
C H A P T E R 39
[JV's POV]
After 6 months
Nagdaan na ang pasko, bagong taon, valentines, maging ang aming graduation. I tried to be okay, but it was so hard.
Sa lahat ng mga importanteng okasyon ay siya pa rin ang gusto kong makasama. Siya ang naiisip ko—sana ay narito siya sa tabi ko para iselebra ang mga iyon.
Huminga ako nang malalim habang naglalakad sa hallway. Dala ang aking mga kinuhang huling requirements na kakailanganin para sa papasukan kong university. Ito na rin siguro ang magiging huling pagbisita ko sa eskwelahang ito.
"Ahem."
I snapped. Kanina pa pala lumilipad ang aking isip sa kawalan.
Tinignan ko si Timothy na nasa aking tabi. Nagsabay kaming kumuha ng requirements para sa papasukan niyang university. University na papasukan ko rin.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko.
Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata. "Sabi ko magpapakulay ba ako?"
Tumingin ako sa aming dinaraanan. Nagkibit balikat ako. "Ikaw bahala." Natawa ako. "Bahala ka kapag unang araw ng klase pinagalitan ka."
Narinig ko rin ang pagngisi niya. "Bakit sino ba kasing nagsabing papasok akong may kulay ang buhok ko? Hindi ba pwede ngayong bakasyon lang ako magpakulay?" sarkastiko niyang tanong.
Umirap ako kahit 'di niya ako nakita.
"Edi magpakulay ka." pabalang kong sagot.
He tsked.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, pero nang lingunin ko siya ay 'di ko siya nasilayan.
Lumingon ako. Nakita ko siya roon nakatayo habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang phone.
Tatawagin ko palang sana siya ay agad na siyang nag-angat ng tingin sa akin, may nakaguhit na ngiti sa kaniyang labi.
Kumunot ang aking noo dahil sa mabilis niyang paglakad patungo sa akin.
Hinawakan niya ang aking balikat. "Hindi na ako makakasabay sa'yo pag-uwi. Ingat ka, okay? Message mo ako kapag nakauwi ka na sa inyo. I'm sorry I gotta go." Sunod-sunod niyang sabi. Tinapik niya ang aking balikat at tumakbo. "Bye!" sigaw niya.
Anyari roon?
I tilted my head. He seems happy?
Umayos ako ng tayo. Huminga nang malalim at nagkibit-balikat.
Mamaya ko na lang siya tatanungin.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad sa hallway hanggang sa nasa tapat na ako ng aking locker.
Huminto ako at humarap doon.
Napangiti ako. Naalala ko noong mga panahon na kapag binubuksan ko ito ay makakakita ako ng sulat sa loob. Mga sulat na galing kay Clement.
Sumikip ang aking dibdib. Nalulungkot na naman ako.
Tutal narito na rin naman na ako ay pupuntahan ko na rin ang library. Bukas naman iyon kahit tapos na ang school year dahil nagkakaroon ng summer class dito.
Habang naglalakad ako ay nadaan ko rin ang kaniyang locker. Saglit ko itong nilingon at ngumiti, pagkatapos ay nagtuloy muli ako sa aking paglalakad.
Sana ay sinulit ko ang pagsisiksik ng maliliit na papel sa kaniyang locker noong nabubuhay pa siya. Sana mas dinamihan ko pa ang mga ibinigay ko sa kaniya.
Pagkapasok ko sa aming library ay muli kong naramdaman ang lamig dahil sa aircon.
Huling pagbisita ko rito ay noong bago kami grumaduate.
Sa tuwing nalulungkot ako ay rito ako tumatambay, sa pwesto na kaniyang paborito na naging paborito ko na rin.
Pinuntahan ko iyon at tahimik na umupo sa sahig.
Muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata.
Medyo matagal na rin simula noong nawala siya, pero 'yong sakit parang hindi nababawasan.
Sa tuwing wala akong ginagawa ay siya lagi ang naiisip ko. Kahit na gustuhin kong makalimot sa sakit ay hindi ko magawa.
Niyakap ko ang aking dalawang tuhod at yumuko.
Kapag naaalala ko ang sinabi ng nakausap ni Timothy noong na-kidnap ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng galit.
Clement would never want to see me like this. He doesn't want my heart to be filled with hatred. Pero sabi nga ng hampaslupa kong kuya, dapat ay matuto akong mawalan ng pakealam sa mga hindi karapat-dapat na makita iyon. It's okay to care but not too much.
Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nahahanap na lead sa kung sino ang may gawa noon sa akin at maging ang nangyari kay Clement. Masyadong malinis ang pagkakagawa nila sa kanilang plano para hindi sila mahuli.
Sa tuwing makakahanap sila ng ebidensiya ay laging may dead end para rito.
Hindi namin sigurado kung ano ang nais ipahiwatig ng may gawa no'n.
Napakunot ang aking noo at napaangat ako ng aking ulo.
Inaalam namin kung sino ang may sala sa pamamagitan ng mga ebidensiya. It's like we were working backwards to find the culprit. "Paano kung alamin muna namin kung saan ito nagsimula? Kung kailan ito nagsimula?"
Umiling ako.
Sa hinaba-haba ng panahon, impossible namang hindi pa nila naisip 'yon.
Pero paano kung 'yong nalaman nila ay hindi naman talaga iyon ang totoo? Paano kung 'yong inaakala nilang simula ay hindi naman talaga iyon?
Ayon sa hampaslupa kong kuya, nagsimula iyon sa death threats na natatanggap ng bawat pamilya bago pa mangyari ang pag-kidnap noong mga bata pa kami— iyon ang unang pagkakataon na may nangyaring kaguluhan at pagpatay.
Noong una ay hindi siya gumagawa ng aksyon, tanging pananakot lamang. Calls, letters, dead animals being delivered, etc. Iyon lang ang ginagawa niyang komunikasyon para iparating sa amin ang kaniyang nais iparating.
I asked my brother what does he want?
And he said, an important document that contains a formula for a nuclear bomb.
I was puzzled. Walang mafia sa group nila dad ang nakikipagkasunduan sa ganoong bagay.
Of course they do illegal things, but not related to nuclear stuffs, drugs nor prostitution.
Ang tanging alam ko lang na may kinalaman sa mga ganoong bagay ay ang mga terorista. Hindi ko rin lubos maintindihan kung bakit patuloy pa rin ang paghahanap nila sa grupo nila dad ng dokumentong iyon.
Hindi ba naisip ng nais makakuha no'n, na pwedeng nasa kamay ng ibang group 'yon ng mafia's?
Napakatagal na panahon nang lumipas pero patuloy pa rin ang paghahanap nila sa bagay na iyon. Patuloy ang pag-iimbestiga nila— sa mga terorista maging na rin sa mga kasamahan nila. Hindi na gano'n katibay ang kanilang samahan sapagkat karamihan sa kanila ay may pagdududa na isa't isa— na baka ang isa sa kanila ang may kagagawan no'n. Nagkaroon sila ng sari-sariling alyansa na kanilang mapagkakatiwalaan.
Hays. Para silang isang klase pero may sari-sariling grupo.
Muli akong yumuko. Ano ba kasing gagawin nila sa nuclear bomb kung sakali?
[Timothy's POV]
Mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan at dumiretso sa safe house. I was excited, nervous, happy. I don't know what should I supposed to feel.
I'm feeling stupid for having a teary eyed while walking down to our basement.
Nakita ko kaagad si Kuya Zed. Lumingon din siya sa akin dahil sa malalakas kong mga yabag.
Lumipat ang aking tingin sa taong nakahiga sa kama.
Napahinto ako nang makitang gising na talaga siya. Hindi ako makapaniwala kanina nang matanggap ko ang message ni Kuya Zed na gising na siya pero ngayon? "Fck." mahinang mura ko. Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mata at agad na lumapit sa kaniya.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. I'm so happy. It's been a long time...
Tinawanan niya ako kahit na napakaraming wires ang nakakonekta sa kaniyang dibdib. Wala na rin ang bandage sa kaniyang ulo gaya nang rati at maging ang mga sugat sa kaniyang mukha ay naghilom na.
"I know you missed me." mayabang nitong sabi. Tumawa siya. "Yeah, I missed you too, moron."
"Gago." sagot ko. But yes, I did. Kahit hindi ko sabihin alam niya iyon.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Kuya Zed sa aking balikat.
"Welcome back, bro." masayang sabi ni Kuya Zed sa kaniya.
Tinawanan ko siya. "Rise and shine, dumbass."
Sabay-sabay kaming natawang tatlo, kapagkuwan ay tumigil ito sa kaniyang pagtawa.
His eyes were sparkling, he was happy and still, I could see the longingness.
Tumingin siya sa aking likuran kung saan ako nanggaling. He was searching for someone...
"Thanks, but where's my girl? I wanna see Jess." he said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro