Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 40

[JV's POV]

Bumaba ako ng aming kotse sa tapat ng university na aking papasukan— Maxford University. Suot ko ang isang long-sleeved dress, two horizontal white lines around the tip of its sleeves, 4 inches above my knee, a body con type, yet enough for me to be comfortable while walking and taking steps on staircase. May naka-embroider na logo ng university sa tapat ng aking puso at suot ko na rin ang aking id. And oh yeah, gahd. Pinarisan ko rin ito ng black heels.

I flipped my long hair. Inayos ko ang pagkakapatong ng aking sling bag sa aking balikat.

Huminga ako nang malalim bago magsimulang maglakad. Habang patuloy ang paghakbang ng aking mga paa ay ginagala ko rin ang aking mata sa paligid. Napakalaki ng unibersidad, nagtataasang building ang makikita. Ang mga estudyante ay pumapasok sa kani-kanilang building habang suot rin nila ang kanilang uniform para sa kanilang kurso.

Pagkapasok ko sa aming building ay agad akong nagtungo sa elevator. Ayoko namang maghagdan. Hello? Nasa 7th floor ang classroom ko.

Kung sakaling maraming tao sa elevator ay mayroon ding escalator, pero hindi lahat floor ay may escalator, 12 floors ang meron sa building na ito ang meron lang — 1st to 2nd floor, 6th to 7th floor, 11th to 12th floor. Ganoon din sa ibang mga building, 'yon nga lang, mas maraming floors ang ibang building.

Tumunog ang elevator at bumukas ito. 7th floor. Lumabas ako pati na rin ang ibang estudyante na nakasabayan ko.

Napapatingin ako sa mga classroom na bukas. May mga estudyante na roon— ang iba ay nagkwekwentuhan, mukhang may mga kaibigan na, ang iba naman ay nakaupo lang sa gilid habang kinakalikot ang kanilang phone.

Sa dulo ng hallway ng bawat floors ay naroon nakapwesto ang mga lockers. Ang mini lobby at vending machines ay nakapwesto naman sa gilid ng mga elevators— na nadaanan ko kanina. Ang magkabilaang dulo ay mayroon ding mga staircase.

Nang makita ko ang aking room— 707— ay bigla akong kinabahan. Saan kaya ako uupo?

Bago ko maabot ang pintuan ay may lumabas doon.

Napataas ang aking kilay dahil sa mukhang aking nakita. What the heck?

"Oh hi!" masaya nitong bati sa akin. Ang kapal ng kaniyang make up at ngumunguya pa ng kaniyang bubblegum. Required sa eskwelahang ito ang make up pero 'di ko naman inaasahan na parang pang-pageant ang makikita ko.

First day of school... pero bakit naman ganito!?

"Steccy?" tawag ng isang lalaki mula sa aking likuran.

Lumingon ako dahil sa may tumawag sa pangalan ng aking kaharap.

Saglit na napaawang ang aking bibig nang makita si Jaylor at Lexy. Kapareho ko ng uniform si Lexy, at si Jaylor naman ay naka-slacks ng itim at black polo, na kung saan ang design sa dulo ng sleeves at logo sa aking uniform ay ganoon din sa kaniya.

Please don't tell me na magiging kaklase ko sila. Tama na si Steccy na kaklase ko.

"Hi there!" rinig kong sabi ni Steccy sa kanila.

Lumipat ang tingin ni Jaylor sa akin.

Nagulat ang kaniyang mata nang mapagtantong narito ako. "Oh hi..." nag-aalangan niyang sabi. "Anong room ka?" tanong niya.

"707." matipid kong sagot.

Lumipat ang tingin ko kay Lexy. Saglit itong ngumiti sa akin at sumagot din ako ng ngiti. Pagkatapos noon ay nagpatuloy siya nang lakad.

Sinundan ko siya ng tingin. She looks dull. Poker face. Simula nang magkaroon ng problema sa dad niya ay naging ganyan na siya. Hindi ko rin siya masisisi.

"Hi!" bati sa kaniya ni Steccy pero hindi siya nito pinansin.

Napangisi si Steccy nang sundan niya rin ito nang tingin sa loob ng room. Nagkibit balikat ito at muling tumingin sa amin.

Ngumiti ito nang nakakaloko sa akin. "Good luck for us."

Tumingin siya sa lalaking aking katabi. "Miss you." She winked. She walked towards him. Tinignan ko sila. Akala ko ay yayakapin niya ito pero nilagpasan niya lang.

Oh gahd.

Pumasok ako sa room at umupo sa dulong upuan gaya nang nakasanayan ko noong highschool dahil sa aking apilyedo.

Napahinga na lang ako nang malalim. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng aking uniform.

Agad kong minessage si Timothy.

Sinabi ko sa kaniya ang mga naganap kanina at ang masaklap na katotohanan na kaklase ko si Steccy, Jaylor, at Lexy.

Gahd. Bakit ba kasi hindi na lang nag-Accountancy si Timothy at mas pinili pang mag Business Ad, si Kej tuloy ang kaklase niya. Si Heihei naman ay rito rin nag-aaral pero Tourism ang kinuha niyang kurso.

Huminga ako nang malalim. Maya-maya ay magiging kaklase ko rin si Timothy dahil sa aming minor subject. Sana lang talaga ay hindi ko na kaklase ang tatlong 'to sa mga minor subjects. Sige pagbigyan na sa major subjects pero 'wag na sana sa iba. Baka lagi na lang akong wala sa mood kung sakali.

Unang subject pa lang wala na ako sa mood, sana naman kinabukasan ay hindi nila pagmumukha ang sasalubong sa akin. Tutal hindi naman everyday ang sched ng bawat subject, kaya may posibilidad na hindi ko makita o maging kaklase ang mga ito.

Sana lang talaga. Crossed fingers.

Sa lahat ba naman kasi ng eskwelahan na pwede rin nilang pasukan bakit dito pa?

Napairap ako sa kawalan, okay fine. Oo na, ito naman kasi ang pinakamagandang university rito kaya hindi na ako magtataka, pero bakit naman gano'n. Ah! What the heck.

Napalabi na lang ako at umampat sa aking armchair.

"Excuse me?"

Nakasimangot kong nilingon ang nagsalita.

He was smiling at me. I could even smell his perfume.

Mukha rin siyang maayos sa kaniyang sarili.

Tinasaan ko siya ng aking kilay para magtanong kung bakit.

"May nakaupo ba sa tabi mo?"

Umiling ako.

"Pwedeng tumabi?" tanong niya.

I relaxed my facial expression and nodded.

Umupo siya.

Tumikhim siya kaya muli ko siyang tinignan.

"Alam mo girl, mukhang wala ka sa mood." Napasimangot ako sa pananalita niya. I tilted my head when he spoke again. "Ang ganda mo tapos nakasimangot ka kaagad." Natawa siya. "Sana all pretty."

Natawa ako.

Natawa rin siya.

"Ay pak!" masaya niyang sabi. "Napangiti ko siya oh!" Mas lalo akong natawa. "Oh, hinay-hinay lang baka ma-fall ka sa akin hindi kita masasalo, sis. Okay?"

Mas lalo ako nagkaroon ng hint na hindi nga talaga straight ang lalaking ito.

"By the way, I'm Jhames..." nilahad niya ang kaniyang kamay.

Inabot ko 'yon at nakipag-shake hands. "I'm JV, short for Jessi Victoria." I smiled.

He raised his eybrows. "Wow, sana all maganda ang name. How I wish my name would be, Jamaica."

Sabay kaming napatawa.

Hindi nga talaga siya straight. Mukhang may nahanap na akong pwede kong maging kaibigan.



After a long wait, I could finally have a classmate that I'm friends with.

Nagtabi kami ni Timothy ng upuan sa mala-theater na set up ng room dahil sa ang upuan nito ay parang nasa theater, ang platform ay nasa baba, naroon ang table ng prof, at maging ang white board.

Medyo maingay ang paligid dahil wala pa ang prof.

Sumandal ako sa upuan.

"Mukhang na-stress ka?" natatawang tanong ni Timothy.

Sinamaan ko siya nang tingin. "Ikaw kaya magkaroon ng kaklase na naging kontrabida ng buhay mo." sumbat ko sa kaniya.

Natawa siya.

Tinapik niya ang aking ulo. "Oh chill na. Pumapangit ka."

Napatawa ako nang sarkastiko. "Ha ha ha."

Naiiling na lang akong umirap at tumingin sa ibang estudyante na narito sa loob ng napakaluwang na classroom.

Hindi pare-pareho ang uniporme ng bawat isa dahil sa magkakaiba ang kurso ng mga estudyanteng narito.

Si Jhames na kaklase ko kanina ay kaklase ko rin sa mga minor subjects, pero naroon siya sa kabilang row kasama niya ang mga kaibigan niya. Ang tatlong kaklase ko kanina ay hindi ko na kaklase ngayon!

Thank God.

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Sina Heihei at Kej ay iba ang sched at hindi ko sila magiging kaklase kahit kailan sa school year na ito. Ang mga kaklase ko ngayon ay ang magiging kaklase ko sa mga minor subjects sa loob ng isang taon, pati ang mga kaklase ko sa major subjects.

Noong una ay nagtataka ako kung bakit kailangan pang mag-iba ng kaklase sa minor at major, pero ayoko na magtaka, mas okay na ito para hindi ko makita ang tatlong iyon. Lalong-lalo na si Steccy.

Ano na naman bang trip ng tadhana ngayon? Gahd.

"Gusto mo bang maglibot mamaya sa school?" tanong ni Timothy.

Sinulyapan ko siya.

"Hindi." casual kong sagot. "Tinatamad ako, bukas na lang siguro o kaya sa susunod. Tsaka pupunta ako sa Art Gallery ni Clement." mahina kong sabi.

"Oh okay, sige. Gusto mo bang samahan kita?" tanong niya.

Hindi ako kaagad sumagot.

Huminga ako nang malalim. Tinignan ko siya. "Hindi na siguro."

He was expressionless when he nodded and then he took a deep breath.

Napasimangot ako sa naging reaksyon niya, pero hindi ko na siya tinanong dahil wala akong ganang makipagdaldalan.



Hindi ako kaagad umuwi dahil gusto ko munang dumaan sa Art Gallery ni Clement. Closing time na pero kilala naman na ako rito ng mga stuffs kaya okay lang kahit pumasok ako. Sasabay na lang akong lumabas kapag aalis na rin sila. Maglilinis pa kasi sila saglit bago nila tuluyang isara ang gusali.

Wala ng mga tao kaya mas naging comportable akong maglakad sa loob. Dahan-dahan lang ang aking paglalakad pero rinig na rinig ko ang tunog na ginagawa ng aking heels sa tiled floor.

Napasimangot ako nang bahagya nang may nakita akong nakasombrerong janitor— naka-jumpsuit ito ng kulay cream. Nakatayo siya sa tapat ng painting kung saan ako ang subject doon— ang painting noong una akong makita ni Clement. Tahimik niya iyong pinagmamasdan habang hawak niya ang kaniyang mop at nasa gilid nito ang trolley.

Huminto ako. Mukhang hindi niya pa rin napapansing may tao na sa kaniyang likuran.

Sa dinami-rami ng paintings dito bakit 'yan pa ang napili niyang titigan? Nagtataka siguro siya kung sino ang babaeng 'yan.

Napangiti ako.

Tinignan ko rin ang painting. "Ang galing niya, 'no?" wala sa sarili kong sabi.

Nakita ko sa aking peripheral view ang agad niyang paglingon sa akin. Nataranta ito nang makita ako.

Bahagya itong yumuko. Hindi ko rin makita ang kaniyang mukha dahil sa naka-mask ito. "Sorry po, ma'am." sabi nito.

Napatawa ako. "Bakit ka nagso-sorry?"

Napakamot ito sa kaniyang ulo. "Baka po kasi isumbong niyo ako na tumutunganga." natatawa ngunit nag-aalangan niyang sabi.

I giggled. Umiling ako. "Hindi 'no. Okay lang 'yan."

Saglit siyang tumahimik. Tumingin siya sa akin at nagsalita. "Mawalang galang nap o pero nagtataka lang po ako." He paused. "Kayo po ba 'yong girlfriend no'ng may-ari ng mga paintings na narito?"

Napangiti ako nang mapakla. Hindi eh. Hindi naging kami dahil nawala siya kaagad. Hindi ko siya nasagot.

"Why?" tanong ko rito.

"Bago lang po kasi ako rito at madalas ko po kasi kayong nakikita ritong bumibisita, tsaka naririnig ko rin po sa mga kasamahan ko na nalulungkot po sila sa nangyari, lalo na raw po roon sa girlfriend niya kasi biglaan 'yong pagkawala ni Sir Clement."

May kirot akong naramdaman nang banggitin niya ang kaniyang pangalan.

"Ikaw ah, tsimis ka kuya." paloko kong sabi para iwala ang lungkot na aking nadarama.

Natawa ito. "So kayo nga po?"

Natawa na lang ako.

Huminga ako nang malalim at tinignan ang painting.

"Edi kayo rin po 'yong nasa painting?" tanong nito sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

"Miss niyo na po ba siya?"

Naramdaman kong nag-palpitate ang aking kilay. Nawala ang ngiti sa aking labi. Uminit din ang sulok ng aking mata.

I forced to smile. "Yes, sobra..." malungkot kong sabi. Mabilis na namuo ang luha sa aking mata.

"Panigurado miss na rin po kayo no'n." he said sincerely.

I stay stilled. Hindi ko alam pero parang naniwala ako sa sinabi niya. Para kasing may kung ano sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. It feels like he really meant what he said.

Mabilis na umagos ang luha sa aking pisngi nang hindi ko na ito mapigilan.

I closed my eyes and took a deep breath.

"Hala, ma'am sorry po." natataranta nitong sabi.

Pinunasan ko ang aking mukha.

Tumawa ako at suminghot. "Okay lang, ano ka ba."

"Huwag na po kayong umiyak, baka malungkot po si Sir Clement kapag umiyak pa po kayo tsaka baka masira pa po 'yong makeup ninyo." paliwanag niya sa akin.

I smiled nodded.

Napatingin siya sa kaniyang relo.

"Hala, ma'am sige po mauna na po ako. May aayusin pa po kasi ako, baka mapagalitan na po ako ih." he sounded worried and sorry for me. It seems like he wanted to stay to accompany me.

Tumango ako. "Sige."

"Sorry po talaga ma'am ah napaiyak ko pa po kayo." sabi niya habang inilalagay niya sa trolly ang kaniyang mop

"Okay lang, ano ka ba." natatawa kong sabi rito.

"Sorry po talaga ah, pero aalis na po ako, mapapagalitan na po talaga ako ih." natataranta niyang sabi.

"Sige po." nakangiti kong sabi.

Nagpaalam pa itong muli tsaka nagmamadaling umalis sa aking harapan.

Huminga ako nang malalim. Kapagkuwan ay nawala ang aking ngiti.

Kinagat ko ang aking labi at tumingin sa paligid.

He made so many paintings but he was the masterpiece.

Pinuntahan ko ang isang litratong naka-frame. Nakasabit ito sa pinakagitnang bahagi ng dingding. It's a picture of him smiling so bright.

Gahd. I miss him so much... If only I could turn back time, I would show you how much you meant to me.

I wanna forget the pain, but not you. Hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin. Lagi ng may kasamang sakit sa tuwing maaalala kita. Natatakot ako na baka kapag naka-move on ako sa sakit ay makalimutan na rin kita. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro