Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03: Truce

HARRIET

I COULD not be mistaken! Someone's sending emergency signals through those flashes of light!

I ran against the wind, rushing to the abandoned clock tower. Tumingala ako sa tutok nito. Kung sinuman ang nandoon, inulit niya ang pattern na nakita ko kanina: Three short flashes. Three long flashes. Another three short flashes.

The characters in the Morse codes are represented by a combination of short and long signals, hence the dots and dashes. If you translate those flashes using that method, you will get three dots, three dashes, and three dots again. Kapag binasa mo, you will get SOS! A distress signal!

Wala nang oras na dapat sayangin. Whoever's up there might be in grave danger.

Hinabol ko muna ang aking hininga nang makarating ako sa tapat ng abandonadong tore. There was a DO NOT ENTER barricade tape plastered all over the entrance. Sa ganitong emergency situation, wala nang "do not enter." Kaagad bumigay ang pinto nang sinipa ko ito.

I took out my penlight as I entered the abyss. Naging maingat ako sa bawat paghakbang dahil baka biglang gumuho ang tinatapakan ko. A spiral stone staircase was the only way para makarating ako sa pinakataas.

Saktong paakyat na ako sa hagdan nang may marinig akong mga yabag mula sa itaas. Tumingala ako para silipin kung ano 'yon. Dahil sa sobrang dilim, wala akong nakita. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-akyat.

Who would dare enter this burnt tower?

Kinailangan ko pang itutok ang penlight sa aking dinaraanan dahil masyadong delikado. May ilang parte ng staircase na nawawala na o 'di kaya'y gumuguho na kapag tinatapakan.

I could just walk away and return to the Holmes Hall, but my curiosity got the better of me. Kung talaga ngang may taong nangangailangan ng tulong, mas dapat pa nga akong magmadali para sagipin siya.

After cautiously climbing the tower, I reached the last flight of stairs leading to the pinnacle. Nang itinutok ko ang penlight sa huling platform, may naaninag akong figure ng isang lalaki na nakayuko at tila pinaglalaruan ang doorknob.

"Sino ka?" tanong ko sabay tutok ng ilaw sa kanya. Naistorbo ko tuloy ang ginagawa niya at bigla niyang tinutok sa akin ang hawak niyang penlight.

I was greeted by the familiar face of a young man wearing scarlet blazer. At sa lahat ng estudyanteng pwede kong makasalubong dito, guess who he was? None other than Morrie.

"Nandito ka rin pala? What a coincidence." My eyes rolled as my mouth spew those words. Umayos siya ng tayo at itinago sa likod kung anuman ang hawak niya. I knew what he was doing earlier. He was trying to pick the lock of the door.

"What a pleasant surprise," he forced a smile at me. "I thought you would be sulking in the corner due to your House's defeat."

"I didn't come here to trade barbs." Lumapit ako sa pinto at sinuri ang doorknob. Dahil sa nangyaring sunog noon, halos ma-deform na ito. No wonder why Morrie had a hard time trying to unlock it. "You noticed the SOS signal from this tower too?"

"Of course, why would I be here if it weren't for that?" His voice was cold and his eyes were as piercing as before.

"Hindi natin 'to madadaan sa normal na lockpicking. Can you knock down this door with your strength?"

His eyes blinked a few times and squinted slightly. "Me? You're asking me?"

"Ikaw ang lalaki sa ating dalawa kaya I presume na mas malakas ka. Why? Huwag mong sabihing mas malakas pa ako sa 'yo?"

"Oh, please." Morrie removed his blazer and threw it at me. In fairness, mabango pa rin kahit ilang oras na niyang suot buong araw. He rolled his sleeves and took a deep breath before charging at the door.

SLAM!

"Ouch!" he groaned, rolling over the dusty floor. Even if he put all his strength in that body slam, the door did not budge. Gano'n ba kahina ang lalaking 'to?

Napabuga na lang ako ng hangin at hinayaan siyang gumulong sa sahig. Being number one isn't everything. Moriartards like him may be clever enough para mautakan ang ibang Houses sa university. Kaso may ilang weaknesses din sila, gaya sa sports at iba pang physical activities. Mahangin sila pero kapag hinamon mo ng suntukan, uurong ang mga 'yan.

"Tabi!" I waved my right hand, telling him to get out of the doorway. Kaagad naman siyang tumayo, hawak-hawak ang kanang braso na ginamit niya sa pagtama sa pinto. Kung sanang nakalabas ang phone ko kanina, pinicturan ko 'yong paggulong niya sa sahig. Meron na sana akong pam-blackmail sa kanya.

"What are you planning to do?" he asked.

"Just stand behind me and watch what I'm about to do." Huminga ako nang malalim at pumostura sa harap ng pintuan. "Thank God na hindi ako kasing hina mo."

Luma na ang pintong gawa sa kahoy na 'to kaya hindi na ito kasing tibay ng iba. I could take down a normal door in one kick so there wouldn't be any problem on dealing with this one.

"HIYAAAH!"

Inipon ko ang aking lakas sa kanang paa ko bago ko sinipa ang pinto. With just a single kick, the wooden door fell on the floor, causing the dust to go all over the place. Mabilis naming tinakpan ang aming mga ilong at hinintay munang ma-clear ang lahat bago pumasok.

Upon entering the room, we saw a young woman tied to a chair. May hawak siyang penlight sa kanyang nakataling kamay. 'Yon malamang ang ginamit niya para magpadala ng SOS signal.

She had a long, black hair and bangs that cover half of her forehead. Dahil sa liwanag na nagmumula sa labas, her rectangular eyeglasses reflected the light from the moon.

Teka, familiar ang itsura niya, ah!

"Mina!" I shouted, running toward the girl who turned her head to my direction. Kaagad kong tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay at paa niya pati ang tape sa kanyang bibig.

"Are you okay?"

Tumango lang siya, ni hindi magawang makasagot ng oo. I don't know kung na-trauma ba siya sa nangyari or she was just being herself.

"Kilala mo ba kung sino ang nagdala sa 'yo rito?" Tumayo sa tabi ko si Morrie, nakakrus pa ang mga braso. "Do you remember his face?"

Isang mabagal na pag-iling ang isinagot ni Mina. She opened her mouth and tried to speak, but then she chose to remain silent. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, hinahanap na baka naiwan sa tabi ang dala-dala niyang iPad. Maybe she could better communicate with us through her gadget.

"Why don't we bring her to the clinic before we ask her about the incident?" Morrie suggested. Hearing him make that suggestion was odd. I did not know that a Moriartard could show any hint of concern to anyone apart from himself and his kind.

Maingat kong tinulungang tumayo si Mina. Nanginginig kasi ang mga tuhod niya at parang bibigay kapag sinubukan niyang maglakad. Inasahan kong tutulungan ako ni Morrie sa pag-alalay sa kasama namin, pero nauna na siya sa aming dalawa. Mabuti na rin 'yon kasi siya ang nag-ilaw sa dinadaan namin pababa.

The thought of a Holmesian and a Moriartard working together was seemingly impossible. But just for this instance, we did. For a good cause.

The school clinic was only meters away from the abandoned tower. Nasa ground floor ito ng Bartholemew Building — which was adjacent to Baker Building — kaya mabilis naming nadala roon si Mina.

"So far, okay ang kondisyon ng katawan niya," sabi ni Dr. Wendy Preciosa, ang director ng University Health Services. Hanggang balikat ang haba ng kanyang straight na buhok. She removed her eyeglasses after reading the diagnosis on Mina. "She just needs to rest for a few hours."

What a relief! Nakahinga ako nang maluwag matapos marinig ang resulta. We may not belong in the same House, but I would feel bad if something happened to her. Nagpapahinga na si Mina sa isa sa mga kuwarto dito sa clinic.

"Mabuti't wala siyang dust allergy. Paano ba siya napunta roon?" tanong ni Dr. Wendy.

I shrugged my shoulders. "Hindi rin namin alam kung paano. Mina said, or hinted, that she can't remember who brought her there. Baka pwede ulit natin siyang tanungin kapag okay na siya."

"Maybe someone's playing a prank on her," hirit ni Morrie na nakasandal sa puting pader ng clinic at nakapamulsa pa. "This isn't the first time that something like this happened in the academy."

Lumingon ako sa kanya. "But isn't that too much for a prank? Bakit kailangan pa siyang dalhin sa abandoned clock tower kung simpleng panggo-good time lang 'to? Hindi ba nila alam na delikado ang ginawa nila?"

"I agree," Dr. Wendy nodded, reclining on her swivel chair. "The clock tower is scheduled to be demolished within this year dahil anytime, posible itong gumuho lalo na kapag lumindol sa atin. Mabuti nga't walang nangyaring masama sa inyong dalawa noong pumasok kayo roon."

I touched my chin, my eyes looking at the floor. I was trying to find the dots that would lead us to the answer. "Kailangan nating imbestigahan ito at alamin ang motibo ng taong nagdala kay Mina roon."

"Anyway, I already called the Watsonian leader and informed him of the situation. Keano will be here anytime soon," Dr. Wendy stood and put her hands inside the pockets of her white lab gown. "Pwede na kayong bumalik sa Houses n'yo at magpahinga. It must have been a long day for both of you."

With that, Morrie and I took our leave and left the clinic. Mag-a-alas-otso na ng gabi at nababalot na ng kadiliman ang campus. Tapos katabi ko pa ang sugo ng dark side. Salamat sa mga lamp post, they would guide me on my way back to our House.

"What do you think about that abduction?" Himala, si Morrie ang unang nagbukas ng topic. Na-awkward-an siguro siya sa katahimikan habang naglalakad kaming dalawa sa pavement. Dagdag pa ang tunog ng mga kuliglig kaya mas naging awkward.

"Wala akong maisip na dahilan kung bakit si Mina ang naipili nilang biktima. Maybe she was randomly targeted," pabulong kong tugon. The Watsonian wasn't the type who would make enemies out of anyone in this university. "The question is who would have the guts to do this sort of thing?"

Kung ako ang tatanungin, may isang grupo na sumagi sa isip ko na posibleng gumawa nito. Walang iba kundi ang mga katropa ng kasama kong naglalakad ngayon.

"You're suspecting us, aren't you?" tanong ni Morrie kahit wala pa akong binabanggit. Duh, it was too obvious. "I am fully aware that you do not hold our House in the highest regard. But don't you think it is unfair that you are already alleging this incident to us without any basis?"

"It could either be you or the Adlerians who love playing pranks on students." But my gut feeling told me that it was the former, not the latter.

Kung nagawa ng lalaking 'to na utusan si Aiden para takutin ako at kunan ng video ang nakakahiya kong reaksyon, hindi gano'n kalayo ang posibilidad na may kinalaman ang mga kapwa Moriartard niya.

Ang kaso, wala pa kaming hawak na kahit anong mag-uugnay sa kanila at sa insidenteng 'to. We needed to ask Mina questions once she's in perfectly good condition.

Nakarating kami sa crossroads patungo sa kani-kanyang Houses namin. Kumaway lang siya sa akin bago diretsong naglakad sa direksyon ng Moriarty Manor, ang dormitory ng mga Moriartard. One could also call it the headquarters of the dark side. Ako nama'y lumiko at naglakad patungo sa Holmes Hall.

May pagka-Western ang style ng dormitory namin. For our safety and security, a guard was stationed at the entrance, tsine-check kung ang mga pumapasok ay talagang taga-House namin. Naging isyu kasi raw noon ang pag-disguise ng ibang Houses para makapasok sa loob.

Pinagbuksan niya ako ng pinto matapos batiin ng magandang gabi. As the door swang open, our busy lounge greeted me. Dito tumatambay ang mga Holmesian na ayaw magkulong sa mga kuwarto nila. As usual, marami ang nakaupo sa mga kulay asul na couch. May iilan pa ngang nakaupo sa tapat ng fireplace at tila pinaglalaruan ang apoy rito.

"Good evening!" masiglang bati ko sa kanila. They all turned to me with smiling faces. But seconds later, nagbago ang timpla ng mga mukha nila. Nagsimula silang magbulungan na may kasama pang pagsulyap sa akin.

Baffled by their reaction, I tried to maintain an awkward smile as I walked to the other side of the lounge, patungo sa quarters namin. Their curious eyes were gazing at me as if I committed a crime. May problema ba sila sa akin?

"'Di ba't siya 'yong nasa video? Naka-ponytail tapos hanggang baywang ang buhok."

"Parang siya nga. Tingnan mo, kakauwi niya lang ngayon."

Dumiretso ako sa hallway, dinedma ang mga mapanuring tingin nila sa akin. Baka may napanood silang sex video tapos iniisip nilang ako 'yong nandoon? My God! What were they thinking?

"Nakakahiya, 'no? Taga-Holmes pa naman siya tapos ganyan siya umasta."

As much as I wanted to ignore the foolish babblings of my Housemates, naasar ako roon sa huli kong narinig. Ako? Nakakahiya? Ano bang basehan ng babaeng 'yon para magsalita ng masama tungkol sa akin?

Hinarap ko ang mga bubuyog na walang ginawa kundi lumikha ng ingay magmula nang pumasok ako sa lounge. My hands were on my waist as I glared at everyone in the room. "Ano bang problema n'yo sa 'kin, ha? Bakit bulong-bulong kayo diyan?"

Yumuko o 'di kaya'y tumingin sa ibang direksyon ang karamihan sa kanila. Ano? Hindi kayo makapagsalita, 'no? Umurong ang dila n'yo?

"Congratulations, you are now a campus sensation," Locke said in what seemed to be a sarcastic tone. He was standing at one corner of the lounge, waving his phone. "You are going to be the talk of the town for the next few days."

"Uhm... Harriet?" Nilapitan ako ni Sherry habang hawak-hawak ang kanyang phone.

"What's going on here?" I hissed. "Alam mo ba kung ano ang problema ng mga 'to sa 'kin?"

Napakagat-labi si Sherry, kumurap-kurap ang mga mata. Mukhang seryoso ang isyu nila sa akin. Ano bang nagawa ko?

"Harriet... kasi... may napanood kaming video na ipinost sa campus e-bulletin board natin—"

"Sex video ba 'yan? I will shoot down your theory as early as now. Hindi ako ang nandoon, okay? Never pa nga akong nakipag—"

Itinutok ni Sherry sa mukha ko ang kanyang phone at ipinakita ang isang nagpe-play na video. Isang babaeng naka-ponytail ang makikitang namamalo sa isang lalaking nakahiga sa sahig.

"Sinabi ko nang hindi nga ako—Teka!" Hinablot ko ang kanyang phone at zinoom ang itsura ng babae. Sunod kong chineck ang mukha ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung anong video ang ipinapanood sa akin. It was me beating Aiden with a singlestick earlier in the gymnasium. May caption pa itong kasama:

Sadist student hits poor lad

What the flipping heck!

Tila umusok ang ilong ko sa galit at tumibok ang ugat sa aking sentido. Napakuyom din ang mga kamao ko habang pinapanood ang kabuuan ng video. Mas nainis ako sa mga nag-comment dahil akala nila'y basta-basta ko na lang pinagpapalo si Aiden.

There's only one man who could be behind this video:

MORRIE!

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro