Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 43

[JV's POV]

Anong peace offering ba ang sinasabi ng lalaking ito at narito kami ngayon sa Art Gallery ni Clement?

Saglit ko siyang sinulyapan habang naglalakad kami papasok.

His face was relaxed. Unusual.

"Timothy." I said.

"Hmm?" Nilingon niya ako kaagad.

"You're acting weird." I said.

He stopped and it made me stopped too.

"Why?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Can I hug you?"

Sumimangot ako. I tilted my head. "Tell me why you're being like that."

"Can I hug you?" tanong niyang muli. Hindi niya pinansin ang aking sinabi.

Nanlaki ang mata ko ng may luhang nabuo sa kaniyang mga mata.

Nalulungkot siya.

"Yes—" Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi ay agad niya na akong niyakap.

Niyakap ko siya pabalik. "Hey..." mahina kong tawag sa kaniya. Humigpit ang kaniyang pagyakap. "Are you okay?" Hinaplos ko ang kaniyang likuran.

"Yes, I am..." bulong niya.

"Are you sure?"

"Yes."

"You're lying." I said.

"I'm not."

Humiwalay siya sa pagkakayap naming dalawa.

Tinitigan ko siya at tinitigan niya rin ako. "Are you okay?" pag-uulit ko ng aking tanong.

He nodded and smiled. He took a deep breath. "I hope you don't get mad."

Kumunot ang aking noo. "Saan?"

Ngumiti siya nang alanganin. "Natatae na kasi ako, pwedeng maiwan muna kita?"

Napangisi ako kapagkuwan ay sinamaan ko siya ng tingin. "Bilisan mo."

Hindi pa siya kaagad umalis sa harapan ko.

Kaya nagtanong ako ulit. "You okay?"

He nodded again.

"I don't think you're okay."

He smiled. "Kasi natatae na ako." He's lying.

Inirapan ko siya. "Just go."

"Yeah. Be right back."

Tumalikod siya tsaka pumunta sa restroom.

Huminga ako nang malalim.

Something's off.

Baka hindi lang masabi ni Timothy ang kaniyang nararamdaman. Palusot niya lang ata na natatae siya. Maybe he needs some time. Iko-comfort ko na lang siya kapag balik niya.

Huminga ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad.

Patingin-tingin ako sa mga paintings na nakasabit sa dingding, nang may nahagip ang mata ko.

Lumingon ako.

Naroon muli ang janitor na aking nakausap noong nakaraang linggo. Gano'n pa rin ang kaniyang suot na uniporme, maging ang trolley ay nasa kaniyang tabi at ang mop na kaniyang hawak. Gaya rin noong nakaraan, iyon ulit ang kaniyang pinagmamasdan.

Naglakad ako patungo sa kaniya. "Iyan ulit ang tinitignan mo?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin. Naka-mask pa rin ito gaya nang rati, pero hindi na siya nagulat nang makita ako.

Hindi niya ako sinagot. Binalik niya ang kaniyang tingin sa painting.

Hmm.

Parang may something kay kuya janitor. Baka kasali si kuya janitor sa kalokohan ni Timothy.

Napahinto ako sa palapit sa kaniya dahil sa pamilyar na amoy.

It made my heart skipped. Gano'n ang pabango ni Clement.

Muli niya akong nilingon.

Bumigat ang aking paghinga. Bakit ganyan ang pabango niya?

Is he really a janitor? Hindi sa minamaliit ko ang mga katulad nila, pero ang pabango ni Clement ay hindi prayoridad ng mga taong hindi ganoon katas ang antas ng kanilang buhay.

"Where did you get that perfume?"

Hinarap niya akong tuluyan. Inalis niya ang kaniyang sombrero at pati ang kaniyang mask.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang buong mukha niya. "You!?"

He's the guy from my minor subject, he's the one from the basketball court. Greyson, that's his name. Nalaman ko 'yon dahil pa-simple ko siyang tinanong kay Jhames nang makita ko siya kanina sa klase namin. Siya rin pala ang lalaking saglit kong nakatitigan.

He smirked.

Humakbang ako patalikod para lumayo sa kaniya. "Are you a stalker!?"

Kumunot ang kaniyang noo. "What?" gulat nitong tanong.

"Anong ginagawa mo rito?"

Natawa siya sa itsura ko. "Chill."

Napaawang ang aking bibig. "Chill?"

Naiiling akong tumalikod.

"Jess." he said seriously.

Napahinto ako.

What did he call me?

Jess?

Huminga ako nang malalim. Isang tao lang ang tumatawag sa akin nang gano'n.

Napapikit ako. Gahd, what are all of this!? Una kaamoy niya si Clement, now he's calling me like how Clement did!?

"I'm not a stalker." he said seriously.

Nilingon ko siya. "What are you trying to do?" Namuo ang luha sa aking mga mata. Is he mocking me? Does he know about Clement?

He stayed silent.

Tinitigan niya akong muli gaya nang pagtitig niya noong nasa basketball court kami.

Agad kong iniwas ang aking tingin nang makita ko muli ang napansin ko sa kaniya roon– isang anggulo ni Clement ang muli kong nakita sa kaniya.

Mayroon pa ba silang isang kapatid para makita ko si Clement sa kaniya, pero kung kapatid man siya ni Clement, bakit niya 'to ginagawa?

"Do you happen to know Clement?" diretso kong tanong sa kaniya.

"Why?"

Bumalik ang aking tingin sa kaniya. "So, you knew him."

"How can you say that?" casual nitong tanong.

"You knew him." sigurado kong sabi. Huminga ako nang malalim. "Why are you doing this?"

He stayed silent.

Bakit niya ba 'to ginagawa? Anong kalokohan ba 'to? Nakakasakit.

Hindi kaya isa siya sa may kinalaman sa pagkawala ni Clement?

Umagos ang luha sa aking pisngi.

His eyes widen when he saw that. "Fck." nataranta ito at agad na humakbang palapit sa akin. "Don't cry—"

Umatras ako. "Huwag kang lalapit sa akin." mabilis kong sabi. "Who are you? Are you friends with him, brother, a relative? Do you have something to do with his death—"

"I'm Clement."

Napahinto ako. Napaawang ang aking bibig dahil sa lumabas sa kaniyang bibig.

I braced myself. Napatawa ako nang mapakla. "Pot*ng *na. Ginagago mo ako?"

"Your language."

Lumapit ako kaagad sa kaniya at sinampal ang pagmumukha niya. "Don't you dare say his name and disrespect his death ever again." mariin kong sabi. "You're Greyson not Clement, you're not him. He's dead, so whoever you are, stop playing this sh*t."

He looked at me. "Let me explain, love. Please."

Pakiramdam ko ay bumagal ang oras at paulit-ulit na nag-play sa aking utak ang salitang binitawan niya.

Napatakip ako sa aking bibig. It was like Clement.

"Please, stop." pagmamakaawa ko. "What do you want?"

Tumulo ang kaniyang luha.

"Stop torturing me, he's dead." naiiyak kong sabi.

Umiling siya sa akin. "I'm not dead...." Inabot niya ang aking mga kamay. "Hear me out, please..."

"No..." I sniffed. "I saw him dead. His heart was not beating. I've checked it many times." Inalis ko ang pagkakawahak niya sa aking kamay. "I don't understand why you're doing this."

"You thought I was dead because I was drugged. It made my heart stopped." Hinawakan niya muli ang aking mga kamay. "Please listen to me, okay?"

Umiling ako. "You're lying..." I sniffed. "You're Greyson, one of my classmates in minor subjects, just that and nothing else." I wiped my tears. "Hindi ganyan ang mukha ni Clement, hindi ganyan ang boses ni Clement."

Kumawala ako sa kaniyang paghawak.

"Believe me..." pagmamakaawa niya.

"Paano mo mapapaliwanag ang pinagkaiba niyo sa itsura?" paghahamon ko sa kaniya.

"I've taken some medicine to change my voice, I underwent plastic surgery. I worked out to improve my body built. I tanned my skin so there will be a less chance that people may see me as the old me."

Umiling ako. Hindi pa rin ako naniniwala. "Then maybe you're not really him and you're just doing all of this to be him."

He looked up because of the frustration.

But deep down, I wanna believe he's alive.

"Tell me one thing that you and I know, just you and I. If you were really Clement."

Tumingin ito sa kung saan para alalahanin ang mga bagay. "Okay, wait..." Kumamot siya sa kaniyang batok. "Oh... the..." natataranta siya sa kaniyang pananalita. Nagpabalik-balik ito sa kaniyang paglalakad.

"Oh yeah!" Humarap ito sa akin nang may naalala siya. "Naalala mo no'ng kauuwi ng parents mo galing business trip? No'ng time na unang beses akong mag-breakfast sa bahay ninyo tapos nililigawan na kita. Then you're nanay was telling many stories so was your tatay, but you weren't really listening." Napatawa siya. "Coz I was messing you under the table. You remember that?"

Mas lalo akong napaiyak. Tuloy-tuloy ang aking pagtango habang umaagos ang aking luha.

I don't know what's happening.

Lumapit siya sa akin. "Naalala mo ba noong pumunta ako sa bahay ninyo, tapos na-meet ko ang dad mo, na akala mo kaka-meet lang namin, he was a delivery boy that night, right? And we made some pancakes. Nagmadali pa nga tayo para matikman niya 'yon, ako pa ang nagluto habang pinagkwekwento mo ako kung paano ko siya nakilala. Hindi kita pinagluto no'n dahil sabi ko gusto kong magpabilib sa dad mo."

I don't know what to say.

"Do you remember when you brought some lunch for us at the school? Then you asked me what if you were Veronica from Riverdale, and I was Archie, and your dad was Mr. Lodge. You were asking some weird questions 'coz you're overthinking if your dad wouldn't like me for you."

Hinawakan ko ang kaniyang mukha. "How is this possible? Is this even real? Are you really Clement?"

He nodded many times while his lips are smiling at me.

"But I saw you die..." I cried again.

"I did die, but I came back for you..."

Pinakatitigan ko siya "I hated you when I saw some angles of Clement in you when we were in basketball court."

"You can still see some of my angles..." He chuckled and sniffed. "They've made a lot of changes to me. I didn't know that until I woke up last month... I didn't even know that I've had a funeral." Natawa ito sa kaniyang sinabi.

"Why would they do that to you?"

"Because Clement needs to be dead, for me to be here." Hinawakan niya ang aking mukha. "I know it's really hard to believe..."

"It is..." Yumuko ako at umiyak.

"But I'm telling the truth... I can make dna samples, if you want. Your brother knows about this and so does my brother... But please don't get mad at them, they're just trying to do what they must do."

Tumango ako. "I understand..."

"I can prove to you that I'm real..." Kapagkuwan ay natawa ito. "Kung gusto mo kahit kwentuhan pa kita ng tungkol sa atin para lang maniwala ka."

Natawa ako. "I wanna be mad right now at them for keeping from me that you're alive, but I can't..."

He caressed my face.

I took a deep breath and looked at him. "Is this the peace offering Timothy telling me about?"

He nodded.

Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking paghikbi. "Why would I be mad if you were the peace offering..." I sniffed. "That's why I can't be mad because it's you."

Muli akong napaiyak at agad siyang niyakap.

"I've missed you so much. I missed you, Clement..." Mahigpit ang aking pagkakayap sa kaniya, at maging siya ay ganoon din.

"I missed you more, love..." He sniffed. "I'm so sorry it hurt you so much. I'm sorry you've waited so long..."

Hinampas ko ang kaniyang likuran. "It hurt me so much! You stupid!"

Kapagkuwan ay isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg. "I was so scared... I was so scared I might forget about you... I was so scared I might fall in love with someone, because I don't want anybody else but you."

"I'm sorry..." he said sincerely. "I'm here now. Hindi na kita iiwan..." He hugged me tightly.

"I hate you." I said. "Ang sabi ko, mag-iingat ka pero hindi mo 'yon ginawa..."

"I'm so sorry..."

He pulled away and looked at me.

Humikbi ako. I can't believe this is happening...

Natawa siya. Pinunasan niya ang luha sa aking mukha. "Sobra na nga akong atat na sabihin sa'yong buhay pa ako simula no'ng nagising ako, pero hindi ko magawa kaagad dahil kinailangan ko pang magpahinga..."

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking pisngi. "It's alright. Ang mahalaga ay nandito ka na..."

I missed this man.

Pinakatitigan niya ako. "Mahal kita."

Natawa ako dahil sa kaniyang sinabi. I'm so happy. You don't know how I wished to hear that from you, again. "Mahal din kita..." I said dearly.

His smile went wider. "Fck, I wanna kiss you right now."

I chuckled. "I think I want that too."

We really missed each other. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro