C H A P T E R 7
Nakarating naman ako sa bahay at dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga muna. May pupuntahan pa kasi kami mamaya na exhibit ng mga paintings.
*knock*knock*knock*
"panggeeetttttttttttttttt" narinig ko naman ang hapaslupa kong kuya na kumakatok at sinasabihan na naman ako ng panget.
Binuksan ko ang pinto
"baba na at kakain na tayo, para makaalis na rin tayo mamaya." SInundan ko naman na si kuya papunta sa kusina. Umupo na ako sa harap ng lamesa at andito na rin sila nanay at tatay.
"buti naman anak at bumalik ka na sa paglalaro ng badminton." Paninimula ni nanay.
"yes po, last week ko pa rin po kasi pinag-iisipan, tapos kinailangan ng isa pang player ngayon dahil nagkasakit yung isang player."
"so may upcoming na game ka ngayon?" tanong ni tatay. Tumango naman ako sakaniya at nagsimula ng kumain. Nakita ko naman na masaya sila dahil sa pagbabalik ko sa paglalaro. and i'm happy too.
Nang matapos akong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos. Naligo ako at ng kukuha ako ng underwear ko naalala ko na naman yung sinabi ni Timothy kanina. AHHHHH!!!!! Nakakainis talaga yung lalaking yun! Mahangin na nga may pagkatarantado pa walangya!
Natapos akong nag-ayos at bumaba na ako.
Nakarating kami sa place at pagkapasok namin ay samu't saring mga paintings ang nakasabit sa bawat sulok ng dingding, sakto lang ang dami ng tao rito sa loob.
"Mga anak mag-ikot-ikot muna kayo at kukumustahin lang muna namin ang mga kaibigan namin." Mahinahong sabi ni tatay. Naglakad lakad naman kami ni kuya, medyo naiirita na ako dahil sa hawak ko yung phone ko.
"kuya pabulsa nga muna nitong phone ko wala kasi akong bulsa." Sabay abot ko sakaniya
"mamaya may tumawag na boyfriend mo dito ah sumbong kita kila tatay" SInimangutan ko nalnag siya. OA talaga pag-iisip ng kuya ko.
"Kuya Zed!" napatingin naman ako kung saan galing yung boses na tumawag sa pangalan ng hampaslupa kong kuya. Ohmygash. Ang gwapo ni Clement.
"Hi Jess." bati niya. Tumango nalang ako sakaniya pero omaygash ang gwapo niya talaga. JV TAMA NA YAN WAG KA NG TUMITIG MATUTUNAW NA SIYA. Sabaterang konsensiya. Mahilig pala si Clement sa mga paintings kaya kung minsan na may mga ganitong exhibit at naiinvite kaming pumunta ay lagi ko nakikita ang family nila.
"sige kayo na munang magsama at makikipagkwentuhan muna ako sa mga taong kilala ko rito. Bantayan mo yan baka mawala." Palokong sabi ni kuya kay Clement. Ano ako bata na mawawala pa?
"Sige kuya Zed makakaasa ka." Binelatan pa ako bago umalis, parang bata, sinimangutan ko nalang siya ng umalis na siya.
Habang naglalakad ay biglang naitanong ni Clement ang about sa pagbabadminton ko.
"Bumalik ka na pala sa pagbabadminton? Di mo man lang sinabi sakin." tapos nag-act pa siyang nagtatampo siya sa akin. Pacute lang?
"biglaan din kasi, actually next week ko pa dapat sasabihin sakanila coach na babalik na ako sa paglalaro, pero tinanong kasi ako kanina ni Ma'am Bangs kung ready na raw ba ulit akong maglaro dahil kailangan ng kapalit doon sa isang player dahil nakasakit siya."
"then?" sabi niya habang patuloy parin kaming naglalakad ng dahan-dahan .
"so yun, pumayag nalang ako kaagad dahil request din daw yun ng player na papalitan ko sa game, atsaka ayoko na ring pag-isipan, siguro minsan kailangan ko nalang magdecide on the spot at sundin ang gusto ng puso ko sa mga oras nay un." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ko dahil natutuwa ako at pumayag ako sa alok ni Ma'am Bangs kanina.
"alam mo ba Clement, ang sarap sa feeling bumalik sa court, nakakamiss pala na maglaro, nakakamiss din pala yung pagod sa paglalaro" Napasulyap naman ako sakaniya at nakangiti siya habang naglalakad kami.
"bat ka nakangiti?" tanong ko saknaiya
"wala naman, masaya lang akong bumalik ka na sa paglalaro mo at makita kang masaya dahil sa naging desisyon mo." Tumingin siya sa akin at napangiti naman ako sakaniya. Napabuntong hininga muna ako bago ako magsalita ulit.
"Nagsimula lang naman akong umayaw sa pagbabadminton ng dumating ang babaeng yun sa buhay ko. Pero ngayong wala na siya, at kung sakaling babalik man siya, ahh hindi na pala siya makakabalik, subukan niya lang at baka maging demonyo ako ng wala sa oras...joke!" Nakita ko naman ang pagkagulat ni Clement dahil sa sinabi ko. Napatawa naman ako dahil sa reaction niya. Napailing-iling naman siya at nangisi.
SImula talaga ng dumating ang babaeng yun ay nagsimula na akong mainis sa badminton, dahil sa naging player na rin siya noon at napansin ko ang panlalandi niya kay Jaylor, nagalit ako non kay Jaylor dahil patuloy pa rin siyang lumalapit sakaniya, pero wala siyang pake sa mga sinasabi ko non.
Dahil sa pagkainis ko na makita silang dalawa na magkasama minsan ay nadadamay pati ang paglalaro ko, naging mas magaling ang malanding yun dahil sa akin. Nagsimula nila akong icompare sa malanding yun, pero wala akong pake hanggang sa, sa taong mahal ko na narinig ang pagkokompara niya sa aming dalawa.
"dude, narinig ko pinagpipilian kung sino ang isasali para sa laro eh kung si JV ba or si Steccy, kung ikaw dude sinong pipiliin mo?"
"hhmmm well..si Steccy pare, kita mo naman kung paano siya maglaro diba, nong dumating nga si Steccy parang nawala ang skill ni JV sa paglalaro, parang ngang naging beginner nalang siya, kaya sa tingin ko si Steccy ang pipiliin nila."
Ang sakit maalala ang bagay na yan, sobrang sakit, hindi niya ba alam na kaya lang ako nagkakaganon ay dahil sa nangyayari sa aming dalawa?
Bago sila mamili nong time na yun ay pinaglaban nila kaming dalawa, binuhos ko ang lahat ng galit ko sa pagbabadminton para ipakita sakaniya na hindi ako ganoon kadaling matalo sa malanding to. And I did it. Ako ang sinali nila. Pero pagkatapos kong maglaro nangyari ang hindi ko inaasahang pagkapilay ko. Nawalan na ako ng pag-asa non at nong gumaling ako ay nawalan na rin ako ng ganang maglaro.
"May mga oras ka pa para gumawa ulit ng magagandang memories ngayon sa pagbabadminton mo ng hindi na kasama ang lalaking yun. Don't stop doing what you love dahil lang sa may isang taong nagbigay sayo ng masamang alaala rito" Napatango naman ako dahil sa sinabi niya. Tsaka siya ngumiti sa akin kaya ayon ang gwapo niya sobra.
"tara doon." Pag-aaya niya, sumunod naman ako sakaniya.
Gusto ko tuloy magpabili kila mom ng painting ang ganda kasi sobra, pero masyadong mahal kaya wag nalang. Tuloy-tuloy naman kami sa mabagal na paglalakad ni Clement habang pinupuri namin ang mga nadadaanan naming mga painting.
"hala bakit love letters tong painting na to?" nagtatakang tanong ko, napahinto naman kami doon sa painting na puro love letters ang makikita
"Bakit mo ko tinatanong bakit ako ba may gawa niyan? Hanapin mo yung gumawa tapos siya ang tanungin mo." Sarkastiko niyang sabi sakin.
Nilingon ko naman siya "bakit ikaw ba kinakausap ko, hindi ba pwedeng kausap ko sarili ko? ang epal kasi." Tsaka ko siya inirapan, tapos inirapan din niya ako.
"do you hate it?" bigla niyang tanong.
"it's not that I hate it, maybe I just don't like the idea of love letters." Sagot ko sakniya.
"titig na titig ka ata sa painting na yan" biglang sumulpot ang kuya kong hampaslupa at nilingon ko siya na nasa kaliwa ko.
"may naalala ka lang ata sa painting na yan eh" Malungkot na tono ang narinig ko kay kuya pero paloko niyang sinabi. Alam niya kasi na nagbibigay ako ng mga love letters dati doon sa lalaking gumago sakin kasi minsan niya akong nahuli na may sinusulat tapos tinakot niya ako na sasabihin niya raw kila tatay na lumalandi na ako kaya yon kwenento ko sakaniya na may gusto ako sa school pero di ko sinabi kung sino, hindi alam nila tatay na nagkaroon ako ng boyfriend pero alam yun ni kuya hindi niya pero kilala kung sino yun kasi hindi ko na sinabi sakaniya, ng ginago ako ni Jaylor ay hindi ko pinaalam sakaniya dahil baka kung ano pang magawa niya sakaniya, mahal ko pa rin siya noon kaya ayoko siyang masaktan at mapahamak, sinabi ko nalang na hindi nagwork-out kaya mas pinili nalang naming maghiwalay, hindi niya alam na ginago ang panget niyang kapatid.
"mga anak nandiyan lang pala kayo." Rinig kong sabi ni tatay, nakita ko naman siya kasama si nanay at napatingin na rin sa painting.
"I like this." Sabi ni tatay habang nakatingin sa painting
"maybe we should buy this." Sabi naman ni nanay, tumingin sa amin si nanay "diba maganda naman siya, bagay naman siyang idisplay sa bahay, right?" nakatingin lang kami kay nanay di ko alam sasagot ko eh.
"we should get this." Rinig kong sabi ni tatay.
Oh God.
"kung iba nalang kaya nay?" bigla kong sabi
"bakit ayaw mo ba to?" tanong niya sa akin
"ah eh hindi naman, kayo bahala kung ano gusto niyong kunin." Ngumiti nalang ako kila mom.
"bitter lang talaga ang aking sistah dahil walang labyp kaya ayaw niya ng mga ganyan." Pang-aasar ni kuya.
"maybe it's time para di ka na maging bitter and love about the chessy things." Tapos tumawa pa si nanay, hayysss nakakaasar kasi tong hampaslupa kong kuya kung ano ano pinagsasasabi.
"okay then, we'll get this." Umalis sila nanay para kausapin yung kung sino man para mabili tong painting na to.
Nakakainis. Feeling ko everyday ko ng maaalala kung gaano ako kacorny noon sa isang manlolokong lalaki ahhh omaygggaaassshhh nakakainis! Ang tanga tanga ko non at nagpaloko ako!
Nakauwi kaming bahay kasama ang painting nay un bago ako pumasok sa kwarto ay tinawag pa ako ng hampaslupa kong kuya.
"yung phone mo oh, tumawag nga pala si Jaylor kanina." Napakunot naman ang noo ko dahil doon.
"bakit daw?" tanong ko
"magtatanong lang daw sana siya ng assignments niyo." Shunga ba siya ha, kita niyang nagpractice ako buong maghapon kanina diba tapos sakin siya magtatanong!? O baka may sasabihin siya? ahh! Whatever pake alam ko doon ayoko ng isipin pa, sakit sa brain, este skull wala pala akong brain dahil sa shushunga shunga ako.
Maaga ulit akong pumasok as usual at wala pa akong magawa kaya Insta muna ulit tayo. Kausap ko ngayon si Cloud at nakwento ko sakniya ang mga paintings na nakita ko kagabi.
-pero Cloud tanong ko lang saan ka pala nag-aaral? Tagal tagal na nating nag uusap eh pero hanggang ngayon di ko pa alam kung saang school ka nag-aaral.
C: secrettttttttttttttttttttttttt
-ay bakit naman secret?
C: soon malalaman mo, magugulat ka, malay mo magkapareho lang tayo ng school diba? HAHAHHA
-pamysterious ka naman diyan. Epal ka rin eh no?
C: HAHAHAHAHA pwede
-saan nga ?
C: hay nako JV ang kulit mo, bastaaaaa. Soon malalaman mo promise.
C: maliligo na ako para makapsok na rin ako.
-sabi mo yan ah! Dapat next week alam ko na!
C: hahahahaha sige na liligo na ako
Hindi na ako nagreply pa at itinago ko na ang phone ko, naalala ko kasi may kukunin pala ako sa locker ko. Kaya pumunta na ako.
"JV!" napalingon naman ako at nakita ko si Heihei, na tumatakbo palapit sa akin
"himala atang ang aga mo ngayon?" sabi ko sakaniya
"eh wala naman gusto ko lang pumasok ng maaga ngayon" sabi niya sa akin.
Binuksan ko naman ang locker ko at may nakita akong sobre, kaya kinuha ko.
"ano yan" tanong naman sa akin ni Heihie. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano yun.
Binuksan ko ang sobre at kinuha ang papel na nasa loob, binasa ko naman ang nakalagay at itong si Heihei ay nakikibasa rin at ng marealize ko kung ano yun. Napatingin ako kay Heihei at napatingin din siya sa akin.
"secret admirer?" sabay naming sabi.
"omaygashhhhhhh love letter..." mahina niyang sabi habang kinikilig tapos may sapak pa akong natanggap
"masakit katawan koooooooo" sabi ko tsaka ako nag act na naiiyak na kasi naman ang sakit kaya sa katawan nong biglaang paglalaro ko kahapon.
"sorry na kinilig lang, sino kaya yan omgggggg" tapos kinikilig siya, aba siya pa talaga kinilig sa aming dalawa ah
Binulsa ko naman yung love letter at pumasok na kami sa classroom, itong si Heihei patuloy na nang-aasar sa akin at nagsasabi ng kung sino sinong lalaking kilala niya na baka raw ay yun ang naglagay sa locker ko.
"oh anong meron?" narinig kong sabi ni Kej. Bumulong naman si Heihei sakaniya at
"oyyyy may nagbigay ng love letter sakaniya" mahina niyang sabi tapos sabay sundot sa tagiliran ko. Walangya sabi kong walang maingay about doon eh!
Umupo na ako sa upuan ko, wala pa yung mahangin na katabi ko.
"omaygash baka si Timothy yun!" sabi ni Heihei kay Kej. Tapos sabay silang kinilig . mga baliw!
"ano yun? Narinig ko pangalan ko?" nagulat naman ako sa biglaang pagpasok ni Timothy.
"wala!" sabi ko kaagad, baka kasi sabihin pa yun ni Heihei sakaniya nakakahiya naman.
"anong wala? Eh narinig ko nga?" ang aga aga nagsusungit na naman.
"Ito kasi si JV----" pinutol ko na yung sasabihin ni Kej
"Kej shut up." Seryoso kong sabi. Nakita ko naman siyang nagpeace sign tapos pinalo siya ng mahina ni Heihei mukhang sinisisi niya dahil sa pagkainis ko. Umupo naman si Timothy sa tabi ko.
"so ano nga yung pinag-uusapan niyo?" tanong niya ulit. Sinamaan ko siya ng tingin at sinamaan din niya ako ng tingin, aba nakakainis din ang isa tong di niya ba makuha na ayokong pag-usapan ang bagay na yun. Inirapan ko nalang siya at yumuko muna sa table.
"ayaw atang ishare kasi masasama ata yung mag pinagsasasabi nila tungkol sa akin" narinig kong bulong niya. Nagpaparinig!?
Iniangat ko naman ang ulo ko para tignan si Timothy
"pwede ba Timothy itikom mo yang bibig mo, kung ayaw mong tahiin ko yan" Bigla naman siyang napatawa dahil sa sinabi ko. Kinurot ko siya sa braso niya
"aray!" bigla siyang sumimangot at nagsungit sa ginawa ko. Sinimangutan ko rin siya at yumuko ulit.
May naramdaman naman akong may parang may humihila sa hibla ng buhok ko. Kaya iniangat ko ulit yung ulo ko. Tinignan ko naman siyang nakatingin lang sa buhok ko tapos hinihila niya
"masakit!" sabi ko sakaniya
"may kuto ka" narinig kong sabi niya. Napatingin tuloy yung mga classmate ko sa akin. Ang kapal ng pagmumukha wala akong kuto hoy! walangya talaga! Tinabig ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa hibla ng buhok ko.
Napatawa naman siya sa ginawa ko.
"inaalis ko lang yung kuto mo para hindi na dumami" sabi niya pa.
"Hoy wala akong kuto ang kapal mo!" sigaw ko saknaiya. Tumawa ulit siya
"joke lang na may kuto si JV, wala talaga siyang kuto" tumatawa niyang sinabi sa mga classmate naming nakatingin sa amin.
"hay napakabruhang babae" narinig ko ulit na bulong niya.
"pero maganda naman" bulong ko naman. Narinig ko naman ang pagngisi niya.
"bruha na nga may kuto pa tsk tsk tsk"
ahhhhhhhhhhhhh ano bang problema ng Timothy na to at naninira ng araw eh kauma-umaga palang idagdag mo pa ang natanggap ko kanina, anong problema sakin ng mga love letters? Kagabi painting ngayon naman isang love letter!?
I don't like love letters!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro