C H A P T E R 54
[JV's POV]
Naglalakad ako sa hallway palabas ng building patungong parking lot nang mag-vibrate ang aking phone. Tumatawag ang hampaslupa kong kuya.
"Papunta na." agad kong sabi pagkasagot ko.
"Okay, I'm already here."
Binaba ko na ang tawag pagkatapos no'n. Sinabihan ko siyang, siya ang sumundo sa akin dahil pupunta kaming safeplace— kasama sina Steccy dahil napagkasunduan naming mag-usap-usap na nang maayos at para isahang kwento na lang daw— kaso hindi ko pa siya kasama ngayon dahil may meeting pa sila. Ang mga pinsan niya naman ay nasabihan niya na rin sa plano pero hindi ko pa nasasabi sa hampaslupa kong kapatid ang tungkol doon. He was busy with his meeting a while ago.
"Anong nangyari sa usapan niyo? I want the other details." iyon kaagad ang bungad ng kapatid ko pagkapasok at pagka-upo ko sa shotgun seat. Ang nasabi ko lang naman kasi sa kaniya ay gusto kaming makausap ni Steccy dahil hindi naman namin siya kalaban.
Binaba ko ang aking bag sa lapag at tinutok sa akin ang aircon. Before spilling the tea, I asked him first to be sure that Steccy was telling the truth about her— coming from a mafia family but it was a secret.
"I have a question first before I tell you what I've learned. Did you find something interesting about her?"
He loosened his black necktie and remove it while looking straight. "Nothing other than her family owns a company."
His hand fumbled on the first button of his black charcoal dress shirt.
Gahd, so totoo nga. Pinatong ko ang aking kamay sa bintana at menasahe ang aking sintido. "Alam mo bang galing siya sa mafia fam?"
Nakita ko sa aking peripheral view ang mabilis niyang paglingon sa aking gawi.
"What? No. How come?"
Sumandal ako sa headrest. "She said you don't know that. Ang mga baguhan sa organization daw ay hindi alam ang tungkol doon, meaning the old ones know something about it, right?"
"Like dad?"
Kanina ko pa pinag-iisipan ang tungkol doon pero napakaraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko kung sakali man.
"Yes... but it doesn't make sense..."
He kept being silent, thinking.
Habang nakatulala ako sa kawalan ay bigla siyang nagsalita. "Maybe there's an element that's been missing the whole time— the reason why we keep on searching 'coz the important details aren't present."
"Do you think they're concealing something?" nag-aalangan kong tanong.
"Yes. Just the fact that Steccy was from a mafia family yet I don't know? It says so much..." Lumingon siya sa akin. "About Clement's accident, anong sabi?" pag-iiba niya.
I inhaled. "Well... may alam siya pero wala siyang kinalaman."
Hinawakan ko ang aking labi habang iniisip ang ideyang kanina pa naglalaro sa aking utak.
"Kuya, siguro naman naalala mo pa 'yong nasa sulat na pinadala nila sa'yo— no'ng pagkatapos kong ma-kidnapped?"
"Yes, why?"
"Sinabi roon na may kailangan sila sa pamilya natin kaya hindi na nila muna ako papatayin. Steccy told me that they were planning to torture me to get what they want."
"What!? A fcking torture?"
I shrugged. "Maybe it's their way to get what they want."
"What do they want?"
"She didn't tell me 'coz she doesn't know about it too..."
"But she knew about the plan yet she helped you? What the fck was that?"
"I don't think she knew it already— what they were planning to do to me... Mukhang nalaman niya lang no'ng nandoon na siya... maybe she didn't favor with it that's why she helped me..."
Ngumisi siya. "You think? What if it was a part of their plan and so does all of this?"
Napabuntong hininga ako dahil naisip ko na rin 'yon. Maybe yes, maybe not but a big part of me believes she's telling the truth.
Kalmado siyang humingang malalim at nag-ayos ng upo. "Don't worry, I already have a plan."
Kumunot ang noo ko. "What plan?"
"There's a detector in my car, in case she has a bug with her or something GPS— it's still okay. Kung ganoon ang sitwasyon ay pupunta pa rin tayo sa safe house— sasakay tayo sa trip nila pero hindi ibig sabihin nauto na nila tayo. We're the ones that should be setting the trap. A hundred armed men are waiting there in case something happens. Hindi pwedeng ipunta natin sila sa main safe house dahil delikado. Hindi tayo sigurado kung nagsasabi sila nang totoo."
My lips parted. Woah. Kapagkuwan ay napalabi ako nang maalalang hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya ang pagsama nila Jaylor at Lexy. "But how about the others... she's not the only one we're taking... paano mo malalaman na wala silang bug?"
Kumunot ang noo niya at lumingon sa akin. "May kasama pa siya? A backup, huh? Who are they?"
He seemed not disturb, mukhang may nakahanda na siyang solusyon para doon dahil hindi siya nagalit at nagtanong kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya kaagad.
"Her cousins... It's not really a backup, more like to support the stories so we could understand everything..."
Tumaas ang kaniyang kilay. "Names?"
I gulped before answering. Paniguradong kukulo ang dugo nito kapag nalaman niya talagang may kinalaman dito si Jaylor.
"Lexy and Jaylor."
Napatitig siya sa akin na parang nagproproseso pa sa utak niya ang lumabas sa bibig ko. Hinarap niya sa akin ang kaniyang katawan at nagbabanta ang nakabukas niyang bibig na magsalita pero walang lumabas na maski tunog doon.
Pinunasan niya ang kaniyang bibig gamit ang kamay niya at pabagsak na sumandal sa headrest. Bumigat ang paghinga niya na parang kinakalma ang kaniyang sarili.
"That fcking asshole has something to do with this?"
His aura became darker.
Nagdadalawang isip kong hinampas ang kaniyang balikat. "Chill, will you?" nag-aalangan kong sabi, 'di ko alam kung tama bang sabihin 'yon!
He sharply looked at me. "Chill? Pagkatapos kong malaman na ang gagong 'yon may kinalaman din dito? Tapos pinsan niya? Fck!?" Nandidiri ang kaniyang itsura na parang hindi masikmura ang nalaman. "They had an affair, right? How the hell did that happen? Incest? Ew! Gago talaga 'yang ex mo." sunod-sunod niyang sabi.
"You think you're the only one getting crazy about that?" I asked with a high pitch tone.
Umiling siya habang nakatitig sa akin. "Your ex is a psycho."
Pinanliitan ko siya ng aking mata. "OA, hindi pa nga natin naririnig ang side nila, okay? Chill."
His brows arched out of amusement. "May dapat pa ba tayong marinig?"
Umirap ako. "Of course! Steccy didn't spill everything just an intro..."
"Fck. Intro huh? Then the body would be worse."
I tsked. "Pwede ba, chill nga lang. Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin."
Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. "Okay, what do you wanna tell?"
"Tungkol sa sulat, sinabi na may gusto silang makuha sa pamilya natin." Muntik ko nang makalimutan buti naalala ko pa. "No'ng mga bata tayo naalala mo pa naman siguro na may mga death threats na natatanggap ang mga pamilya ng iba't ibang mafias noon, 'di ba?" Tumaas ang kaniyang kilay. "They also want something, what was that?"
He took a deep breath and relaxed his facial expression. "It's very advanced information, ugly sis, and I don't know much about it."
"Just tell me what you know."
Kahit maliit na detalye lang ang alam niya, malaking tulong pa rin 'yon.
"They want a document... about a nuclear bomb."
A nuclear bomb? Mas lalong nagulo ang isipan ko sa sinabi ng kapatid ko.
"Bakit nila hinahanp 'yon sa organization nila dad akala ko ba hindi sila na-i-involve sa gano'ng mga bagay?"
Umiling siya. "I don't know too. I just accidentally heard it when I passed by. It was the higher ranks who were talking... They don't disseminate such delicate information."
Wala sa sarili akong napatawa. "An'dami mo talagang naririnig 'no? Chismoso ka na ba niyan?"
Umirap siya. "No, I'm just acquiring knowledge... and sometimes brainstorming..."
"You mean, nakikipagchismisan ka na." Napatawa na talaga ako. "Ayaw mo lang aminin."
He tsked. "It's a must."
Umiling ako habang medyo natatawa pa rin kapagkuwan ay nagseryoso ako.
"Tinanong mo ba si dad tungkol doon?"
"Yes, pero sinabihan niya na lang akong huwag nang makialam dahil wala pa ako sa posisyon para malaman ang tungkol doon."
"What if what they were referring in the letter was that— the document?" Tapos masyado ring shady. "Only higher ranks know about it, meaning the old ones again— same as the fact about Steccy's family... Do you think it has something to do with it? It's possible her family was the mastermind on what happened many years ago."
"Iniisip ko rin 'yan." Tumaas ang kaniyang kilay at tumingin sa akin. "Good thing you're just ugly but not dumb."
My face flattened. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o hindi. Saang sitwasyon kaya niya hindi isasali ang pang-aasar sa akin?
His eyes shifted on the window beside me, I followed his gaze and turned on my side. I saw Steccy walking, behind her was Jhames who looked pissed about something I don't know. Mukhang nag-away na naman sila sa kung ano.
Hindi na ako lumabas dahil baka magtaka si Jhames kung ba't makakasama ko si Steccy.
Kuya beeped to call her attention. Nag-ayos ako ng upo nang pumunta siya sa tabi ng kotse at binuksan ang pinto sa backseat.
"Hi." masaya niyang bati, parang ang plastic.
Lumingon ako para tignan siya.
She scotched to the side. My eyes widened when I saw Jhames entered and closed the door.
"What are you doing here?" mabilis kong tanong.
Pati ang kapatid ko ay lumingon. Saglit kaming nakatinginan ng kapatid ko nang may pagtataka, nagtatanong ang kaniyang kilay na nakataas sa akin kung anong ibig sabihin no'n pero wala rin naman akong alam!
Jhames looked at Steccy to make her explain for him.
"He's the one I'm talking about— my brother, remember?" she casually said. "We're twins."
Parang huminto ang mundo sa narinig ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Gahd! Brother!? Hindi tinatanggap ng utak ko ang sinabi ni Steccy!
Bakit hindi 'to sinabi sa akin ni Jhames!? Is this a part of their plan? Kinabahan ako nang maalalang may alam siya sa amin ni Greyson, gahd! Paano na lang kung nalaman na nilang si Clement 'yon at baka mamaya ay may mangyari na naman sa kaniya?
"Is this true?" kinakabahan kong tanong kay Jhames.
He looked at me with his apologetic eyes. Tumango siya. "Yes."
Wala sa sarili akong napatawa nang mahina. Humarap ako at pabagsak na sumandal. Totoo ba 'to? Si Jhames kapatid ni Steccy?
"So what you're a spy, huh?" malamig na tanong ng kapatid ko.
"Kuya, don't..." pagpapatigil ko sa kaniya.
Naalala ko no'ng inasar sila ni Chris na parang magkamukha sila at bagay. Magkamukha kasi magkapatid hindi bagay!
"Didn't see that coming..." Paulit-ulit akong napailing dahil sa pagkadismaya. "May napala rin pala ang pag-aaral mo ng theater." pagpaparinig ko.
"I can explain." malumanay niyang sabi na parang humihingi na rin siya ng patawad.
Kumuyom ang kamay ko para pigilan ang aking sarili. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kasabay nang pag-init ng sulok ng mga mata ko. I feel disappointed and betrayed.
I slowly took a deep breath to help myself relax. Instead of answering to him, I ignored him. I'm so angry.
"Sind sie sauber? (Are they clean?)" seryoso kong tanong sa kapatid ko.
"Ja. (Yes.)"
"Nasaan sina Jaylor at Lexy?" pagkausap ko kay Steccy nang hindi lumilingon.
"In their car, susunod sila sa atin."
"Wie wäre es mit Jaylor und Lexy? (How about Jaylor and Lexy?)" pagkausap ko naman sa kapatid ko.
"Steccy, tell your beloved cousins especially your ex— Jaylor— that they will have to get into another car, which is waiting just nearby outside your school."
Kuya asked for convoy in case something happened. Paniguradong 'yon ang tinutukoy niya.
"Okay!" She's energetic.
Umandar ang sasakyan at dumiretso sa labas ng gate. Nadaan namin ang isang kanto at inihinto ng kapatid ko ang sasakyan sa unahan ng isang itim na kotse. Tumigin ako sa side mirror. Jaylor's blue car also stopped after the black one.
Nilipat ko ang aking tingin sa rear mirror para makita ang nangyayari sa likuran. Lumabas si Jaylor sa driver's seat at si Lexy rin mula sa shotgun seat. Mula sa backseat ng itim na kotse ay may lumabas na dalawang lalaking nakasuot ng black leather jackets at pumasok sa kotse nila Jaylor. Silang dalawa naman ng kapatid niya ay pumasok sa kung saan nanggaling ang dalawang lalaki.
Tumingin ako sa kapatid ko nang hawakan niya ang earpiece niya na parang may pinakinggan doon.
"Clean." he seriously said and drove again.
Tahimik kaming lahat sa loob ng sasakyan nang basagin 'yon ng kapatid ko.
"When you went to the company and talked to me, what was your real intention?"
Nagtatanong na bumaling ang aking tingin sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan sa kaniyang tanong. Ako baa ng kausap niya o hindi—
"No'ng nagmakaawa akong huwag mong bawiin sa pamilya nila Jaylor ang hacienda?"
Napalingon ako kay Steccy, so para sa kaniyang ang tanong. Napakunot ang noo ko nang naalala ko ang pagkakataong nakita ko siyang sumakay ng elevator sa kompanya namin. Sabi ko na nga hindi ako namalikmata!
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hulaan ko, hindi lang talaga 'yon ang pakay mo no'n."
She gave me an amused smile. "Of course, there's another motive."
Napailing ako. What do you expect? Wala sa sarili akong napatingin kay Jhames.
"Magkapatid nga kayo. What you do is not always what it really looks like, right Jhames?"
Bago pa siya makasagot ay bumalik ako sa pagkakasandal, sobrang sama ng loob ko dahil nagpaniwala na naman ako kaagad.
I was fooled, again. Kahit saglit pa lang kaming naging magkaibigan, I felt the strong connection with him. I'm angry on myself for having the thought he could be the friend I want to be transparent despite the facts about myself, about my life.
Pero imbes na mainis ako lalo ay mas nahigitan iyon ng takot dahil baka nalaman niya na ang tunay na pagkatao ni Greyson at nasabi niya iyon sa kaniyang kapatid. Gahd! Sana lang ay hindi dahil kung mapahamak man siya ulit dahil sa akin, hindi ko mapapatawag ang aking sarili.
"JV..." mahinahong tawag sa akin ni Steccy. "Please don't be so harsh on my brother, he doesn't have any plans to inflect pain on you. It's my plan to make you befriend by him 'coz I know you won't befriend me. I just need information and to—"
Pinutol ko ang pagpapaliwanag niya. "Steccy, I don't need you to explain for your brother."
Napatahimik siya no'n at hindi na nagsalita.
"Immer mit der Ruhe, ugly sister. (Take it easy, ugly sister.)" pabulong na sabi ng kapatid ko.
Napangisi na lang ako, hindi sumasang-ayon sa kaniyang sinabi. Take it easy? Ayoko. Paulit-ulit, lagi na lang nagsisinungaling ang mga tao sa akin.
May totoo ba sa mga sinabi sa akin ni Jhames o parte lang 'yon lahat ng plano nila ng kapatid niya para makakuha ng impormasyon sa akin?
It took us 1 hour to finally got into the safe house. Bumukas ang malaking gate at pagkapasok ay may mga armadong lalaki ang nakatayo at ang iba'y naglalakad sa bawat sulok. Gahd, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa dami nila. Saan naman kaya kumuha ang kapatid ko ng mga tao niya para rito.
Sinundan namin ang nauunang itim na kotse nang pumasok ito sa enclosed tunnel papuntang parking lot. Kuya parked the car along with the other cars. Lumabas kami ng kotse at dumiretso sa backdoor. First time ko rin dito kaya hindi ko alam kung ano ang nasa loob.
Pagkapasok namin ay agad na sumalubong sa amin ang mga gym equipment. Saglit na napahinto at napatingin sa aming gawi ang mga kalalakihan at kababaihang pawisan dahil sa pagsasanay nila. Ang mga babae ay naka suot ng itim na sports bra, kung hindi naman ay naka-t-shirt sila, pinarisan nila ito ng kanilang shorts o leggings— depende sa trip nila. Halos lahat ng kalalakihan naman ay walang damit pang-itaas.
They greeted my brother and even bow a bit to show their respect. Tumango lang ang kapatid ko sa kanila tsaka sila nagpatuloy sa kanilang ginagawa.
Napatingin ako sa itaas nang may napansing mga taong naka-corporate attires at naglalakad sa isang daan na nagmistulang tulay papunta sa kabilang bahagi ng gusali. Ang glass na nagsisilbing dingding nito ang humiwalay sa ambiance mula rito sa baba. It's more dim here because of the greyish themed.
Sumakay kami sa elevator at ilang palapag din ang nalagpasan hanggang sa bumukas ito at panibagong ambiance na ang sumalubong sa amin. Maliwanag, malamig at maaliwalas. It's a black and white themed but more of a white. Most of the people were on their corporate attires and holding a folder.
"Good morning, sir." The girl on the front desk greeted my brother with a smile.
"Morning."
Malamig ang naging pagbati sa kaniya ng kapatid ko at nilagpasan ito. She greeted us too with the same welcoming smile when she saw us behind him.
Ang daming pasikot-sikot ng gusali hanggang sa makarating kami sa doubled metal door. Pumunta ang kapatid ko kalapit nitong dingding sa gilid, kung saan may scanner doon. Itinapat niya ang kaniyang mata at may kulay asul na laser ang nag-scan sa kaniyang mata pababa.
Cool, ngayon lang ako nakakita ng ganito.
Ilang sandali pa ay bumukas ito at pumasok kami.
"Take a seat, wherever you like." seryoso nitong sabi.
The conference room was empty but already cold because of the air condition. It had a great interior design— white and black themed. Dramatic effect was on with the zigzag ceiling. A big chandelier was hanging at the center, below it was a big black round table with a big transparent glass at the middle and surrounded by black fancy swivel chairs.
Jaylor and Lexy sat next to each other, Steccy and Jhames left two chairs before Lexy and sat next to each other too.
Lumayo ako sa kanila at pumunta sa katapat na upuan ni Steccy para makita ko silang lahat. Ang kapatid ko naman ay tumabi rin sa akin.
Nadungaw ko ang ilalim ng transparent glass na nasa gitna at mayroon doong equipment para sa hologram. Woah, how I wish I could see something from that. Saan naman nila kaya ginagamit 'yan?
My phone vibrated and pulled it out of my pocket.
My favorite hooman: We're already here.
Greyson and Timothy were at the control room— they'll be there to watch and listened on our conversation. Steccy request to talk with just of us— people who are here. I didn't argue besides there's a solution for them— Timothy and Greyson— to know what we're talking about.
My favorite hooman: Ba't nandiyan si Jhames?
I know he was also surprised.
He's the brother of Steccy.
Nanatili akong nakakatitig sa screen ko habang hinihintay ang kaniyang reaksyon at saglit na nag-scroll sa mga nauna naming napag-usapan. Palihim akong napangiti nang makita ang long message niya bago matapos ang kaarawan ko kagabi, kala ko wala na talaga pero meron pala.
Napangiwi na lang ako nang maalala rin ang usapan at plano namin sa araw na 'to. Balak sana naming bisitahin ang condo na niregalo sa akin ni dad pero mukhang sa susunod na lang namin 'yon gagawin.
My brother cleared his throat to get our attention.
"Shall we start?"
Nag-angat ako ng tingin sa mga taong nasa harapan namin.
Tinago ko na ang aking phone kahit na nag-vibrate pa 'to. Greyson will be okay with his curiosity. He can catch up for sure without I telling about it.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at hinintay ang unang magsasalita. Ang unang magkwekwento ang may pinakamataas na tyansang siya ang pinag-ugatan kung bakit ito nangyayari ngayon at kung bakit napahamak si Clement.
I lightly tilted my head while waiting. Sana lang ay kayanin ko pang makapagpatawad pagkatapos kong malaman ang lahat.
Steccy looked at her cousin. "Jaylor, you should go first since it all started because of you."
__________D.H.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro