Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 35


[JV's POV]

Iniangat ko ang aking ulo sa tubig para huminga. Napalinga ako sa paligid nang tumambad sa akin ang isang maliit na kweba.

Nasaan kami?

Habang hinihila ako ni Timothy papunta sa mga batuhan ay nakita ko sa aming likuran ang bumabagsak na tubig.

Nasa ilalim kami ng talon.

Binitawan ako saglit ni Timothy at nauna siyang umahon. Sunod niyang inialay ang kaniyang kamay para hilain ako pataas.

"T-thanks" nauutal kong sabi dahil sa pagod.

Inilibot ko ang aking mata sa maliit na kweba na aming kinaroroonan.

Ang bilis ng mga pangyayari. Bakit ba 'to nangyayari? Bakit siya nandito? Paano niya nalaman?

A'ndaming katanungan ang nasa aking isipan pero minabuti ko na munang hayaan ang aking sarili na huminga.

"You okay?" hingal niyang tanong sa akin.

"Yes." sagot ko nang hindi siya tinitignan. "You?" tanong ko rin.

"I'm fine."

Ilang saglit pa nang okay na ako ay tinanong ko na siya.

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"Someone called me while I was at your house." Maybe that was the girl who also helped me.

Nilingon ko siya dahil sa kaniyang sinabi. "Bakit ka nasa bahay namin?"

Kahit na hapon na ay kitang kita ko pa rin ang kaniyang pagmumukha dahil sa araw na tumatagos sa tubig.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang sinasabi. "Ibibigay ko kasi sana sa'yo 'yong libro natin sa Science," habang nagkwekwento siya ay hindi ko namalayan na dumako ang aking mga mata sa kaniyang mata.

Agad na kumunot ang noo ko.

Ang isa niyang mata ay kulay green at ang isa naman ay

"Yong contact lens mo sa left nag-slide. Nakakatakot." Wala sa sarili kong sabi tsaka tumingin sa ibang direksyon.

Saglit akong napatigil nang ma-realize ko na parang may mali sa mga mata niya. Muli ko siyang tinignan.

Dahan-dahan niyang kinukusot ang kaniyang mata para ayusin ang kaniyang contact lens.

"Stop." sabi ko.

Agad siyang tumigil sa ginagawa niya at tumingin sa akin.

Ayos na ang contact lens niya.

Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinaharap ito lalo sa liwanag para makita nang maayos ang kaniyang mga mata. Ang kanang mata niya ay kulay berde at ang kabila naman ay brown.

"What?" nag-aalangan niyang tanong.

Nag-flashback ang kaniyang itsura kaninang nakita ko siya sa mga halaman habang nagtatago. Sigurado akong hindi berde ang kulay ng kaniyang mga mata kanina.

Wait.

So, hindi kulay green ang contact lens niya.

Brown ang contact lens niya. Brown.

Anong ibig sabihin ng kanang mata niya na kulay berde?

Kung ano-anong mga alaala ang bumalik sa aking isipan habang nakatitig ako sa mga mata niya, noong una ko siyang nakita sa anniversary ng kompanya, no'ng party sa school.

At ang mga alaala ko no'ng bata pa ako kasama ang aking kalaro.

Binitawan ko ang kaniyang mukha.

Humakbang ako patalikod para lumayo sa kaniya. Tinagilid ko ang aking ulo habang nakatitig pa rin sa kaniya.

Nablangko ang aking utak, "Bakit kulay green ang isang mata mo?"

Nanlaki ang mata niya dahil sa akin tanong.

Iniiwas niya ang kaniyang tingin sa akin. Mukha siyang natataranta at ang puso ko naman ay kumakababog. Bakit ganyan ang reaksyon niya? Biglang pumasok sa aking isipan ang ideya na baka siya ay si—

"I'll explain it to you later, but first let's get out of here."

Kumabog ang aking puso. Nanlamig ang aking katawan. Mas lalong tumaas ang porsyento na makatanggap ako ng sagot na hindi ko inaasahan.

Naalala ko rin ang pagpapakilala niya sa classroom no'ng bago pa lamang siya. "You can call me Timmy"

Timothy...Timmy...

No.

No.

Fck.

Immy.

Sht.

Wait what!?

Hindi nagsi-sink in.

He took a deep breath while his staring at me.

"Are you—" naputol ang aking sinasabi dahil sa agaran niyang pagsagot.

"Yes, I'm him. I'm Immy, I'm your childhood friend."

Wala sa sarili kong naitakip ang aking kamay sa aking bibig.

He's alive. He's Immy.

Namuo ang luha sa aking mata. Ang mga paa ko ay agad na nagtungo papunta sa kaniya at niyakap siya.

He stilled.

"You're alive..." naiiyak kong sabi.

Halo-halong emosyon ang aking naramdaman.

"That's why I can see him with you, because you're Immy. You're him."

Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin.

Hinampas ko ang kaniyang likuran tsaka lumayo sa kaniya.

"Bakit 'di mo sinabi kaagad!?"

Natawa siya. "Kasi akala ko galit ka sa akin, kaya 'di ko alam kung paano ko sasabihin."

Hinampas ko ang kaniyang balikat.

"Naiinis ako!" Pinunasan ko ang luha.

"Pinaghintay mo ako noong birthday ko!" I paused. "Bakit hindi mo sinabi kaagad na ikaw at siya ay iisa? Why? Ano gusto mong mangyari hulaan ko gano'n." Sinamaan ko siya ng tingin. "That's why you were doing those things; giving me barnuts, asking me to play board games, because that was your thing when we were kids!"

Ngumiti siya nang alanganin. "I'll explain, please..."

Natawa ako.

I'm happy you're fine. After how many years, I saw you again.

"Na-miss mo naman ako masyado." panloloko niya.

Agad akong nag-poker face at sinamaan siya ng tingin. "Mas mabuti na lang muna sigurong lumayas tayo rito at umuwi."

Nauna akong maglakad at nilagpasan siya palabas sa kweba.

"Fck, I thought you're angry..." rinig kong bulong niya.

Napairap ako. "Naiinis ako hindi ako galit, magkaiba 'yon!" masungit kong sabi.

"Noted, Tasia." he said.

Tasia...


Naglakad kami sa kalagitnaan ng gubat hanggang sa magdilim, matataas ang mga puno kaya ngunit ang ilaw ng buwan ay nakakatagos pa rin sa mga pagitan ng dahon ng mga punong ito. Ang basa naming mga damit kanina ay natuyuan na dahil sa may mahinang pag-ihip ng hangin ang nakikisabay sa aming paglalakad. 

Tunog ng tuyong mga dahon, at napuputol na sanga ang tangi ko lamang naririnig sa bawat paghakbang namin ng aming mga paa. 

Napatingin ako sa kaniya na nauunang maglakad sa akin. 

Ang dami kong gustong tanungin pero 'di ko alam kung anong uunahin, pero wala akong makukuhang sagot kung mananatili akong tahimik. 

"Bakit bigla kang nawala?" mahina kong tanong. Mag-iisip pa lang sana ako kung paano ko iyon matatanong nang maayos pero agad na iyong lumabas sa aking bibig. Okay na rin 'yon, diretso lang dapat. 

Hindi siya sumagot. 

I felt a squeeze on my heart. Ayaw niya bang sabihin? 

"Okay lang kung ayaw mong sagutin, baka—" naputol ang aking sasabihin dahil sa biglaan niyang pagsagot.

"Family problem." Ang tipid naman sumagot. 

"Does my kuya know about this?"

"Yes."

"What!?" gulat kong tanong.

Narinig ko ang pagngisi niya.

"And he didn't say a word..." bulong ko sa aking sarili na animo'y nadismaya sa paglilihim niya sa akin ng bagay na ito.

"Because, I told him not to."

"Why?"

"Gusto kong sabihin sa'yo matagal na pero hindi ko masabi. Hindi ako makahanap ng tamang tiempo."

"Tiempo?" sarkastiko kong tanong. "Pwede mo namang sabihing, ako pala 'yong kalaro mo rati, hi! I'm back!" masaya kong sabi para bigyan siya ng halimbawa.

"Aamin na dapat ako nong acquaintance party kaso may nangyari sa dad nila Jaylor 'di ba?" malungkot niyang sabi. Kapagkuwan ay sumaya ang tono ng kaniyang boses. "But I'm happy how you react when you saw my eyes."

Hindi ako sumagot.

Nanlabo ang aking mga mata.

"Bakit 'di ka nagsabing 'di ka babalik?" I tried as much as I can to not him hear that I was about to cry.

"They forbid us to have telecommunication."

Yumuko ako habang naglalakad. "You have your ways...bakit 'di mo 'yon ginawa?" mahinang pagrereklamo ko. 

"I didn't have, before..." mahina niya ring sagot. "And I was preoccupied about the things...we were..." I heard the sadness in his voice and that made me felt a lil bit of guilt. 

"It must be hard..." 

I heard him sighed. "Yeah..." 

Nanatili siyang tahimik at maging ako. Ano ang sunod kong tatanungin? Ayaw niya ba munang pag-usapan? 

"Go on you can ask me. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya wala akong masabi." 

Kahit nanlalabo ang aking mata dahil sa namumuong luha ay agad na kumunot ang noo ko. Oh so can you read my mind now? 

Umirap ako. 

Pinaghintay mo ko, tapos ngayong bumalik ka hindi mo rin sinabi.

"Magmula nang lumipat ka sa school namin, isang buwan, pero hindi ka nakahanap ng magandang tiempo?"

"Hindi." sagot niyang muli. 

"No'ng una kitang nakita sa anniversary ng kompanya..." Hininaan ko ang aking boses sa sunod kong sinabi,  "para ka pang tanga no'n ngingiti-ngiti..." huminga ako nang malalim. "You could have just told me..." And suddenly my voice cracked.

Biglang siyang huminto at humarap kaya agad din akong huminto habang patuloy pa rin ang aking tingin sa baba.

"Are you crying?" natataranta niyang tanong.

Hinawakan niya ang aking baba at iniangat niya ito dahilan para makita ko ang kaniyang mukha na nag-aalalang nakatingin sa akin.

His green eyes are staring at me.

"Fck." Mahina niyang mura. Agad niyang pinunasan ang luha na umagos sa aking pisngi. "I'm so sorry..."

"You're my only friend whom I can be who I am and you suddenly left without saying goodbye? Tapos ngayong dumating ka hindi mo ulit sinabi? So kung hindi pa ako maki-kidnap ngayon hindi ko pa malalaman na ikaw 'yon?"

"Kasi alam kong marami kang katanungan at hindi ko pa 'yon masasagot noon."

"So that's the real reason? Ayaw mo munang ipaalam sa akin ang detalye? Hindi talaga 'yong wala kang mahanap na tiempo?" sarkastiko kong tanong. 

Napalabi siya. "Well, both... I'm hesitating before..." 

"Pwede mo namang sabihing hindi mo pa masasagot mga tanong ko kung sakali mang magtanong ako 'di ba?"

Hindi siya sumagot pero patuloy pa rin ang pagtitig niya sa akin.

"I really am sorry, I really am." he said sincerely. "Hindi mo ba ako mapapatawad?" pabebe niyang tanong.

Mabilis na dumapo ang palad ko sa kaniyang braso para bigyan siya ng hampas. Nainis ako bigla at nawala ako sa mood para magsenti.

"Bwesit ka kahit kailan."

Natawa siya na parang wala lang sa kaniya ang paghampas ko. "I know, that's why we're friends."

Hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi at pinisil ito. "Huwag ka nang umiyak. Pumapangit ka lalo."

Sinamaan ko siya ng tingin at tinabig ang kaniyang kamay.

"Bahala ka riyan." masungit kong sabi tsaka nagpatuloy sa lakad.

Naramdaman ko ang pagsunod niya.

"Bakit galit ka kaagad? Dapat happy lang tayo ngayon 'di ba?"

Saglit ko siyang sinulyapan at umirap. "Happy?" sarkastiko kong tanong. "Na-kidnap ako, andito tayo sa gitna ng gubat at gabi na, tapos happy?" Tinignan ko ang paligid. "Hindi nga natin alam kung saan tayo patungo." maldita kong sabi.

Natawa siya. "Well despite of that nalaman mo nang ako ang long lost childhood friend mo." pampalubag loob niyang sabi. "Atsaka alam ko ang daan, tinuro sa akin ng nakausap ko." Huminga siya nang malalim. "So, hinintay mo pala talaga akong bumalik?"

"Malamang! Kung alam mo lang, inaabangan ko kung lalabas ka ng bahay niyo o kaya naman maabutan ko ang pag-uwi ninyo!" I paused. "Bad ka." mahina kong sabi.

Nanatili akong tahimik.

"I missed you, Tasia..." he said darely.

Napairap ako. "Don't call me Tasia, hindi tayo bati."

"Hindi mo 'ko na-miss?" pangongonsensiya niya sa akin. 

"Hindi." agad kong sagot.

Saglit niyang hinawakan ang aking balikat at inalog iyon. "Awe, you're so sweet. I missed you more."

Kainis talaga!

Palihim akong napangiti kahit na naiinis pa rin ako sa ginawa niya.

Of course I missed you, Immy.

[Timothy's POV]

"Pero sasabihin ko na sa'yo rason ko kung ba't ako pangiti-ngiti nong una mo kong nakita sa kompanya ninyo..." nakangiti kong sabi.

"Ano?" casual niyang tanong.

"Kasi nakita ko na suot mo ang hairclip na binigay ko." I smiled as wide as I can. I'm happy. 

She just tsked.

Fck. Napakatagal kong tinago 'yon sa kaniya at hindi ko masabi-sabi dahil hindi ko alam kung papaano. Hindi ako makahanap ng tamang tiempo. And yes, I'm hesitating. Gusto ko sana na kapag nagpakilala akong muli sa kaniya ay okay na ang lahat. 

"Kaya pala ayaw mong mag-swimming sa bahay noong may practice, kaya pala ayaw mo magswimming sa P.E." sabi niya nang may pagtatanto sa kaniyang boses dahil sa mga pinagtagpi-tagpi niyang kaganapan dati.

"Tama!" I said annoyingly.

I glanced at her and she rolled her eyes.

Napatawa na lang ako sa aking isip.

"Malayo pa ba tayo?" tanong niya sa akin.

I looked at her. "I don't know..." casual kong sagot.

Awtomatiko siyang napalingon sa akin.

Gulat ang kaniyang itsura dahilan para matawa ako.

"Kasasabi ko nga lang kanina 'di ba? Alam ko ang daan."

Nagsalubong ang kaniyang kilay at inirapan ako.

Muli akong natawa. Kapagkuwan ay naglaho ito. Naisip ko ang mga bagay na hindi niya pa nalalaman.

Marahil hindi siya galit sa akin ngayon, pero...there's a big possibility that she'll be mad soon about it or even hate me. I don't want that to happen, but I can't give her hope for something uncertain. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro