C H A P T E R 26
[JV's POV]
Ikwenento ko kay Clement ang nangyari kay tito at ang tungkol sa ginawa ni kuya. Pagkatapos ay bumalik na muna kami sa loob ng gymnasium. Hindi na muna siya bumalik sa mga kaklase niya at nakitabi na muna siya sa amin.
Kahit medyo madilim sa gymnasium dahil lights-off at tanging maliliit na ilaw lang ang nakailaw ay nakikita ko pa rin ang mga sumasayaw sa baba. Tahimik ko silang pinapanood mula rito sa bleachers. Naroon rin ang iba naming kaklase lalo na si Heihei at si Kej. Si Timothy naman naroon sa ibabang upuan at nakikipagkwentuhan sa iba naming mga kaklase.
"Hey, love..." tawag ni Clement. Nilingon ko siya na nasa aking tabi.
"Huwag mo na masyadong pakaisipin iyon, okay?" He's referring to tito. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.
Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata. "Don't fake your smile."
Napabuntong hininga ako at bumagsak ang aking balikat. Nalulungkot lang ako.
"Akin na kamay mo." sabi niya.
Tinignan ko siya at nakangiti siya sa akin, parang may kung ano siyang balak dahil sa mga ngiting nakaguhit sa kaniya labi.
Dahil mukhang excited siya sa gagawin niya ay sinakayan ko nalang ang trip niya at binigay ang aking kamay sa kaniya.
Inabot niya iyon at ipinaharap sa kaniya ang aking palad. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Napasimangot ako nang higpitang niya ang pagkakahawak doon.
"Alam mo ba 'to?" tanong niya sa akin.
Nagkibit-balikat ako. "I dunno."
"Kukuryentehin kita." pananakot niya sa akin.
Napatawa ako dahil sa sinabi niya, "What?"
"Watch and feel."
Napailing ako. What the hell. Ano bang trip ng lalaking 'to.
"Kapag pinalo ko, isara mo, tapos 'pag pinalo ko uli' buksan mo. Gets?"
"Yes po."
Pinalo niya ang kamay ko na may katamtamang lakas. Isinarado ko 'yon. Pinalo niyang muli at binuksan ko naman. Minasahe niya iyon. Muli niyang pinalo kaya isinara kong muli, menasahe na naman niya.
Unti-unting namanhid ang kamay ko dahil sa ginagawa niya.
Pinalo niya ang kamay ko sa huling pagkakataon at binuksan kong muli.
Bawat daliri ko ay pinisil niya pero pabaon ang kuko niya sa daliri ko.
"Okay, mamili ka kung saan ang pinakamasakit."
Parang wala namang pinakamasakit, parang 'di ko nga naramdaman.
"Itong ring finger nalang." sabi ko.
Pinatong niya ang hintuturo niya sa dulo ng ring finger ko at pinaikot-ikot niya roon ang kaniyang daliri.
"Ready ka na?" natatawa niyang tanong. Para talagang sira ang isang 'to.
Pinanliitan ko siya ng aking mata, "Oo."
Pagkabitaw niya sa palapulsuhan ko ay trinace kaagad ng kaniyang hihinturo ang aking kamay, magmula ring finger hanggang kili-kili, na parang nasa hintuturo niya ang kuryente.
Napausog ako palayo sa kaniya. "Clement!" impit na sigaw ko nang sundutin niya aking ang kili-kili.
Awtomatiko niyang hinapit ang aking bewang palapit sa kaniya dahil muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.
"Nakuryente ka?" natatawa niyang tanong.
Nakakainis talaga. Hindi ko siya sinagot at sinimangutan ko lang siya.
Panay lang ang tawa niya sa harapan ko. "Lambot ng kili-kili ng baby ko."
Nanlaki ang mata ko nang amuyin niya ang hintuturo na ginamit niyang kanina.
Hinila ko iyon palayo sa ilong niya.
"Clement naman ih!" Nahihiya na ako.
"Bakit, mabango naman ah."
"Paamoy ng kili-kili ng baby ko?" pang-aasar niya. Akma pa siyang lumapit sa kili-kili ko.
Tinulak ko ang mukha niya. Natawa ako sa kaniya. "Ewan ko sa'yo. Tumahimik ka riyan."
"Sayaw tayo gusto mo?" tanong niya bigla sa akin habang natatawa pa rin siya.
"Ayoko." masungit kong sagot.
"Sige, aamuyin ko nalang kili-kili mo." pananakot niya sa akin.
"Ah!" Hinampas ko ang binti niya.
"Ano, sasayaw tayo o aamuyin ko nalang kili-kili mo?"
"Sayaw." Inis kong sagot. Sinamaan ko siya ng tingin. "Pasalamat ka may event tayo ngayon kung hindi kanina pa kita sinabunutan."
Sinundan ko ang kaniyang mata nang tumayo siya. Nilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Saglit kong sinulyapan ang kamay niya at muli siyang tinignan. Nakatawa siyang nakatingin sa akin.
"Ayaw mo?" pang-aasar niya.
Pabagsak kong inabot ang kamay niya at tumayo. Iniwan ko na muna ang clutch bag kay Carol 'uli.
Dinala niya ako sa gitna.
"Alam mo nakakainis ka talaga." sabi ko sa kaniya ng aking ilagay ang isa kong kamay sa kaniyang balikat.
"Alam ko." Tinawanan niya ako ulit. Ang isa kong kamay na hawak niya ay dinala niya rin sa kaniyang balikat, ngayon ay dalawang kamay ko na ang nakapatong sa kaniya. At ang kamay naman niya ay sa magkabilaang bewang ko.
Nawala ang pagkasimangot ko habang nakatitig lang siya sa akin. Dahan-dahan lang rin ang paggalaw namin kasabay ng musika.
"Hindi ka na ba inis?" tanong niya.
"Nainis na naman ako." Inirapan ko siya at inilihis ang aking tingin. Masasabunutan ko na talaga ang lalaking 'to.
"Yieee tatawa na 'yan." paloko niyang sabi.
Napakagat ako sa aking labi dahil natatawa na ako kaagad.
"Ayon oh!" pang-aasar niya.
Tinignan ko siya pinanliitan ng mata, "Epal ka."
Lumapit siya sa akin at bumulong. "I know." Umatras ako sa kaniya at inipit ang aking leeg. Nakiliti ako sa ginawa niya sa tenga ko.
I heard his laughed before he pulled away. Inalis ko ang pagkakaipit sa aking leeg.
Tinignan niya ako sa aking mata. Nag-iba ang musika. Thinking out loud.
https://youtu.be/hTbeVXuWyaU
When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks
Nadadala ako sa kanta. Ang sweet lang.
And darling I will be loving you 'til we're 70
And baby my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Oh me I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am
So honey now Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
Take me into your loving arms "Free ka ba next day?" tanong niya sa akin.
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart "Maybe, why?" malambing kong tanong sa kaniya.
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are "Nasabi ko naman sa'yo na umuwi na sila Mama at Papa, 'di ba?" I nodded.
When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name "Well, they wanna see you. Actually, they are thrilled to talk with you."
When my hands don't play the strings the same way, mm
I know you will still love me the same
'Cause honey your soul can never grow old, it's evergreen
Baby your smile's forever in my mind and memory
Kinabahan ako bigla. Sanay naman na akong makausap sila rati, pero ngayon? Pakiramdam ko mahihiya na ako sa kanila dahil nga lumalim na ang samahan namin ni Clement.
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe it's all part of a plan
I'll just keep on making the same mistakes
Hoping that you'll understand
Sinabayan ni Clement ang kanta at inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga.
But baby now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Nafla-flutter ang puso ko dahil sa ginagawa niya.
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud Ang galling niya kumanta. Ano ba ang bagay na hindi niya kayang gawin?
That maybe we found love right where we are, oh
Huminga ako ng malalim at pansamantala munang kinalimutan ang mga bagay-bagay. Gusto ko munang i-enjoy ang gabing ito.
So baby now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Oh darling, place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Oh maybe we found love right where we are
And we found love right where we are
ALA UNA na rin nang natapos ang event. Hinatid ako kaagad ni Clement sa bahay at pagkatapos no'n ay agad na rin siyang umuwi dahil may pasok pa kami mamaya.
Humiga ako sa aking kama. At inilabas ang aking phone. Tinignan ko ang mga pictures na nakuhanan ko kanina.
Agad kong nakita ang mga pictures namin ni Clement. Pinindot ko ang isa sa mga selfie naming dalawa. Ang ganda ng ngiti namin doon. Inilipat ko ang picture at sunod kong nakita ang picture namin na nakapisil siya sa pisngi ko kaya naipit ang labi ko, nakatawa siyang nakatingin sa akin doon.
Napag-isipan kong gawin iyong wallpaper. Sinet ko kaagad as wallpaper ang picture na iyon. Omg! Kinikilig ako!
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Nagpatuloy ako sa pagtingin ng mga litrato.
Mahina akong napatawa. "Oh gahd, Clement." bulong ko sa aking sarili nang makita ko ang napakarami niyang selfie sa aking phone. Nag-scroll pa ako para makita pa ang mga naunang pictures. May mga selfie sina Heihei roon kasama si Kej, meron din si Timothy. May selfie rin kaming magkakasama.
Inihinto ko ang pag-scroll at pinindot ang selfie namin ni Timothy. Ang mga mata niya. Bigla kong naalala si Immy.
Nakaramdam ako ng antok kaya inihinto ko na ang pagtingin sa mga litratong nakuhanan ko. Agad na akong nagpalit ng pantulog at naghugas ng mukha. Pagkatapos ay sumalampak na ako sa aking higaan para mag-beauty rest.
May quiz pa ako bukas kay Ma'am Bangs. Sana maawa siya at 'wag niya na kaming pag-quiz-in.
PAGKARATING ko sa classroom ay agad akong umidlip doon dahil inaantok pa ako. Maaga akong gumising kanina para mag-review sa subject namin kay Ma'am Bangs. Hay nako.
May naramdaman akong tumabi sa akin. Si Timothy 'yan for sure. 'Di ko na siya sinilip dahil tinatamad ako.
"Wala raw quiz sabi ni Ma'am Bangs, nakasabay ko siyang pumasok."
Oh gahd.
Inangat ko ang ulo ko para tignan siya, "Seryoso ba 'yan?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Hindi na siya naka-contact lens.
Nag-poker face siya sa akin at tinuro niya mismo ang kaniyang mukha. "Mukha ba akong nagjo-joke?"
Inirapan ko siya at bumalik sa pagkakayuko. Whatever.
"Meron akong snake and ladder." rinig kong sabi niya. Hindi ko alam kung sino ang kausap ng lalaking 'to.
"Huwag ka nang matulog diyan, laro nalang tayo."
Ah ako ang kausap niya. Iniangat ko ang ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo ikaw hindi mo rin naman ako pagbibigyan kapag naglalaro tayo."
"Alangan namang magpatalo ako?" sarkastik niyang tanong.
Nilabas niya snake and ladder na gawa sa makapal na papel at may nilabas siyang dalawang bato.
"Ba't bato?" tanong ko sa kaniya.
Masungit niya akong sinagot, "Yan binigay no'ng bata kanina." Napasimangot ako.
"Bata?"
"Oo, may nakita kasi akong barnuts doon sa isang karenderya kaya bumili muna ako." Diretso kung makatingin si Timothy habang nagkwekwento. Napansin ko, parang naka-contact lens pa rin siya. "Naglalaro kasi siya mag-isa roon sa lamesa kaya nakilaro muna ako saglit kasi maaga pa naman. Tapos no'ng aalis na ako sabi niya sa akin nalang daw. Kaya kinuha ko."
"Naka-contact lens ka ba?"
Sumimangot siya sa akin. "Nakinig ka ba sa sinabi ko?"
"Oo." sagot ko. "Naka-contact lens ka nga?" pag-uulit ko.
"Oo, malabo mata ko, why?" walang emosyon niyang tanong.
"Wala."
"Tara na laro na tayo, ang ingay mo, pangit mo, gulo pa ng buhok mo."
Inirapan ko siya at inayos ang aking buhok. Lagi nalang akong pangit. Kakapal ng mukha kala naman nila gwapo sila.
Binigyan ako ni Timothy ng barnuts bago kami maglaro.
Habang naglalaro kami ay nakarinig kami nang pagtawag ng attention sa amin ni president kaya tumigil muna kami ni Timothy sa paglalaro.
"Guys, mamaya pala punta tayo kina Jaylor, if free kayo."
Nagsimula silang magtanong kay pres kung anong oras pupunta, etc.
Pupunta ba ako? Baka ayaw akong makita ni Jaylor. Baka isipin niya kasalanan pa rin 'yon ng kuya ko.
Napahinga ako nang malalim.
"Mamayang uwian sa hapon nalang tayo pumunta." sagot ni pres.
"Pupunta ka?" tanong sa akin ni Timothy.
Nagkibit-balikat ako. "Alam mo naman siguro ang issue 'di ba?" bulong ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin.
Nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko 'yon.
May mensahe galing kay Jaylor.
Kunot noo kong binuksan ang message.
I heard na pupunta kayo rito ngayon sa bahay para makiramay. In case na nagdadalawang isip kang pumunta dahil sa mga sinabi ko. I just want you to know that it's okay if you want to come here.
You should come, I have so much to tell you. If you want.
"Pupunta ka ba?" tanong ko kay Timothy.
"Pupunta ka ba?" pagbabalik niya sa akin ng tanong.
"Yes."
"Me too."
PAGKATAPOS ng klase namin sa hapon ay dumiretso nga kami sa kanila Jaylor. Hindi nakasama si Clement dahil may kailangan siyang asikasuhin sa museum pero naipaabot naman na raw niya kay Jaylor ang pakikiramay niya.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa monobloc sa labas ng kanilang bahay. Pumasok na rin kami kanina sa loob para magbigay galang sa dad niyang nasa urn.
Tahimik lang kaming nakaupo ro'n. Katabi ko si Heihei at kinakausap siya ni Lexy, pinansin niya naman ako kanina pero mukhang nagchichika pa sila. Pagkatapos nilang mag-usap ay tumabi naman sa akin si Lexy.
"Thank you for coming." malungkot niyang sabi.
"Condolence." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Thank you." Yumakap siya sa akin, nagulat ako sa ginawa niya. Kapagkuwan ay hinaplos ko ang kaniyang likuran.
Nang humiwalay siya ay pinunasan niya ang kaniyang luha.
Mahina ang boses niyang nakipag-usap sa akin, "Nasa swimming pool area si Jaylor, sabi niya samahan nalang daw kita papunta roon, ayaw niya kasing magpakita sa mga kaklase natin."
Bahagya akong ngumiti sa kaniya at tumango.
Nilingon ko si Heihei para magpaalam, "Wait lang, ha?"
Tumango sa akin si Heihei, pagkatapos ay umalis na kami at naglakad papuntang likuran ng kanilang bahay—sa swimming pool area.
https://youtu.be/8HxbqAsppwU
Share ko lang, tingin ko mas maganda siya basahin with music like this. Ayern
Nakita ko kaagad si Jaylor.
"Sige maiwan na muna kita rito, aasikasuhin ko muna ang mga kaklase natin."
Nilingon ko si Lexy at tinanguan siya. Pagkatapos ay bumalik na siya.
Binalik ko ang aking tingin kay Jaylor, nakaupo lang siya sa metal chair mayroong isang maliit na lamesa sa gitna at sa katabi no'n ay isa pang upuan. Nakatitig lang siya sa nakailaw nilang swimming pool, nagre-reflect sa kaniya ang asul nitong kulay.
Naramdaman niya ang pagdating ko kaya lumingon siya. He smiled but I can see the sadness in his eyes.
Umupo ako sa kabilang bahagi ng bilog na lamesa.
Nakatingin pa rin siya sa akin.
"Hi." malungkot niyang bati.
"Hi," sagot ko. "condolence."
"Thanks." Ngumiti siya ng bahagya at inilipat muli ang kaniyang tingin sa swimming pool.
"Akala ko okay na si tito? Bakit biglang ganito ang nangayri?" tanong ko.
"Bigla ulit siyang inatake, sa pagkakataong 'yon hindi na naagapan." Nanunubig ang kaniyang mga mata.
Inabot ko ang kaniyang balikat at hinaplos iyon.
Tumingin siya sa akin. "Lo siento mucho JV. (I'm so sorry JV.)" Punong-puno ng kalungkutan ang kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry that I cheated, I know you don't deserve that but I did it anyways." Yumuko siya. "I'm sorry for being an asshole...." Napangisi siya. "Clement was right."
Muli niya akong tinignan, "Pero sa kabila ng mga ginawa ko, gusto ko lang malaman mo na minahal kita at mahal pa rin kita."
Nanatili akong tahimik.
"And I'm so sorry for blaming your brother, because the truth is...this is all my fault." Napatawa siya ng mapakla. "Kung hindi siguro ako nagloko sa'yo siguro okay pa si dad." Huminga siya ng malalim. "Doon naman nagsimula ang lahat 'di ba? Kung hindi kita niloko o pinaglaruan, hindi rin masisira ang relasyon natin, hindi rin masisira ang tiwala ng kuya mo sa akin, hindi sana nadamay ang pagiging partners ng mga magulang at kuya mo sa mga magulang ko. Hindi sana babalakin ng kuya mong kunin ang hacienda sa amin." Tumulo ang luha niya. "Hindi sana nag-alala si dad about sa hacienda, hindi rin sana siya inatake."
Yumuko siya, "Pero alam mo ba, nagawan ko na ng paraan, nakahanap na ako ng pera. Nabawi ko na nga ang hacienda pero nawala pa rin si dad."
"This is all my fault." galit niyang sabi sa kaniyang sarili.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang gilid at hinawakan ang kaniyang balikat.
"Hindi mo 'yon kasalanan."
Tinignan niya ako. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya, galit at lungkot. "Kung hindi ako, sino ang dapat sisihin?"
"Wala."
Yumuko siyang muli. "This is all on me."
Napakagat ako sa aking labi dahil sa naramdaman ko ang kaniyang nararamdaman. Namuo ang luha sa aking mga mata.
Tumayo ako para yakapin siya.
"Todo es mi culpa. (It's all my fault.)"
Kahit nasaktan ako ni Jaylor nang sobra, ayokong makita siyang nagkakaganito.
Hindi ko namalayan na pati ako ay lumuluha na rin.
Hinaplos ko ang kaniyang balikat hanggang sa tumahan siya.
Nang maging okay siya bumilik na muna ako sa inupuan ko kanina.
Tumingin siya sa akin. "Can I hug you, as a friend?" Napatawa siya sa huli niyang sinabi.
Napatawa ako ng bahagya at tumango ako sa kaniya.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumayo rin ako. Niyakap niya ako, niyakap ko rin siya pabalik. Hinaplos ko ang kaniyang likuran.
"I missed this, and I will miss this." Naguluhan ako sa huli niyang sinabi. Parang may gusto siyang ipahiwatig.
"Thank you for being here." Hinaplos niya ang buhok ko. "I'm so sorry for everything. I'm so sorry mi amor." Para siyang nagpapaalam.
"Wala ka man lang bang sasabihin?" Napatawa siya.
"Ahm, hindi ko alam ang sasabihin ko."
He giggled. Naramdaman ko ang pagpatong ng kaniyang baba sa aking ulo. "I know, you're always like that."
Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Suminghot siya.
"Kailangan ko nang lumayo sa'yo." he said. "Alam kong okay lang naman sa'yo kahit mawala ako sa buhay mo, pero gusto ko lang ipaalam sa'yo na lalayuan na kita at hindi na kita guguluhin."
Sumikip ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Kahit papaano ay nasasaktan pa rin ako dahil mayroon pa rin naman kaming pinagsamahan.
"This is for the better. Maybe in the future we can be friends." Napatawa siya. "But for now, I have to stay away from you, even if I don't want to."
"Why?" tanong ko.
"Kasi kung patuloy akong lalapit sa'yo pakiramdam ko patuloy kong babalikan ang nakaraan, at kailangan ko munang ayusin ang buhay ko. Masyado akong maraming nagawang kasalanan sa'yo. Kailangan ko munang patawarin ang sarili ko."
Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa aking ulo.
"Pasabi sa kuya mo, I'm so sorry for everything. Alam kong hindi lang ikaw ang nasaktan ko, kundi pati rin siya."
Yes, you did hurt him. Kahit hindi man niya sabihin ay alam ko.
"Makakarating 'yan sa kaniya."
"Still, I'm always here if you need me."
Tumango ako.
"Ti amo, mi amor. (I love you, my love.)"
Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. "I know that you're in good hands with Clement." Kapagkuwan ay dahan-dahan siyang humiwalay.
Hinawakan niya ang kamay ko.
He kissed the back of my hand. He looked at me sincerely. "Adios, Jessi. (Goodbye, Jessi.)" Tumulo ang luha ko at maging ang luha niya ay tumulo rin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro