C H A P T E R 4
Mga ilang seconds din akong napatitig sa mag mata niya, nakita ko namang ngumiti siya kaya nag iwas na ako ng tingin.
"pwedeng makiupo?" tanong niya. Tinignan ko ulit siya kaya napasulyap na naman ako sa ganda ng mga mata niya, tumango naman ako sakaniya. May hawak siyang isang maliit na plastic cup na may liquid chocolate tapos may mga strawberries at isang stick na nakatusok sa isa sa mga strawberry.
"kanina ka pa nakatingin sa akin, gwapong gwapo ka ba sa akin o gusto mo bang makihingi? Ito oh" aba mahangin din ang isang to. inalok niya yung hawak niyang pagkain. Medyo nakaramdam naman ako ng pagkasungit niya, mukha siyang mabait pagnakangiti pero pag hindi na siya ngumit tapos nagsalita ng seryoso, sobrang sungit ng dating.
"ah hindi okay lang" sabi ko
Ang weird tuloy na ang tahimik kasi kanina okay lang na tahimik kasi wala naman akong kasama eh ngayon may kasama na ako. Pasimple naman akong tumingin ulit sakaniya na kumakain ng dala niyang pagkain. Nakaramdaman na tuloy ako ng gutom. Naamoy ko pa naman kasi yung chocolate sarap siguro non. Tagal naman kasi ng hampaslupa kong kuya grabe gaano ba karami ang nilabas niyang sama ng loob at napakatagal.
"bat ka pala nandito sa labas?" tanong niya sa akin tsaka siya tumingin kaya nagulat ako kasi parang ang lakas ng dating ng pagtitig niya.
"ahhh wala naman" sabi ko. May tinignan siya sa hindi ko alam kaya nilingon ko yung likuran ko. Pero nakatingin pa rin siya sa hindi ko talaga alam.
"sorry may nakita lang ako" napansin niya atang kanina pa ako palingon lingon, may kakayahan ba tong makakita ng hindi ko nakikita?! Napatango naman ako ng medyo alanganin kasi natatakot na ako baka may mumo na pala siyang nakikita diba.
Hindi ko naman na siya tinignan at tumingin nalang ako sa harapan ko. Narinig ko naman siyang napangisi, kaya napatingin ako. Ang weird niya bat siya nakangiti habang kumakain? Feeling ko talaga may mumo na dito eh swear! or baka baliw to? hindi ko na alam!
"ah alis na ako ha, babye" nagwave na ako ng kamay ko tapos patayo na ako ng lumingon siya sa akin tapos nagsalita
"wait, bakit?" nagtataka niyang tanong
"ha? Eh wala naman" mabilis kong sabi.
Napatawa ulit siya, shizzz ang creepy niya talaga! Nasasapian na ba siya?
"sorry mukhang nawewerduhan ka na sa akin, hindi ako baliw or what may naalala lang kasi ako" sabi niya tsaka naman siya ngumiti
"pero aalis na talaga ako bye" sabi ko tsaka ako tumayo at tumakbo. Gwapo pa naman niya, alam kong gwapo yun kahit nakamask pa siya tapos ganda pa ng mata pero mukhang may saltik.
Hinihintay ko naman si kuya sa tapat ng pintuan dahil ayokong pumasok ng mag isa lang. antagal naman kasi.
"hoy panget saan-saan ka nagpupunta" sabi sakin ng kuya ko ng makita ko na siyang naglalakad papalapit sa akin
"antagal mong tumae kaloka ka ha" inis kong sabi sakaniya
"eh walang tissue eh naghintay pa ako ng tao doon para makahingi ng tulong kung alam mo lang pinagdaan ko ewan ko nalang" masungit niyang asbi.
"dapat kasi tinignan mo muna" sinungitan ko rin siya
"yung camera nasan?" seryoso niyang tanong. Fck! naiwan ko doon kanina sa pinag-upuan ko kanina
Tinaas niya yung kamay niya at nakita kong hawak niya na yung camera
"buti nalang at may nakakita at buti nalang dumating ako kaagad at nakita kong hawak niya yun tapos tinanong ko kasi mukhang atin lang naman yung may sticker na camera diba?! buti nalang at binigay sa akin tong camera!" sabay pitik niya sa ulo ko.
"eh kasi sorry na" naiiyak tuloy ako, di kasi ako sanay na pinapagalitan ako ni kuya ng ganito.
"wag kang umiyak diyan panget mo na nga tas iiyak ka pa lalo kang papanget" masungit niyang sabi
"eh kasi naman ang creepy nong lalaki doon kaya umalis na ako kaagd tas tumakbo malay ko bang nakalimutan ko yang camera" dirediretso kong sabi
"next time kasi wag mong kalimutan. Okay lang na mawala mo tong camera pero i-timing mo naman kapag wala tayong mga magagandang pictures dito, nah mali I mean kapag wala akong gwapong pictures dito since panget ka naman." Mahinahon niyang sabi, nakuha pang isngit ang pang aasar niya.
Pumasok kami sa loob at dumiresto kami doon sa mga may pagkain.
"oh yan wag ka ng malungkot diyan" tapos binigyan niya ako donut. Napangiti naman ako nong makita ko yung hampaslupa kong kuya na nakangiti din sa akin
"bati na tayo" sabi niya "panget mo pa rin" buset! Kaasar talaga.
"Zed! Bakit ngayon ka lang, kanina ko pa kayo hinahanap, pati ang granpa and granma niyo." medyo galit na tuno ni nanay.
"sorry po nanay hehe." Nakita ko naman sila granpa and granma kaya nagmano na ako sakanila pati na rin kay paps at mamo na parents ni nanay.
"mag-hi ka doon sa mga tita mo!" sabay palo ng mahina ni nanay sa balikat ni kuya "ikaw sumama ka rin." Sabi sakin ni nanay
"okay po." Sabi namin ni kuya.
Sinunod namin ang utos ni nanay and kada kamusta namin 10 minutes ata kaming nakikipagkwentuhan pare-pareho lang naman sila ng tanong kung kumusta na ba school, kumusta sa kung ano ano pa.
Ng matapos kami sa pakikipagkwentuhan at kakatayo ay bumalik na kami sa upuan namin ni kuya. Hanggang 2 am na naman to. Grabe di ako sanay magpuyat, maaga ako natutulog mga 11 tulog na ako, maaga na yun.
"hoy pangit wag kang matulog diyan." Rinig ko namang sabi ni kuya.
"hindi ako natutulog." Masungit ko namang sabi sakniya
"hindi ka namin gigising kapag nakatulog ka rito, bahala ka diyan." Natatawang sabi ni kuya. Nakakainis talaga, di na lang talaga sana siya umuwi.
Nakaupo lang kami ni kuya, habang pinapanuod yung mga tao na nagpaparty party. Hanggang sa buti naman at fireworks display na. Lumabas na kami ng building para manood ng fireworks display.
Di ko naman maiwasan di mapatulala sa kalangitan kahit na antok na ako, ang ganda kasi. Pagkatapos non nagpalakpakan sila at bumalik sa loob ng building. Pinipigilan ko ang hikab ko, patapos na, kaya ko pa, nagpapasalamat na sila nanay at tatay sa mga people.
Bigla akong napamulat ng nagpalakpakan na sila. Sa wakas tapos na.
Hinintay muna naming makalabas lahat ng tao tsaka kami lumabas, sila grandpa kila paps muna daw sila dahil magchichikahan pa raw sila. Nagpaalam na kami sakanila at sumakay na sa kotse.
Medyo nasayahan naman ako dahil kahit papaano makakatulog na ako, inayos ko seatbelt ko at matutulog muna ako habang nasa biyahe dahil antok na talaga ako.
Gumising ako ng maaga as usual para hindi malate sa klase namin. Dahan-dahan naman akong naglakad papuntang classroom dahil antok pa ako grabe mga mag 3 na natapos yung event kagabi tapos may pasok pa ngayon. Umupo na ako sa upuan kong ako lang ulit ang mag-isa at walang katabi. Yumuko muna ako para matulog.
Medyo napausog yung table kaya medyo nagising ako, inayos ko nalang yung upo ko tsaka ako natulog ulit. Pero di ko na makuha yung tulog ko kaya napabuntong hininga muna ako tsaka kinusot kusot yung mata ko. Tinakpan ko naman yung bibig ko ng mapahikab ako, tsaka ako nag-unat.
"aray!" nagulat ako kasi may natamaan ako tinignan ko kung sino "tignan mo naman kasi kung may katabi ka" masungit niyang sabi.
"sorry" sabi ko, hala sino tong katabi ko? Wala akong katabi diba!? Wait baka mali ako ng classroom na napasukan!? Nilibot ko naman yung paningin ko at mga classmate ko naman yung nandito.
"sino ka?" tanong ko sakaniya.
"good morning ma'am" narinig ko namang sabi ng mga classmate namin kaya napatingin na ako sa harapan. Tapos bumalik ulit yung tingin ko doon sa lalaking katabi ko na galit sa akin.
"May new classmate kayo, come here and introduce yourself." Bago siya tumayo ay sinamaan niya pa ako ng tingin hala galit talaga siya? masyado bang malakas yung pagtama ng kamay ko sa mukha niya? sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapunta siya sa harapan.
"Hi my name is Timothy Cedrick Lee" yung malalandi ko namang classmate nag hi kaagad tapos nong nag-hi tong lalaking gwapo napahiyaw sila abaaaaaa.
"pwede ka ng umupo" sabi ni Ma'am Bangs.
"oy hindi ka na nag-iisa JV!!! YIEEEEEE" nagulat naman ako sa biglaang pang-aasar ni Heihei. Wtf nakakahiya, napayuko nalang ako at naramdaman ko namang tumabi na siya sa akin. Narinig ko naman yung pagngisi niya ng makaupo na siya ng maayos.
"iiwanan ko nalang kayo ng gagawin niyo dahil maraming inaasikaso para sa nalalapit na event dito sa school natin" what she was referring na event ay yung about sa sports, dito kasi gaganapin and pupunta dito ang iba pang mga players na galing sa ibang school para makipagcompete since ang school namin ang pinakamalawak para iheld ang event na yun, may binigay naman siyang paper sa secretary namin at nagpaalam na siya kaagad.
Pagkalabas naman ni Ma'am Bangs nagsimula ng umingay ang room, tapos nakaramdam ulit ako ng antok, gusto kong matulog pero napakaimpossible sa ganitong kaingay na classroom, yung kanina okay pa pero ngayon hindi na.
"tim!!!" sigaw ni Kej tsaka niya hinila itong si Timothy para tumayo at may ginawa silang signature handshake, wait magkakilala sila?
Umupo naman sila at kinuha ni Kej ang upuan niya para makitabi kay Timothy.
"magkakilala kayo?" tanong ko naman Kej, tsaka ko tinignan si Timothy
"yes, long story" sagot ni Kej. Napatango tango naman ako.
"Timothy si JV nga pala" pagpapakilala sa akin ni Kej
"hi" naiinis niya pa ring sabi iniabot niya naman yung kamay niya para makipagshakehands. Kaya inabot ko naman. Bago ko maabot biglang may sumingit na kamay .
"hi I'm Jaylor" tsaka siya na ang nakipagshakehands kay Timothy.
Nakita ko ang mas lalong pagkainis ni Timothy sa ginawa ni Jaylor.
"wag kang makisingit" seryosong sabi ni Timothy tsaka niya binitawan yung kamay ni Jaylor.
"chill lang." sabi ni Kej sakanila
"officers!" napatingin naman ako sa harapan dahil sa sigaw ng President namin
"pupunta tayong gymnasium mag-aayos ng stage dahil magprapractice na mamayang hapon yung mga kasali sa pageant, muse and Adonis pumunta kayo sa faculty dahil may sasabihin daw sainyo." arrrrhhhggggg baki ngayon pang inaantok ako.
"boys na hindi officers sumama pa rin kayo kailangan namin tulong niyo, and yung mga varsity players pumunta na kayo at magpractice, at yung mga matitira dito, panatilihin niyong malinis ang room, Lexy ikaw ang magcheck ng attendance ng mga maiiwan" seryosong sabi nong President namin, hindi kasi officer si Lexy.
"JV officer ka diba, ikaw muna bahala kay Timothy ha? Since ikaw palang naman ang medyo nakausap niya na dito" sabi sakin ni Kej.
"sasama ka?" tanong sakin ni Timothy. Tumango naman ako sakaniya.
"kaya niya ng mag-isa ano yan bata?" narinig kong sabi ni Jaylor
"Jaylor can you just please shut up" mahina kong sabi.
Padabog niyang kinuha yung bag niya at lumabas na ng room.
"baby tara na sa faculty" sabi ni Heihei kay Kej. Nagpaalam naman na sila sa amin ni Timothy.
"ewwww" rinig kong sabi ni Lexy. Napatawa naman kami dahil sa reaction niya.
"tara" sabi ko naman sakaniya tumayo naman ako at tumayo na rin siya, grabe ang tangakad niya pala.
"bakit anong meron kay Jaylor at ang papansin niya masyado?" tanong niya sa akin habang naglalakd kami papuntang gymnasium. Tirik na tirik pa naman yung araw tapos wala kaming payong ang init!
"wala naman, why?"
"wala lang, I hate him from now on" natawa naman ako sa sinabi niya.
Pagkarating naming gymnasium. Napatingin naman ako sakaniya na medyo namumula yung mukha niya dahil na rin siguro sa init, di ko itatanggi na gwapo siya.
"bakit?" tanong niya.
"wala naman" sabi ko tsaka ako nag-iwas ng tingin at pumunta sa mga lalagyan ng mga cleaning materials.
"nagwagwapuhan ka lang sakin" Tinignan ko naman siya tsaka inirapan narinig ko namang tumawa siya ng kaunti, ang hangin pala ng isang to.
Nagwalis naman kami ng dahan dahan dahil sobrang alikabok dito sa gymnasium, andami pang nagkalat na mga plastic ng mga pagkain at kung ano ano pa. Si Timothy naman ay panay ang pagrereklamo dahil andami daw lilinisan
"hoy sir wag kang pumamewang diyang tulungan mo kaya akong magwalis dito oh andami dami" sabi ko sakaniya dahil nakapamewang lang siya habang may hawak na walis tingting.
"first day ko palang pinaglinis na ako kaagad?" nakasimangot niyang sabi, natawa naman ako sa itsura niya dahil naiinis na talaga siya.
"tawa ka pa diyan" narinig kong bulong niya, tinignan ko naman siya na nakatingin ng masama sa akin, tagaktak na yung pawis niya, kanina pa kasi siya naglilinis tapos kung minsan pa ay tinatawag siya para magbuhat ng kung ano ano.
"magpunas ka kaya ng mukha mo no para kang batang paslit na pinagpapawisan" sabi ko
"gwapo pa rin naman ako, tignan mo yung mga babae doon titig na titig nga sa akin eh" may tinignan siya sa di kalayuan, aba ang hangin din talaga neto.
"wala akong pakealam kaya punasan mo na yang pawis mo at tulungan mo ko dito, hawakan mo nalang yang sako" kinuha naman niya yung sako. Ng mailagay ko na sa dustpan ung mag kalat eh humarap na ako sakaniya para mailagay sa sako yung mga yun na hawak niya. Inis ko naman siyang tinignan dahil sa hindi niya ayusin ang pagkakabukas ng sako paano ko to maipapasok diba
"ayusin mo nga yang paghawak mo ng sako, buksan mo ng maayos para maipasok ko"
"ang alin ang buksan ko ng maayos para maipasok mo?" narinig ko naman ang ngisi niya. Hinampas ko naman siya ng walis tingting na hawak ko dahil sa sinabi niya.
"fck! aray joke lang naman eh!" sabi niya tsaka niya hinaplos yung binti niya na nataamaan ng walis, pinanlakihan ko naman siya ng mata tsaka niya inayos yung sako para maipasok ko yung mga kalat. Akala mo naman close kami para magjoke siya ng ganon.
Ilang beses na rin akong naglalagay ng kalat sa sako pero andami pa rin. Pawis na pawis na rin ako, bakit ba kasi at napakaraming kalat dito, di ba sila marunong magtapon ng basura nila sa basurahan, kaya ang ambagal umunlad ang Pilipinas eh.
"ako na diyan ikaw naman dito maghawak ng sako" sabi niya. Napabuntong hininga naman ako tsaka ko binigay sakaniya yung dustpan at walis, inabot ko naman yung sako, parang mas lalong uminit nong hindi na ako gumagalaw.
"what the hell bat umiikot tong dustpan" inis niyang sabi kaya nahulog yung mga laman non, inulit niya ulit kuhanin ang mga kalat at ilagay sa dustpan at nong iniangat niya na nahulog ulit.
"ahhh ano ba" naiinis niyang sabi kaya natawa ako sakaniya.
"ikaw na nga dito ayoko na" sabi niya sa akin at binibigay na yung walis at dustpan.
"ayoko kaya mo yan, ihold mo yung mga basura gamit yung walis kapag nalagay mo na sa dustpan ipitin mo yun gamit ang walis para hindi na umikot yan at nang hindi magkanda hulog yang mga basura diyan" natatawa kong sabi.
"why am I even doing this what the fck" narinig kong bulong niya. Nagawa naman niya yung sinabi ko at natatawa pa rin ako sa itsura niya kapag umiikot at nahuhulog yung mga basura.
"magkakilala pala kayo ni Kej, matagal na kayong friends?" bigla kong tanong sakniya
"mga two years na rin simula nong maging magkaibigan kami " napatango tango naman ako.
"saan kayo nagkakilala?" tanong ko ulit
"nagkakilala kami sa audition."
"ng ano?" tanong ko ulit
"dami mong tanong, close na ba tayo?" masungit niyang tanong. Aba nagtatanong lang naman eh.
"last na tanong ko na talaga promise, sa ngayon"
"san ka nag-aaral dati bago ka lumipat dito?"
"states." Matipid niyang sagot. Wow sa states nag-aaral tong si koya.
"bat ka lumipat dito?"
"sabi mo last na yun diba?" masungit niyang sabi habang nagwawalis. Nu ba yan.
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita "actually hindi naman talaga ako lilipat dito, pero lumipat ako dahil may matagal na akong hinahanap at nandito siya. Wag mo ng tanungin kung sino dahil di tayo ganon kaclose para ipalam ko sayo. Okay?"
"okay" sagot ko naman. Sino kaya yung hinahanap niya, girl kaya yun? Or baka naman spy tong lalaking to?
"my handsome face is not suitable for doing this." Inis niyang sabi.
"hoy ang arte mo, akala mo naman gwapo ka "
"whatever" narinig kong bulong niya ulit.
Pumunta naman kaming classroom ng matapos kaming maglinis. Nag-aasaran naman kami ni Timothy kung sino ang mas mabaho sa amin. Pagkapasok kong classroom. Anlamig grabe, nakaswitch kasi yung aircon tapos basang basa na ako ng pawis.
"oy close na kayo agad? Yieeee" naface palm nalang ako dahil sa pang-aasar ni Heihei.
"pagpasensiyahan mo nalang yan ha siraulo talaga yang kaibigan ko eh" bulong ko kay Timothy. Narinig ko naman siyang tumawa
"mas mabaho ka pa rin" narinig kong bulong niya. Hoy di kaya ako mabaho haler.
"I have extra tshirt" narinig kong sabi ni Jaylor tsaka siya tumabi sa akin at inabot yung tshirt niyang puti.
"no thanks, uuwi nalang ako para magpalit" tsaka naman ako ngumiti sakaniya. Inayos ko na ang gamit ko para makauwi na ako.
"sabay na tayong lumabas uuwi din ako eh" tinignan ko naman si Timothy na hawak niya yung bag niya at ready na para lumayas
"Jess Jess!" napatingin naman ako sa pintuan at nakita ko si Clement na nakangiti, gwapo niya tuloy.
"sabay ako sainyo kumain" sabi niya
"uwi ako eh" sabi ko naman sakaniya.
"sige sabay nalang tayong lumabas may kwento ako" tapos ngumiti na naman ng malapad si Clement. Napatingin naman ako kay Timothy kasi sabay kami eh
"okay lang kaya ko naman mag-isa" tsaka siya ngumiti. Tapos umalis na siya, bat ganon parang nakaramdam ako ng guilt kasi siya unang nagyaya sa akin eh tapos ahhhh!! Whatever, wag ng gawing big deal okay lang si Timothy.
Palabas na ako ng biglang dumating si Kej. At bago pa ako makalabas ng tuluyan tinawag pa ako ni Kej
"JV si Timothy?" nagtatakang tanong niya sa akin
"uuwi daw eh" sabi ko naman sakaniay. Napatango tango nalang siya tapos nagpaalam na ako sakanila para umuwi.
Habang naglalakad naman kami sa hallway.
"sino yun?" seryosong tanong ni Clement
"si Timothy bago naming classmate."
"close na kayo kaagad?" tanong niya. Nakibit balikat nalang ako. Parang nagseselos ang tuno ng pananalita ni Clement pero feelingera ako kaya whatever. Echosera lang ako.
"anong kwento mo?"
"may isang nilalang na pinangak at ang ang pangalan ay Clement, ang pinakagwapo sa buong mundo." Diredirestso niyang asbi pero parang inis siya habang sinasabi niya yun
"yun na yun?"
"oo" matipid niyang sagot.
"bat ang sungit mo?" tanong ko naman
"hindi ko alam" sagot niya ulit.
[ CLEMENT'S POV]
Why does it feel like I'm gonna lose her again.
Ever since na maging kaschoolmate ko siya nagkagusto na ako sakaniya hanggang sa lumalim pa ang nararamdaman ko.
Siguro kung mas maaga kong sinabi sakaniya na gusto ko siya siguro akin siya ngayon, siguro masaya kami ngayon, siguro hindi siya nasaktan ng gagong yun....andaming siguro.
Nong nakita ko siya nong first day of school na naglalakad papasok ng building isabay mo pa ang hangin na tumatama sa buhok niyang mahaba, ang prfect ng araw na yun na makakita ng isang magandang binibining katulad niya, napahinto pa ako ng makita ko siya at tsaka ko lang narealize na nakatayo nalang ako doon ng mas lalo pang lumakas ang hangin. Nagandahan talaga ako sakaniya, simula nong day na yun alam kong naging crush ko na siya dahil sa ganda niya, at kung sinuswerte ka nga naman classmate ko pa pala siya. Unti unti ko siyang nakilala at mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sakaniya dahil sa ugali niya. she's beautiful inside and out.
Dumating yung time na nagkwento siya sa akin about sa guy, the day na sasabihin ko sakaniya gusto ko siya, pero....
FLASHBACK
Lumapit siya sa aking nakangiti, para syang kinikilig. Umupo siya sa tabi ko tsaka ako pinaghahampas, ansakit pero okay lang.
"bakit?" tanong ko, hindi siya nagsalita pero nakangiti lang siya sa akin.
" ganito kasi Clement, hindi ko nakwekwento sayo may crush kasi ako doon sa kabilang section, taposssss" inalog alog niya pa ako dahil sa sayang nararamdaman niya pero kabaliktaran naman ang nararamdaman ko.
"taposss?" tanong ko naman. Gusto kong malaman kung sino man yun pero may parte sa akin na gusto na siyang pahintuin sa pagkwekwento niya sa lalaking yun.
"umamin siya kanina sa akin, na gusto niya akooooo" tapos napahawak pa siya sa mukha niya para pigilan ang ngiti niya. Puta ang sakit, ang sakit sobra na makita siyang masaya dahil sa iba.
"sino ba yan?" tanong ko ulit habang nakatitig sa mga mata niyang masaya.
"si Jaylor" bulong niya sa akin. Parang andaming kutsilyo na tumusok sa puso ko ng bitawan niya ang pangalan ng lalaking yun. I hate that guy simula ng makita ko siyang nakatingin sakaniya.
This is the day na dapat ako ang umamin sayo na gusto kita, pero siguro kung umamin ako sa araw na to siguro hindi ka rin ganyan kasaya dahil hindi naman ako ang gusto mo.
END OF FLASHBACK
Magmula nong araw na yun ay naghanap ako ng mga kalandian ko para na rin makalimutan ko siya, in short naghanap ako ng rebound, alam kong ang sama ng ginawa ko pero alam ko namang landian lang din ang hanap ng mga babaeng nakalandian ko before.
Pero nagkamali ako dahil kahit anong gawin ko, siya pa rin talaga.
The moment na makita kong kausap niya yung lalaking yun kanina, nakita ko ang mga tingin ng lalaking yun katulad ng tingin ni Jaylor at kung paano ko rin siya tignan.
I can't let her slip away again.
I can't see you be with other guy again.
I can't Jess, I can't.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro