Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 28

[JV's POV]

Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi ako kaagad nakakain. Nandidiri talaga ako sa nakita ko.  Nasabi ko na iyon kay Clement pero hindi ko pa iyon nasabi kay kuya.  Kapag uwi ko nalang mamaya o kaya bukas, kung dito man ako matutulog ngayon,  tsaka ko nalang sasabihin.

Kasalukuyan na akong nasa bahay nila Clement. Mag-isa akong nakaupo sa kanilang mahabang sofa habang nasa ibabaw ng aking hita ang unan. Nasa harapan ko ang 64 inches nilang flat screen na nakasabit sa wall, sa paligid noon ay may mga paintings na nakasabit, lumipat ang aking mata magmula sa isang painting patungo sa isa, napakaraming paintings ang nakasabit sa kanilang dingding, magkakaiba ang laki ng mga ito. Kahit pa maraming mga pinta ang nakapalibot sa kanilang sala ay hindi ito nakakasawang tignan dahil may sapat na espasyo ang mga ito sa isa't isa, pati ang mga kulay na ginamit ay hindi gaanong katingkad.

Napapangiti nalang ako sapagkat alam kong gawa itong lahat ni Clement. May mga portraits, abstract at iba pang mga klase ng pinta.

Ang aking atensyon ay naibaling sa kinaroroonan ni Tita Erika, mama ni Clement, sa kanang sulok ng kanilang living room, nakaupo siya sa carpet at may hinahalungkat sa ibabang bahagi, drawer part, ng isang malaking shelf. Maraming bahagdan iyon na kung saan ay naroon ang kanilang mga litrato na nakalagay sa frames. Kahit medyo malayo ito ay nahahalata ko pa rin na mayroong litrato si Clement roon noong bata pa siya, nakatayo siya katabi ng isang easel at may nakaguhit doon.

Narinig ko ang pagsarado ni tita ng drawer at tumayo siya. Humarap siya sa akin, may hawak siyang mga photo albums na may kalakihan.

Mag-girl talk raw muna kami ni tita kaya hinayaan nalang muna namin sina Clement at Tito Jordan, papa ni Clement,  sa kusina na naghahanda ng kakainin namin para sa dinner.

Umupo siya sa'king tabi. Inilapag niya ang ibang photo albums sa babasaging lamesa at iniwan ang isa sa kaniyang hita. Binuksan niya ito at iniusog sa akin.

"Ito si Clement." Itinuro niya ang isang larawan, sa lalaking pinakamaliit, may kasama siyang iba pang mga bata. Pinakatitigan ko si Clement. Napakaseryoso ng mukha niya, ang kaniyang mata ay blangko. Parang wala siyang emosyon sa litratong ito. Sino kayang umaway sa kaniya rito?

"12 years old siya niyan." Alam kong nakangiti si tita dahil sa tono ng kaniyang pananalita.

Itinuro niya ang nasa ibabang litrato ng nauna kanina. "Ito naman ang una naming litrato na kasama siya..." Si tita at tito na pinaggitnaan si Clement. Muli ang itsura ni Clement roon ay wala pa ring emosyon. Ano kayang problema nitong si Clement at bakit 'di man lang ngumiti?

Pero napakunot ang aking noo dahil sa bumalik sa aking isip ang sinabi ni tita. Una? Parang 12 years old pa rin si Clement sa litratong iyon pero unang litrato nila 'yong magkakasama?

Inilipat niya ang pahina. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni tita. Sinulyapan ko siya at malungkot ang kaniyang mga mata. "Napakahirap no'ng una na makasama namin siya, nahirapan kaming kunin ang loob niya, kahit bata pa siya no'n ay maaga niya nang isinarado ang kaniyang puso sa ibang tao."

Naguguluhan ako sa sinasabi ni tita.

"Malimit lang rin siyang makipag-usap sa amin, umabot rin ng limang taon bago namin siya nakausap nang maayos." Sinulyapan ko siya. "Pero naiintindihan namin ang mga iyon dahil alam ko namang hindi biro ang pinagdaanan niya."

What happened to my Clement?

"Ano po bang nangyari atsaka bakit ang una niyo pong litrato na kasama siya Malaki na siya? Hindi niyo po ba siya nakasama noong baby pa siya?"

She looked at me, she smiled but I can see the sadness in her eyes. "Hindi namin siya nakasama noong baby pa siya, nasa ibang pamilya pa siya no'n."

Mas lalo akong napasimangot, mas lalo akong nahiwagaan, bakit sa ibang pamilya?

Tumingin siya ng diretso sa aking mata. She smiled, but it was fake. "Clement is not our real son."

Napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang sinabi. What? Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko. Nablanko ang aking isipan, walang lumabas kahit isang salita sa aking bibig.

"He was an orphan..." Lumunok siya ng laway at ibinaba ang kaniyang tingin sa photo album. Huminga ako ng malalim at napalabi. Masyado akong nabigla sa detalyeng aking narinig tungkol sa lalaking minamahal ko ngayon.

"Ang unang litrato na ipinakita ko sa'yo, galing 'yon sa orphanage at ang mga kasama niyang mga bata roon ay katulad niya rin." Huminga siya ng malalim at ngumiti. Tumingin siya sa kawalan. "That's why it was so hard at first. Pero masaya ako na naging okay rin ang lahat. It was all worth it."

That's why he's eyes are empty. Wala palang umaway sa kaniya. I felt sorry for Clement.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa photo album. Inilipat niya ang pahina.

"Look at this." Nakita ko pa ang kaniyang pagngiti bago ko ibaling ang aking tingin sa litratong kaniyang itinuturo. Nasa sahig si Clement, bata pa rin siya sa picture na iyon, kasama niya si tita na nakaupo sa kaniyang tabi at masaya siyang pinapanood nito. Nakayuko lang si Clement, hawak niya ang isang paint brush at kinukulayan niya ang isang coupon band sa lapag, nagkalat rin sa kaniyang paligid ang mga paints, maski nga ang sahig ay nakulayan na. Nag-e-enjoy siya sa kaniyang ginagawa at sa pagkakataong iyon ay nasilayan ko ang ngiti sa kaniyang labi.

"Iyan ang unang pagkakataon na nakita namin ang ngiti ni Clement..." naramdaman ko ang panunubig ng aking mata. "Diyan rin nagsimula ang pagkakaroon namin ng connection sa kaniya, mas naging madaldal na siya sa amin at sa tuwing may nagagawa siyang drawing or paintings ay pinapakita niya iyon sa amin." I heard the cracked on her voice, "I was so happy..." I looked at her and hold her hand.

Ipinatong niya ang isa niya pang kamay sa aking kamay, na parang sinasabi niya na salamat sa comfort. She looked at me. "He's the reason why our marriage work." She paused. Napakunot ang aking noo.

"Ramdam ko noon na malapit na kaming maghiwalay ni Jordan dahil sa madalas na kaming hindi nagkakaintindihan." She sniffed. "And also, we can't have a child because of his complications, he wanted me to experience the life he wants me to have, but I don't wanna experience it without him." Muli siyan tumingin sa kawalan na parang inaalala niya ang senaryo. "I said I will always choose him even though we can't have a child." She looked at me. "I love him so much, that's why I said to him that we can still experience the life we want, the life with a child, if we adopt, and so we did!" May tumakas na luha sa kaniyang mga mata dahil sa saya, "And Clement happened."

She wiped her tears. Hindi ko rin napigilan ang pagtulo ng aking luha. Muli niyang binalik ang pagkakahawak sa aking kamay.

"Take care of his heart, because he had too much when he was a child and I don't want to see the emptiness in his eyes, again."

Napakagat ako sa aking labi, "Why are you telling me this?"

She smiled, "Because I know that he loves you so much, I'm his mother, I know him. So, I'm asking you a favor, to take care of his heart. Ayokong kapag mas lumalim ang pagmamahal niya sa'yo ay iiwan mo siya. Minsan alam kong mahirap siyang intindihin, pero sana 'wag mo siyang ayawan kaagad."

I smiled for the assurance. "Huwag po kayong mag-alala kasi kaya ko po siyang intindihin."

Pinunasan niya ang luha sa aking mata. "I know both of you are too young but I hope that the two of you will last. Kahit hindi ko man marinig mula sa bibig niyo ang mga salita ay nakikita ko iyon, ramdam ko." She chuckled. Napamulat ako dahil sa kaniyang sinabi. Gano'n na ba kahalata na in love kami?

Nakarinig kami ng pagtikhim. Sabay kaming napalingon ni tita. Nakita ko si Clement na nakatayo sa 'di kalayuan. Lumapit siya sa amin.

Tumingin siya kay tita, "I'm gonna tell the rest, ma." He smiled. Tumayo si tita.

Lumapit siya kay tita para yakapin niya ito. "Ma, don't cry..." malambing niyang sabi.

Niyakap niya rin pabalik si Clement. "I'm fine." Narinig ko ang pagtawa ni tita. Tinapik niya ang likuran ni Clement. Humiwalay si tita sa pagyayakapan nila. "Kakain na ba tayo?" sabay punas niya sa natitirang basa sa kaniyang mata.

Tinanguan siya ni Clement.

"Wait, lemme retouch okay? Ayoko namang kumain tayo ng sira ang aking mascara." She laughed and also Clement. Napangiti ako.

"Okay po, ma."

Bago umalis si tita ay tumingin pa siya sa akin, "Maiwan ko na muna kayo." She smiled. Pagkatapos ay umalis na muna siya at umakyat sa hagdan.

Tinignan ko si Clement, tumayo ako at agad na nagtungo sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap ako pabalik ng kaniyang bisig.

"Baby?"

Niyakap ko siya ng mahigpit para sagot sa kaniyang pagtawag.

"Hey..." malambing niyang tawag. Hinawi niya ang buhok ko, hinawakan niya ang aking pisngi at iniangat iyon para tumingin ako sa kaniyang mga mata.

"I know your sad..." Hinaplos niya ang pisngi ko. "But I'm fine..." He smiled at me but his eyes didn't agree with that. I now see the sadness he's hiding.

"Ba't hindi mo sinabi sa akin?"

"Because before was not the right time."

Huminga akong malalim at muli ko siyang niyakap.

He kissed my hair. "Sabi ko naman sa'yo marami ka pang bagay na kailangang malaman sa akin."

Tumango ako.

"Sasabihin mo ba sa akin kung anong nangyari sa biological family mo?"

"Yes baby, but first kain na muna tayo dahil nagugutom na ako," he paused and his tone changed. "Dahil baka iba makain ko."

Agad ko siyang hinampas sa kaniyang likuran at itinulak. Sinamaan ko siya ng tingin. "Mamaya may makarinig sa'yo!" inis kong sabi sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako at kumindat siya. "Wala naman akong sinabi, 'di ba? Ang dumi ng isip ng baby ko." Umiling siya at nagsalubong ang kaniyang kilay. "Tsk. Tsk." Mukha siyang desmayado sa akin.

"Wow!" 'yon nalang ang nasabi ko.

Natawa nalang siya sa akin. "Tara na sa kusina para matikman mo na ang sizzling sisig na gawa namin ni papa!" Lumipat siya sa tabi ko. Hinapit niya ang aking bewang. "Baka makakalimutan mo ang pangalan mo pero ayos lang iyon basta 'wag lang ako, okay?" Naglakad siya kaya napasunod rin ako.

"Clement!" suway ko sa kaniya. I removed his hands on my waist.

"Oh bakit?" pagtataka niya.

"Makita tayo ng papa at mama mo."

"Hiya ka?" pang-aasar niya.

Sinimangutan ko lang siya. Malamang!

"Sige, subuhan kita mamaya." Kinindatan niya ako. Tumalikod siya sa akin at iniwan niya ako sa kinatatayuan ko. Napaawang nalang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Nang-iinis talaga.


Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan sa hapagkainan ay inaya niya akong mag-stargazing. Pumunta kami sa kaniyang kwarto. Inalis na muna namin ang sapatos namin bago kami umakyat sa bintana niya para dumaan papunta sa bubungang katabi no'n. Mababa lang ang slope doon na parang pinasadya talaga para sa stargazing.

Kumuha siya ng comforter at inilapag namin iyon. Malinis naman ang bubungan kaya hindi na namin iyon winalisan. Naglagay na rin kami ng unan tsaka humiga, mayroon din kaming kumot na ipinatong namin sa aming katawan.

Mayroong mahinang pag-ihip ng hangin, malamig ang simoy nito kaya nakakagaan sa pakiramdam. Ang mga bitwin sa kalangitan ay kumikislap at ang quarter moon na parang nakangiti sa amin.

Kinuha ni Clement ang isa kong kamay at pinagkislop niya ang kamay naming dalawa.

Nagsimula siyang magkwento. "Bago ako mapunta sa bahay ampunan, mayroon akong lola." Lumipat ang tingin ko sa kaniya, pero siya ay nakaitngin lang sa kalangitan. "She was so loving and caring. Siya ang nag-alaga sa akin." Humigpit ang paghawak niya sa aking kamay. "Pero syempre matanda na si lola, nanghihina na rin siya no'n. Wala na rin naman akong magagawa dahil hindi ko naman siya pwedeng pabatain 'di ba?" Napatawa siya nang mapakla. "Kahit pa gusto ko pa siyang makasama nang matagal ay hindi na pwede." He took a deep breath. "After she died, I don't have nowhere else to go..."

"Wala ka bang relatives? O kahit sino na pwedeng kumupkop sa'yo?" I asked.

"Wala, hindi ko alam kung nasaan sila, kaya wala akong choice kundi sumama sa mga kumuha sa akin no'n pra ipunta nila ako sa bahay ampunan." Tumulo ang luha ni Clement at agad ko iyong pinunasan. "Gumuho ang mundo ko no'n, nawala ang tanging taong masasandalan ko sa mga panahong iyon."

"As time goes by, habang tumatagal ako sa bahay ampunan ay unti-unti rin akong nakapag-adjust, natuto akong makipagkaibigan kahit papaano pero hindi ako kaganon kalapit sa kanila, sapat ng kilala ko sila at kilala nila ako. Nakikita ko rin no'n na ang mga kalaro ko ay unti-unting nawawala dahil sa may umaapon sa kanila." Napangiti siya ng pilit.

"May mga mag-asawa na umaapon sa akin o kaya naman mga taong gusto lang magkaroon ng anak." His adams apple moved when he swallowed his saliva. "Pero lahat sila, binalik ako." He remembered the pain and I felt it too.

Napakunot ang noo ko. "Why?"

Nagkibit-balikat siya. "Dahil mahirap akong pakisamahan." Napatawa siya nang mapakla. "No'ng unang pagkakataong may umapon sa akin na mag-asawa, hindi naging maganda ang takbo, madalas kasi noon na tahimik lang ako, hindi ako nakikipag-usap, kaya nagsawa sila kaagad sa akin. Hindi nila naramdaman ang connection na gusto nilang maramdaman, tumagal rin ng isang buwan noon bago nila ako ibalik sa bahay ampunan at naghanap sila ng kapalit ko."

Nanatili akong tahimik para pakinggan siya.

"Sobra akong nasaktan no'n. Pero naisip ko, sabagay, sino ba naman ako para pagtiisan? Sino ba naman ako para intindihin? Hindi naman nila ako kaano-ano kaya mdali lang nila akong bitawan. Atsaka marami ring mas bibong bata keysa sa akin na pwede nilang ipalit sa akin. I'm just no one."

"Paulit-ulit na gano'n ang nangyari hanggang sa nasanay na ako. Ang bata ko pa no'n para mawalan ng pakialam sa mga tao, pero sila naman ang nagturo sa akin kung paano maging gano'n. Hanggang sa dumating ang isang mag-asawa. Pinili nila ako. As usual alam ko na ang magiging daloy ng buhay ko sa kanila. Aampunin nila ako tapos kapag hindi nila ako nagustuhan at kapag nagsawa na sila, ibabalik nalang nila ako at papalitan."

He blinked his eyes for a couple of times. "Pero tatlong buwan ang lumipas hindi pa rin nila ako binabalik. 'Yon na nga ang pinakamatagal na panahon na nanatili ako sa labas ng bahay ampunan pagkatapos kong makapasok ro'n. Kadalasan noon isang buwan o kaya naman hindi pa umaabot ng isang linggo ay ayaw na nila sa akin." He smiled like he remembered again the feeling on that time, it was hope. "But this couple, they tried so much, they put so much effort to understand me. Pinaramdam nila sa akin na para nila akong anak kahit na hindi ko pa sila tinuturing na magulang."

His eyes twinkled. "One day pinunta nila ako sa isang museum, sobra akong na-amaze sa nakita ko. Sobra nilang ganda. Pakiramdam ko nga parang isang orphanage din ang museum, doon nilalagay ang mga bagay na wala ng nagmamay-ari." Napatawa siya nang mapakla. "Sunod nila akong pinunta ay sa isang exhibit. Doon ko naman napagtanto na parang isa rin iyong orphanage, pinipili nila ang magaganda at ang hindi nila matipuhan ay iiwan nalang nila."

Sa pagkakataong iyon ay tumingin siya sa akin. "Pero alam mo ba, may isa akong painting na nakita, hindi siya pinapansin ng mga tao. So pinuntahan ko iyon, lumapit sa akin sina mama at papa. Tinanong ko sila bakit walang pumapansin sa kaniya. Ang sagot ni mama sa akin, "Ang painting na ito ay isang abstract, unti lang ang mga taong nakaka-appreciate nito pero kung titignan mo, napakaganda hindi ba? May tamang pag-iintindi lang ang dapat gawin.""

"Doon ko naramdaman na parang sinasabi sa akin ni mama na kahit mahirap akong intindihin ay handa niya akong intindihin."

Sunod-sunod ang luhang umagos sa kaniyang mata. Naninikip ang puso ko dahil sa nakikita ko ang kaniyang kalagayan ngayon.

Hindi ko namalayan na pati ang sarili kong mga mata ay umiiyak dahil sa kaniya.

"Doon ako na-inspired na mag-paint. At first ang pangit nga nang ginawa ko, pero sabi ni mama, practice makes perfect. Pinagtiyagaan niya akong turuan hanggang sa natuto ako, hanggang sa pinasok niya ako sa school tungkol sa mga arts, kahit na hindi ko hiningi na gawin nila iyon ay ginawa nila para sa akin." He sniffed. "Napaisip ako noon na kahit pala hindi ko sabihin ang nararamdaman ko ay maiintindihan pa rin nila ang gusto kong gawin. Naalala ko sa kanila ang aking lola. My lola knows me, she knows what I want even though I don't speak of it."

Huminga siya ng malalim. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at tinuyo ang kaniyang luha. "That's the time that I said to myself...These two people are worth it for my love. And so, I did open up to them."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa kaniyang pisngi. He smiled. His eyes are so sincere. I can see the love.

"That's why I open this up to you because I know you are worth it of my love."

Oh gahd. Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. My love, my Clement.

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko. My emotions are all over the place.

Wala na akong pakialam kung hindi pa kami pero sa pagkakataong iyon ay ako naman ang lumapit sa kaniya.

Muli kong naramdaman ang lambot at init ng kaniyang labi. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro