Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 34

[Timothy's POV]

"Timothy!"

Lumingon ako dahil narinig ko ang aking pangalan.

Nakita ko si Carol na nakataas ang kaniyang kamay at may dalang dalawang libro. I narrowed my eyes. Libro namin 'yon Science.

Mukhang ibabalik niya.

Nang makalapit siya ay agad niya iyong inabot. "Here, 'yong isa riyan para kay JV," naging mulungkot ang kaniyang boses sa pagbitaw niya sa pangalan ni JV. "Pakibigay na lang sa kaniya, tsaka pasabi condolence."

I smiled a li'l bit as I get the books from her. "Thank you."

She sighed and looked at me with her sympathetic eyes. "Kumusta na siya? Nakapag-enroll na ba siya?"

Hindi ako kaagad sumagot. Medyo nag-buffer pa sa utak ko ang aking isasagot dahil sa naalala ko nong nakita ko siya kanina.

"Oh yeah, kanina andito siya, pero umuwi na ata pagkatapos niya magpa-enroll," I took a deep breath before answering her first question. "and she's not okay." Parang may pumiga sa puso ko sa tuwing maiisip ko na nahihirapan siya dahil sa nangyari kay Clement.

Nag-iwas ng tingin si Carol. "That must be hard. Love na love pa naman nila isa't isa tapos biglang gano'n ang nangyari." I agree. "Sayang lang, ship ko pa naman sila nang sobra. Ang sweet nila..." She looks broken hearted for what happened to the love of JV and Clement.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. She smiled. "Sorry, ang daldal ko, nalulungkot lang ako sa nangyari."

Tumango ako. "I understand, ako rin naman."

"Sige, babalik na muna ako sa faculty, may gagawin pa ako." She smiled, again.

Muli akong tumango. "Sige, una na rin ako." casual kong sabi.

Nang makita ko siyang tumango ay tumalikod na ako sa kaniya at naglakad palabas ng building.

Idadaan ko na lang siguro 'to sa bahay nila JV. Gusto ko rin siyang makita at kumustahin ang kaniyang kalagayan. Huling kausap ko sa kaniya ay no'ng bumisita ako kina Clement at naabutan kong siya roon. Pagkatapos no'n ay wala na. Nag-deactivate din siya sa lahat ng kaniyang social media pagkatapos ng nangyari.

Lalapitan ko sana siya kanina para kausapin pero mukhang nagmamadali siyang lumabas kanina sa registrar, baka pupunta na ulit siya sa bahay nila Clement.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya.

Fck.

Dapat kasi nandito ka na lang Clement para hindi siya nasasaktan nang ganito. Dumbass.

Napailing na lang ako.

"Hijo, Timothy!"

Muli na naman akong lumingon dahil sa may tumawag sa akin.

Si Mang Ben, driver 'to nila JV ah.

Napakunot ang noo ko habang palapit siya sa akin. "Bakit po?" nagtataka kong tanong dahil mukhang hindi mapanatag ang kaniyang itsura.

"Itatanong ko lang sana kung nakita mo ba si JV."

Napantig ang tenga ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Bakit po? Hindi niyo po ba siya makita? Akala ko po umuwi na siya kanina?"

"Ayon nga ang inaalala ko, dahil sabi niya sa akin ay sunduin ko na siya kaagad dahil gusto niya nang pumunta kina Clement." Tama nga ang hinala ko kung ba't siya nagmamadali kanina.

Iginala ko ang aking mata sa maluwang na paligid ng campus, baka sakaling makita ko siya.

"Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko."

Awtomatiko akong napalingon kay Mang Ben. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa pag-aalala.

Nasaan naman kaya siya?

Hinugot ko ang aking phone at i-denial ang number ni JV. Tinawagan ko.

Hindi sumagot sa unang tawag ko.

Tumawag akong muli.

Pero gano'n pa rin.

"Hindi siya sumasagot." sambit ni Mang Ben.

I clenched my jaw.

Nag-type ako ng message.

Where are you? Hinahanap ka na ni Mang Ben.

Tinignan ko si Mang Ben. "Anong oras pa po ba kayo naghihintay rito?"

"Mga tatlumpong minuto na rin."

Matagal-tagal na rin.

Inilibot kong muli ang aking mata habang iniisip kung saan ba siya pwedeng magpunta.

Nasaan ba siya? Pumunta ba siya somewhere dito sa campus kung saan may memorya sila roon ni Clement? Umiiyak ba siya ngayon kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag? 

No. Hindi gano'n si JV, hinid niya hahayaang may mag-alala sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin.

May naisip akong solusyon para malaman kaagad kung nasaan siya, pero mukhang mali, pero bahala na.

Kinalikot kong muli ang phone ko. Hinanap ko ang number niya, at....

...trinack iyon.

Don't hate me for doing this JV. Nag-aalala lang kami.

Binalik kong muli ang tingin kay Mang Ben. "Sinabi niyo na po ba ito kina Kuya Zed?" tanong ko habang hinihintay lumabas ang resulta.

"Hindi pa, dahil baka kako narito lang si JV at nag-iikot-ikot."

Nag-vibrate ang aking phone. Lumabas na ang location.

Napakunot lalo ang aking noo nang mapansing medyo malapit lang ito sa labas ng campus.

Pero bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag kung gano'n?

Nag-angat ako ng tingin kay Mang Ben. "Hindi niyo po ba siya nakita sa labas?" tanong ko. "Nasa labas na po kasi siya."

Kumunot ang kaniyang noo. "Gano'n ba? Paano mo nalaman?" pagtataka niya.

Ngumiti ako nang alanganin. "Trinack ko po, 'wag niyo na lang pong sabihin." nahihiya kong sabi.

Natawa siya. "Sige, hijo."

"Saan banda pala siya?" tanong sa akin ni Mang Ben.

"Turo ko na lang po, sasabay rin po ako sa inyo kasi may ibibigay po ako sa kaniya."

"Sige." sagot niya. Tumango siya sa akin. "Salamat, hijo."

"Walang anuman po."

Tumalikod siya sa akin at dumiretso sa sasakyan nila JV na naka-park.

Sumakay na rin ako sa aking sasakyan.

Nakita ko ang kamay ko na hawak pa rin ang libro. Napabuntong hininga ako.

Gusto ko lang talaga siyang makita kaya ako na lang ang magbibigay.

Pinaandar ko ang aking sasakyan at nagmaneho palabas ng campus.

Nauna ako kay Mang Ben para mas mauna kong makita si JV.

Dahan-dahan lang aking pagpapatakbo pero nang makarating ako sa kung nasaan ang sinasabi ng aking tracker ay hindi ko siya nakita roon.

Napakunot ang noo ko. I stopped my car. Bumaba ako at muling tinignan ang aking tracker. Nandito na ako sa lokasyon na kung saan ay dapat nandito rin siya.

Narinig ko ang paghinto ng sasakyan.

Nilingon ko si Mang Ben, na kabababa ng sasakyan.

"May problema ba?" pagtataka niya.

"Mukhang meron po." I said nervously.

Fck. Hindi naman pwedeng magkamali ang tracker ko. Ni-refresh kong muli ang resulta pero gano'n pa rin ang lumalabas.

Sinubukan kong tawagan muli si JV  at tinignan ang aking screen dahil magpapakita rito kung nagri-ring ang kaniyang phone. Kapag 'to hindi nag-ring may mali nga talaga sa tracker ko–

Nakarinig ako ng ringtone.

Nanlaki ang mata ko.

Fck. Sinundan ko kung saan nagmumula ang tunog. Hinanap ko iyon sa gilid kung saan may mga damo na isang dangkal ang taas.

Don't tell me it's just her phone that I'm tracking.

Oh no.

Napamura ako nang makita nga iyon sa damuhan. Kinuha ko iyon at pinatay ang tawag ko. Hinarap ko si Mang Ben at pinakita ang aking nahanap.

Gulat siyang nakatitig sa aking hawak.

"Kay JV iyan." puna niya.

Kung ano-anong pumasok sa isipan ko. Kinabahan ako dahil baka kung napaano na siya. Gusto ko mang pakalmahin ang aking sarili pero hindi ko magawa. 

Bakit napunta ang phone niya rito? 

Na-kidnap ba siya? Tinapon niya ba ito no'ng nakidnap siya? O nahulog niya, pero kung nahulog niya nasaan siya? 

Nag-flashback sa aking utak ang natagpuan namin sa ilalim ng kaniyang lamesa. 

Hindi maganda ang kutob ko.

Mukhang hindi niya nawala ang kaniyang phone, mukhang siya ata ang nawawala. 

Fck.


[JV's POV]

Nagising ako mula sa pagkakatulog. Naramdaman ko kaagad ang sakit ng aking katawan dahil sa nangyari kanina. Iginalaw ko ang aking kamay para hawakan ang aking leeg pero kaagad na nagising ang aking diwa nang hindi ko ito mahila.

Sinubukan kong kumawala sa pagkakagapos ng aking kamay mula sa likuran ng upuan. Napayuko ako. Kumunot kaagad ang aking noo dahil ang mga binti ko ay natali rin sa upuan, pati na rin ang paa ko na sinubukan kong igalaw ay naramdaman ang pagkakagapos dito!

Gahd! Ano bang kailangan nila!?

Nagpaling-linga ako, walang tao. Nag-angat ako ng tingin dahil sa kulay dilaw ang paligid. Nakita ko ang mga dilaw na ilaw na nakakabit sa napakataas na ceiling at mayroon ding mga exhaust fan ang umiikot na nasa yerong bubungan. Inilibot ko ang aking tingin. Parang isang warehouse ang lugar na ito.

Sa dulong bahagi ay naroon ang mga bakal na nakatayo para magsilbing lalagyan ng mga kahong pinagpatong-patong. Nasilayan ko sa aking kanang bahagi ang nakakababang roll-up doors.

Sht. Paano ako makakatakas dito?

Nilingon ko ang kamay kong nakagapos para tignan kung paano ko ba ito maaalis.

Masyadong makapal ang taling ginamit at mukhang pulido ang pagkakatali. Sinigurado nilang hindi talaga ako makakatakas ng ako lang mismo.

Nag-ayos ako ng upo. Huminga ako nang malalim.

Kailangan kong makaisip ng paraan.

Tumingin ako sa paligid, baka may mahanap akong bagay na makakatulong sa akin.

Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil sa takot na dumating na sila at maabutan nila akong gising na. Hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin sa akin ngayong may malay na ako.

Kailangan kong magmadali.

Sa paggala ko ng aking mata ay bigla akong naistatwa sa aking kinauupuan. Huminto ang aking tingin sa isang sulok nang may naaninag ako roon.

"Huwag kang sisigaw," utos niya habang may hawak itong baril na nakatutok sa akin.

Mula sa sulok ng mga kahong nagkapatong-patong ay dahan-dahan siyang lumabas doon at nakita ko ang kaniyang itsura. Balot ito ng itim na damit na tanging mata lang nito ang aking nakikita. Pero kahit mata lang nito ang labas ay halata sa hubog ng kaniyang katawan na isa itong babae. Maski ang boses niya kanina na ngayon ay muling nagpli-play sa aking utak ay boses babae.

Anong kailangan niya sa akin?

"Don't scream nor try to fight." bulong niya.

Malikot ang kaniyang mata na gumagala sa paligid na tinitignan kung may ibang taong narito. Nang masigurado niya ngang wala ay mabilis niyang binaba ang tutok ng baril at binilisan ang paglapit sa akin. May hinugot siya sa kaniyang bulsa at ng buksan niya ito ay isang patalim.

"Sht—"

"Shh!" suway niya sa akin.

Dumiretso siya kaagad sa aking likuran at naramdaman ko ang pag-alog ng aking kamay. Nilingon ko siya sa kaniyang ginagawa. Napakunot ang noo ko nang makitang nagmamadali siyang putulin ang lubid na nakagapos sa aking kamay.

"Bakit mo ko tinutulungan?" wala sa sarili kong tanong. "Akala ko papatayin mo ko?" pagtataka ko.

"Basta." sagot niya.

Natameme ako habang hinihintay na maalis ang pagkakatali sa akin.

Bigla siyang nagaslita kaya bahagya akong napalingon. "Kapag natapos ako sa ginagawa ko, pumunta ka sa pinakadulong bahagi ng mga kahong iyan, diretsuhin mo 'yan at doon may matatagpuan kang isang pintuan. Mag-iingat ka habang patungo ka roon dahil may isa pang pintuan ang nasa isang gilid at doon mangagagling ang mga taong may kailangan sa'yo."

Naalis ang pagkakagapos ng aking kamay at dumiretso siya sa aking harapan para alisin din ang nasa aking paanan.

"Pagkalabas mo sa pintuang iyon may isa pa ulit na warehouse na karugtong nito. Pumunta ka sa kanang bahagi at doon ka sumiksik sa likuran ng mga truck, patungo sa dulong bahagi ng warehouse, at doon may matatagpuan ka ring pintuan."

Mabilis ang kaniyang pagpapaliwanag at ramdam ako ang pagkataranta niya sa kaniyang ginagawa.

Tinignan niya ako nang diretso. "Naintindihan mo ba!?" mariin niyang tanong sa akin.

Mabilis akong tumango.

"Here." Inabot niya ang patalim na ginamit niya. Napalingon siya sa baril na nasa kaniyang tagiliran. "Hindi ko ito maibibigay dahil peke lang naman ito tinakot lang kita para 'di ka sumigaw."

"Salamat, pero bakit mo 'to ginagawa?"

"Basta. Pumunta ka na, wala ka ng masyadong oras, paparating na sila." Tumingin siya sa likuran. Muli niya akong tinignan. "Pumunta ka na." mariin niyang sabi sa akin.

Agad kong kinuha ang swiss knife.

"Ito, susi para sa mga pintuan." Abot niya. Kinuha ko rin.

"Tumakbo ka lang papunta sa gubat, may naghihintay ng tulong sa'yo roon. Dalian mo at baka siya ang mahuli."

Kunot noo ko siyang tinitigan dahil sa kaniyang sinabi pero hinampas niya ang aking balikat. "Pumunta ka na!" mariin niyang sabi. At sa pagkakataong iyon mabilis akong tumngo sa kaniya. "Salamat."

"Walang anu man, kulang pa 'yan sa mga nagawa ko." mahina niyang sabi.

Sasagot pa sana ako nang may narinig akong mga sasakyan na paparating sa labas.

Pareho kaming napatakbo at hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero ako ay sinunod ko ang kaniyang payo.


[Timothy's POV]

Isang oras bago magising si JV.

Andito na kami ni Mang Ben sa bahay nila JV, kanina pa. Alam na rin ni Kuya Zed ang nangyari.

Kahit nakaupo ako ay hindi ko mapalagay ang aking mga paa. Sobra na akong nag-aalala kay JV.

Habang naghihintay ako ng balita sa kaniya ay may pumasok na mga kalalakihan sa kanilang pintuan. Naka-casual attire sila ngunit lahat ng kanilang suot ay kulay itim. And for sure, behind those jackets are guns. Malalaki ang kanilang katawan at seryoso ang kanilang pagmumukha.

Agents.

Alas dos na ng hapon pero hanggang ngayon wala pa ring nagpaparamdam na JV. Napapahawak na lang ako sa aking sintido at napapayuko sa tuwing naiisip ko kung ano na ba ang kalagayan niya. Baka kung ano na ang ginawa sa kaniya.

Dahan-dahan akong bumuntong hininga.

Una si Clement, ngayon si JV.

Kumuyom ang kamay ko kasabay nang paghinga ko muli nang malalim.

"Timothy." Malalim na boses ang tumawag sa akin at kilala ko kung kanino galing iyon.

Agad akong nag-angat ng tingin sa may pintuan at napatayo nang makita ko si Tito Anthony, dad nila JV at Kuya Zed.

Naka-corporate ito na madalas kong nakikita.

"Tito." tawag ko at lumapit sa kaniya para magmano.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya pagkatapos kong magmano.

Huminga ako nang malalim.

"You're worried." he said.

I looked at him and nodded.

Kunot ang kaniyang noo at napakaseryoso, gaya pa rin nang dati. Lalo pa't nawawala ang unica hija niya.

"We'll find her." he assured.

"How's your brother?" pag-iiba niya ng usapan.

"Okay naman na po siya tito." sagot ko.

Huminga siya nang malalim. "Mabuti naman, dahil may kailangan pa siyang balikan." I know.

"Dad."

Sabay kaming napalingon ni tito kay Kuya Zed na kalalabas ng office room niya.

"Sige, mag-uusap lang kami." paalam ni tito tsaka umalis sa harapan ko at sabay sila ni Kuya Zed na umakyat sa second floor.

Nag-vibrate ang aking phone kaya nabaling ang aking atensyon mula roon.

An unknown number?

Maybe this is JV.

Agad ko iyong sinagot.

"Hello, JV?"

"No, I'm not your friend." A modulated voice.

"But you know her? Do you have her? What do you want from her?" Sunod-sunod kong tanong.

"You care so much. Wrong move for you." sagot niya.

Sht.

I know. I shouldn't!

Kumuyom ang kamay ko habang nagpipigil ako ng galit ko sa aking kausap.

"Don't worry, I wanna help her, that's why I'm calling you."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Huwag ka lang magsasama ng iba, kundi patay 'tong babaeng 'to."

I clenched my fist harder.

"Paano ako nakakasiguradong—" naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsingit niya.

"Paano ka nakakasiguradong nagsasabi ako ng totoo? Tignan mo ang picture na sinend ko."

Inilayo ko sa aking tenga ang phone. Tinignan ko ang screen at may mensahe nga akong natanggap. Binuksan ko 'yon.

I cussed out of shock.

Tanging baril lang ang nakikita ko at kung kanino ito nakatutok, kay JV na walang malay.

Muli kong inilapit ang phone sa aking tenga at lumabas ng kanilang bahay.

"Where is she?" mariin kong tanong.

"I'll send the instructions, just don't ever try to bring someone else, I'm telling you."

"Got it." sagot ko.

"Good. Ayoko lang na sumunod kaagad siya sa taong mahal niya."

Napahinto ako sa pagbubukas ng aking kotse dahil sa aking narinig.

Namatay ang tawag.

Tama baa ng narinig ko? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga salitang kaniyang binitawan?

Humigpit ang hawak ko sa aking phone. I can feel the rising rage inside me.

Hindi naman siya nag-confess na may kinalaman siya sa nangyari kay Clement, 'di ba?

Tang*na!

Nasipa ko ang gulong ng aking sasakyan dahil sa galit.

I knew it.

Napasabunot ako sa sarili ko habang kinakalma ko ang aking sarili.

Fck. Pot*! Mga gago!

Napahilamos ako sa aking mukha. Inayos ko ang aking buhok at sunod-sunod na paghinga nang malalim ang aking ginawa para pakalmahin ang aking sarili.

I need to calm down. I have to.

Kailangan ko pang mahanap si JV. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. I have to focus.

Pero matapos lang 'to humanda kayo sa'kin.

Alam ko namang hindi aksidente ang nangyari at naghahanap pa ako ng mga ebidensiya para mapatunayang hindi talaga iyon aksidente pero kapag nanggaling pala sa taong may gawa no'n, nakakagalit nang sobra.

Andali lang nilang bitawan ang mga salitang 'yon. What the fuck!?

Nag-vibrate ang aking phone.

Tinignan ko ang message. Naroon na ang address.

Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan at padabog na sinarado ang pinto.

Agad ko 'yong pinaandar at pinaharurot ang aking kotse palabas ng gate ng kanilang bahay.

Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo, Tasia.


[JV's POV]

Present time

Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuna pero agad akong bumalik sa likod ng isang kahon nang bumukas ang isang pintuan na sinasabi niya kanina. Sinilip ko iyon. May isang lalaki ang naroon pa rin sa bungad ng pintuan at mukhang may kausap sa labas.

"Kunin mo 'tong pagkain no'ng babae! Baka magalit si boss kapag 'di natin 'yon napakain nang maayos!" sigaw ng nasa labas na lalaki

Wow, maalaga pala ang boss nila sa kinidnap nila. May palibreng foods pa si boss!

Bumalik siya sa labas at muli niyang sinara ang pinto kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon at tumakbo sa pintuang sinabi ng babae kanina. Ginamit ko rin ang susi na kaniyang binigay.

Pagkapasok ko sa kabilang warehouse ay iba't ibang klaseng sasakyan ang narito pero sinunod ko ang sinabi niyang muli, sa gawing kanan ako sumiksik, sa likod ng mga truck.

Hindi ako nahirapan sa pagsiksik dahil kasyang-kasya ako sa espasyong natitira.

Sa bawat pagmamadali ko ay ramdam na ramdam ko rin ang kaba sa aking puso at kung gaano katalas ang pandama ko habang tinatahak ang daan papunta sa huling pintuan.

Napahinto ako at napalingon nang marinig ko ang pinto mula sa kabilang warehouse na bumukas at may mga boses ng mga kalalakihang nagtatawanan.

Mas lalo akong kinabahan at namawis dahil panigurado ay makikita na nilang wala ako roon. Agad kong binalik ang aking tingin sa aking dinadaraan at mabilis na kumilos.

"Pre! Tang'na nasaan na 'yong babae!?" sigaw ng isa.

Naabot ko ang pinto at agad iyong binuksan. Sinilip ko kung may tao sa labas at nakita kong tumba ang mga iyon. Sht. 'Yong babae ba ang may gawa no'n?

Tumakbo ako nang mabilis patungo sa mga puno.

Sabi niya nandito ang tulong na kailangan ko.

"JV!" rinig kong bulong.

Tumingin ako sa gawing kanan ko at nakita ko si Timothy na nagtatago sa mga halaman.

"Timothy!?" gulat kong tanong.

May sumigaw mula sa aking likuran, "Ayon!" Lumingon ako at nakita ko ang mga lalaki na nagmamadaling tumakbo papunta sa akin. Ang isa ay tinutukan ako ng baril pero agad na pinigilan ng isa ang kaniyang ginawa.

"Malalagot tayo kay boss! Kabilin-bilinan niyang 'wag natin siyang sasaktan!"

"Gago! Mas malalagot tayo kapag nakatakas 'yan!" sabat niya.

"JV, halika na!" mariin na sabi ni Timothy.

Binalik ko ang tingin sa kaniya at tumakbo.

"Dali!" pagmamadali niya sa akin.

Inabot niya ang kamay ko tsaka kami sabay na tumakbo.

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Siya ba ang tulong na naghihintay sa akin? Paano niya ako natunton?

Sa kabila ng mga katanungan sa aking isipan ay mas binilisan pa namin ni Timothy ang pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ang daan pero sana naman maabot na naman kung saan dapat kami pupunta dahil ayokong maabutan nila kami at pati si Timothy ay madamay rito.

Huminto si Timothy sa pagtakbo at maging ako ay huminto nang maabot namin ang dulo ng lupa at ang kasunod na ay isang talon.

No. No. No. Don't tell me—"

"Kailangan nating tumalon." sambit niya.

Fck. "Iyan ang bagay na nasa isip ko na inaasahan kong hindi mo dapat sasabihin pero what the fck!?"

Tinignan niya ako. "Huwag kang mag-alala safe 'yan. Walang mga bato ang nandiyan." paninigurado niya.

Pinanlakihan ko siya ng aking mata. "At paano mo 'yan nasabi!? Nakaligo ka na ba r'yan!?" inis kong tanong sa kaniya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo."

Napatingin siya sa aming likuran at maski ako, nang makarinig ako ng mga kalalakihang nagsasalita at mga kaluskos.

"JV," tawag niya. Tinignan ko siya. "Do you trust me?" hinihingal niyang tanong.

Tumango ako. "Yes."

"Then let's go."

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at maging ako ay gano'n rin.

Water, again. Water again to escape.

I took a deep breath and together we jumped.

I wanna scream but I didn't. Dahil malalaman nilang tumalon kami at baka mahanap pa nila kami.

Parang nahulog ang puso ko habang nasa ere kami kanina at nang matapos naman sa ere ay malamig na tubig ang sumalubong sa katawan ko. Wow, earth, wind, water... May fire pa ba?

Gahd.

Someone help us.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro