Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 48

[JV's POV]

I know it's not an ordinary swiss knife because I didn't see anything like that on the internet. Nag-search ako ng mga brand ng swiss knife at wala ni isa sa kanila ang may ganyang design.

It's like a customize one.

I calmed myself.

I didn't wanna act out right away 'coz she seemed happy while sharing the little details of the swiss knife. It made me wondered if she was the one who helped me.

Why does she look so happy while presenting it to me?

She should have been panicking when I saw it, but she didn't.

Maybe I was wronged that it was customized?

Napangisi siya. "Pero baka kapag nalaman mo kung kanino 'to baka hindi ka na magandahan." mapanloko niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. So hindi 'yon sa kaniya?

"Kanino ba ang swiss knife na 'yan?" casual kong tanong.

"It's not mine, it's from Steccy, hiniram ko lang kanina sa kaniya."

I tighten my grip to the swiss knife on my hand.

Huminga ako nang malalim.

Why would Steccy have that kind of swiss knife!?

I braced myself.

Umirap na lang ako at umarte sa kung ano ang ine-expect niyang ire-react ko sa aking nalaman. "Hindi na nga ako nagandahan."

Tumawa siya.

Pinagpatuloy namin ang aming ginagawa, pero hindi mawala sa isipan ko ang mga katanungang bumubulabog sa akin.

Lexy cleared her throat, she wanted to say something. "How have you been since Clement...passed away?" nag-aalangan niyang tanong.

Napahinto ako sa aking ginagawa.

I felt the sting in my heart. I remembered all the sufferings I've been through.

"Ah ahm." I stuttered.

Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko alam saaan magsisimula.

"I'm sorry." she said.

Lumingon ako.

Hininto niya rin ang kaniyang ginagawa, nakayuko siya at hindi tumingin sa akin.

"I know it must have been hard, I shouldn't have asked."

She looked sad.

I forced a smile. "Don't worry it's okay."

She looked at me with her sad eyes.

Alam kong nasaktan din siya no'ng nawala si Clement. It was so sudden.

Nag-iwas ako ng tingin nang magsimulang manubig ang aking mga mata. Kahit na nasa tabi ko na ulit si Clement bilang Greyson, nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa kaniya.

Sa tuwing maaalala ko 'yon pakiramdam ko mawawala na naman siya sa tabi ko. Nakakatakot.

Bumuntong hininga ako.

"You're right, it's really hard." Yumuko ako. "Alam ko rin namang hindi lang ako ang nahirapan, alam ko rin namang nasaktan ka." mahina kong sabi.

She didn't say anything.

I took a deep breath and gathered the leaves on my hand.

"Tara na, baka kailangan pa nila ng tulong sa ibang bagay." pagwawala ko ng topic.

I looked at her.

Napakurap siya at winala ang bahid ng kalungkutan sa kaniyang mukha. She nodded. "Yeah." Kinuha niya rin ang ang mga dahong nasa lapag.

Pagkabalik namin sa campsite ay nakagawa na ng apoy sina Jhames at Steccy mula sa panggatong na nakuha ng kasamahan namin. Mukhang nagtatalo pa nga silang dalawa sa kung ano dapat ang uunahing lutuin, kung ang isda ba na natusok na nila o 'yong bigas na nasa kaldero.

Nakatayo silang dalawa sa harapan ng apoy.

"Unahin na nga kasi muna 'yong kanin, ano ba 'yan Steccy." inis na sabi ni Jhames.

"Bakit mo kasi uunahin 'yan, 'yong isda na lang kasi ang unahin mo, para hindi na malansa." pakikipagtalo ni Steccy.

Tahimik naming inilapag ang mga dahon ng saging sa isang gilid.

Lumapit si Joshua sa kanila para siya na ang magdesisyon sa kung ano ang uunahin.

"Unahin niyo na 'yong kanin, para may time pa siyang mag-settle pagkatapos maluto."

Tinaasan ng kilay ni Jhames si Steccy. "Ayaw kasi magpatalo." pagpaparinig niya pa.

Inirapan lang siya ni Steccy.

Mahinang napatawa si Joshua, kapagkuwan ay tumingin siya sa amin at lumapit. Sinabihan kaming hugasan ang mga dahon gamit ang mineral water na nasa water jag na kanilang nahanap— wala naman kaming ibang pagkukuhanan ng tubig.

Ginawa namin ang kaniyang inuutos. Hindi pa luto ang pagkain kaya umupo na muna kami ni Lexy kasama ang iba naming kagrupo sa nakalatag na tolda sa ilalim ng tent na kanilang ginawa kanina.

Ginamit ulit nila ang lubid— itinali ang magkabilang dulo nito sa dalawang puno na hindi masyadong magkalayo tsaka nila sinampay ang isang tolda— ang apat na sulok nitong may butas ay may lubid ding nakatali sa ibinaon nilang kahoy para bumukas ito at magmukhang bubungan.

Kapagkuwan ay pumunta ang ibang boys sa may apoy, binabantayan nila ang isdang iniihaw para hindi masunog.

Tumayo si Jhames at umalis doon. He bent down a bit to enter, he sat beside me and looked up to examine the tent. "In fairness, ha. Ganda ng gawa niyo rito." puna niya, namamangha siya sa kinalabasan.

Napatawa si Fritz na nakahiga sa likuran namin. "Syempre!" proud niyang sabi.

Niyakap ko ang aking tuhod habang pinagmamasdan ang gawi ng iba naming kasama.

Hindi ko naiintindihan ang kanilang sinasabi pero nakikita kong nagtatawanan sila, mukhang masaya ang kanilang pinag-uusapan.

Mahina akong siniko ni Jhames. "Huy."

My eyebrows arched and looked at him. "Hmm?"

He looked confused. "Are you okay?"

I smiled a bit and nodded. "Inaantok lang." palusot ko.

Ang totoo niyan ay iniisip ko ang tungkol sa swiss knife.

Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata. "Weh?" He seemed not convinced.

"Oo nga." Binalik ko ang tingin sa mga kasama namin. "Nakakapagod kaya ang byahe kanina."

I saw him nodded from my peripheral view. "Okay, if you say so." He was not persuaded from my answer.

Hindi ko na lamang siyang pinansin.

Bumuntong hininga ako.

Minsan gusto ko na lang din magkwento sa ibang tao— maliban kina Greyson o Timothy o sa hampaslupa kong kuya. Nahihirapan na kasi akong mag-open up sa kanila.

I want to be transparent with someone, someone who won't judge me despite of everything about me. Someone who'll willingly keep all the secrets.

Gusto kong magkaroon ng kaibigan at sabihin sa kaniya ang mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isipan, pero ayoko namang may iba pang makaalam sa kung sino talaga ako.

Ang hirap magtiwala.

Gusto kong ilabas lahat ng frustration ko sa mga nangyayari sa pamilya ko, ang nararamdaman ko kay Greyson at pati ang lungkot na nararamdaman ko para kay Timothy.

Hindi ko alam kung kanino ako magsasabi kapag kinikilig ako kay Greyson, nagdadalawang isip na kasi akong i-share 'yon kay Timothy— dahil sa pag-amin niya. Ayoko namang maging insensitive. Hindi ko rin alam kung kanino ako hihingi ng advice para sa pagkakaibigan namin ni Timothy, ayoko namang ikwento 'yon kay Greyson dahil alam kong masasaktan ko rin siya.

Ayoko rin namang masyadong guluhin ang hampaslupa kong kuya dahil alam ko namang marami na siyang inaasikaso, sa company at maging sa mafia things.

Bumalik sa realidad ang aking isipan nang magtanong ulit si Jhames. "Sure ka bang okay ka lang talaga?"

Nang tignan ko siya ay nakatingin lang siya sa mga kasama namin.

I faked a giggled. "Oo nga."

I'm not.

Napangisi siya. He titled his head and gave me a liar-look.

Lumapit sila sa amin nang matapos maluto ang pagkain. Kinuha nila ang may pinakamaliwanag na flashlight sa amin at isinabit iyon sa taling pinagpapatungan ng tolda para magbigay ilaw roon. Wala rin kaming lamesa kaya ang mga dahon na nakuha namin ay pinagpatong-patong nila sa tolda para siguradong hindi madudumihan ang mismong gagamitin namin para kumain.

Inilagay nila ang kanin at ulam sa dahon ng saging— hindi na rin nila hinati-hati ang dahon at doon kaming nagsalo-salo lahat. Gano'n pala ang boodle fight. Ngayon ko lang napagtanto na masarap palang kumain nang nakakamay— iisang kutsara lang ang binigay nila sa amin kaya wala kaming choice— first time kong magkamay at kumain sa dahon ng saging.

Nagpahinga kami sa ilalim ng aming tent pagkatapos naming kumain. Nakaupo kami roon habang nakaharap sa labas at dinadama ang lamig ng simoy ng hangin.

Si Steccy ay nag-aalis na ng kaniyang make up gamit ang wipes na hiningi niya kay Jhames. Akala ko nga ay hindi niya bibigyan si Steccy pero mabait ang gaga.

"Sis, magpunas ka rin ng face mo para ma-freshen up ka." Inabutan niya ako kaya tinggap ko na lang.

I wiped my face gently and after that I felt brand new— he was right.

"Jhames, do you know that you're popping because of your clothes?" puna ni Chris sa kaniya habang busy pa rin siya sa pagpupunas ng kaniyang mukha, antagal niya matapos.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Romeo. "Oo nga, kitang-kita ka sa pink mong suot."

"Hay nako," sabat ni Jhames. "Pink is our color. So kaya ako nag-pink para manalo tayo." sagot niya.

"Sana lang ay swertehin nga talaga tayo sa damit mong pink." bulong ni Steccy.

"Duh, malamang." casual nitong sabi ngunit may pagmamaldita.

Joshua chuckled. "Ba't ba lagi kayong nagsusungitan?"

"Lagi kasing epal 'yang si Jhames." sagot ni Steccy na parang wala ang taong binanggit niya.

Epal.

I felt a pang on my chest. I suddenly miss the epal of my life.

"Malamang bida-bida kang minion." bumulong pa si Jhames, narinig naman namin.

Napatawa kami.

Inasar sila ni Fritz. "Baka mamaya mabalitaan ko na lang MU na kayo, ha?"

Nanlaki ang mata ni Jhames. "What!?" gulat niyang nilingon si Fritz. "Duh!?" 'di makapaniwala niyang sabi.

Wala siyang masabi dahil sa bigla. Hindi maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig.

Natatawa na lang ako, parang gusto niya nang hampasin ang mga kasamahan naming lalaki dahil sa pang-aasar nila sa kaniyang bagay raw sila ni Steccy.

Alam naman nilang lalaki ang gusto ni Jhames, pero nasasayangan din sila sa genes na taglay niya— walang magmamana.

Natulog kami pagkatapos naming mag-asaran. Kailangan namin ng lakas para bukas dahil panigurado uubusin ng mga challenges ang lakas namin. Kinabukasan ay maaga kaming gumising. Hinanap namin ang mga pagkain. Gahd, alangan namang lumusong kami sa bakbakan nang walang laman ang sikmura.

Habang itinutupi nila ang mga tolda namin ay nagsalita si Jhames. "Guys, this is our chance to impress sir and save our asses from failing grades!" sambit niya sa ibang boses na parang may pinanggagayahan siyang persona.

Lumingon kami sa kaniya. Ang iba ay natatawa sa kaniyang sinabi.

Rumampa siya nang nakatiklay, may imaginary heels ang gaga. Diretso ang tingin niya sa kawalan at maayos ang tindig na parang isang babae. He was fierce.

He stopped. Nag-pose siya— tumayo siya gaya ng isang participant sa pageant. He lifted his one hand up softly and formed a curve.

"Guys, start your engines and may the best team wins!" he said with confidence.

Napaisip si Fritz. "That's familiar."

Binaba ni Jhames ang kaniyang kamay at tumingin sa amin.

He growled. "Aren't you guys watching RuPaul's Drag Race?" dismayado niyang tanong dahil wala man lang nag-react sa kaniyang sinabi maliban kay Fritz.

"No." sagot namin.

"Nope but my girlfriend does, that's why it was familiar." sagot sa kaniya ni Fritz.

Bumagsak ang balikat ni Jhames dahil sa narinig niyang sagot sa amin. His face flattened because no one could relate to what he was saying.

"Whatever." bulong niya sa kaniyang sarili. Bumuntong hininga siya tsaka muling nagsalita. "Basta ang masasabi ko na lang, Good luck and don't fuck it up." matamlay niyang sabi. Mukhang base na naman 'yon sa kaniyang pinapanood.

Tuluyang naghiwalay ang dalawang grupong aming binuo para hanapin ang mga scrolls at gumawa ng mga challenges.

Pakanta-kanta si Jhames habang naglalakad kami at pinagmamasdan ang paligid. Nakagawa na rin kami ng ibang mga challenges at may isa kaming nakuhang scroll na nakasabit sa puno.

Medyo mainit na ang paligid kaya inalis na namin ang aming jacket at itinali iyon sa aming bewang. Nakasombrero kami habang hawak ni Jhames ang kaniyang pink capsule umbrella na nauunang maglakad sa amin.

Puro pink ang gamit, talagang kina-career ang kaniyang paniniwala na 'yon ang aming lucky charm, desperada ata 'tong manalo.

Natatawa na lang kami dahil sa kaartehan niya habang busy sina Steccy at Lexy na tumitingin sa mga puno gamit ang kanilang binocular telescope, umaasang may mahanap ulit kaming scrolls.

"Kapag nanalo tayo, magpapa-pipnk hair ako." sabi ni Jhames.

Napatawa ako. "Gusto mong ma-suspend?" sarkastiko kong sabi. Bawal kasi sa amin ang may kulay ang buhok— bright colors. Ayos lang ang shades of brown.

"Joke." pagbabawi niya kaagad.


"Is this real?" hindi makapaniwalang tanong ni Jhames habang nakatayo kami sa harapan nang nakaupong lalaki na facilitator— he was wearing a white collared shirt with a logo of our school on its upper left. Maayos ang kaniyang upo sa harap ng isang maliit na lamesa at may isang upuan sa opposite side niya para sa makikipag-participate sa challenge— chess. Hindi mainit ang aming pwesto dahil nasisilungan kami ng tent.

Nilingon ako ni Jhames sabay hila sa akin papunta sa kaharap na upuan ng facilitator.

"Ikaw maglaro, nag-try out ka para sa chess 'di ba?"

Bago pa ako makapagprotesta ay agad niyang hinila ang upuan at pwenersa ang balikat ko para maupo.

Napapikit ako at napamura sa aking isipan.

"Go JV!" pagche-cheer nila.

Huling scroll na lang ang aming hinahanap. Sana naman nandito na.

Hindi ko naman inaasahang mapapasubo ako dahil sa pagpa-participate ko sa chess. Gahd!? Nilaro ko lang 'yon! Literal na nilaro!

This is bad. Mukhang nanganganib ako sa challenge na ito.

I could feel my heart pumping in my throat. Sobra akong kinakabahan habang patuloy ang paglalaro namin.

"Hindi ba pwedeng bilisan niyo?" narinig kong bulong ni Steccy dahil 15 minutes na rin ang lumipas simula nang maglaro kami.

Jhames hissed. "Can you shut up?" malamig na sabi niya kay Steccy.

Ikaw kayang maglaro rito? Nakaka-pressure, ha.

Another couple of minutes have passed 'di pa rin tapos ang laro.

"Fck, mukhang talo na tayo." kinakabahang sabi ni Renz.

I could feel the tension in the air.

King, knight at isang pawn na lang ang meron ako. Samantalang 'tong kalaban ko medyo madami pang pawn pero wala na siyang officials.

Namamawis na ang mga kamay ko, hindi pwedeng masayang ang kalahating oras namin dahil lang sa challenge na 'to.

Bumuntong hininga ako at mas lalong nag-focus. Iniisip ko ang aking next move at hindi mapakali ang aking mga daliri sa pagtapik sa aking binti.

I just need to corner him.

Nang unti-unti siyang nahuhulog sa patibong ko ay mas lalong kumakalabog nang malakas ang puso ko. Sana lang ay hindi niya mabasa ang nais kong mangyari.

Mabigat ang aking paghinga habang hinihintay ang pagkakataon.

Ito na...ito na...

Gahd! Napangiti ako nang nahulog nga siya.

"Oh what the—" napahinto siya nang mapagtantong ang huling move niya ay wala ng kasunod.

Parang mapupunit ang aking labi dahil sa tuwa. Gahd! I felt satisfied!

Na-corner ko siya! Nangyari ang aking plano!

I did my move.

"Checkmate." casual kong sabi pero rinig sa boses ko ang kagalakan.

"Yes!" sigaw ng mga kasama ko.

Inalog ako ni Jhames dahil sa tuwa. "Ah!" he exclaimed out of joy. "Akala ko matatalo na tayo!"

Akala ko rin.

Binati niya kami sa aming pagkapanalo at binigay ang huling bagay na aming hinihintay.

Halos mapunit na ang labi namin dahil sa sobrang ngiti.

Hapon na nang mapasakamay namin ang huling scroll. Pumunta kami sa campsite para kitain ang aming mga kagrupo.

Pagkarating namin doon ay nakaupo sila sa lapag at basang-basa. Nag-uusap sila at nagtatawanan.

Napakunot ang noo ko. "What happened?" tanong ko.

Lumingon sila sa amin. "Challenge." sagot ni Joshua.

Nalipat ang tingin niya sa hawak ko. "Is that the last scroll?"

Tumango ako. "Yes."

"Woah!" kantyaw ng mga iba niyang kasama.

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko at lumiwanag ang mukha niya.

Tumayo sila at lumapit sa amin.

"Trophy here we come." Romeo said casually with a bit of excitement. Mukhang pagod siya sa mga extreme challenges na ginawa nila kaya mababa ang energy.

Pinagsama-sama namin ang scroll. Pinagdikit namin silang apat gamit ang scotch tape para mabuo ang imahe ng trophy. We flipped the piece to read the phrase that was written.

I saw some numbers between words.

Binasa ni Joshua.

"Huh?" 'yon ang lumabas sa bibig ni Jhames pagkatapos marinig ang nakasulat.

"Para akong nabobo." wala sa sariling sabi ni Renz.

"Nakakabobo ba 'yan o wala lang talagang sense?" sarkastikong sabi ni Harold.

Inipit ni Fritz ang kaniyang ilong. "Nosebleed mga pre." ngungo niyang sabi.

It was written in English but it was like a bunch of words that doesn't add up.

"What kind of riddle is this!?" malapit nang maubos ang pasensya ni Steccy habang tinititigan ang papel.

Gahd, wala kaming naintindihan! Pinagpasa-pasahan namin ang papel, umaasang isa sa amin ang makakaintindi sa nakakalokang riddle. Mukhang na-memorize na nga 'yon ni Renz dahil sa paulit-ulit niyang pagbulong sa hangin habang nakahilata sa tolda na nilatag namin.

Nasapo ni Chris ang kaniyang noo at bagsak na inihiga ang katawan sa tolda, wala rin siyang maintindihan.

It took us time until we figured out what it means! The numbers were coordinates to the location of the trophy!

Jhames grunted. "What the fuck. That's why it says, I bet you didn't understand. Sorry my words are always nonsense but I know you'll get my point." seryoso at naiinis niyang sabi.

Nagmadali kaming nagpunta sa lokasyon na 'yon gamit ang compass.

Kinakabahan kami nang maabot namin 'yon. Nananalangin kaming sana ay wala pang nauna sa amin.

"Nakita ko na!" napasigaw si Jhames at agad na tumakbo sa gawi ng isang puno. Naaninag ko pa ang pagkislap ng kung anong bagay na nasa lupa dahil sa pagtama ng flashlight doon ni Jhames.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakasilip na ulo ng trophy!

What the heck! Nahanap namin! Nahanap na namin!

"What the fck!" gulat na sabi ni Renz nang mapagtantong iyon na ang matagal naming hinahanap.

Sinundan namin siya sa kaniyang pagtakbo. Huminto siya sa tapat ng puno at umupo tsaka kumuha ng kahoy na nasa lupa at sinimulang maghukay.

"Ito na!" kinikilig na sabi ni Jhames habang patuloy ang pagbungkal niya sa lupa.

"Go! Go! Go! Go!"

"Ahhh! Mananalo na tayo!"

Hindi ko alam kung sino ang pakikinggan ko sa mga kasamahan namin dahil sa sabay-sabay silang nagsasalita, masyado silang natutuwa, pati ako ay hindi ko matago ang excitement na nadarama. Matatapos na ang aming paghihirap!

Nang nabungkal ni Jhames nang tuluyan ang lupa ay hinila niya ang trophy. Tumayo siya at humarap sa amin.

He was smiling at us widely. His eyes were sparkling.

"Wah! Panalo na tayo!" sigaw niya at itinaas ang trophy.

Napasigaw kaming magkakagrupo dahil sa tuwa.

"Oh my gahd!" Inalog ko si Jhames

"Yes! Hindi tayo malalagot kay sir!" Fritz dramatically said like he was about to cry.

Saglit kaming napahinto sa pag-iingay nang may narinig kaming pagputok. Sabay-sabay kaming napatingala sa kalangitan dahil sa dulot nitong liwanag.

"Wah!" sigaw naming lahat.

Para akong maiiyak sa tuwa isabay mo pa ang nakikita namin ngayon.

"Fireworks for us!" sigaw ni Steccy.

Mas lalong lumakas ang sigaw namin. Napatalon-talon kami dahil sa tuwa! Para kaming mga tangang kinikilig.

Iyon ang senyales na may nakahanap na sa trophy at tapos na ang laro.

"Naiiyak ako!" sabi ni Jhames habang nakatingin sa langit.

Unang fireworks display 'yon, mamaya kapag nahanap na ng ibang year levels ang trophy na nakalaan sa kanila ay magpapaputok na naman ulit.

Matagal ang itinagal ng fireworks display kaya nakuha pa naming mag-video at kumuha ng litrato habang nasa background namin ang napakagandang palabas.

Gahd, nanalo kami!

Bumalik kami sa campsite pagkatapos naming manatali roon at panoorin ang fireworks. Hawak ni Joshua ang trophy at hindi kami magkandamayaw sa pagkwekwentuhan ng mga dinanas namin sa mga challenges.

We really were happy.

Saglit na naman kaming napahinto sa pagkwekwentuhan dahil may naabutan na lang kami sa campsite na isang mahabang folding table, dalawang pahabang folding benches at isang cooler box. Nakapaibabaw roon ang isang bag na sa tingin ko ay naglalaman ng mga utensils at pagkain!

"Oh sht!" excited na sabi ni Chris.

Ito ang pinakahihintay namin. Ang pagkain pagkatapos ng competition, lahat ng mga groups ay makakatanggap ng ganito kapag natapos ang laro bilang pagdidiwang sa mga nanalo at pagchi-cheer up kung sakaling kabilang ka sa mga grupong hindi nagtagumpay. Pambawi nila ito sa pagod namin sa pagharap ng challenges.

The smile on my groupmates' face are still visible while preparing our dining to eat.

"I still can't believe na tayo ang nanalo." natutuwang sabi ni Renz habang inilalapag niya ang mga paper plates sa table, nakatayo pa rin siya habang kami ay magkaharapan nang nakaupo sa harap ng lamesa.

Binuksan ni Romeo ang cooler at inilabas doon ang softdrinks.

"Congrats guys!" masaya niyang sabi.

Nagdasal muna kami bago kami kumain.

"Finally, we can go home tomorrow, atat na akong maligo." sabi ni Harold pagkatapos niyang uminom sa baso.

We all groaned and agreed.

The day was tiring but fun. Mapayapa kaming natulog pagkatapos naming magkwentuhan nang walang sawa pero paminsan-minsan kaming nagigising dahil sa pagpapaputok ulit nila ng fireworks. We woke up one hour before our trip back to our school. We were happy while settling the things we used in our campsite— later faciliators will arrive to fetch us and get these things.

"Congratulations you've won the survival camp!" ani ni Jhames base na naman sa kaniyang pinapanood. Nag-pose na naman siya gaya nang dati.

Fritz chuckled while tucking the tolda. "Seems like your pink clothes are our lucky charm."

Jhames raised his eyebrows and snapped his shoulder. "Of course!"

Minutes later facilitators arrived.

Sumakay kami sa bus na aming sinakyan no'ng nagpunta kami rito. Kinong-gratulate kami ni Sir Serious maging ng ibang coaches at ng aming mga seniors dahil sa pagkapanalo— gano'n din kami sa kanila dahil nanalo rin sila. Walang mintis lahat ng nasa college department namin ay nagwagi sa competition na ito.

Mukhang kami ang cha-champ. Sana 'wag ma-jinx.

Paulit-ulit akong siniko ni Jhames. "What the hell, nakita mo ba ngiti ni sir?" He tried to lower his voice when Sir Serious got back to his chair after giving us a congratulation speech.

Mukhang kinikilig ang gaga.

I looked at him suspiciously. "Crush mo na 'no?" Pinanliitan ko siya ng aking mga mata.

Nanlaki ang mata niya at bigla na lang hinampas ang braso ko. Sumilip pa siya sa likuran at sa harapan bago niya binalik ang tingin sa akin.

"Shush!" Sinimangutan niya ako. "Ang ingay mo."

Tinakpan ko ang aking bibig at nagpigil ng tawa. "Seryoso!?" bulong ko sa kaniya.

Tumango siya at binigyan ako ng maliliit na hampas.

Napasigaw ako nang walang boses. Para kaming mga tangang nagpipigil na malakasan ang aming mga boses dahil sa kilig.

Jhames wiggled his shoulders. His cheeks were red. He held his face. "Ang init ng pisngi ko."

I giggled. "You're blushing, ang landi mo, gaga."

Napapikit siya at napapadyak dahil sa kilig. "Ang gwapo niya kasi!"

Tumawa ako nang walang tunog. Inalog ko siya. "Kinikilig ako para sa'yo! Support ako sa kalandian mo!"

"Sobrang pogi talaga." paulit-ulit niyang sabi.

"Mamaya ma-inlove ka sa kaniya, ah. Kawawa ka kapag 'di ka sinalo."

Umirap siya pero hindi pa rin nawala nag ngiti sa kaniyang labi. "Happy crush lang!" depensa niya.

"Yie!" Sinundot ko ang kaniyang tagiliran. "Feeling ko 'di ka na makikinig sa accounting, tititig ka na lang sa kaniya." pang-aasar ko.

Mabilis siyang umiling. "No, mag-aaral akong mabuti, so he will notice me!"

Jhames grinned his teeth and laughed harder without sounds.

Mabilis naubos ang aming energy dahil doon. Napagod kami sa pagkwekwentuhan namin kaya naisipan muna naming matulog.

Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat at pinikit ang aking mga mata.

"Oh, don't think too much about him." pagpapaalala ko. "Baka managinip ka, bigla mong masabi pangalan niya."

Mahina niyang ginalaw ang kaniyang balikat kung saan nakapatong ang aking ulo. "Shush, para kang tanga, mamaya mapanaginipan ko talaga."

Kinilig na naman kami.

"Tama na nga, matulog na tayo." pagpapatigil ko sa kilig namin.

He calmed himself. "Oo na."

Pagkatapos no'n ay inayos namin ang aming upo para maging komportable. Hindi na kami nagsalita at hinayaan ang sarili naming kunin ang antok.

"Lexy," rinig kong sabi ni Steccy sa kabilang side ng bus, katapat ng upuan namin ang kanilang pwestong dalawa— magkatabi sila.

"Yong swiss knife ko pala?" pagtatanong niya kay Lexy.

"Huh?" rinig ko ang pagtataka sa boses ni Lexy. "I've already returned it." mahinahon nitong sagot.

"Did you?"

"Yes."

Pinaalala sa kaniya ni Lexy kung kailan niya binalik.

Steccy gasped. "Yeah, I remembered. Mukhang nahulog ko ata." Mahina siyang napamura, mukhang nasasayangan. She sighed. "Whatever." sambit niya na parang bigla na lang siyang nawalan ng pake.

Inayos ko ang pagkakasandal ko kay Jhames. Inunat ko ang aking paa at may naramdamang bagay sa loob ng aking sapatos na sumasagabal.

Nope, hindi mo siya nahulog.

I think my hand slipped while we were doing a challenge. Sorry not sorry, but thanks for that challenge I found my way to get it.

I already cleared myself, I'll do everything to find out who the hell did that to him.

I need to make sure if she had something to do with Clement's accident. I have to try everything 'coz it might have lead to something.

There's always a mistake or loopholes and I hope this is what I'm looking for. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro