Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 6

[JV'S POV]

Itong si Timothy naman kung ano anong naiisip na laro, naglalaro kami ngayon ng SOS, paramihan kami ng mabubuong SOS na word hanggang sa dumating ang teacher namin.

"ayun oh" sabi niya at pinagconnect niya ang letrang S-O-S, bat di ko nakita yun? Sampu na yung score niya ako lima palang. "doling ka ba JV?" tsaka siya napatawa, inirapan ko nalang siya dahil sa pang-aasar niya.

"ayieeeee sweet niyo naman, pwede bang sumali?" andiyan na naman ang pang-aasar ni Heihei, napatingin naman ako sakniya na papalapit samin, at bigla nalang akong napatingin sa likuran niya at nakita ko si Jaylor na naglalakad papunta sa upuan niya, bat parang galit ata siya, anyari kaya sakniya? Hay nako! Pake alam ko ba doon.

"Sali na ako." Pagpupumilit ni Heihei samin.

"babe hayaan mo nalang silang maglandian diyan, landiin mo nalang ako" narinig ko namang sabi ni Kej kay Heihei, aba dito pa talaga sila naglalandian sa harapan ko! nakakabitter!!!

"sige baby ikaw nalang lalandiin ko" nakita ko namang pinisil ni Heihei ang pisngi ni Kej.

"ewwwwww" sabay naman kaming napa ewwww ni Lexy.

"good morning ma'am Bangs!!" narinig ko namang sabi nong isa kong classmate kaya napaayos na kami ng upo at pumunta na sila Kej sa sarili nilang upuan.

ayan buti nga at ng hindi na sila maglandian pa.

"good morning class, My muse and Adonis pumunta na kayo sa gymnasium at magprapractice na ulit kayo, varsity players pumunta na rin kayo para magpractice." Nakita ko namang nagsi tayuan ang mga aalis, tapos nagpaalam samin si Heihei at Kej.

"Secretary" may binigay siyang paper sa secretary namin, siguro ang mga ipapagawa niya na naman dahil aalis na naman siya at aasikasuhin ang mga bagay bagay para sa nalalapit na event. Isa kasi si Ma'am Bangs sa mga teachers na nag-aasikaso kapag may mga events.

"Jessi" napatingin naman ako kay Ma'am Bangs dahil sa pagtawag niya sa akin. Sinenyasan niya naman ako na lumapit sakniya. Kaya tumayo ako at lumapit sakaniya.

"kaya mo na bang maglaro ngayon?" nagulat naman ako sa tanong ni Ma'am Bangs sa akin.

"nagkaroon kasi ng dengue ang isa sa mga players sa girls at kailangan ng kapalit. Ready ka na ba ulit maglaro ngayon?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan. Napanganga nalang ako at walang salitang lumabas sa bibig ko.

"oyyyy maglaro ka na ulit Jess! Miss na kitang makita sa court!" napalingon naman ako sa classmate ko na nakaupo sa harapan, nakangiti siya sa akin tapos parang sinasabi ng mata niya na pumayag ako sa sinasabi ni Ma'am Bangs. Ngumiti naman ako sakniya at tumingin ulit ako kay Ma'am Bangs.

"pero Ma'am matagal na rin po since yung last na game ko, feeling ko po ang rusty ko na eh, baka matalo lang? wala na po bang iba?" Nakita ko namang ngumiti si Ma'am Bangs.Bakit ba at ayaw ko pang tanggapin eh last week ko pa tong pinag-iisipan?

"Jessi alam mo namang hindi basta-basta tong event na to and sa tingin ko kaya mo to, may tatlong araw ka pa para magpractice, alam kong kaya mo yun, ikaw pa ba, ikaw kaya ang favorite at idol kong player ng badminton sa girls. At sabi rin sakin nong player na nagkasakit, sorry forgot her name eh, sabi niya ikaw daw ang piliin ko na pumalit sakaniya sa game dahil idol ka raw niya." Natouch naman ako sa sinabi ni Ma'am Bangs at napangiti ako sakaniya, medyo nangingilid na nga yung luha ko dahil sa sinabi niya.

"Gooo na Jessssssssiiii kaya mo na yaaannnn" napalingon naman ako sa iba kong classmate na kinoconvince na rin ako para maglaro. Napabuntong hininga naman ako at ngumiti kay Ma'am Bangs.

"sooo? gusto mo pa bang pag-isipan?" ngumiti si Ma'am Bangs at mukhang alam niya na ang sagot ko.

"I've been also thinking this last week ma'am if I should continue my journey sa badminton, and I think baka ito na nga ang sign para bumalik ulit ako, kaya opo ma'am pumapayag na po ako, hindi ko na rin pong kailangang pag-isipan kasi i feel like badminton is calling me na" napatawa naman kami ni Ma'am dahil sa sinabi ko tumango ako sakniya at mas lalo siyang ngumiti sa akin. Alam kong nakita rin ng mga classmate ko ang pagtango kaya naman narinig ko silang nagdrumroll at napasigaw tas may kasama pang palakpak

"sure win na tayo diyan!!" narinig ko namang sigaw ni Lexy kaya napatingin ako sakaniya na nakangiti ng sobra sa akin at nagwink pa.

"magpalit ka na pumunta ka na sa court mamaya para magpractice, hinihintay ka na ng mga kasama mo pati na rin ang coach mo."

"Ma'am pwedeng mamaya unti kasi po wala po akong damit na pamalit eh papadala pa po ako"

"okay lang alam ko namang di mo rin inaasahan ang araw na to" ngumiti ulit si Ma'am Bangs sa akin at tsaka nagpaalam siya sa amin para umalis dahil may aasikasuhin pa siya.

Bumalik naman ako sa upuan ko na may ngiti. Naeexcite ulit ako maglaro, matagal ko na ring napag-isipang bumalik sa pagbabadminton pero nagbabago ang isip ko, pero ngayon siguro kailangan ko na ring bumalik, last year ko na rin naman na dito sa eskwelahang ito kaya sige babalik na ako sa paglalaro.

"player ka?" napatingin naman ako kay Timothy na parang excited din. Tumango ako sakniya.

"eh bakit ngayon ka lang maglalaro?"

"long story." Napabuntong hinga naman ako ng maalala ko ang nangyari ng araw na yun.

Oh gosh maglalaro ulit ako, never thought na ganito ang magiging scenario ng pagbabalik ko sa badminton, dapat next week ko pa to sasabihin pero mukhang kailangan na ata ngayon. Napangiti naman ako dahil sa excitement na nararamdaman ko.

Lumabas naman ako ng building at nakita ko na ang hampaslupa kong kuya na naghihintay. Kinuha ko na ang paper bag na hawak niya.

"hoy panget mag-ingat ka mamaya baka kung ano na namang mangyari sayo."

"opoooo" sabi ko naman

"I'm happy na bumalik ka na sa paglalaro." Ngumiti naman siya sa akin tapos hinug ako.

"ang baho mo di ka pa naglalaro" lumayo naman sakin ang hampaslupa kong kuya at tinkpan ang ilong niya abaaaaa ang sama talaga neto. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"baho na nga panget pa hay nako kaya walang lablyp, well ingat ka sistah galingan mo" yinakap niya pa ako bago siya umalis.

"ingat ka panget kong kuya!!" sigaw ko naman sakaniya tapos lumingon siya kaya nagwave ako ng kamay ko. Sumagiaw pa siya na mas pangit ako. Walangya talaga yung kuya kong yun grabe talaga kung makapanglait sakin.

Pagkatapos kong magpalit ay pumunta na ako sa court habang dala dala ko ang raketa ko. Binati naman ako nong mga kasama ko dati sa badminton at happy sila na makita ulit ako.

"so paano kapag katapos neto tuloy tuloy ka ng maglalaro " tanong ni Luna isa sa mga kasamahan ko dito sa badminton. Tumango naman ako sakaniya at natuwa siya sa sagot ko.

*whistlllee*

Nakarinig naman ako ng pito kaya napatingin kami doon at nakita ko si coach

"I know you're all happy sa pagbabalik ni Jessi and I'm happy too, but we need to practice na okay?" nakangiting sabi ni Coach Bella.

Nagstretching muna kami at habang nag sstretching kami ay napatingin naman ako doon sa gawi ng mga boys na players ng badminton, nakita ko si Jaylor na nakaupo palang habang nakatitig sa akin. Isa to sa reasons kung bakit umayaw din akong magbadminton. Pero ayoko ng idamay ang pagbabadminton ko ngayon. Nag-iwas nalang ako ng tingin sakniya at nagpatuloy sa stretching.

"omaygahd" sabi ko ng tanggapin ko ang smash ng kalaro ko, grabe anlakas niyang mangsmash nu baaaaa naloloka ako ah, pero di tayo papatalo si JV ata tong kalaro mo.

"omayyyyy" sabi ko ng muntik akong madapa sa paghabol ng shuttlecock .

Last point ko nalang at magpapahinga na muna ako, scoring kasi ang ginagawa namin ngayon, gosh sobrang pawis ko ngayon.

Napahawak naman ako sa magkabilaang tuhod ko ng pagkatapos kong masmash at hindi niya nataaman yun, grabe napagod ako ng sobraaaaaaaa.

"walang kupas JV!" narinig kong sabi ng mga kasama ko, ngumiti nalang ako dahil medyo nahihiya na ako sa mga papuring sinasabi nila sa akin.

"JV!!!" nakita ko naman si Heihei na kumakaway sa akin at kasama si Kej pati narin si Timothy at Lexy.

"bat kayo andito wala na kayong klase?" tanong kila Timothy at umiling naman siya. "eh kayo wala na kayng practice?" tanong ko kila Heihei

"break time namin, kanina pa kaya kami nanonood sayo galing mo talaga JV!" masayang sabi sakin ni Heihei

"ako pa ba" sabay wink ko

"buti naman at bumalik ka na sa paglalaro?" sabi ni Kej sa akin.

"syempre naman miss na nila ako eh joke!" kaya napatawa kaming lahat.

"it's good to see you here, laro tayo later?" napatingin naman ako sa tabi ko at nakita ko si Jaylor na nakangiti sa akin.

"JV naalala mo yung libre mo sa akin? Natalo ka kanina sa laro natin diba? Libre mo kong burger gusto ko ng ganon ngayon." Napatingin ako kay Timothy na nakasimangot sa akin.

Napatingin naman ako kay Heihei na nakangiti ng sobra.

"sige na pumunta na kayo at magdate okay lang kami dito." Tsaka naman ako hinila ni Heihei para itabi kay Timothy.

"tara na babe libre mo na ako." Napatingin ako kay Timothy dahil sa gulat. Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat ko at pinatalikod niya ako kila Heihei para makaalis na kami.

"sweeeeeeet niyo!!!" narinig ko pang sigaw ni Heihei sa aming dalawa.

"hoy hoy hoy walangya ka anong babe babe ka diyan ah di mo ko babe!" sigaw ko naman skanaiya habang naglakakad na kami papuntang hallway.

"chill ka lang lalo kang pumapanget eh" aba!!! grabe, bat ba walang nagsasabing maganda ako!?

Pumunta naman kami sa parang garden ng school ng matapos ko siyang mabilhan ng burger niya at makabili ng ice cream ko. Umupo naman kami sa may damuhan sa may ilalim ng puno.

"galing mong maglaro." Napatigil naman ako sa pagkain ng ice cream at napatingin ako sakaniya. "ohhh baka lumaki ulo mo niyan!" sabi niya sakin tsaka siya napatawa.

"sabi sakin nong mga classmate natin tumigil ka raw ng pagbabadminton kasi naaksidente ka, napilay ka daw tapos nong gumaling ka ayaw mo na muna daw maglaro, bakit?"

Napatigil ulit ako sa pagkain ko ng ice cream at naalala ko yung nangyari before.

"chismoso ka rin pala no?" napatawa naman siya at hinihintay parin ang sagot ko.

"di ko rin inaasahan na ganon ang mangyayari, may nangyari kasi tapos naitulak ako, nasa malapit sa hagdan kasi kami nong mga time na yun, nong natulak niya ako napaatras ako pero di ko nakita na hagdan na pala yun kaya ayun nahulog ako sa hagdan, napilay ang kaliwang paa ko non dahil sa pagkakahulog ko."

Nakita ko naman siyang nakatingin lang sakin habang nakikinig. Okay mapapakwento ako ngayon sa lalaking to.

"nong gumaling ako napag-isip-isip ko na ayoko na munang maglaro dahil ayokong makita ang pagmumukha nilang dalawa, ang sakit eh, alam mo yun sobrang sakit na makita silang dalawa na naglalandian sa harapan ko." Napabuntong hininga naman ako.

"ano ba kasing nangyari at tinulak ka sa hagdan, atsaka sino yung sinasabi mo na naglalandian?" sunod sunod niyang tanong.

FLASHBACK

Sinundan ko ang malanding babaeng to.

"hoy babae!" sigaw ko ksaniya dahil sa galit ko, buti nalang at walang mga estudynate rito at andoon silang lahat sa gymnasium nanonood ng event.

Huminto siya at humarap sakin.

"ano pa bang kailangan mo sakin Jessi? Hindi pa ba malinaw sayo? Di ka niya gusto dahil ako ang gusto niya! ako mahal niya kaya pwede tama na gurl! sinisira mo ang beauty ko!"

"hoy hindi ka maganda!" sigaw ko skaniya

"pero ako ang mahal niya." potik ang sakit non ah, natamaan ako ng sobra doon, tama nga siya, anong silbi ng ganda ko kung yung lalaking gusto ko eh hindi naman ako gusto.

"pwede ba wag mo nalang kaming guluhin?" inis niyang sabi sakin.

"hoy ang kapal mo para ipalabas na ako ang nanggugulo, pero ikaw naman tong bigla nalang nagpakita at lumandi sakaniya!"

"hindi mo ba alam? Bago ka niya makilala, kilala niya na ako, at bago pa siya umamin sayong gusto ka niya, mas nauna na siyang umamin sa akin, pero hindi ko yun tinanggap dati dahil umalis ako ng Pilipinas, pero ngayong nandito na ako sorry ka nalang pero akin na siya." nakita ko ang mga ngisi sa labi niya.

"naalala mo ba nong December 28? Monthsary niyo yun diba pero di siya nakarating, alam mo ba kung bakit?" mas lalong lumaki ang ngisi niya at parang pakiramdam ko ay may sasabihin siyang ikadudurog ng puso ko ng sobra.

Lumapit siya sa akin at bumulong "magkasama kasi kami, at alam mo ang pinakaexciting na nangyari nong magkasama kami?" narinig ko ang pagtawa niya bago siya ulit magsalita

"may nangyari kasi samin" ngumisi siya at lumayo na sa akin .parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, wala akong maramdaman, parang hindi kayang itake ng utak ko ang sinabi niya, hindi hindi yun totoo! Ang sabi niya biglaan siyang pumunta sa lolo niya.

"hindi yun magagawa ni Jaylor sa akin sinungaling ka! Ang sabi niya noon ay pumunta siya sa lolo niya dahil gusto siya netong makita!" garagal na ang boses ko dahil sa naiiyak na ako.

"oo nga pumunta kami sa lolo niya, magkasama kaming dalawa, at pagkatapos non pumunta kami sa isang kwarto sa bahay ng lolo niya, we kissed, passionately, so hot fck, naalala ko pa kung paano niya ako halikan----" Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang nasampal ng sobrang lakas kaya hindi niya na naituloy ang sasabihin niya.

"JV!" bigla nalang may tumabi sa walangyang babaeng to at kung di mo nga naman aasahan, yung isa pang gago.

"babe.. oh God" sabi niya at hinawakan niya pa ang pisngi ng babaeng to what the fck!

"totoo ba Jaylor na hindi ka nakapunta nong monthsary natin dahil magkasama kayo ng babaeng to? totoo ba na may nangyari sainyo?" sunod sunod na bumagsak ang luha ko habang tinatanong ko yun sakaniya. Napatigil siya ng saglit at nakita ko ang pagkaguilty niya sa mga mata niya.

"oo" matipid niyang sagot.  fck! ang sakit! parang andaming kutsilyo na tumusok sa puso ko, hindi matanggap ng isip ko ang panggagagong ginawa niya sa akin. bakit!!!????

"I'm sorry for everything JV I'm so sorry. " parang mukha talaga siyang nagsisisi sa ginawa niya sa akin.  Sana sana sana sinabi mo nalang na hindi mo na ako mahal at may mahal ka ng iba.  Para sa ganon mas matatanggap ko pa hindi yung ganito na ginago mo ko.

"mga gago!" sigaw ko sakniya, hindi ko alam kung paano ko nahila ang malanding babaeng yun at dumapo ulit sa pisngi niya ang kamay ko, hinila ni Jaylor ang babaeng to papunta sa likuran niya, wow.

"how dare you slapped her!?" nasampal ko siya dahil sa sobrang galit ko, para na rin yan sa panggagago niya, actually kulang pa yan eh, kulang pa ang lahat ng iyan, ito ang unang beses na sinigawan niya ako, napatawa ako pero sobrang sakit sa puso, kitang kita ko ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko sa malanding babaeng yun, wow just wow.

"how dare you do that to me and to my baby!!!" sigaw ng malanding babae, aba baby pa more mga gago kayo, hindi ko nakita ang kamay niya na nasa ere at sinampal niya rin ako at pagkatapos non ay itinulak niya ako ng malakas, napataras ako at hindi ko inaasahan na hagdan na pala ang nasa likuran ko.

"JV!" narinig ko pa ang boses niya na tinawag ang pangalan ko bago pa ako mawalan ng malay, sana maamnesia nalang ako at ng makalimutan ko siya pati ang nararamdaman ko. Para sa ganon wala ng manggugulo sakanila at magiging masaya na sila.

In their story I'm the fckng villain.

END OF FLASHBACK

"alam mo bang sobrang sakit nong pagkakahulog ko sa hagdan na yun tapos ang sakit pa ng puso ko grabe no nabalian na nga ako ng buto durog pa puso ko, wow combo?" napatawa naman ako ng mapakla.

"Buti nga tapos na ang game ko non eh." Napasinghot naman ako dahil yung sipon ko parang tutulo na.

"sana nga namatay na nga ako non eh or nagkaamnesia nalang para naman nakalimutan ko siya ng tuluyan diba? Ang sakit kasi Timothy ang sakit sakit sobra, yun na siguro ang worst nightmare ko sa buong buhay ko."

"hey, don't talk like that" napatingin naman ako sakaniya at nakita ko ang lungkot niya dahil sa kwento ko.

"tumigil rin ako dati sa pagbabadminton dahil yung babaeng yun kasali din sa players dati, tapos yung gagong yun player din ng badminton tapos makikita ko sila na maglalandian pota. Buti nalang kami-kami lang nakakalam na may realasyon kami ng gagong yun dati at ng hindi napag-usapan ng mga tao yun."

"is it Jaylor?" tanong niya sakin. Napatingin naman ako sakniya binigyan ko siya ng matipid na ngiti at tumango.

"you don't have to force your smile in front of me if you want to cry" binigyan niya ako ng ngiti na parang sinasabi niya na "okay lang andito lang ako"

Napaiyak na tuloy ako dahil sa sinabi niya buti nalang at hindi kami masyadong kita dito. Hinaplos niya ang likod ko hanggang sa yakapin niya ako.

"mahal mo pa ba?" tanong niya sakin

"yes, but my love is not enough to accept him again"

"good." Hinaplos ng isa niyang kamay ang buhok ko habang ang isa ay tinatapik ang likuran ko.

"close ba tayo para yakapin mo ko ha!?" sigaw ko naman sakaniya. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Lumayo naman na siya sa akin. At pinunasan niya ng panyo ang pisngi ko.

"ang panget mo na lalo" at narinig ko na naman ang tawa niyang nakakainis.

"yung ice cream mo oh tignan mo nakikisabay sa pag-agos ng luha mo." turo niya, tsaka ko lang napansin na tumutulo na pala sa kamay ko yung ice cream. Kinuha niya yung ice cream at nilagay sa gilid ng puno.

"ayan para may pagkain na ang mga langgam." natawa ako dahil sa sinabi niya para siyang bata eh.

Tumingin naman siya sa akin at inabot niya ang kamay ko. Para tuloy akong bata dahil sa ginagawa niyang pagpunas eh kaya ko namang punasan kamay ko.

"eh paano kung kakainin ko pa yun diba?" sabi ko naman

"alam kong di mo na kakainin" Well tama naman siya ayoko ng kainin ang ice cream kapag tunaw na no! sino bang may gusto?

"manghuhula ka?"

"oo, gwapong manghuhula" sagot niya tsaka siya tumawa, ang hangin din talaga netong lalaking to eh. Natapos niya namang punasan ang kamay ko at tumayo na siya.

"tara na nga tumayo ka na diyan malapit ko na makita panty mo oh" nagulat naman ako sa sinabi niya at napatingin ako sa ano ko. So yun nga malapit na nga!!!!! WTF!!!?????

"pero nasilip ko unti. Black, yun ba kulay ng panty mo or maitim lang talaga singit mo JV? " tumalikod siya sa akin at narinig ko siyang tumawa. Bwesit!!!! Tumayo naman ako para mahampas siya.

"hoy bwesit ka hindi maitim singit ko panty ko yun!" sigaw ko sakniya. Narinig ko naman siyang tumawa habang tumatakbo palayo sa akin. walangya ka talaga Timothy!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro