iii
Kael,
noong hapong iyon, naisip kong hindi ka katulad ng ibang lalaki.
tinanong mo ako kung bakit ako umiiyak. akala ko nga ay hindi halata. magsisinungaling pa sana akong dahil 'yon sa ulan kaso sabi mo, "Iyak ka lang, andito naman ako para patahanin ka." mas lalo akong naluha kasi ganyan din ang palaging sinasabi ng Papa ko. na ayos lang umiyak kasi kaya naman niya akong patahanin. niyakap mo ako at sa pagkakataong iyon, naisip kong may kamay ang mundo . . .
kasi narito siya, yakap-yakap ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro