Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 31

[JV's POV]

"Love, para ka namang maglalayas." Rinig kong reklamo ni Clement sa akin habang tinutulungan niya akong mag-impake para bukas. Nakatalikod ako sa kaniya kaya't hindi ko makita ang kaniyang reaksyon, pero tingin ko ay nakasimangot siya dahil sa tono ng kaniyang pananalita.

Napatawa ako habang busy na naghahalungkat sa isa sa aking mga cabinet na narito sa aking walk in closet.

"Anong gusto mo, konti lang ang dalhin kong damit?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

Inalis ko sa hanger ang isang kulay puting hoodie. Humarap ako sa kaniya, na nasa lapag at masinop na tinutupi ang aking mga damit.

Napakagat ako sa aking labi habang pinagmamasdan siya. He's wearing a casual shirt and shorts.

"Love," Nag-angat siya ng tingin sa akin at sinimangutan ako. "gaano ba karami ang konti para sa'yo?"

Ngumiwi ako. "Ewan?"

Kapagkuwan ay natawa siya sa akin. Iniangat niya ang kaniyang kamay para abutin ang aking hawak. "Akin na 'yan para mailagay ko na rito."

Binigay ko sa kaniya. Umupo ako sa kabilang dulo ng aking maleta at hinayaan siyang ayusin ang aking gamit.

"Love," tawag niya.

Niyakap ko ang aking dalawang tuhod at tumingin sa'kaniya. "Po?"

Nakakunot ang noo niya habang sinusuri ang aking isang malaking maleta. "Wala ka pa atang dalang underwear?" pagtataka niya.

Tumingin ako sa labas ng aking walk in closet at naroon sa tabi ng aking side table ang isa ko pang maliit na maleta. Ngumuso ako. "Andoon na sa isang maleta."

Nakita ko sa aking peripheral view ang kaniyang paglingon. "Sure?" tanong niya nang ibalik niya ang kaniyang tingin sa akin.

Tumango ako.

"Hygiene kit?" pagtatanong niya kung meron na ba.

Tumango ako ulit.

"Your skincare?"

Muli akong tumango.

Tinignan niya ang aking maleta. "Hmm. Ano pa bang kulang?" Mami-miss ko ang isang 'to. "Oh, medicines." Tinignan niya ako.

Napaawang ang aking bibig. Umiling ako sa kaniya.

Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata. "Love, 'wag mong kalimutan 'yon, okay?" pagpapaalala niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango. Maya't maya'y gumapang ako palapit sa kaniya at niyakap siya. "Kuha na lang tayo mamaya sa kusina." malambing kong sabi.

Niyakap niya rin ako pabalik.

He chuckled. "Nagpapalambing ba ang baby ko?" tanong niya.

Sumimangot ako kahit hindi niya ako nakikita. "Hindi." diretso kong sagot.

I heard him giggled. "Yes you are." he whispered.

Alam mo naman pala ih.

"Mag-iingat kayo ro'n, okay? Always, baby ha?" malumanay niyang paalala.

"Opo, mag-ingat din kayo ng fam mo sa Siargao, ha?"

"Of course, baby." And he kissed my hair.

"Huwag kang hahanap ng mas gwapo sa akin doon, ha?"

Natawa ako. "Bakit may mas gugwapo pa ba sa'yo?" banat ko.

"Oh wow, you're being good with your words lately, love." natatawa niyang puri sa akin.

I smiled. "I know, just for you."

Natawa siya na parang kinikilig. "I like it."

"I like it too but I like you more."

Narinig ko na naman ang pagtawa niya.

Kapagkuwan ay tumigil siya sa pagtawa at mas hinigpitan ang kaniyang pagyakap. "I love you, Jess." he said dearly.

Mas lumawak ang ngiti sa aking labi. Hinigpitan ko rin ang pagyakap ko sa kaniya. I love you too, Clement.

Gahd, gustong-gusto na kitang sagutin Clement, kung alam mo lang pero kailangan ko pang malaman ang sasabihin ni dad. At kung hindi ka man niya magustuhan ay ipapakita ko sa kaniya ang mga bagay na ginagawa mo para sa akin, para magustuhan ka rin niya.

He's opinions about you matter but if it's negative, I can't let that opinion be the reason for us to not be together, 'coz for sure, I'll find ways for him to like you and see you just like I do.

"Love?" tawag niya.

Napabalik ako sa aking wisyu.

"Hmm?" tanong ko.

"In case I'm gonna hurt you in the future because of some circumstances, please keep on your mind that I don't wanna do it unless that's the only thing I can do for the best." malungkot niyang sabi. "I know I can't promise that I can't hurt you, but baby, always remember that I do think about your feelings, okay?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. He looked down.

"Love..." paninimula ko. "I know, and I'll always gonna hear you out in case you did hurt me. And same as to you, in case I'm the one who's gonna hurt you because of some situations that I can't forbid to happen."

He smiled. "Yes, love, I know too."

He placed a kiss on my forehead and hugged me again.

Nagpatuloy kami sa gano'ng posisyon hanggang sa makaramdam ako ng gutom. Mag-a-alas dies na rin ng umaga. Kaninang 7 am pa narito si Clement, dito na rin siya nag-breakfast kasama namin ng hampaslupa kong kuya. Wala kasi sina nanay at tatay, busy ulit sila sa work kaya 'di sila nakasama sa aming kumain.

"Love, gusto mo bang gumawa tayong pancakes?" tanong ko.

Lumayo siya sa akin dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Ngumisi siya. "Sure." And he winked. Pinanliitan ko siya ng aking mata dahil sa ginawa niya. Ang harot.

Saglit siyang sumulyap sa aking maleta. "Pero, isara ko na muna ito."

Ngumiwi ako at tinignan din iyon. "Mamaya na lang baka may gusto pa akong idagdag."

Huminga siya nang malalim. "Konti lang daw ang dadalhin niya." pagpaparinig niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at kapagkuwan ay tumawa, na maging siya ay nahawa.

Humiwalay siya sa pagkakayakap naming dalawa at tumayo. Inialay niya ang kaniyang kamay at inabot ko 'yon dahilan nang paghila niya sa akin patayo.

Bumaba kaming dalawa at dumiretso sa kusina.

Nag-umpisa na si Clement ihalo ang mga sangkap, sa counter, para sa pancake na gagawin namin. Ako naman ay inihanda ang paglulutuan kaya nakatalikod kami sa isa't isa.

"Galingan mo ihalo 'yan ah." pangloloko ko.

"Ako pa ba!?" confident niyang sabi.

"Good morning sir, ma'am." rinig kong sabi ng isang lalaki. "Magpapa-sign lang po for refilling your water tank."

Napakunot ang aking noo dahil sa pamilyar ang lalim ng boses na iyon. Nilingon ko ito.

Napaatras ako at nanlaki ang aking mata dahil sa lalaking aking nakita na nasa tapat ng counter. Nanikip ang aking puso. Kahit pa nakasuot ito ng sombrero ay agad ko itong nakilala. His wearing a uniform like a delivery boy from a water station.

He smiled and so do I. "Dad." I mouthed. Namuo ang luha sa aking mata dahil sa saya, pero hindi ako pwedeng makita ni Clement na ganito, kaya pinigilan ko ang aking mangiyak-ngiyak na mata, sapagkat hindi niya pa alam ang tungkol sa ganitong bagay.

Sinulyapan ko si Clement na nakatalikod sa akin. Inihinto niya ang kaniyang ginagawa.

Pinagpatuloy ko ang pagtitig ko sa kaniya nang inilapag niya ang bowl at mixer tsaka siya naglakad paikot sa counter patungo kay dad.

"Hi, sir." he said while smiling. Clement offered a handshake and my dad accepted it.

Agad na kumunot ang aking noo habang pinagmamasdan silang dalawa. What's happening? Naguguluhan ako.

Nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. They're both smiling to each other. Wait, what?

"Clement?" nag-aalangan kong tawag sa kaniya.

Tinignan niya ako. He smiled and raised his eyebrows.

Kunot noo akong nagtanong sa kaniya. "Do you ever happen to know him?" pagtataka ko.

"Yes." he said.

"How?"

"From your brother."

Pinanlakihan ko siya ng aking mata. "What do you mean?"

He giggled.

"So alam mo na?" tanong kong muli.

Kumunot ang noo ko. "Ang alin?" tanong niya. Fck. Hindi pa pala niya alam. Ano na lang isasagot ko ngayon sa tanong niya?

Huminga ako nang malalim at inayos ang aking sarili. Hindi niya pa alam na siya ang dad ko, baka pinakilala siya ng hampaslupa kong kuya kay dad pero hindi sa paraang malalaman niya na dad ko ang lalaking kaniyang kaharap.

Clement smiled and chuckled. "Na he's your dad?" pagpapatuloy niya.

Napasinghap ako. "Alam mo na!?" gulat kong tanong.

"Yeah." Sabay tango niya.

"When?" hindi ko makapaniwalang tanong. Nilipat ko ang aking tingin kay dad. And he's just smiling right there.

"Last month." matipid niyang sagot.

My lips form an 'o'. Wow. Alam na pala niya.

Naloloka pa akong isipin na baka hindi siya magustuhan ni dad pero matagal na pala silang magkakilala.

Matalim kong tinignan si dad. "Why you didn't tell me!?" inis kong tanong.

Tumawa muna siya bago ako sagutin. "Para i-surprise ka."

Pinanliitan ko siya ng aking mata.

"Come here." He opened his arms. "Hindi mo man lang ba ako yayakapin?"

Saglit ko pa siyang sinimangutan tsaka nagtungo sa kaniya at yakapin siya nang mahigpit.

Nawala ang pagsimangot ko at muli akong napangiti. "I missed you, dad."

I heard his deep sigh. "I missed you too, my princess."

Hinampas ko nang mahina ang kaniyang likod at humiwalay kaagad sa kaniyang yakap. "Dad." saway ko. "Andiyan si Clement." I mouthed. Nakakahiya, tinatawag niya akong gano'n!

"Then?" tanong niya.

Sinimangutan ko siya. Kasi naman. Aasarin ako ni Clement mamaya!

"Okay, sorry, sorry." he said and caressed my hair. Kapagkuwan ay naging malambing ang kaniyang pananalita. "Nagustuhan mo ba ang surprise namin sa'yo?" nakangiti niyang tanong.

Napalabi ako at tumango. Nangilid ang aking luha. Muli ko siyang niyakap. "Thank you, dad."

Niyakap niya akong pabalik at mahinang tinapik ang aking likuran.

Humiwalay ako at suminghot. Pinunasan ko ang unting luhang dumaloy sa aking pisngi.

Napasulyap si dad sa counter at muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa akin. "Mukhang gumagawa kayo ng pancake."

Sinulyapan ko rin iyon. Tumango ako. "Yeah." Muli ko siyang tinignan. Ngumiwi ako. "Mag-stay ka na po muna rito para matikman mo!" excited kong sabi.

He smiled. "Yes, of course," kapagkuwan ay nawala ang ngiti sa kaniyang labi. "but just a couple of minutes." Nalungkot ako sa kaniyang sinabi. Kailan ba kasi niya hahayaang makasama na namin siya. "You already know the reason-"

Pinutol ko ang kaniyang sasabihin. "I do understand, dad." I forced to smile.

Alam ko namang hindi siya pwedeng magtagal dito dahil alam ko namang gusto niya lang kaming protektahan at hindi matunton.

Huminga ako nang malalim.

Hinarap ko si Clement. "Tara na magluto na tayo para matikman na ni dad!" masaya kong sabi. Ayokong sayangin ang oras baka biglang umalis si dad nang hindi niya pa natitikman ang gawa namin. Atsaka antagal na panahon na rin ng huli ko siyang makasamang kumain.

"Sure!" he said.

Bumalik siya sa counter.

Nilingon ko si dad nang magsalita siya. "Maiwan ko na muna kayo rito at pupuntahan ko lang muna ang kuya mo sa taas."

Tumango bilang sagot.

Tumalikod ako sa kaniya at bumalik sa harap ng lutuan. Binuksan ko na ang electric stove at hinarap si Clement.

"Tapos ka naman na riyan, right?"

Humarap siya sa akin habang hawak ang bowl at mixer.

He's smiling. "Yes."

Pinanliitan ko siya ng aking mata at inirapan. "Akin na 'yan." masungit kong sabi.

Nalukot ang kaniyang mukha. "Bakit ang sungit ng baby ko?"

"Sungit mo'to."

Akmang kukunin ko na ang bowl pero nilayo niya iyon sa akin. "Ako ang magluluto, kailangan kong magpabilib sa dad mo." seryoso niyang sabi na siya namang nagpangiti sa akin, pero pinigilan ko 'yon dahil kunwari akong nagsusungit sa kaniya.

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Edi ikaw."

"Ba't ang sungit?" pabebe niyang tanong.

"Kasi naman, wala lang. Gusto ko lang bakit ba?"

"Weh?"

Hindi ako kaagad nagsalita. Sinundan ko siya ng tingin nang pumunta siya sa harapan ng stove. Nilagyan niya ng butter ang pan.

"So, matagal mo nang alam ang tungkol sa kaniya." mahina kong sabi.

"Yeah." Again he smiled. Parang mapupunit ang labi niya dahil sa ngiting nakaguhit doon.

"Yeah ka r'yan." pagsusungit ko. Nilipat ko ang aking tingin sa pan. Nagsimula siyang gumawa ng pancake. "Naloloka pa ako na baka 'di ka magustuhan ni dad, na baka iwan mo ko kapag nalaman mo, pero alam mo na pala."

Natawa siya. Sinulyapan ko siya at nakatingin lang siya sa pancake.

Unti-unting nawala ang pagkasimangot ko. "Hindi ka ba natakot?" mahina kong tanong.

"Na he's a mafia?" mahina niya ring tanong.

Tumango ako.

"Hindi..."

Niyakap ko siya sa kaniyang tagiliran. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Why?"

"Kasi hindi..." he smiled.

Ngumiwi ako. "O kaya baka naman natatakot ka pero 'di mo lang pinapakita." But no, I don't see any fear in his eyes, but again, why? Hindi ba siya natatakot na kayang pumatay ng dad ko?

"Hindi nga ako natatakot." bulong niya ulit sa akin.

I chuckled.

Nanlalambot ang aking puso dahil sa nalaman ko. I'm happy they're comfortable with each other. Dahil kung hindi siya gusto ni dad malamang sa malamang hindi naman niya babalaking i-surprise ako nang ganito.

"I'm really glad you're okay with each other. I'm kinikilig. Thank you Clement..." Hinigpitan ko ang aking pagyakap.

"Awee." rinig king sabi niya at tinapik niya ang aking ulo nang mahina.

I bit my lip. I love this surprise; Dad liking Clement for me. Para akong maiiyak na ewan. Siya ang unang lalaking ikinwento ko sa kaniya. Gahd, you really are that special, Clement.

Humiwalay ako sa pagkakayap ko sa kaniya at patuloy siyang pinagmasdan habang ang kaniyang tingin ay nasa pancake na.

"Paano kayo nagkakilala, kwentuhan mo ko."

Hindi siya kaagad sumagot. "Well..." paninimula niya. Sinulyapan niya ako saglit. "Inaya ako ng kuya mong pumunta sa isang restaurant, he said there's a man who wants to meet me. Tinanong ko kung sino pero ayaw niyang sabihin, ang sabi niya lang, importante ang taong 'yon sa buhay niyo. So without hesitation but with a loud heartbeat of mine, sumama naman ako." Natawa siya saglit. Gano'n na ba ako kaimportante sa kaniya para gustuhin niyang makilala ang mga taong importante sa buhay ko, even dad who can scare the hell out of people?

"Nasa isa kaming private booth ng restaurant. Pagkakita ko sa dad mo," he paused and explained for a bit. "pero 'di ko pa alam na dad mo siya," muli niyang tinuloy ang kaniyang kwento "para niya akong papatayin sa kaniyang mga tingin." Alanganin siyang tumawa na parang naalala niyang muli ang pakiramdam noon. Kapagkuwan ay huminga siya nang malalim. "He has this effortless intimidating vibe."

Napangisi ako. I know.

"Unang topic nga namin no'n ay ikaw." natatawa niyang sabi. "Na-realize ko lang no'n na he's getting to know me in person. I realized that he's the person you're telling me that I need to meet before we become official." I smiled.

"Then, bigla niyang sinabi, I'm their dad." panggagaya niya pa sa malalim at nakakatakot na boses ni dad kapag seryoso itong nagsasalita.

Natawa ako at maging siya.

"Naguluhan ako no'n kung ano ang sinasabi niya. He then started to tell facts about him."

"Just about him?" tanong ko.

"Yes." he said.

"Sinabi niya rin ba ang tungkol kay mom?"

Sinulyapan niya ako. "He just said she's gone..." malungkot niyang sabi. "He didn't say the reason, just the idea."

Tumango ako. "Okay, continue." bumaba ang energy ko dahil doon.

Nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. "I'm sorry about your mom and how you end up in this kind of situation where you can't be with your biological parents..." He hugged me tightly.

Niyakap ko rin siya pabalik at tumango.

"Continue your story, love." I said.

He kissed my hair before pulling away.

Saglit akong napatingin sa pancakes na nagawa niya, marami-rami na rin at kaunti na lang ang hindi pa nagagawa. Binalik ko ang aking tingin sa kaniya.

Muli siyang nagkwento. "He even tell me na pinaimbestigahan niya ako. It turns out he likes me!" masaya niyang sabi. "He said, he knows he can trust me with his daughter." Awee, I'm kilig! "I'm happy that he likes me for you. Pero bago niya kami iwan ng kuya mo dahil may meeting na siya, he threatened me."

Agad na nalukot ang aking mukha. "What did he say?" seryoso kong tanong.

"Sisirain niya buhay ko kapag nagloko ako." Napanguso siya. "Hindi ko naman gagawin 'yon kahit 'di niya ako takutin." pabebe niyang sabi. "Huwag lang daw talaga kitang gagaguhin, na kung mangyari mang hindi na raw kita mahal, which is hindi naman mangyayari, sabihin ko raw sa'yo at 'wag akong magchi-cheat."

I giggled.

Tinignan niya ako at nilibot ang kaniyang tingin sa paligid. Muli niya akong tinignan at pabulong na nagsalita. "Does he know about Jaylor and what he did to you?"

Nanlaki ang mata ko. Umiling ako at sinenyasan siyang 'wag siyang maingay. Pati ako ay napatingin sa paligid.

"Okay, okay, I'm shutting my mouth, don't worry." mahina niya ulit na sabi.

Natatawa kong binalik ang aking tingin sa kaniya dahil sa kung paano siya magsalita.

"So...princess..." mahina niyang paninimula ng kaniyang sasabihin.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tinawag niya sa akin. "Kasi!" hinampas ko ang kaniyang balikat.

Tumawa siya. "Cute naman ng tawag ng dad mo sa'yo?" Inirapan ko siya bilang sagot. Kaasar, ito na nga ba ang sinasabi ko. "Ano tawag niya sa kuya mo, prince?"

Agad akong napatawa dahil sa tama ang hula niya. Tumango ako bilang sagot.

Natawa siya. "Ang cute naman!" Kinikilig niyang sabi.

I know. Kahit na naiinis ako kapag tinatawag ako ni dad ng princess sa harap ng ibang tao ay natutuwa pa rin ako kapag naririnig ko ang kaniyang pagtawag.

Tumikhim si Clement. "So..." he said seriously. Napakunot ang aking noo dahil sa paghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"What?" tanong ko.

Pinatay niya ang stove dahil tapos na siyang magluto.

Humarap siya sa akin at pinakatitigan ang aking mga mata. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking magkabilaang kamay. "Since nakilala ko naman na ang dad mo, pwede na bang maging tayo?" Agad na kumalabog ang aking puso dahil sa kaniyang tanong. Uminit bigla ang aking tenga na pati ang aking mga pisngi ay naramdaman ko ang pag-init nito. Gahd!

"Tayo na ba?" malambing niyang sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro