C H A P T E R 41
[JV's POV]
Tahimik kong kinakalikot ang aking phone habang hinihintay ang aming prof sa isa naming minor subject.
Si Timothy ay nasa aking tabi at nagsi-cellphone, pati ako ay gano'n din ang ginagawa. Tinitignan ko ang mga litrato naming dalawa ni Clement sa aking gallery.
Maya't maya'y biglang lumakas ang bulungan ng aking mga kaklase. Napalinga ako saglit kung anong meron.
Ang ibang mga babae sa aming room na magkakatabi ay nagbubulungan habang may ngiti sa kanilang labi.
Napasimangot ako nang may palihim silang sinisilip sa isang gawi.
Sinundan ko ang kanilang mga tingin. Ano bang tinitignan nila?
Napahinto ang aking mata nang tumama ang mata ko sa isang lalaking nakatingin din sa akin.
Nakaupo ito sa bandang likuran ng kabilang column. Siya ba ang tinitignan nila?
Iniwas ko ang aking tingin na parang wala lang.
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magsimula ang unang pasok namin sa classroom na ito, at ngayon ko lang nakita ang lalaking 'yon.
Nagkibit balikat ako. Bakit pa ako magtataka, hindi ko naman masyadong binibigyan ng atensyon ang mga taong narito.
Sumandal ako sa upuan. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay may matang nakamasid sa akin.
Nilingon ko si Timothy nang mahina niyang siniko ang aking braso.
Natatawa ito habang nakatingin sa kaniyang phone. "Tignan mo 'to." He giggled. Inilapit niya ang kaniyang phone sa akin.
Napatawa ako nang makita ang bagong meme na nahanap niya. Lagi siyang ganyan.
Kung hindi naman kami magkasama, tapos may mga memes o nakakatawang video na naman siyang nakita ay lagi niya iyong sine-send para lang makita ko.
"Ba't an'dami mong nahahanap na ganyan?" nagtataka kong tanong habang nakatingin pa rin sa phone niya.
"Puro ka panood, paano mo makikita 'to?" sumbat niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kasalanan ko bang walang ganyan sa Netflix?"
Inirapan niya ako at ginaya ang aking pananalita.
"Ha ha." sagot ko sa kaniya.
Ginaya niya akong muli.
Naiiling na lang akong sumandal muli.
"Pakinggan mo 'to." Iniabot niya ang isang pares ng kaniyang airpods.
Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at inilagay sa aking tenga.
Tinignan ko siya. "Ayan ka na naman. Paparinig mo tapos kapag tatanungin ko anong title ayaw mo sabihin." irita kong sabi.
Natawa siya. "Buti nga may kumakanta na ang pinaparinig ko sa'yo."
Inirapan ko siya.
"Asan na 'yong kanta?" tanong ko sa kaniya dahil wala pa akong naririnig.
"Atat?" sarkastiko nitong tanong. "Ito na nga." masungit niyang sabi.
Nakita kong plinay niya ang kanta sa kaniyang phone. Nasilip ko ang title, pero as usual, numbers na naman ang title. 'Apakadamot ih. Ayaw mag-share ng title.
Huminga ako nang malalim nang magsimulang mag-play ang kanta.
Nakarinig na naman ako ng kanta na sobrang nakaka-relax. Hindi ko ba alam saan niya nahahanap ang mga ganitong kanta. Minsan nga ay inaalala ko ang ibang lyrics sa kantang pinaparinig niya sa akin pero kapag hinahanap ko iyon sa internet ay hindi ko naman mahanap.
Hindi ko talaga alam kung paano ako magkakaroon ng kopya ng mga kantang pinaparinig niya. Ayaw niya rin kasing ipasa sa akin.
Pakadamot talaga.
Binuksan ko muli ang aking phone. Titignan ko na lang ang mga pictures namin ni Clement. Miss ko na gwapo niyang mukha.
Habang nag-i-scroll ako ay nakaramdam ako ng kaunting antok.
Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Timothy. Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang balikat.
Natatawa ko siyang tinignan. "Gulat ka? Parang hindi ka pa nasanay na sumasandal ako sa'yo."
Inirapan niya ako. Naiiling na lang siya nang ibalik niya ang kaniyang tingin sa kaniyang phone.
Sumandal ako ulit.
Napahinga ako nang malalim.
Habang nakatingin ako sa aking phone ay hindi ko napigilang lumabas sa aking bibig ang nararamdam ko. "I miss him so much, Timothy." mahina lang naman ang pagkakasabi ko. Mukhang hindi niya rin iyon narinig—
Nakita ko ang kamay ni Timothy na dumaan sa aking mukha papunta sa aking ulo. Mahina niya iyong tinapik.
Narinig niya.
Hapon na. Uwian na nga.
Bumili muna ako ng ice cream in cup.
Sabi ni Timothy ay maglalakad kami sa oval mamaya, maganda raw kasi roon kapag sunset, pero may kinuha lang siyang mga papers para sa major subject niya kaya andito muna ako sa basketball court.
Nakatayo ako sa upper level corner seats ng basketball court habang dahan-dahan kong inuubos ang aking ice cream.
Pinagmasdan ko ang mga kalalakihan sa baba na naglalaro.
Tumigil ako sa pagkain ko ng ice cream.
Siguro kung buhay pa si Clement, isa rin siya sa mga makikita ko riyan dahil panigurado magta-try out 'yon. Kung magpra-practice din siya rito ay sigurado akong hihintayin ko siya hanggang matapos 'yon para sabay kaming umuwi. Isa rin sana ako sa mga magchi-cheer dito kapag may laro sila.
Bumigat na naman ang aking pakiramdam kaya sumubo ako ng ice cream.
"Naghahanap ng gwapo?"
"What the heck." mahina kong sabi dahil sa gulat. Muntik pang matapon ang ice cream ko buti na lang at hawak kong mabuti.
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses.
Nasa likuran ko lang pala.
Naglakad ang isang lalaki papunta sa aking tabi pero hindi niya ako tinapunan ng tingin.
Tinignan ko kung may iba pa bang taong malapit sa amin para tanungin niya no'n pero wala. Ako lang nandito at siya, kaya ako nga ang kausap niya.
Binalik ko ang aking tingin sa kaniya.
Kilala ko ba ito?
Mukhang hindi ko naman siya kaklase dahil hindi niya kapareho ng uniform ang mga kaklase ko sa major subjects, pero ganito ang uniform ng mga engineering students— black slacks at ang polo nito ay kapareho lang ng design sa mga kaklase kong lalaki sa major subjects, ang pinagkaiba nga lang ay ang kulay ng polo— green sa engineering.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
Sino ba 'to?
Mukhang wala na rin naman na siyang balak magsalita ulit at ako naman ay ayokong makipag-usap. Baka nag-joke lang siya.
Tumalikod ako at naglakad papunta sa pintuan.
"Kinakausap tapos biglang aalis?" rinig kong sabi niya.
Wow, nagpaparinig? Epal naman.
Lumingon ako. Inaayos ko ang aking tayo para harapin siya dahil nakaharap na rin naman siya sa aking gawi.
Hindi ako nagsalita at maging siya ay hindi rin.
He was poker face while looking at me, and so was I.
Sino ba 'to? Papansin lang?
Saglit pa kaming nagtitigang dalawa.
"May kailangan ka ba?" casual kong tanong sa kaniya.
Nagkibit balikat siya at tumingin sa ibang direksyon. "I don't know."
Nag-palpitate ang aking kilay nang may napansin ako sa kaniya.
Binalik niya ang kaniyang tingin sa akin at ngumiti.
Hindi ko alam kung ano ang trip ng lalaking ito, pero bahala na siya riyan.
Naiiling ko siyang tinalikuran at lumabas ako ng court.
Papunta na ako sa hagdan nang makita ko rin si Timothy na paakyat.
"Tagal mo." reklamo ko sa kaniya.
Nagulat siya nang makita ako. Napasimangot siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kaniyang kilay. "An'yari sa'yo?" pagtataka niya.
"Wala. Tara na sa oval." matipid kong sagot.
"Weh?" tanong niya.
Sinulyapan ko siya nang maabot ko siya.
"May papansin kasi roon sa court, 'di ko alam anong kailangan. Naasar ako bigla, ewan ko ba." Umirap ako at nagpatuloy sa pagbaba. "Tara na."
Natawa siya. "Alam mo lagi ka na lang naiinis."
"Oh tapos?" pabalang kong sagot.
Tinawanan niya ako. "Gusto mo pa ba ng ice cream? Bilhan kita para lumamig ulo mo."
"Go. Bilhan mo 'ko."
.
.
.
Naglalakad na kami sa oval. May panibago na akong ice cream at pati siya ay bumili na rin ng kaniya.
"Mag-try out ba ako para sa badminton?" tanong ko sa kaniya.
"Hmmmm." He paused. "Oo, kung gusto mo."
"One, two, one two, one two!" rinig kong boses ng mga tao sa likuran namin. Saglit akong napalingon at nakita ang mga athletes na nagja-jogging.
Huminga ako nang malalim nang malagpasan na nila kami.
Hindi naman pinagbabawal na maglakad dito sa oval kahit may mga athletes, kaya okay lang na magpakalat-kalat kami rito ni Timothy.
Tinignan ko ang aking katabi na nakatingin sa malayo.
"Ikaw, wala ka bang sports na gustong salihan?" tanong ko.
Tinignan niya ako. "Meron."
"Ba't 'di ka sumali?"
"Paano ako sasali, kung swimming ang gusto kong salihan?"
Pinanliitan ko siya ng aking mata. "Bakit ba kasi ayaw mong makita nila mata mo? Ayaw mo no'n maraming magagandahan sa mata mo."
Natawa siya saglit. "Okay na akong ikaw lang nagagandahan. Atsaka ayokong pagkaguluhan nila ako lalo, masyado na akong gwapo."
Umirap ako. Natawa ako sa sinabi niya. "Palit na lang tayo gusto mo? Ifle-flex ko 'yan kapag akin 'yan."
"Sa'yo na lang ako para ako na lang ang i-flex mo."
Umirap ako. "Flex mo mukha mo."
Tumawa siya.
Maya't maya'y nakaramdam na ako ng pagod. Naubos na namin ang aming ice cream dahil kanina pa kami naglalakad. Nakita na rin namin ang sunset at padilim na nga ang paligid.
"Tara na, pagod na ako." sabi ko sa kaniya. "Uwi na tayo." dagdag ko.
Huminto siya sa paglalakad kaya nilingon ko siya.
"Uwi?" tanong niya. Parang dismayado ang kaniyang itsura.
Tumango ako.
Hindi siya umimik pero biglang nalungkot ang mga mata niya.
Napakunot ang noo ko. "Bakit?" tanong ko.
"Wala ka bang naaalala?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa ibang direksyon para isipin kung ano ang ibig niyang sabihin.
Ngumiwi ako at tinignan siya. "Na ano?" pagtataka ko.
Nag-iwas siya ng tingin. "Puro kasi Clement." mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na 'yon para marinig ko.
Na-offend ako. "Anong sabi mo?" inis kong tanong sa kaniya.
Binalik niya ang kaniyang tingin sa akin. Hindi siya kaagad sumagot. Ang mga mata niya ay unti-unting napupuno ng luha. "It's my birthday. Hindi mo man lang naalala dahil puro Clement nasa isip mo."
"Wow." Napatawa ako nang sarkastiko, pero ramdam ko ang konsensiya dahil hindi ko nga naalala na kaarawan niya ngayon. "Pwede mo namang sabihing birthday mo, ba't mo pa dinamay si Clement?"
"Bakit totoo naman."
Kumuyom ang kamay ko. "So anong gusto mong sabihin?"
His jaw clenched. "Wala na nga kasi 'yong tao, pero 'yong atensyon mo nasa kaniya pa rin."
Namuo ang luha sa aking mata. "Gago ka ba?" wala sa sarili kong tanong. "Hindi mo alam kung anong pakiramdam na mawala 'yong taong mahal mo, kaya 'wag mo 'yang sabihin sa akin."
"Hindi ko alam?" Ang luha na namumuo sa kaniyang mata ay tumulo sa kaniyang pisngi.
"Bakit alam mo ba? Hindi naman kasi siya importante sa'yo kaya kung makapagsalita ka kala mo ang dali-dali nang pinagdadaanan ko."
He smirked. "Bakit alam mo ba ang lahat para sabihin na hindi siya importante sa akin?"
"Bakit sino ba siya sa'yo? Lagi ka ngang naiinis sa kaniya rati 'di ba?"
Nanatili siyang tahimik.
"Oh hindi ka makasagot? Kasi wala ka namang pakialam sa kaniya." sumbat ko sa kaniya.
"Patay na nga kasi 'yong tao—"
Mabilis akong lumapit at sinampal siya.
Napatingin siya sa kabilang bahagi dahil sa lakas ng aking pagkakasampal.
"Alam kong wala na siya, pero 'wag mo 'yang sasabihin sa harapan ko. Gago ka." Sunod-sunod ang pagtulo ng aking luha. "Hindi mo alam kung gaano kasakit na mawala siya—"
Tinignan niya ako. "I fcking know!" mariin niyang sabi. "He was my brother, so don't fcking tell me that I don't know how the hell you've been because you don't know mine!"
What?
"You didn't know how hard it was." Napatawa siya nang pakla. "Sa tuwing makikita kita maaalala ko siya, pero mas doble 'yong sakit kapag nakikita kitang nagkakaganyan dahil sa kaniya. Ayokong makita kang nagkakaganyan. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka dahil mahal kita."
Mabilis niyang tinuyo ang luha sa kaniyang pisngi.
"You don't know how hard it was because you know nothing." I don't know what to say. "When I lost him, I lost you too with him."
It's not processing.
"Kaya huwag mong sasabihing hindi siya importante sa akin. Huwag ka ring magsalita na hindi ko alam ang nararamdaman mo, kasi kahit pa hindi ko siya kapatid alam ko ang nararamdam mo, 'coz I care for you. Ikaw alam mo ba ang nararamdaman ko?" He paused. "Hindi." mariin niyang sabi. He sniffed. "Masyado kang naka-focus sa nararamdaman mo. Hindi lang ikaw ang nahihirapan kaya sana hindi mo rin kinakalimutan 'yong ibang tao na nandiyan para sa'yo."
I stay stilled when he walked out.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalayo siya sa akin. I couldn't move.
Nagpa-process pa rin sa akin ang mga sinabi niya.
He's in love with me and he was Clement's brother.
How did it all happen?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro