C H A P T E R 33
[JV's POV]
Wala na kami sa dating kwarto ni Clement. Hindi na rin siya nakahiga sa malambot na kama kundi sa isang stainless na. Wala na rin ang mga wires na nakakonekta kaniyang katawan na ngayon ay nababalot ng isang puting tela hanggang sa kaniyang leeg. Ang tanging mukha niya na aking nakikita ay maputla na at hindi na katulad nang dati na may kulay at may buhay.
Bigat sa damdamin ang aking nararamdaman habang patuloy akong nakatayo sa kaniyang tabi para pagmasdan siya.
"Victoria..." rinig kong tawag ng hampaslupa kong kuya mula sa likuran.
Hindi ko siya nilingon o sinagot man lang. Wala akong gana.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. At kahit na paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na hindi 'to totoo ay sinasampal ako ng katotohanan na narito ako sa realidad.
Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok ni Clement. At sa bawat paghaplos ko ay mas lalong bumibigat ang aking nararamdaman.
Ayokong tanggapin na wala na siya. Hindi ko matanggap.
Baby... "Wake up...." nanghihina kong sabi sa kaniya.
I don't know what to do. What am I gonna do now?
Clement...
"JV..." rinig kong tawag muli sa aking pangalan. Si tita.
Maya't maya'y naramdaman ko ang kaniyang kamay na humaplos sa aking likuran. Nilingon ko siya. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
I don't know what to say but I just hold her hand.
Niyakap ko si tita at mahinang umiyak sa kaniyang balikat. Kahit hindi magsalita si tita ay ramdam ko ang paghihinagpis niya sa pagkawala ng kaniyang anak.
Napalingon ako sa pintuan ng morgue at nakita ko si tito na kapapasok. Suminghot pa ito at kapansin-pansin rin ang namumula niyang mga mata.
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay tita. Lumapit siya sa amin.
"Victoria, I guess it's time for us to go home, for now." rinig kong sabi ni kuya.
Kinagat ko ang aking ipang-ibabang labi. Nilingon ko si Clement. Ayokong umalis.
Binalik ko ang tingin ko kina tita at tito.
But they also need time.
"Maya-maya lang ay icri-criminate na ang bangkay niya." malungkot na sabi ni tito.
Tumakas ang hikbi sa aking bibig nang walang pasabi.
Nakita ko sa aking peripheral view ang paglapit ng hampaslupa kong kuya.
"Come on, Victoria, let's give them time..." mahinahon niyang sabi.
Tumango ako habang nakatingin pa rin sa kanila.
Binigyan ako ng yakap ni tito. "Our son, loves you so so so much..." I heard the crack on his voice and that made me cried harder.
"I l-love him too, tito." And I will always do.
Humiwalay si tito sa pagkakayap sa akin at tinapik ang aking balikat. Saglit niya ring pinunasan ang luhang umagos sa kaniyang pisngi.
Huminga ako nang malalim at sa huling pagkakataon ay muli akong tumingin kay Clement para masilayan ang kaniyang mukha.
I touched his face gently. I love you so much, Clement.
Gahd, ang gwapo pa rin ng baby ko. Palihim akong napatawa sa aking isipan sa maliit na kalokohang sumagi sa aking isipan.
Huminga ako nang malalim.
But that face will never look at me never again. My handsome baby will never lay eyes on me just like before and I will never get to see his beautiful eyes as he stared at me like I'm his everything.
I hugged him. "Mahal kita, Clement." I whispered.
Bago ako tuluyang lumayo sa kaniya ay nilagyan ko siya ng halik sa kaniyang noo. "Mahal kita." I said again and pulled away.
Muli kong hinarap sina tito at tita. Habang ang kuya ko naman ay pumunta kay Clement.
"Until we see each other again, bro." mahina lang ang pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko ang kalungkutan sa kaniyang boses.
"Mauna na po muna kami tita, tito." pagpapaalam ko.
Tumango si tita. "Mag-iingat kayo pauwi..." She forced a smile.
"Kayo rin po." sagot ko.
I felt the hand of my brother behind my back.
"Punta na po muna kami..." sabi niya.
"Condolence po." he said.
"Condolence po." I said too. Gahd, ang bigat sabihin ang mga salitang iyon.
"Salamat." they said.
Niyakap pa namin silang muli. After that we walked towards the door.
As I approach the door way, I can't stop myself from crying.
I took a deep breath. Humawak ako sa braso ng aking kuya at pinigilan ang aking sarili na lingunin si Clement hanggang sa makalabas kami ng kwartong iyon.
At nang makalabas kami ay nagsalita siya, "Here, wear this, ugly lil sis."
A sunglass.
Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at sinuot.
After 2 days
"Victoria." rinig kong tawag ng hampaslupa kong kuya sa labas ng aking kwarto.
Kumatok siya ng tatlong beses pero hindi pa rin ako sumasagot. Ni hindi rin ako lumingon sa gawi ng aking pinto at nanatiling nakatalikod doon.
Busy akong tumutunganga sa kawalan habang nakahiga sa aking kama at balot ng aking comforter. Hindi ko pa rin maatim na wala na talaga si Clement. Umaasa pa rin akong isang araw na siya na ulit ang kakatok sa aking kwarto.
Gusto ko na lang matulog ulit. Dahil sa bawat pagpikit ko ng aking mga mata para matulog ay siya lagi ang laman ng aking panaginip. At sa bawat paggising ko ay bigat naman sa dibdib ang aking nararanasan.
Ang saya namin doon, sana hanggang sa realidad, pero hindi na 'yon mangyayari dahil wala na siya.
"Victoria." Sa pagkakataong iyon ay mas maawtoridad na ang kaniyang pagtawag, tanda na naiinis na siya sa hindi ko pagsagot. Alam niyang gising na ako dahil kumain na kami kanina ng umagahan.
Ano ba kasing gusto niya? Wala ako sa mood para makipag-usap sa mga tao. Ayokong makipagsalamuha sa kahit na sino.
Nakakawalang gana gumalaw.
Gusto ko na lang ulit pumunta sa bahay nila Clement at doon manatili. Sa tuwing nakikita ko ang kaniyang urn sa kanilang bahay ay tsaka lang ulit pumapasok sa isipan ko ang katotohanang wala na siya.
"Pangit."
Napasimangot ako nang marinig ko ang kaniyang boses na parang nasa likuran ko lang siya. Lumingon ako.
Naroon siya nakatayo habang malungkot ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.
"What?" walang gana kong tanong.
"Umiiyak ka na naman." he said with his sad voice.
Hinawakan ko ang aking pisngi para punasan ang mga likidong umagos dito.
"Magpa-enroll ka na para mamaya ay makapunta na tayo ulit kina Clement."
Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya na lumalabas sa bibig ng ibang tao ay nararamdaman ko ang paninikip ng aking dibdib.
"Dali na tumayo ka na riyan." pamimilit niya.
"Ayoko, tinatamad ako."
Sa sagot kong iyon ay agad na kumunot ang kaniyang noo at huminga siya nang malalim.
"Anong gusto mo hindi ka na papasok?"
"Yes." I said without hesitation.
His jaw clenched. "Hindi 'yon pwede." seryoso niyang sabi. "You can't just stay here and do nothing, life must go on even if Clement is gone. You can't just stop doing what you should supposed to do." I know, pero ayoko pa ring gumalaw. "Tingin mo matutuwa si Clement sa ginagawa mo?" And there. You just said the magic words to make me do what I have to. "Hindi hihinto ang mundo dahil sa nawala si Clement, and that's the fcking truth." Muling nanubig ang mata ko dahil sa kaniyang sinabi. "So get up and fix yourself, you can't stay there forever."
Bumangon ako at umupo sa aking kama at tinignan siya. "I get your point, but can't you just let me grieve? You think it's easy for me?"
"And you think it's easy for me too!?"
Tumulo ang luha sa aking mga mata. Nag-iwas ako ng tingin. I know he's hurt too. Hindi niya lang pinapakita sa harapan ko dahil kailangan niyang magpakatatag para sa akin.
I heard his sighed. "You have time to grieve," naging malumanay ang kaniyang pananalita, "pero hindi rin pwedeng hayaan mo na maapektuhan ang ibang mga bagay na kailangan mong gawin para rin sa ikabubuti mo."
"But it hurts so much." mahina kong sabi.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking kama. He caressed my hair.
"I know..."
Nilingon ko siya. "Why does it need to be like this?"
Hindi siya sumagot dahil alam ko namang pati siya ay hindi alam ang dahilan.
"Come here." he said and opened his arms.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Muli na naman akong napaiyak.
"Everything's gonna be okay, not now but soon it will." mahinahon niyang sabi. "Clement will forever be in our hearts."
He will always have a place in my heart. And I will always love him.
It didn't take long for me to finish enrolling myself.
As I stay in the campus, mas lalo kong naalala si Clement, na halos bawat madadaanan ko na parte ng aming eskwelahan ay may memorya kami roon.
I took a deep breath. Naglakad ako palabas ng campus.
Gusto ko munang maglakad sa gawi kung saan ako nahanap ni Clement na umiiyak nong mga panahong nasasaktan ako dahil kay Jaylor. Dito rin naman ang gawi ko pauwi kaya makikita ako ni Mang Ben na naglalakad kung sakali, parating na rin naman na siya para sunduin ako.
Makulimlim ang kalangitan na animo'y nakikisama sa aking nararamdaman. Mas naalala kong muli ang pakiramdam nang sagipin niya ako sa ulan.
Malay mo bigla ulit siyang dumating tapos sagipin niya ulit ako sa gitna ng daan.
Napangiti ako at napailing.
Sana.
Pero hindi na 'yon mangyayari.
He's gone. Pagpapaalala ko sa aking sarili.
Dahan-dahan lang ang aking paglalakad habang inaalala ang mga bagay tungkol kay Clement.
I really miss him so much... Sana ay okay lang siya sa kung nasaan man siya ngayon.
Huminga ako nang malalim kasabay nang pag-ihip ng hangin. Mahina lang iyon pero saglit akong nilamig at nakaramdam ng init sa aking likuran.
Fck. Uminit ang sulok ng aking mata dahil sa kaisipang pumasok sa aking isipan.
Was that Clement?
Or is it just me wishing him to be here by my side?
Umiling ako. Marahil ay gano'n ko na lamang siya kagustong makasamang muli. Paano namang hindi?
May tumakas na luha sa aking mata kaya pinunasan ko ito. Malapit na ang kaniyang kaarawan. Malapit na sanang maging kami.
Ang sakit sa puso sa tuwing maiisip ko na hindi man lang niya naabutan ang pagsagot ko sa kaniya.
Napakagat ako sa aking labi.
Bumabalik sa aking isip ang mga pagkakataong sinasabi niyang hihintayin niya ako. Naalala ko ang mga ngiti sa kaniyang labi at kung gaano ka-sincere ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin habang binibitawan ang mga salitang iyon. Gusto ko na ulit iyong makita, gusto ko na ulit marinig ang kaniyang boses. Sabik na sabik ako sa kaniyang mga yakap. Yakap na nakapagbibigay ng kapanatagan ng loob mula sa kung ano mang peligro. His hugs that felt like home.
I snapped out from my memories because of the sound of a car stopping behind me.
Lumingon ako. A black van.
May lumabas na isang lalaki sa sasakyan.
Kumunot ang aking noo dahil napansin ko kung paano ito manamit at kung paano ito tumindig. It reminds me of the times when we were abducted, except that he's not armed.
"Miss Wagner," he said. Naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib dahil mukhang hindi maganda ang dulot ng lalaking ito sa akin. "someone wants to see you."
Gusto kong tumakbo pero parang dumikit ata ang aking sapatos sa daan.
Nahagip ng aking peripheral view ang isa ring tao sa aking gilid at nang lingunin ko ito ay may isa pa pala sa aking likuran.
Sa pagkakataong nagalaw ko ang aking mga paa para tumakbo ay mas mabilis itong nakalapit sa akin para hablutin ang aking braso at pigilan ang aking paglisan.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kaniya. "Tulong-" naputol ang pagsigaw ko dahil sa pinatalikod niya ako mula sa kaniya at tinakpan ang aking bibig.
Panay pagpupumiglas ang ginawa ko para lang makatakas. Ngunit hindi ko maalis ang pagkakahawak niya sa akin. Malakas ang kaniyang pwersa dahil sa malaking tao ito at mukhang banat sa training.
Palapit na kami sa bungad ng van dahil sa paggagaya niya sa aking pumasok doon. Sa bawat paglapit namin ay mas lalong lumalakas ang pagtulak ko palayo roon. Ayokong pumasok. Ayoko!
Saglit kong nasilayan sa repleksyon ng van ang isa pang lalaki na may hawak na syringe.
Mas nilakasan ko ang aking pwersa pero mas malakas ang lalaking may hawak sa akin kaya tuluyang nagawa ng lalaking may syringe ang kailangan niyang gawin para mapatahimik ako, walang pasabi niya iyong tinusok sa aking leeg.
Fck! Kuya help me-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro