Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ii

Nika,

hindi ko alam kung paano ka patahanin. sobrang taranta ko na  no'n kasi baka isipin nilang ako ang nagpaiyak sa'yo. kaya kahit sintunado, kumanta na lang ako.

noong nakilala kita, naisip kong kaya kong harapin ang anomang sakuna basta kasama kita. umuulan noon, basang-basa ka. binigay ko pa nga ang jacket ko sayo kasi ... alam mo na. nakaputing polo ka noon e. ayoko namang bastusin ka ng kung sino-sino lang. noong nagpasalamat ka, bigla ko na lang napagtanto na totoo nga ang mga anghel . . .

dahil 'yong isa, narito sa tabi ko, kausap ko pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro