
C H A P T E R 38
[JV's POV]
I was standing there beside my brother. Nanay and tatay were also here. Clement's relatives, other friends, etc. All were wearing black clothes.
Napapalibutan kami ng iba pang mga urn dito sa columbarium graden. Lahat kami ay nakatayo habang sinasabi ng pari ang huling mga bagay para tapusin ang seremonya.
Paulit-ulit kong pinipisil ang stress ball na binigay ni kuya sa akin para kahit papaano ay roon ko maituon ang aking atensyon kapag naiiyak na ako. Ayokong umiyak. Ayoko...
Pero kahit naman ayoko, alam kong tatraydorin ako ng mga luha ko mamaya. Sa tuwing namumuo ang luha sa aking mata ay mas lalo kong hinihigpitan ang pagpisil sa aking hawak.
"Can we all sing happy birthday?" masiglang sabi ni Tita. She was trying to put a smile on her face.
Narinig ko ang pagsisimula nilang kumanta. Hanggang sa pati ang kapatid ko ay naririnig ko.
Sa pagkakataong iyon ay tuluyang tumulo ang aking mga luha. Napangiti ako habang nakatitig sa urn ni Clement.
I sang along with the others.
"Happy birthday, love." mahina kong sabi nang matapos ang aming pagkanta.
"Thank you, everyone for joining us today. It means a lot to us. I know that it will be hard for us but I know that Clement will live as long as he lives in our hearts." Tumulo ang luha sa mata ni tita. Still she was smiling at us.
Lumipat ang aking tingin sa urn ni Clement na naroon na sa loob ng vault.
You will live as long as I live, for you'll be in my heart forever...
Alam kong ayaw mo akong nakikitang malungkot. Alam ko na ayaw mo kaming nagkakaganito dahil sa pagkawala mo. I'm so sorry I can't help to feel this sadness. You were my everything...the love of my life.
Naramdaman ko ang paghaplos sa aking likuran. Nilingon ko ang aking kapatid.
"Tapos na..." mahina niyang sabi.
Bumalik ang tingin ko sa mga tao. Ang iba sa kanila ay naglalakad na palabas ng garden, ang iba naman ay saglit pang nagpapaalam kina tita at tito.
Ayoko pang umuwi. Ayoko...
Paano si Clement? Maiiwan siya rito mag-isa...
"Do you want to have some ice cream later?" tanong sa akin ng aking kuya.
Napakagat ako sa aking labi dahil mga alaala na naman namin ni Clement ang pumasok sa isipan ko.
Dahan-dahan akong tumango. Alam kong 'yon din ang gugustuhin ni Clement kapag magkasama kami ngayon.
Maya't maya'y sina Heihei at iba ko pang mga kaibigan, maging sina Jaylor at Lexy ay lumapit sa akin at binigyan ako ng yakap. They didn't say a word but I knew they all felt sorry for me...
Pagkaalis nila at nang tanging kami na lang ang narito— pamilya ko at relatives nila Clement...
Niyakap ko sina tito at tita.
"Everything's gonna be alright..." mahinang sabi sa akin ni tita habang hawak ang aking mga kamay.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti.
Sunod nilang kinausap sina kuya. Kaya habang kinakausap nila sila ay lumapit muna ako sa vault ni Clement.
Mahina akong napahikbi habang pinagmamasdan ko ito. Hinawakan ko ang glass na humihiwalay sa aming dalawa.
"I love you... I love you... I love you..." bulong ko.
Hindi ko alam kung ano ang iba ko pang sasabihin. Sabi ko sa sarili ko sasabihin ko lahat ng mga gusto kong sabihin bago ko siya iwan dito, pero ngayon ang tanging gusto ko lang sabihin sa kaniya ay kung gaano ko siya kamahal.
I don't know how can I cope up from this. I don't know...
I closed my eyes and remember the things we had...
"Uwi ka sa birthday ko ha?"
I opened my eyes.
Matagal na akong nakauwi, love...
"Victoria..."
Agad akong lumingon nang marinig ang tawag sa akin ni nanay. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking balikat. Hinaplos niya ito. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat habang sabay naming tinitignan ang urn ni Clement.
"Anong gagawin ko pagkatapos nito, nay?" wala sa sarili kong tanong.
Huminga siya nang malalim. "Let yourself mourn... there's no shortcut with that..."
Nakita ko sa repleksyon ng glass ang paglapit ng aking kapatid. "Hey..." mahinang tawag niya sa amin. "Tara na... Pupunta na tayo sa bahay nila Clement...to celebrate his birthday..."
Pinunasan ko ang aking luha at nag-ayos ng tayo.
"Magpapaalam lang ako saglit kay Clement..." mahina kong sabi.
Hindi sila sumagot pero tinapik ni nanay ang aking balikat, pagkatapos noon ay umalis na sila.
Muli kong tinuon ang aking atensyon sa urn ni Clement.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili.
Huminga akong malalim at ngumiti. "Happy Birthday, love." Kapagkuwan ay ngumiwi ako para magkunwaring naiinis. "Sasagutin na dapat kita alam mo ba 'yon?" bulong ko. "Hmp."
Para akong tanga sa ginagawa ko pero okay lang. May kinakausap pa naman sina tita na mga nag-organize ng ceremony. Tsaka ang iba naman nilang relatives ay nauna na sa bahay nila Clement.
"Andoon pa sa bahay mga regalo mo. 'Di mo tuloy nakita... Ginawahan pa naman kita ng letter... Ganda pa ng sulat ko roon." I paused. Ngumiti ako. "Dalawin mo 'ko sa panaginip ko mamaya ah?" I put my hands beside my mouth para bumulong. "Kiss kita roon."
Mahina akong napahagikgik.
Naiiling ako dahil sa sinabi ko.
I took a deep breath.
"Aalis na muna kami, ha? Bibisitahin ulit kita rito, 'wag ka mag-alala 'di kita makakalimutan... I'm gonna live my life to the fullest because I know that's what you want. Sana okay ka lang kung nasaan ka man ngayon..."
Muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata.
Yumuko ako at iniangat ang aking kamay. Pinagmasdan ko ang relong kaniyang binigay.
Napangiti ako.
Sabi niya sa bawat paggalaw ng kamay ng relong ito ay ang mga pagkakataon na sinasabi niyang mahal niya ako.
At kahit na huminto ito ay patuloy ka pa ring mananatili sa aking puso.
I'm so scared. I don't know if I'll be able to move on.
Tumulo ang luha sa aking pisngi. Pinunasan ko ito. Nag-angat ako ng aking tingin. Lumingon ako kina kuya na nasa medyo 'di kalayuan. Nakatingin siya rito sa aking gawi habang sina nanay at tatay naman ay nag-uusap.
Binalik ko ang aking tingin sa urn ni Clement.
"Pupunta na ako sa kanila, love ha?" Huminto ako saglit kahit na alam kong walang sasagot. "Mami-miss kita nang sobra..."
Muli ay huminto ako para sa magiging sagot niya kahit wala akong narinig.
Huminga ako nang malalim. Pagkatapos noon ay tumalikod na ako at naglakad palayo.
Fck. I wanna go back... Ayokong umalis...
Sa bawat paghakbang ko ay kasabay naman iyon nang pagpisil ko sa stress ball.
Nang maabot ko sila ay sinalubong ako nang yakap ng aking hampaslupang kuya.
Hindi siya nagsalita, hindi niya ako inasar na ang pangit ko na kasi umiiyak ako.
Niyakap niya lang ako nang mahigpit habang marahang hinahaplos ang aking buhok...
"He'll be missed." he said.
Can't argue with that.
I was wearing a white dress. Walking in the middle of a beautiful garden. I could smell the scent of the flowers.
Palinga-linga ako sa paligid.
May gusto akong makita.
"Love..." it was a familiar voice behind my back.
Awtomatiko akong lumingon.
I gasped. My heart starts to pound, so fast. The tears start to fall.
He was standing there and also wearing a white polo and pants.
"C-Clement..." I said utterly. I can't believe.
He smiled widely and opened his arms to welcome me with a hug. A ran into him and hugged him tightly as I could.
"Did you miss me?"
Sunod-sunod ang aking pagtango. "Yes... I missed you so so much..."
Nanikip ang aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak dahil sa saya.
He caressed my hair. "I missed you too..."
I looked up to see his gorgeous face.
Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. "I love you, Jess."
"JV."
Lumingon ako dahil sa may tumawag na ibang boses sa akin. Napakunot ang aking noo nang wala naman akong nakitang ibang tao rito sa garden.
Muli kong binalik ang aking tingin kay Clement pero nawala na siya.
No.
Nasaan na siya?
"JV."
Mas lalong lumakas ang boses na tumatawag sa akin.
Lumingon akong muli para hanapin 'yon pero hindi ko pa rin makita.
Nag-panic ako nang unti-unting lumalabo ang paligid.
Everything went black and I felt someone was shaking my shoulder.
"Huy pangit."
Iminulat ko ang aking mga mata.
Huminga ako nang malalim dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Pinunasan ko ang aking mata dahil sa kaonting luha ang nasa gilid nito.
"Nananaginip ka." mahina niyang sabi.
Nag-angat ako ng tingin.
Bumungad sa akin ang mukha ng hampaslupa kong kuya. Kunot noo kong inilibot ang aking mata sa loob ng kotse. Si tatay ay nasa driver seat habang si nanay naman ay nasa shotgun seat. Napansin ko na madilim ang paligid sa labas.
"Halika ka na, nandito na tayo." rinig kong sabi ng aking kapatid.
Fck. Naalala ko ang aking panaginip. Hindi ko man lang nasagot ang sinabi ni Clement.
Umiling ako.
Lumabas ako ng kotse.
Sumalubong sa akin ang sariwang hangin ng probinsya. Naririnig ko pa ang tunog ng kriket mula sa mga puno. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang bilog na buwan at napakaraming bituin.
Napakatahimik ng paligid. Anong oras na ba?
Yumuko ako para tignan ang aking relo. Ang relo na binigay sa akin ni Clement.
2:00
Alas dos na ng umaga. Kahapon ang birthday ni Clement, kinagabihan no'n ay nagprepara kami para lumuwas. November 1 na ngayon, dito namin gugugulin ang aming oras sa nalalabing araw ng aming sembreak. At para na rin bisitahin ang mga pumanaw naming kamag-anak, pati na rin si mom.
"Kunin mo isang maleta mo rito, pangit."
Tinignan ko ang hampaslupa kong kuya na ibinababa ang aming mga gamit. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang aking maleta.
"Halika na anak, mauna na tayo sa loob." sabi ni nanay. Kinuha niya rin ang isa niyang maleta at sabay kaming pumasok sa isang modern vintage house na pagmamay-ari nila nanay. Ito ang bahay kung saan siya lumaki.
Pagkapasok namin sa loob ay may sumalubong sa amin na isang babae, mukhang nasa middle age na siya.
"Good morning po." bati niya sa amin.
Ngumiti lang ako, at si nanay ang bumati sa kaniya.
"Anak, pwede ka na magpahinga sa kwarto mo." rinig kong sabi ni nanay.
Nilingon ko siya. "Sige po." tanong ko.
Tahimik akong umakyat ng hagdan at naglakad sa maliit na hallway na namamagitan sa mga kwarto. Walang masyadong pinagbago. Ang mga malalaking frame ay nakasabit pa rin sa dingding, mga litrato na kasama namin sina lola at lolo. Mga bata pa kami no'ng huli namin silang nakita dahil sa pumanaw na sila.
Malinis pa rin ang paligid gaya ng dati, hindi kasi hinahayaan ni nanay na walang mag-alaga sa bahay na ito kaya naman kahit wala kami rito ay pinapalinis niya ito o pinapatingin sa katiwala niya kung okay pa ba ang bahay, maging ang harden ay lagi niyang pinapaalaga sa katiwala niya ring hardenero. Medyo nakalimutan ko na nga ang istura nito dahil tuwing undas ang madalas naming pagpunta rito o kaya naman kapag gusto naming magbakasyon.
Pumasok ako sa aking kwarto. Malamig na ito dahil na rin siguro ay binuksan na nila ang aircon bago pa kami makarating. Itinabi ko na lang muna sa gilid ang aking maleta. Sinarado ang aking pinto at agad na nagtungo sa higaan. Inalis ko ang aking sapatos tsaka tuluyang humilata.
Nag-unat ako. "Hays..." mahina kong daing pagkatapos. Nakaka-relax.
May kumatok sa aking kwarto.
"Pasok." casual kong sabi.
Bumukas ang pinto at nakita ko ang hampaslupa kong kapatid.
"Dami kasing dala." reklamo niya habang pinapasok niya ang isa ko pang maleta.
Umirap ako. "Thanks." masungit kong sabi.
"Wow, sungit ha? Ako na nga nagbuhat." sumbat niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Hinugot ko ang aking phone sa bulsa at sinimulang kulikutin iyon.
"Hoy." tawag niya.
Sinulyapan ko siya.
"Matulog ka na, maaga pa tayo mamaya." paliwanag niya. Tumango ako. "Night." masungit niyang sabi.
"Night." sagot ko. Muli kong tinignan ang aking phone.
Tumikhim siya. Tumingin ako kaagad. Akala ko lumabas na siya.
"You okay?" tanong niya.
"No." casual kong sagot. "But I will be."
He forced to smile. "Yeah..."
"You?" tanong ko rin.
"Same, I don't have a choice but to be okay." Huminga siya nang malalim. Kapagkwan ay nag-iba ang mood niya. Naging mapang-asar na naman. "Bye, matutulog na ako para 'di ako maging pangit kagaya mo."
Umirap ako nang lumabas siya ng aking kwarto.
Kaasar.
5 am. Maaga kaming gumising. Nagsuot lang ako ng pants, rubber shoes at jacket. Ang lamig kasi rito sa probinsya, parang naka aircon buong paligid.
We drove for about 25 minutes to arrive at the shore.
We walked on the dock to ride a yacht. Yes, a yacht.
Noong una ay ayaw kong sumakay ulit sa ganito dahil pakiramdam ko no'n ay nakikita ko si Tito Harold. Pinasok pa nga kami ng aking kapatid para sa isang therapy. Thank God. It helped, a lot.
Pagkasakay namin sa yacht ay agad din nila iyong pinaandar. We want to see the sunrise that's why they want us to visit mom at this hour.
Mom loves water, she was a surfer that's why when she died her ash was thrown in the ocean. Hindi man dito ang specific na lugar kung saan iyon itinapon, pero magkakarugtong naman ang tubig.
Water connects us all.
Nang nasa kalagitnaan na kami ay bumagal na ang kanilang pagpapatakbo. Nagbaba rin kami sa tubig ng mga bulaklak na kung saan ay naroon nakapatong ang mga maliliit na kandila.
Ang ganda nilang pagmasdan. Sana magustuhan iyon ni mom.
Laging sinasabi sa akin ni mom no'n na kapag lumaki kami ng kapatid ko ay tuturuan niya kaming mag-surf, pero hindi 'yon nangyari dahil maaga siyang nawala.
I miss her so much. I wish she was here.
I took a deep breath.
Pumasok muna ako sa loob para kumuha ng hot chocolate tsaka muling lumabas.
Hindi na muna ako bumalik kina nanay na nasa kabilang dulo. Gusto ko munang mapag-isa.
Ipinatong ko ang aking kamay sa harang ng yacht.
Tumingin sa kalayuan. Tanaw ko pa ang mga puno kung saan kami nanggaling kanina. Tahimik kong pinagmamasdan ang paligid habang dinadama ang init ng mug sa aking kamay.
"Mom..." mahina kong tawag sa kaniya. "Alam mo ba, may ipapakilala na sana ako sa'yo..." Napangiti ako nang mapakla. "Pero nawala na rin siya... Sayang 'di ko man lang siya napunta rito para nakita mo ang kagwapuhan niya, saying 'di ko man lang siya naipakilala sa'yo, 'di ka man lang niya nakita kahit man lang sa litrato..."
Nanlabo ang aking mga mata.
Mom, hindi ko na alam. Hindi ko alam kung paano ko 'to malalagpasa. Sobrang sakit kasi...
Pakiramdam ko ay ayoko nang maranasan ang pagmamahal maliban sa kaniya. Parang hindi ko nakikita ang aking sarili na magmamahal pa akong muli.
Bumuga ako ng hangin. Nakita ko pa ang usok na nagmula sa aking bibig.
Nakakagago. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba talaga ako ng tadhana.
Yumuko ako at tinignan ang hot chocolate.
"I think, I should learn how to play, mom." I clenched my jaw. Kasi kung hindi, ako ang talo.
Naalala ko ang narinig ko no'ng gabing nakauwi na kami ni Timothy galing sa pangki-kidnap sa akin.
Nagsisisi akong 'di ako kumain nang maayos kanina, bababa pa tuloy ako ngayon ulit para kumain dahil hindi ako makatulog.
Hawak ko ang aking phone habang naglalakad nang madaanan ko ang kwarto ng aking kapatid.
"It's about Clement..."
Napantig ang aking tenga nang marinig ko ang pangalan niya. Huminto ako at lumingon. Hindi gano'n nakasara ang pinto kaya naman ay narinig ko ang boses galing sa loob.
"What about Clement?" seryosong tanong ng hampaslupa kong kuya.
Napakunot ang noo ko lalo. Dahan-dahan akong lumapit at nagtago sa gilid.
"Hindi aksidente ang nangyari kay Clement." rinig kong sabi ni Timothy. Nanlaki kaagad ang aking mata.
What does he mean?
"What?" gulat na tanong ng hampaslupa kong kuya.
"No'ng sinabi kong may tumawag sa akin kanina," he paused. "hindi ko sinabi lahat ng detalye dahil naroon si JV. Ayokong marinig niya kung ano pa ang ibang sinabi ng tumawag kanina kasi baka hindi niya kayanin."
"Ano bang sinabi?"
"It was like..." he paused again. "Ayoko lang na sumunod siya kaagad sa taong mahal niya." he recited what the caller told him. "Yon ang sinabi niya sa akin kanina."
I stay stilled. Hindi ako makagalaw. Wala akong narinig na sumunod na salita. It was a complete silence. Tanging kalabog ng aking dibdib ang nariring ko.
Ang taong tumulong sa akin ay may kinalaman sa pagkamatay ni Clement.
Nag-flashback ang sinabi niya.
Kulang pa 'yan sa mga nagawa ko.
P*ta!
Kaya pala nagalit si Timothy no'ng pinagtatanggol ko siya. Kaya pala.
Humigpit ang hawak ko sa mug. Parang may kung anong galit ang gustong kumawala sa aking dibdib.
I closed my eyes. I took a deep breath and opened my eyes.
I sniffed.
"Ayoko namang may sumunod pa." wala sa sarili kong sabi. "Matagal naman nang patay si Tasia, right mom?" I paused. Ngumisi ako. "Hindi na dapat nadala ni JV ang kabaitan ni Anatasia, she was gone a long time ago. The kindness should also be dead."
Wala namang magagawa ang mga pulis kong magsusumbong kami sa kanila, mas lalo lang dadami ang pwedeng madamay na casulaties kung sakali. Hindi hamak namang mas magaling pa rin ang mga nasa mafia na maghanap ng ebidensiya, dahil kaya nga rin nilang gumawa ng ebidensiya kahit hindi totoo para lang maiba ang istorya.
Wala silang magagawa para matulungan ang kagaya namin. People who belong with mafia's take their own justice with their own hands.
Hindi na nga malaman ng mga kagaya nila dad kung sino ba talaga ang gumagawa nang pagpatay, sila pa kaya? Walang magtatangkang kumalaban sa mga mafia. They're too powerful to not know who would that be and punish those. Pero may nagtangka at mukhang nagwawagi siya.
But I don't believe he can't be caught. Panigurado may mahahanap ding loophole.
Soon.
"Hey."
Agad akong lumingon nang may nagsalita. Ang hampaslupa kong kuya.
Tumabi siya sa akin habang may hawak rin siyang mug.
"Ano namang iniisip mo?" tnaong niya.
Natawa ako. "Wala naman, naisip ko lang, gusto ko na maghiganti."
And I swear, I'll will get it.
"What?" Hindi siya makapaniwala.
Nilingon ko siya.
"I already know about Clement, I heard it."
Nag-palpitate ang kaniyang kilay.
"Kaya responsibilidad mo na turuan ako sa mga bagay na dapat ay matagal ko nang natutunan." I tilted my head. "Ito naman lagi mong payo 'di ba? Dapat hindi na ako masyadong maging mabait hindi 'yon bagay sa mga katulad natin, wala naman akong mapapala roon kundi pang-aabuso. Well, na-convince na ako." Tumingin akong muli sa paligid. "Besides ano pang silbi na anak ako ng isang mafia kung hindi ako matututo kung paano mamuhay ang mga gaya natin."
"Are you sure?" nag-aalangan niyang tanong.
Tumango ako.
Napangisi siya. "Good to know." Kapagkuwan ay naging seryos siya. "Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa naging desisyon mo. It's so not you. Akala ko ay matatagalan ka pa para humantong sa ganyang desisyon." Huminga siya nang malalim. "But, that's fine. Dapat lang na matuto ka na kasi kung hindi man ngayon, kalaunan kakailanganin mo rin."
Pain can really change people. So does hatred.
And it changed me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro