Kael,
limang taon na ang nakakalipas simula noong gabing tinapos natin ang lahat.
linggo noon at katatapos nating magsimba noong naglakas loob akong sabihin sa'yong ayoko na. dalawang salita. ang apat na taon natin ay nagtapos lang sa dalawang salita. ramdam kong nasaktan ka ngunit hinayaan mo na akong makawala. noong gabing iyon, naisip kong tama nga ako . . .
hinintay mo lang akong sumuko kasi naduwag kang lumayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro