
C H A P T E R 27
[JV's POV]
Narito ako sa rooftop ng school. Nakatayo habang nakapatong ang aking kamay sa harang. Tahimik kong pinagmamasdan ang kabuuan ng aming eskwelahan. Iniangat ko ang aking tingin sa langit. Ang katamtamang init ng sinag ni haring araw ay masuyong tumatama sa aking balat. Ipinikit ko ang aking mata upang lasapin ang init na dulot nito. Nakakagaan sa pakiramdam, pati ang malamig na ihip ng hangin na marahang tumatama sa akin.
Ang kasiyahan at kalungkutan ang siyang nararamdaman ng aking puso. Muling sumasagi sa aking isipan ang sinabi ni Jaylor kagabi. Ang mga alala na aming nabuo ay muling nagbalik sa aking isipan. Napangiti ako dahil sa mga masasayang momento na aking nadanas kasama si Jaylor. Mga panahong hinihintay niya akong lumabas sa aming classroom para sabay kaming kumain sa canteen. Mga oras na tinutulungan niya ako sa mga lessons na hindi ko maintindihan. Ang mga kulitan naming dalawa.
Iminulat ko ang aking mata. Huminga ako ng malalim kasabay nang pagpunas sa aking pisngi dahil sa may tumakas na luha mula sa aking mata. Naging masaya rin ako sa kaniya kahit papaano.
Masaya ako dahil nagkaroon na kami ng maayos na usapan. Nagkaroon na kami ng closure. Ngunit kahit ganoon ay nararamdaman ko pa rin ang lungkot dahil ang mga maling nagawa niya sa akin ay naalala ko. Masakit. Pero ito na rin siguro ang oras para tuluyan kong kalimutan ang hinanakit ko sa kaniya. Ayoko na ring magpatuloy na kamuhian siya. Kailangan ko na ring makalaya ng tuluyan sa sakit na 'yon.
Ang mga alalang iyon ay magsisilbing aral sa akin at alam kong hindi ko 'yon malilimutan. Subalit nais kong alisin ang sakit, na kapag naalala ko ang mga iyon ay matatawa nalang ako at magkikibit-balikat. Maaalala ko nalang pero hindi na masasaktan.
"JV?"
Agad akong napalingon. Nakita ko si Timothy na naglakad papalapit sa akin. Bumalik ako sa pagkakapatong ng aking kamay sa harang.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya pagkatabi niya sa akin. Kaniya ring ipinatong ang kaniyang kamay sa harang.
"Wala, nag-iisip lang." Tinignan ko siya. "Paano mo nalamang andito ako?"
Napangisi siya habang nakatingin sa kalangitan. "Hindi ko alam na nandito ka." Kapagkuwan ay nawala ang ngisi sa kaniyang labi. "Gusto ko lang tumambay rito. Hindi ko naman akalain na narito ka pala."
Tumango ako at ibinalik ang tingin sa langit.
"Anong nangyari kahapon no'ng nakausap mo si Jaylor?" tanong niya.
"Nag-usap kami, nagkaroon ng closure. And he said lalayuan na muna niya ako."
"Isn't that a good thing?"
Nilingon ko siya. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.
"It is."
"Why are you sad, then?"
Inalis ko ang aking tingin sa kaniya. "Maybe because I feel sorry for him, after what happened. Meron pa rin naman kaming pinagsamahan kahit papaano." Ngumiti ako. "Pero masaya ako sa desisyon niya. It's for the better."
"Yeah." rinig kong pagsang-ayon niya.
Hinaplos niya ang aking buhok kaya tumingin ako sa kaniya, pero hindi siya nakatingin sa akin. Again, I can feel his comfort.
"It's for the better. Both of you need to heal from the pain." malumanay niyang sabi.
Napangiti ako sa sinabi niya at napatango.
"Oh, wait may ipaparinig ako sa'yo. I think it will help you to feel better." Hininto niya ang paghaplos sa buhok ko at may kinuha sa kaniyang bulsa. Inilabas niya ang kaniyang phone at puting earphones. Isinaksak niya ang kaniyang earphones sa kaniyang phone. Inilagay niya sa aking tenga ang isa sa kapareha ng earphones. Inayos ko ang pagkakalagay at mas lumapit siya sa akin nang isuot niya rin ang kapareha n'on.
Ilang saglit pa pagkatapos niyang kulikutin ang kaniyang phone ay may narinig akong pagtugtog sa piano.
Bumalik siya sa pagkakapatong ng kaniyang kamay sa harang kaya maging ako ay sumunod rin sa kaniyang ginawa.
Napansin kong musical instrument lang ang tumutugtog. Nilingon ko siya ay at nagtanong, "Bakit laging walang kumakanta ang lahat ng pinaparinig mo sa akin?"
Ngumisi siya habang nakatingin lang sa kawalan. "Wala."
Napasimnagot ako at inirapan siya. Binalik ko ang aking tingin sa kabuuan ng paaralan. Medyo dumarami na ang mga estudyanteng nakikita ko sa baba na pumapasok sa gate. Medyo tumaas na rin ang sikat ng araw ngunit ang simoy ng hangin ay nanatili pa ring malamig at katatamang umiihip.
Huminga ako nang malalim habang pinapakinggan ang musika. Grabe naman makadagdag sa pagsesenti mood ang tugtog na ito.
"Anong title ng pinaparinig mo sa akin ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Basta." mabilis niyang sagot.
Agad akong napairap dahil sa sagot niya. "Sige, paghinanap ko 'tong basta sa internet tapos walang lumabas, humanda ka talaga sa akin—"
"Ano?" pagpuputol niya sa akin.
Matalim ko siyang sinulyapan. "Hampasin kita."
Sinulyapan niya ako saglit at napatawa siya. "Pangit mo."
Napataas ako ng aking kilay. Wow. Parang gandang-ganda nga siya sa akin nong acquaintance party. Duh.
Hindi ko na siya pinansin pagkatapos niya akong sabihan ng pangit at in-enjoy ko nalang ang musika na aking naririnig. Nanatili kaming magkalapit hanggang sa may mga sumunod pa siyang pinarinig sa akin, at lahat ng iyon ay walang kumakanta kundi mga instrumental lang.
"Next time, pwede ba 'yong may kumakanta na rin ang iparinig mo sa akin?" sarkatik kong sabi sa kaniya nang alisin niya ang earphone sa aking tenga para itago niya na sa kaniyang bulsa. Bababa na kami papunta sa aming classroom dahil maya-maya lang ay mag-uumpisa na ang klase at mayroon kaming quiz kay Ma'am Bangs dahil nga sa hindi 'yon natuloy kahapon.
"Paano kung ayaw ko?" mapang-asar ang kaniyang tono.
"Damot mo." Inirapan ko siya.
Benelatan niya ako tsaka siya naglakad papuntang pintuan. Mabilis akong humakbang para makasabay ako sa kaniya sa paglalakad, hanggang sa magkaabot kami sa hallway.
"Mauna ka na sa room, may kukunin lang ako sa locker."
"Samahan na kita." sagot niya.
Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Pagkarating ko sa tapat ng aking locker ay binuksan ko ito kaagad. May nakasiksik na isang note sa aking locker. Napangiti ako kaagad dahil naisip ko kaagad na gawa ito ni Clement. Kinuha ko iyon at binasa.
Found you.
Napasimangot ako dahil hindi ko naintindihan ang meaning no'n. Found you? Like he found me, the love of his life? Yiee! Char. Assuming, wala namang nakalagay.
"Napakatagal mo naman." Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa reklamo ni Timothy. Sinulyapan ko siya, iritado siyang nakatingin sa akin habang nakasandal sa mga lockers.
"Ba't ka kasi sumama?"
Kinuha ko na ang mga libro na gagamitin namin mamaya para sa susunod naming subject, P.E.
Isinarado ko ang aking locker. "Tara." masungit kong sabi tsaka naglakad kaagad.
"Nag-review ka na ba?' tanong sa akin ni Timothy pagkapasok namin sa classroom.
"Oo, duh." pagmamayabang ko sa kaniya. Pinanliitan ko siya ng mata, "Bakit ikaw, 'di pa no?"
Umupo kami sa upuan namin.
Nginisihan niya ako at humalikipkip sabay sandal sa upuan. "Basic."
Napatawa ako dahil sa kayabangan niya. "Wow." sarcastic kong sabi.
"Bring out your black ball pen," Napatingin kami ng sabay ni Timothy kay Ma'am Bangs. Nasa kaniyang braso ang isang plastic na puno ng mga test paper na gagamitin namin para sa kaniyang quiz. "no pencil, no frixion pen, just black ball pen." Rinig ang mga kalabog at pagmamadali naming lahat dahil sa pagmamadali sa amin ni Ma'am Bangs. "Put your bags on the floor, no gadgets in your pockets put them in your bags. Now." Hinugot ko palabas ang aking phone at inilagay iyon sa bag. "Ten! Nine! Eight! Seven! Six! Five! Four! Three! Two! One!" Napaayos ako ng upo sa huling bilang ni Ma'am. Gahd nakaka-tense naman. "Anyone who will caught cheating will automatically get zero. Remember, this is part of your finals." Napahinga ako ng malalim at marahas itong binuga. I can do this.
"Chill ka lang papasa tayo." bulong ni Timothy.
Binigay ni Ma'am ang test papers sa mga nasa unahang rows. Hindi na muna sila nagsagot at hinintay na maipasa hanggang sa mga nasa huliang upuan, sa amin.
"You only have 1 hr. to finish the exam. You may start, now."
Agad akong yumuko at binasa ang unang katanungan. Sa pagpapatuloy ko sa pagsasagot ay pinanatili ko ang focus. Madalas kong tignan ang aking relo habang nagsasagot dahil baka maubusan ako ng oras sa mga katanungang mahihirap. Nilagpasan ko na muna ang mga iyon haggang sa maabot ko ang huling tanong at muli iyong binalikan, sa pagkakataong iyon ay nasagutan ko na rin.
"Pass your papers." casual na sabi ni Ma'am. Sakto.
Iniangat ko ang aking tingin kay Ma'am Bangs na nakatingin lang sa amin habang nakaupo sa harap ng lamesa. Ipinasa ko ang aking papel sa nasa unahan sa akin at gano'n rin ang kaniyang ginawa hanggang makaabot ito kay Ma'am Bangs.
Tumayo siya at kinuha ang mga test papers namin. "The results of your test will be announced tomorrow, and for further announcements, please review the topics we've discussed, for your finals." Muli niyang ibinalik sa loob ng plastic ang mga sagutang papel. "Goodluck on your finals. Goodbye class!"
Lumabas si Ma'am Bangs.
"Basic." Humikab si Timothy.
Rinig na ang ingay sa buong room at panay ang tanungan ng isa't isa sa kanilang mga sagot.
May kinuha si Timothy sa kaniyang bulsa at inilagay sa lamesa, sa tapat ko. Tinignan ko ang inilgay niya. Tatlong barnuts.
"Sa'yo na," walang gana niyang sabi. Lagi niya akong binibigyan ng barnuts. Halos araw-araw nga ata.
"Bakit mo ko laging binibigyan?" pagtatakang tanong ko sa kaniya nang buksan ko ang isa.
Tinignan ko siya ng hindi niya ako sinagot kaagad. Magkasulubong ang kaniyang kilay habang nakatingin sa akin. Iniwas niya ang tingin niya.
"Wala."
Ba't ba siya ganyan? Naalala ko sa kaniya si Immy. Magmula no'ng bigyan niya ako ng barnuts, pakiramdam ko siya ang adult version ni Immy. Asan na ba siya? Ba't ba bigla nalang siyang umalis? Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa tuwing naalala ko ang hindi niya pagsipot sa aking kaarawan. Kahit bata pa ako no'n ay sobra akong nasaktan dahil sa ginawa niya. Importanteng araw 'yon sa buhay ko at nag-promise siyang pupunta siya, sabi niya babalik siya bago ako mag-birthday. Kaya siguro ini-advance niya ang regalo niya sa aking hairclip dahil hindi na siya makakarating sa mismong kaarawan ko.
Akala ko no'ng birthday ko lang siya wala at sa susunod na araw ay meron na siya. Lagi akong tumatambay sa veranda namin tuwing kauuwi ko galing school dahil hindi kami pareho ng eskwelahang na pinapasukan. Lagi akong umuupo roon habang hawak ang aking unan para hintayin kung lalabas siya ng bahay nila o kaya naman baka saktong maabutan ko ang pagbalik nila, pero wala, tanging ang housekeeper lang nila ang nakikita ko.
Hinintay ko siya pero hindi siya bumalik.
We have so much in common, that's why we became very close. He said he will always be by my side and will always protect me. Haha. Alam ko namang bata pa kami no'n para seryosohin ang mga gano'ng bagay, pero kahit bata pa kami no'n. I did take it seriously.
Hindi siya bumalik. Kahit mga bata pa kami no'n. He broke my heart, how funny it was, but it's true. That was my first heartbreak. Hindi lang naman sa love nararansan ang gano'ng bagay. Minsan sa friendship, minsan sa family.
"Hey?"
Napakurap ako at napabalik sa realidad dahil sa pag-ihip ni Timothy sa aking mata. Malapit ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang ginawa.
Marahan kong tinulak ang kaniyang balikat para mapalayo siya sa akin. "Ano ba?" inis kong tanong sa kaniya.
"Nanunubig mata mo." puna niya.
Inirapan ko siya at tumingin sa kabilang side.
"Anong iniisip mo?" He sounds concerned.
Tinuyo ko muna ang aking mata at nilingon siya. Pinakatitigan ko muna siya bago sumagot. "Naalala mo 'yong nakita mo sa photo album no'n sa bahay, 'yong batang kasama ko sa picture na kulay green ang mata?"
Kumunot ang noo niya at tumango. Iniharap niya sa akin ang kaniyang katawan. Umampat siya sa lamesa at tumingin lang sa akin, hinihintay niya ang susunod kong mga sasabihin.
"Naalala ko siya sa'yo and I hate it." mariin kong sabi sa kaniya.
Napaangat ang ulo niya sa pagkakaampat.
"Why?" His eyes are worried.
Pinanliitan ko siya ng aking mata. "Kahit na hindi tayo close sasabihin ko." Lumunok muna ako ng laway. "Co'z he broke my heart."
"No.." he said. He was hurt, I think he felt sorry for me.
Napakunot ang noo ko. "Anong no?"
Umiling siya. "No, like, a-ahm." Huminga siya nang malalim. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. He was like finding the words to say.
When he had all the words he needed, he looked at me. "Like, no way, at that age he broke your heart?"
Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng do-you-think-I'm-joking-look.
"I'm sorry about that." It looks like he can feel the pain of my 10 years old self.
"Whatever. It's in the past, and I'm kidding, I don't hate it." Inirapan ko siya at kinuha nalang ang aking phone na nasa bag ko. Tinignan ko siya. "Don't feel sorry for me, that, I hate it."
"Ayaw mo na bang gawin ko ang mga bagay na nakapagpapaalala sa kaniya, sa'yo?"
Ayaw ko ba?
I forced to smile. "Don't. Hindi naman 'yon masama, wala ka namang natatapakan or something para pagbawalan kita, at wala akong karapatan para pigilan ka sa mga bagay na gusto mong gawin para lang sa pansarili kong dahilan. It's okay don't worry."
He smiled. A genuine smile. "You really are selfless."
"Good morning class!" At 'yon na nga ang boses ni Sir Panda. Tinignan ko siya, as usual nakangiti na naman siya, energetic talaga ang prof na ito. Ewan ko ba kung weird lang mga teacher namin, si Ma'am Bangs na may bangs at Bangsul ang surname. Ngayon naman si Sir Panda na aming P.E. teacher na mukha namang panda dahil sa may in born siyang dark circles at may medyo katabaan ang katawan, idagdag mo na rin ang kaniyang apelyidong Pandalyan.
"Okay, bring out your books. Page 389." Kinuha ko na kaagad ang aking book na nasa ilalim ng aking lamesa at ipinunta sa pahinang kaniyang sinabi.
Lessons about swimming.
"Fck." mahinang singhal ni Timothy. Tinignan ko siya. Iritado itong nakatingin sa kaniyang libro.
"Bakit?" tanong ko.
Tinignan niya ako, "Well—" naputol ang kaniyang sasabihin dahil sa nagsalita si Sir Panda.
Tinignan namin siyang pareho ni Timothy. "Next week, magdala kayo ng swimwear ninyo para sa swimming lesson natin."
"That's what I'm cussing about, swimming." Again, he cursed.
Tinignan ko siya. "Bakit hindi ka ba marunong? Sabi mo no'ng ando'n tayo sa bahay, marunong ka?"
Tinignan niya akong muli, "Of course I know." irritable niyang sagot sa akin. Ano bang problema nito? Marunong naman pala siya ba't mukhang ayaw niya.
"But what the hell. I don't wanna swim publicly, like with others." Napayuko nalang siya at nasapo niya ang kaniyang noo. "This is bad."
Napailing nalang ako.
Ako naman ay nagbalik nalang ng tingin sa aking libro nang magsimula nang mag-discuss si sir about sa topic. Paano ko naman kaya maitatawid ang swimming lesson namin? Ayoko sa tubig, kahit pa marunong ako. Ayoko. Mayroon akong masamang alaala na nabuo sa tubig. Kung pwede nga lang sana ay alisin na nila ang swimming pool sa bahay, pero ayoko namang maging selfish dahil gustong-gusto ni nanay at tatay na mag-swimming.
Maybe I should drop the swimming lesson. Char ayokong bumagsak, pero ayoko ring lumangoy. Oh gahd.
Napaigtad ako dahil sa nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko ito. Nag-message si Clement.
Hi love! Sabay tayong mag-lunch mamaya. And pinaalam na rin pala kita kina tito, tita at sa kuya mo na ipupunta kita sa bahay para mag-dinner with my parents.
Inaya na rin nila mama at papa sina tito at tita pati si Kuya Zed, pero hindi raw sila makakapunta, so tinanong ko kung pwedeng ikaw nalang muna pumunta kasi miss ka na raw nila mama at papa. And pumayag naman sila, so, later punta tayo sa bahay and pwede ka raw mag-sleepover kung gusto mo, naipaalam ko na rin. ;)
I love you!
Napangiti ako dahil sa dami ng message ni Clement.
Sige po, love. Maya nalang kita message ha? May class kami kay Sir Panda.
Napaisip ako, kung sasagutin ko ba ang I love you niya. Ngumiwi ako. 'Wag na muna. Sasabihin ko nalang iyon kapag sasagutin ko na siya, para mapanindigan naman namin ang pagliligawan and getting-to-know-each-other stage naming dalawa. Alam naman niyang mahal ko siya pero panigurado magpapabebe ang lalaking 'to.
Pagkatapos kong i-send ang mensahe ay inilagay ko na muna ang aking phone sa ilalim ng aking lamesa.
Napakunot ang aking noo dahil sa may malambot na nasagi ang aking kamay. Hinila ko palabas kaagad ang aking kamay at sinilip kung ano man ang aking nahawakan. Hindi ko ito maaning kaya binuksan ko ang flashlight ng aking phone.
Napaatras ako kaagad sa aking upuan. "Oh sht—" pigil kong sigaw nang makakita ako ng patay na daga sa isang transparent na plastic.
Napaangat ako ng tingin at ipinikit ang aking mata, fck. Kadiri. Nanginig ako dahil sa diring naramdaman ko.
"Hey.." hinawakan ni Timothy ang braso ko.
"Ano 'yang meron diyan Ms. Wagner and Mr. Lee?" Napamulat ako ng mata dahil sa tanong ni Sir Panda.
Hindi nawala sa aking mukha ang pandidiri. "Sir, may patay na daga po."
Narinig ko ang ingay ng mga kaklase ko. Kinuha ni Timothy ang hawak kong flashlight at sinilip ang ilalim ng aking lamesa.
"Fck." rinig kong mura niya pero nanatili pa rin siyang nakatingin doon. May kinuha siya roon.Lumayo siya sa aking lamesa at inabot niya sa akin ang isang note.
Found you.
Wait, what?
"Looks like familiar?" Tinignan ko si Timothy, kunot ang noo nitong nakatingin sa akin na parang may hinala. "Nakadikit 'yan sa plastic."
Oh gahd.
"Nasaan ang patay na daga?" tanong ni sir. Itinuro ko ang ilalim ng aking lamesa.
"Someone calls a cleaner." rinig kong utos niya.
Napako ang aking tingin sa note na inabot sa akin ni Timothy.
Kapareho ito ng note na nakuha ko sa aking locker.
This is not a good sign. Kumalabog ang puso ko. Parang nanlamig din ang pakiramdam ko dahil sa aking naisip.
Seems like it's a message. And if it is, who's trying to send it?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro