi, pero may nakalimutan siyang gawin: ang itapon ang basura sa garbage room. If he was responsibly doing his job in this hotel, he shouldn't have missed that part of his duty. That's the inconsistency that Aiden pointed out earlier.
Tahimik, malamig at madilim sa basement parking ng hotel. May mga nakaparadang kotse sa mga gilid. Kung nakaalis na ang hotel staff gamit ang isa sa mga sasakyan dito, huli na kami.
Fortunately, we saw a tall man whose back was turned to us. He was wearing a white polo with green collar. May naka-print na salitang STAFF sa likuran niya. Kasalukuyan niyang binubuksan ang isang itim na pick-up truck. Ang sabi ng mga pulis na nakausap namin, that man should be preparing the van that would pick up the hotel guests. My suspicions grew deeper.
"Hindi ba delikado ang ginagawa natin?" pabulong na tanong ni Aiden sabay hila sa aking braso. Bakit ba lagi siyang may tanong? In the first place, I did not force him to come with me. Siya mismo ang kusang sumunod sa akin. "Alam nating dangerous ang lalaking 'yan kaya baka dapat tawagin natin si SPO1 Cosmiano pati ang mga pulis sa lobby?"
"To be frank, we still don't have a concrete evidence against him, kaya kung sasabihin natin ang mga deduction natin sa mga pulis, paano nila tayo papaniwalaan?" I admitted. What we had were only circumstantial evidence and those may not be enough to convince the police. "Confronting this man might give us some insights on how we can pin him to the crimes. Malay mo, mag-confess siya on the spot. That would make the police work easier, right?"
"Sabihin nating mapapaamin natin siya, paano kung may baril siya tapos bigla niya tayong paputukan?" he asked next.
"Huwag kang mabahala. I can take him down within a minute," I assured him, showing my clenched fist. Truth be told, hindi ko pa talaga nagagamit sa legit na masasamang loob ang self defense skills ko. Baka ito na ang tamang panahon para doon. Sa wakas, magbubunga na rin ang ilang buwan kong training.
"Dapat kasi sineseryoso n'yo ang self-defense class natin para hindi kayo gano'ng ka-weak," pangungutya ko. Kung marunong sa hand-to-hand combat itong si Aiden, hindi siya matatakot sa mga banta kong saktan siya. "Naalala ko tuloy sa 'yo si Morrie."
Remember the rescue operation we had at the clock tower? And when we chased Professor Dred from the cafe to the school building? Morrie may have the brains, but he lacked the brawns. At least ako, kaya kong balansehin ang pareho at hindi ako basta-basta maaagrabiyado.
"Basta huwag kang basta-basta—"
"Ah, excuse me?" Lumabas ako mula sa pinagtataguan namin at mabagal na nilapitan ang hotel staff. Papasok na sana siya sa sasakyan ngunit dahil sa pag-istorbo ko, huminto siya't napalingon. We arrived just in time to stop him from escaping.
Na-imagine ko na ang mangyayari kapag naging successful ang operation namin dito. Hindi ko pilit na sino-solve ang kasong ito para makakuha ng recognition sa mga awtoridad o ma-headline sa mga diyaryo. That would be a bonus, of course. But all I ever wanted was to show to our classmates that they should never underestimate a Holmesian.
Ngunit bago mangyari 'yon, kailangan ko munang i-pacify ang suspek na 'to. Pagkaharap sa amin ng hotel staff, nakangiti pa siya na parang walang ginawang krimen. Wala sa kanyang mukha na kaya niyang pumatay ng tao. But as the old saying goes, looks can be deceiving. He might be wearing a mask to hide his evil intentions.s
"Yes, ma'am? A-Ano 'yon?" He slowly closed the car door, his eyes shifting their gaze from me to Aiden. Ang akala niya siguro'y basta-basta siya makakatakas. Malas niya dahil sa mismong crime scene na 'to ako na-assign.
"Gusto kong itanong kung balak mo bang tumakas na sa crime scene ngayong tapos na ang krimen mo?" Wala nang preno-preno. Aiden gasped as that question escaped my lips. His confused face had that "why-the-hell-did-you-ask-him-that-question?" look.
"Huh? Ano hong pinagsasabi n'yo?" Nagmaang-maangan pa ang hotel staff, parang walang kaalam-alam sa tinutukoy ko. I had to hand it to him when he managed to keep a poker face. I couldn't see any hint of surprise in the movement of his eyes, brows or lips. "Anong krimen?"
"'Yong suicide kuno sa tenth floor," I reminded him. He wanted to play, huh? Let's play. "'Di ba ikaw ang may pakana no'n?"
"Hindi ko kayo maintindihan, ma'am." Napakamot ng ulo ang hotel staff. "Pasensya na."
"'Yong basura sa trash can ng unit ng biktima," I recounted, observing the slightest change in his facial expression, if there's any. Ang hirap basahin ng kanyang microexpressions. "Nalinis mo nga ang unit niya, pero nakalimutan mong itapon ang laman ng basura. Hindi ba't part 'yon ng trabaho n'yo sa paglilinis?"
"Teka, nagkakamali yata kayo." Naningkit ang mga mata ng hotel staff na sinabayan pa niya ng pag-iling. He was consistent at pretending to know nothing. Kung iba ang taong kaharap niya ngayon, that person might have already doubted his own conclusion. "Sabi ng mga pulis, nagpakamatay ang biktima matapos barilin ang sarili gamit ang isang... revolver. Kaya saan galing ang akusasyon n'yong murder ang nangyari at ako ang killer?"
"First of all, why would a person committing suicide order a box of pizza and ask for his laundry to be cleaned?" I asked, crossing my arms across my chest. Nang makita ko ang kahon ng pizza kanina at nalamang may pizza delivery guy na nakausap ang biktima, doon na ako lubos na nagduda na suicide ang anggulo ng kaso. "Ano 'yon, bigla na lang niyang naisipang magpakamatay?"
"Hindi lang 'to ang kasong may ganitong set-up," sumingit si Aiden na mukhang hindi kinagat ang pagmamaang-maangan ng hotel staff. Good, because if he had any doubts in my deductions, I would be ashamed that he was randomly assigned as my partner. "May iilan na ring suicide kuno na nangyari sa Angeles City at pare-pareho ang circumstances ng pagkamatay nila pati ang baril na ginamit."
"Sa tingin namin, isang serial murder ang nangyari," dagdag ko. "At ang ginagamit na konsepto ng salarin para pumatay ay ang Russian roulette."
"Russian what—"
"Posibleng in-intimidate mo ang mga biktima para makipaglaro sila sa 'yo," paliwanag ko. I closely watched his reaction — the twitching of his eyes, the dilation of his pupils, the wrinkling of his forehead. But there was none. "You forced them to commit suicide via Russian roulette. Sa larong 'yon, may chance kung sinumang may hawak ng baril na mabuhay kung blangko ang matapat na chamber nito."
"Wala pa rin akong maintindihan." The hotel staff shook his head slowly, looking baffled as we revealed more about the cases. Malapit na siyang ma-checkmate pero ayaw pa rin niyang sumuko. "Sige, sabihin na nating murder 'yon at hindi suicide. Ipagpalagay na rin nating tama ang theory n'yo—"
"Tama talaga ang theory namin," I cut his words short. "Do you wanna play hypotheticals right now? Sure, let's play!"
Napasinghal ang hotel staff bago nagpatuloy sa kanyang gustong sabihin. "Kung ako nga ang salarin at kung pinuwersa ko siyang magpakamatay noong pumasok ako sa kuwarto niya, sino ang nakausap ng pizza delivery guy at nag-text sa laundry shop personnel?"
"May mga paliwanag akong naiisip diyan." I raised my forefinger as I went on with my explanation. "First, I believe it was the victim who ordered the pizza. He called the shop at 8:08 a.m. while you reached the tenth floor around 8:04 a.m. You decided to use that scenario to create an alibi for yourself."
The hotel staff only blinked his eyes. Still no reaction.
"Also I found it weird that the victim did not bother to get out of the bathroom to talk to the delivery guy and personally hand over the payment," I went on. "Kaya may isang possibility akong in-entertain. Kung sinuman ang nasa loob ng banyo, hindi niya magawang harapin ang delivery guy dahil hindi niya pwedeng ipakita ang mukha niya."
"Dahil ang nasa loob ng banyo ay ikaw at hindi ang biktima, tama?" Aiden butt in the moment I paused. I was kinda amazed that he managed to follow my line of reasoning. "Kaya habang nasa banyo ka, sinabi mo na lang sa delivery guy na kunin ang bayad at huwag ka nang bigyan ng sukli."
"Teka, anong oras ba dumating ang pizza? Bandang alas-otso y media, 'di ba?" May namuong pawis sa noo ng aming suspect, ang unang beses na nagpakita siya ng reaksyong tama ang theory namin. "Noong mga oras na 'yon, nasa eighth floor ako at ginagawa ang sirang faucet ng Room 808. At saka hindi ako bumalik sa tenth floor, kahit tingnan n'yo man ang footage ng CCTV. Baka iniisip n'yong nag-teleport ako?"
"Ginamit mo ang blind spot sa security ng hotel na 'to," I argued. As expected, he would try to find a loophole in my deductions, but I wouldn't let him get past through it. "Ilang linggo ka pa lang dito pero posibleng napag-aralan mo na ang bawat floor. Alam mong walang CCTV camera sa may hagdanan kaya imbes na sumakay ka sa elevator, 'yon ang ginamit mo para makabalik sa tenth floor."
Napatawa nang mahina ang hotel staff. Go on, laugh. Baka nanginginig na takot ang lalaking 'to at idinadaan na lang sa tawa para hindi mahalatang nabuko na siya. "Kapag kinausap n'yo ang tenant sa Room 808, sasabihin niya sa inyong nandoon ako hanggang sa umalis ako para bumaba sa lobby."
"Unfortunately, that tenant went out of the hotel so the police couldn't confirm your statement," I recalled what the two policemen told us earlier. "Sa ngayon, walang makakapagpatunay na nandoon ka nga sa buong duration bago ka bumaba. I wonder kung coincidence ang sinasabi mong nasira ang gripo nila, pero nagamit mo ito para magkaroon ng alibi."
"At kung isasama mo pa ang statement ng pizza delivery guy na naniniwalang buhay pa ang biktima noong inihatid niya ang pizza, magiging solid ang alibi mo," Aiden added.
The hotel staff wiped the beads of sweat on his forehead. "Teka, 'yang delivery guy. Pumasok siya mismo sa kuwarto kaya kung patay na talaga ang biktima noong mga oras na 'yon, dapat nakita niya ang katawan?"
"Posibleng tinakpan mo ng kumot ang bangkay para hindi kaagad mapansin." Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Aiden. "Hindi rin kasi nagtagal ang delivery guy sa loob kaya posibleng hindi niya napansin."
Our primary suspect fell silent, staring at me and Aiden. I could finally see the guilt in his eyes. Sinusubukan niya pang magpalusot pero malas niya, matitinik ang kaharap niya ngayon.
"Hinintay mong umalis ang delivery guy bago ka umalis sa unit ng biktima, bumaba sa eighth floor gamit ang hagdan at sumakay sa elevator para makarating sa lobby na parang walang nangyari," I continued, savoring the confused look on his face. "Hinintay mong umakyat ang tinext mong laundry personnel para matagpuan ang bangkay."
"Puro akusasyon kayong dalawa!" naasar na sabi ng hotel staff. He might be reaching his boiling point. "Meron ba kayong ebidensyang magpapatunay na ako nga ang killer? O baka feeling detective lang kayo?"
"Kailangang kontakin ng mga pulis ang tenant sa Room 808 para kumpirmahing hindi ka umalis doon," tugon ko. That's the only way he could have a solid, indestructible alibi. Without any statement from that person, the hotel staff would not be cleared of any suspicions. But we were certain that he's the one who did it. It was written all over his face.
"At kung talagang malinis ang konsensya mo, hindi big deal sa 'yo kung mag-stay ka muna sa mga pulis, 'di ba?" dagdag ni Aiden.
"Sinasabi ko sa inyo, kung talagang murder ang nangyari, mali ang suspek n'yo." Parehong itinaas ng hotel staff ang kanyang mga kamay na parang sumusuko na. "Para patunayang inosente ako sa mga akusasyon n'yo, kusa akong magpapakustodiya sa mga pulis hanggang sa matapos ang imbestigasyon. Ayos ba?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Aiden, hindi namin inaasahang magiging ganito ang confrontation namin sa suspek. It was a bit... anticlimactic. Pareho siguro naming inisip na manlalaban siya para makatakas. That would have been a more thrilling scenario, in my opinion.
But I could not feel at ease. Something's not right. Bakit kumpiyansa ang lalaking 'to na wala kaming mahahanap na ebidensya laban sa kanya? Talaga bang inosente siya, o baka naman...
We offered to escort him back to the ground floor where the two policemen were stationed. Tumango ang hotel staff nang walang pagpoprotesta. Kunot-noong napasulyap sa akin si Aiden, nagtatanong kung tama ba ang ginagawa namin. I only nodded in response. If our suspect tried anything funny, I would immobilize him using my bare hands.
"Teka, tumatawag yata ang front desk." Huminto sa paglalakad ang hotel staff sabay bunot ng isang bagay mula sa kanyang bulsa. Considering that the person with us was a dangerous man, I was alert for any of his body's slight movements.
When Aiden and I quickly turned to the suspect, the man's left hand swiftly hit my partner's nape. Nawalan agad ng malay ang Adlerian at bumagsak sa malamig na sahig. I was about to send a flying kick at the suspect but he quickly blocked my leg and drew a pistol with his right hand. Nagulat ako sa bilis ng reflexes niya. I thought that I was fast enough, but he was faster.
"Isang maling galaw mo lang, papasabugin ko 'yang ulo mo," he warned, pointing the gun at me. His face became distorted, flashing the sinister look that he had been hiding from us. The mask finally fell. "Pumasok ka sa sasakyan."
Left with no other choice, I raised my hands andsighed in defeat. The tables were turned.
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro