Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 25

[JV's POV]

8 am. Wala na kaming pasok para makapaghanda kami mamaya para sa event.

Kasalukuyan naming tinatapos ang pagkain namin ni Clement ng omelet na ginawa ni Manang Carmen. Dalawa lang kami sa hapagkainan, nasa kabilang side siya ng table. Wala sina Nanay at Tatay. Nasa trabaho na sila, maaga silang umalis kanina. Ang hampaslupa ko namang kuya ay nauna na siyang kumain kanina dahil magpreprepara pa siya para pumasok.

Malinis na ang pinggan niya. "Ang sarap ng luto ni Manang Carmen." puri niya makainom ng tubig.

Tinanguan ko siya at uminom ng tubig. Ubos ko na rin ang akin.

Binaba ko ang baso sa lamesa. "Syempre Manang Carmen pa ba?" pagmamalaki ko sa kaniya.

Napatawa siya habang nakatingin lang sa akin.

"Marunong kang magluto 'di ba?" tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "Yes, of course. Ako pa ba?" pagmamayabang niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ano namang niluluto mo? Cantoon? Noodles?" Nginisihan ko siya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Yes, I can cook that, but more than that I can cook a lot of things. And all of them taste good."

"Wow." Napairap ako sa kaniya.

"Okay, then." Sumandal siya sa upuan habang nilalaro niya ang baso sa lamesa. "Ano ang paborito mong ulam at ako naman ang magluluto para sa'yo."

Kumunot ang noo ko at napaisip.

"I dunno? Basta masarap." sagot ko.

"Sige, ipapatikim ko sa'yo ang gawa kong sisig."

"Siguraduhin mong masarap 'yan." panghahamon ko sa kaniya.

He leaned forward and whispers, "Or kung gusto mo talaga ng masarap, ako nalang?" He winked and grinned.

May kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. What the hell!?

Pinandilatan ko siya ng mata, "Clement!" Luminga-linga ako baka nandiyan lang sa tabi si Manang Carmen o kaya naman ang hampaslupa kong kuya.

Narinig ko ang bungisngis niya.

Matalim ko siyang tinignan.

Nakatingin lang siya sa akin habang nasa labi niya pa rin ang mapanloko niyang mga ngiti.

Dumukwang ako at inabot ko ang buhok niya.

Sinabunutan ko siya at agad ko ring binitawan. Bumalik ako sa pagkakaupo.

"Aray!" reklamo niya. Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.

"Mamaya may makarinig sa'yo!"

Tumawa na naman siya. "Wala."

Nakakainis.

"You're blushing." puna niya.

Napaatras ako at napakunot ang noo. "No! I'm not!"

"Kagabi ka pa." masungit kong sabi.

Naalala ko na naman 'yong nangyari kagabi. I mean, walang nangyari pero 'yong scene.

Kung hindi kami tinawag ni Manang Carmen baka nakaisa na naman ang lalaking 'to. Gahd.

Nakarinig ako ng mga yabag na nanggagaling sa hagdan. Lumingon ako at sinilip ko ang sala. Kapagkuwan ay lumabas sa corner at nakita ko ang aking hampaslupa kuya na naka-corporate attire.

Dumiretso siya nang lakad sa amin.

Lumapit siya sa akin "Hey, ugly sister. I'm gonna go now." Hinalikan niya ang aking buhok.

"Bye-bye. Take care." sabi ko.

"And you, Clement, ikaw na bahala sa kapatid ko mamaya sa event. And iuwi mo siya pagkatapos kaagad ng event. Okay?" seryoso niyang sabi kay Clement.

Sumaludo si Clement, "Yes, sir."

"Okay, good. I gotta go." Plain niyang sagot. Mukhang wala siya sa mood. Tumalikod siya sa amin at naglakad papuntang pintuan.

Tinignan ko si Clement.

Akala ko lalayas na nang tuluyan ang hampaslupa kong kuya pero may pinahabol pa siyang salita. "Don't do something! Behave kids!"

Tinignan ko siya 'uli. "What!?" pagtataka ko.

"Bye!" sagot niya at kinawayan nalang kami nang hindi siya lumilingon.

Napailing nalang ako. Ano kami mga bata na magkakalat?

[Zed's POV]

Nakarating ako kaagad sa resto kung saan ko kinausap ang pamilya nila Jaylor.

Naglakad ako habang hawak ang ang aking handbag. Masyado pang maaga kung kaya't wala rin akong maaninag na mga customers sa loob maliban sa mga staffs.

Pagkapasok ko roon ay naroon na si Jaylor. He's wearing his white polo and coat partnered with slacks.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at hinintay akong makalapit sa table. Kinamayan niya ako at tsaka kami umupong dalawa.

"How's your dad?" tanong ko.

"He's okay. Nagiging stable na rin ang kalagayan niya." Walang emosyon niyang sagot.

Pinaghugpo ko ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa. "I heard that you're blaming me for that?"

Ang isa niyang kamay na nasa lamesa ay kumuyom. "Yes, because if you didn't plan to take away our hacienda dad wouldn't be worried how to save it, and heart attack won't happened to him." mariin niyang sabi.

"Para lang sabihin ko sa'yo, baon na sa utang ang kompanya ninyo sa amin, ano uulitin ko na naman ba?"

Umayos siya ng upo at binukas ang kaniyang kamay na nakakuyom dahil may lumapit na lalaking waiter sa amin. Iniabot niya ang menu.

"Thank you." mahina kong wika nang abutan niya rin ako. Inalapag ko lang 'yon sa aking gilid.

Agad rin siyang umalis pagkatapos niyang maibigay iyon sa amin.

"You said you'll going to pay for everything you owe to us?" pag-iiba ko ng usapan.

"Yes."

"How can you pay for that?" Napangisi ako at tumingin sa ibang direksyon.

"I did find ways." Lakas loob niyang sagot.

Hindi ko siya nilingon. Mukhang may pinanghuhugutan ang bastardong 'to para taas noong humarap sa akin.

Huminga ako nang malalim ng ibalik ko ang aking tingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko ng may inilapag siya sa lamesa.

A check.

Napatawa ako ng mahina at tinignan siya. "And where did you get that amount of money? 200 million."

Nginisihan niya rin ako. "It's none of your business." Kapagkuwan ay naging seryoso rin siya. "That covers all the expenses you did for our company." He clenched his jaw. "Now I can have our hacienda back."

"Deal."

Kinuha ko ang dalawang kopya ng kontrata sa aking handbag at inilapag sa lamesa.

Pinimarhan ko ang isa at isa naman ang binigay ko sa kaniya. Pagakatapos ay nagpalit kaming dalwa para pumirmang muli.

Patunay na maari niya ng makuha pabalik ang kanilang hacienda.

"That's settled." sambit ko ng matapos kong pirmahan ang kontrata. Itinago ko ang aking kopya sa aking handbag.

"Can I see JV?" tanong niya.

I clenched my jaw. "No. Stay away from her."

Natapos kong isara ang aking bag kaya tumayo na ako at maging siya ay tumayo rin.

I fixed my facial expression. Ngumiti ako sa kaniya "Now if you'll excuse me, I still have other business meetings to attend to." Nah I'm lying I don't have other business meetings to attend to. This is the only errand I have to do for this day and afterwards I'm going home. I just can't take it anymore, seeing the face of this bastard.

Inilahad ko ang aking kamay at inabot niya iyon para makipagkamayan.

Kapagkuwan ay naging seryoso ang aking itsura at matalim siyang tinignan. "Just so you know, our friendship is over and you will never ever have my trust ever again. You're just the son of our ex business partners."

Ngumiti akong muli at bumitaw na sa pakikipagkamayan. "Have a nice day, Mr. Castro."

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palabas ng resto. Nakita ko sa kaniyang mata ang pagsisisi. But I don't care anymore.

I need to cut my ties from trashy people. He's nothing after all.

Hindi lang kapatid ko ang sinaktan niya, pati ako.

[JV's POV]

3 pm. Naka-bathrobe lang muna ako. Nakaupo sa monoblock, sa harap ng malaki naming salamin sa sala habang inaayusan ako ni mumshy Josh. Tapos niya na rin akong make up-an. Ang buhok ko nalang ang kaniyang ini-straight ngayon. Nasa tabi ko si mumsh Charlie na siya namang nag-ayos ng aking mga kuko kanina, nakaupo nalang siya at kinakalikot ang kaniyang phone. Ang aking isusuot na long dress na pula mamaya ay nasa sofa, nakalatag.

Excited na ako mamaya para sa event!

Habang busy si mumsh na ayusin ang buhok ko ay hawak ko ang aking phone. Binuksan ko ang camera at nag-mirror selfie.

Tinignan ko ang picture na kinuha ko. Ise-send ko ba 'to kay Clement or hindi?

Hmm sige i-send ko nalang. Kinilig ako dahil sa naisip ko.

Binuksan ko ang messages namin ni Clement at sinend ang litrato.

Huminga ako ng malalim at tinaob muna ang aking phone sa aking binti habang hinihintay ang kaniyang reply.

Smokey look ang ginawa sa akin ni mumsh. Nilagyan naman ako ni mumsh Charlie kanina ng extension nails sa kuko ko sa kamay at mina-manicure niya rin ang kamay at paa ko kanina. Nude color ang nail polish ko and may maliliit na palamuting nilagay sa kuko ko sa ring finger.

Nakita ko ang pagbukas ng pinto sa salamin. Pumasok ang hampaslupa kong kuya.

"Aga mong umuwi?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya sa salamin.

"Oh yeah." sagot niya habang nakatingin rin sa repleksyon ko sa salamin.

"Oh Zed. Hi!" bati ni mumshy Josh sa kaniya.

"Hi hijo." bati naman ni mumsh Charlie.

"Hi mumsh Josh, Hi mumsh Charlie." bati niya sa kanila.

Naglakad siya patungo sa sofa. "Actually, nakipagkita ako kay Jaylor."

Agad na napataas ang kilay ko.

Umupo siya sa single sofa at ibinaba ang kaniyang handbag sa lamesa. Bumuntong hininga siya.

Patuloy ko pa ring tinitignan ang kaniyang repleksyon sa salamin. "Then, what happened? Tinanong mo ba kung anong nangyari kay tito?"

Di niya ako tinignan at nakatingin lang siya sa kawalan ng sagutin niya ang tanong ko, "Yes."

"Ayan, okay na babygirl!" sabi ni mumsh na nakaagaw naman ng aking pansin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at inilipat ang aking tingin sa kaniya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you po mga mumsh!" Naalala ko may pagkain pala sa kusina. "Mga mumsh punta na po muna kayo sa kusina naghanda po ng meryenda sa inyo si Manang Carmen."

Natuwa kaagad si mumsh Josh. "Ah sige. Thank you! Nagugutom na rin ako."

Tumawa si mumsh Charlie. Agad silang nagyayaang dalawa at nagtungo sa kusina.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa monoblock at pumunta sa sofa. Kinuha ko ang aking long dress. Umupo ako sa sofa at ipinatong na muna ang damit sa aking hita.

"How's tito?"

Tumingin siya sa akin at huminga nang malalim,  "Okay na raw siya sabi ni Jaylor,  nagiging stable na rin ang lagay niya."

"Ano bang nangyari sa kaniya?"

Tumingi siya sa ibang direksyon. "Well, pinutol ko na nga 'di ba ang partnership ng kompanya natin sa kompanya nila? May mga utang pa silang di nababayaran, iyon ay ang mga nagastos ng kompanya para makapagpatuloy pa rin ang kompanya nila." Huminga siya ng malalim. "By that I plan to take away their hacienda, coz that's our collateral. I also give them one week to find ways for them to pay, if not I will totally take it, and that's the reason why his father had a heart attack." Napatawa siya bigla. "but hey guess what, he gave me a check, seems like he has a supplier on that."

Kapagkuwan ay nawala ang kaniyang pagtawa, "And I put an end to our friendship also." dagdag niya. I can see the sadness in his eyes.

Nanatili akong tahimik.

He looked at me. His mood changed and he tried to uplift the atmosphere. "You go to your room and change. Anong oras ka susunduin ni Clement?" pag-iiba niya ng usapan.

"5 pm. Then 6 pm magsisimula." Lumunok ako ng laway. "Are you okay?"

"Yes, why would I not be?" He faked a smile and it disappears. "Now go upstairs, baka paghintayin mo pa si Clement kapag dumating siya."

He's not okay. I know that he's sad for what he did.

Mukhang ayaw niya nang makipag-usap kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya at umakyat sa kwarto.

Nagbihis ako ng damit at sinuot ang tube long dress. May maliit siyang pa-V line sa dibdib. And that shows a bit of my cleavage. It hugs my upper body and goes down freely onto my toes, it also have a slit on my right leg.

Humarap ako sa salamin pagkatapos kong ma-zipper ang likuran. Binuksan ko ang jewelry drawer ko at sinuot ang white gold necklace na may pendant na isang line na siyang dumiretso sa gitna ng aking dibdib.

Kinuha ko rin ang aking hairclip na lagi kong sinusuot.

It's just that, it's my fave hair accessory.

I spray my perfume on the spots I want to.

Kinuha ko na rin ang black clutch ko. Kinuha ko ang aking phone at tinignan kung may message na si Clement. Meron nga.

Gorgeous. <3

I'm on my way my lady. 😉

Napatawa ako at napakagat sa aking labi. Nag-reply ako.

Take care.

Inilagay ko na sa hand clutch ko ang aking phone pagkatapos kong ma-send iyon kay Clement, pati na rin ang lipstick. Kinuha ko na rin ang black stilettos ko sa box at binitbit ang mga ito pababa sa sala.

Naroon pa rin ang hampaslupa kong kuya, pero lumipat na siya ng pwesto, nakahiga na siya sa mahabang sofa at nagpo-phone. Nakasuot pa ang kaniyang sapatos habang nakapatong ito sa dulo ng upuan.

Umupo ako sa single sofa.

"Ba't di ka pa umaakyat?" tanong ko sa kaniya.

"I'm gonna wait until you go." sagot niya habang nakatingin pa rin sa kaniyang phone.

Tumango nalang ako kahit 'di siya nakatingin sa akin.

Pero bigla niya akong tinignan. Napairap siya at binalik ang tingin sa kaniyang phone. "Still ugly." rinig kong sabi niya.

"Wow, coming from you. Magkamukha lang tayo, duh!"

May nagbusina sa labas. Nilingon ko ang pinto at binalik ang aking tingin para magsuot ng heels.

"Andiyan na bebe mo." Tumayo siya.

"Let's go." Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko 'yon.

Humawak ako sa braso niya at inihatid niya ako sa labas.

Awtomatikong gumuhit ang aking ngiti nang makita ko si Clement na nakatayo sa labas ng kaniyang kotse.

Ngumiti siya sa akin. Omaygahd ang puso ko. Sobrang gwapo niya. Para atang bumagal ang mundo?

Naka-brush up ang kaniyang buhok. Nakasuot siya ng black polo pero hindi nakasara ang dalawang butones sa taas. Naka-coat rin siya ng red at tinirnuhan niya ng red slacks at black shoes.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng maabot na namin siya ni kuya. Amoy ko kaagad ang pabango niya. Mas lalo na naman lumambot ang puso ko.

He's smiling so much. "Hi." bati niya sa akin.

"Ako 'di mo babatiin?" sabat ng kuya ko. Napairap ako sa kawalan pero 'di pa rin nawala ang ngiti sa aking labi.

He chuckled and looked at my kuya. "Hi, Kuya Zed."

"Good." I heard the smirked on his tone.

Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Sige na, pumunta na kayo para 'di kayo ma-late sa event ninyo." sambit ng hampaslupa kong kuya.

"Mag-iingat kayo, at Clement..." tinignan namin siya ni Clement, "behave." seryoso niyang sabi.

Tumikhim si Clement at naging seryoso, "Opo."

"Good." Ngumiti si kuya, "Enjoy the night!"

Bumitaw ako sa hampaslupa kong kuya at tinignan si Clement.

May inilabas si Clement sa kaniyang likuran. "Here, for you." A bouquet of red roses.

Ahhhh! Kinikilig na ako nang sobra.

Inabot ko iyon. "Thank you." mahina kong sabi.

"Ang pabebe ng kapatid ko." mahinang sabi ng hampaslupa kong kuya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tara na." sabi ni Clement.

Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat. Pumasok ako roon at isinara niya. Hindi pa siya kaagad umalis sa kinatatayuan niya. Mukhang may munting habilin pa ang hampaslupa kong kuya.

Pinagmasdan ko muna ang bulaklak na binigay niya. Inamoy ko iyon.

Napatingin ako sa driver seat ng bumukas ang pinto no'n at pumasok si Clement.

"Hi." bati niya ulit.

"Nag-hi ka na kanina." nakangiti kong puna.

"Bawal ba?" Tinitigan niya ako. "You're so beautiful, Jess."

Wait lang para na ata akong mauubusan ng hangin. Fck. Naramdaman ko na naman ang 'di ko maipaliwanang sa tiyan ko, maging ang tenga ko ay nag-init.

"Ewan ko sa'yo." Inirapan ko siya at tumingin sa bintana.

"Kilig ka naman."

Hindi ko siya pinansin dahil 'di ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimulang magmaneho.

"Akin na muna yang bouquet." Tinignan ko si Clement. Binigay ko sa kaniya ang bulaklak at inilagay niya muna sa likuran. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Better."

Nakita ko ang ngiti niya at maging ako ay napangiti.

"Hindi mo man lang ba sasabihin na ang gwapo ng baby mo?" at ayan na naman ang pagpapabebe niya.

"Ang gwapo mo po Clement." kunwaring napipilitan kong sabi.

"Ba't Clement? Ayoko." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Ang gwapo naman po ng baby ko..." paglalambing ko sa kaniya.

"Thanks!"

Napairap nalang ako sa kawalan.

Hindi naman ganon katagal at nakarating na rin kami sa school. Pinarada niya ang kaniyang kotse sa parking lot malapit sa gymnasium.

"Wait for me." maawtoridad na sabi ni Clement ng alisin niya ang kaniyang seatbelt.

"Opo."

Lumabas siya sa kotse at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Binuksan niya iyon at inilahad niya ang kaniyang kamay. Inabot ko iyon at lumabas.

"Ready?" tanong niya nang maisara niya ang pinto.

"Very." I giggled.

Hindi pa kami nakakapasok kaagad sa loob ay rinig ko na ang musika sa loob, kita ko na rin kaagad ang iba't ibang kulay sa loob. Marami na ring mga students, na nakasuot nang naggagandahan nilang mga damit, ang pumapasok doon. Naroon din sa tapat ng pintuan ang security guard ng aming paaralan.

Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong kaagad sa amin ang red carpet aisle at sa unahan ay may arch ng white flowers.

"Hatid na muna kita sa mga classmate mo bago ko hanapin 'yong akin." sabi ni Clement sa aking tenga dahil may malakas na musikang tumutugtog.

May pumunta sa harapan namin na isang lalaking naka-blact coat at may dslr camera-ng nakasabit sa kaniyang leeg, "Ate, kuya." tawag niya sa amin. "Pwede pong daan kayo sa red carpet para makuhanan po kayo ng picture?"

"Gusto mo?" tanong sa akin ni Clement.

"Sure." sagot ko sa kaniya.

"Sige." pagkausap ni Clement sa lalaki.

"Sige po lakad na po kayo. Hinto nalang po kayo sa dulo andoon po 'yong kukuha ng litrato." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti ako sa kaniya. "Okay po."

Nakita ko sa aisle na may dumaan doon at huminto rin sila sa dulo. Nag-flash ang camera sa kanila.

"Let's go love."

Nagsimula kaming maglakad sa aisle. Bigla akong na-concious sa sarili ko dahil naramdaman ko ang luwang ng gymnasium, nasa bleachers na rin kasi ang karamihan ng mga estudyante kaya maluwang ang espasyo rito sa baba.

Naabot namin ang dulo ng aisle. Naroon ang isang lalaking may hawak ng camera.

Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti.

"Next pose po." sabi ng photographer.

Inalis ni Clement ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso at hinapit niya ang likuran ko kaya napaharap ako sa kaniya at napahawak sa kaniyang dibdib. Napasinghap ako pero agad rin akong naka-recover mula roon. Tumikhim ako.

Napaisip ako dahil nakahawak pa rin ako sa dibdib niya, saan ko ba ilalagay ang kamay ko?

"Love." tawag niya kaya tumingala ako.

"Yes?"

Sakto ang pag-flash ng camera.

"Wala lang gusto ko lang makuhanan tayo na gano'n ang posisyon natin. Sweet and cute." He winked.

Napatawa nalang ako. Oh gahd Clement.

Humarap siya sa photographer.

"Goods ba, bro?" tanong niya.

Nag-thumbs up ang photographer. "Very good bro!" Tumawa silang dalawa at nag-fist bump.

"Thanks bro." sabi ni Clement.

Napailing nalang ako. Umalis na kami at hinanap namin ang mga kaklase ko.

"I hope you're going to be the Queen of the Night and I'm the King of the Night." He giggled.

"JV!"

Napalingon ako dahil narinig ko na kaagad ang boses ni Heihei.

Kumaway siya sa akin at kinawayan ko rin siya.

Naglakad kami papunta roon ni Clement.

"Omg you're so pretty!" puri kaagad sa akin ni Heihei. Lumapit siya ng bahagya sa aking tenga, "And ohhh cleavage!" pang-aasar niyang bulong sa akin. She laughed before she pulled away.

"Ewan ko sa'yo." Natatawa kong sabi, kapag kuwan ay tinignan ko rin ang kabuuan niya, "But you're pretty as well!" Kinilig ako sa ganda niya.

"Duh of course! We're friends kaya mana ka sa akin." She flipped her hair.

Natawa ako sa sagot niya.

Tinignan niya kaming dalawa ni Clement. "And ohhh matchy-matchy kayo ni Clement! Yieeeee!" Sinundot niya ang tagiliran ko kaya napausog ako kay Clement.

"Tumigil ka." natatawa kong suway sa kaniya.

Naramdaman ko ang maiinit na labi ni Clement sa aking tenga kaya napahinto ako.

"Love, punta na ako sa classmate ko, ha? May attendance pa kasi kami," he chuckled "I'm gonna see you later."

Ba't parang nang-aakit ang boses niya nang ibulong niya ang huli niyang sinabi? Or is it just me?

"Punta na ako, love." He kissed my temple.

Tumango nalang ako sa kaniya.

Pagkaalis niya ay napatingin ako kay Heihei. At doon na lumabas ang kilig ko.

"Omg!" nagpipigil kong sigaw kay Heihei.

"Kilig ako sa inyo!" Hinawakan niya ang pisngi niya.

"Shhh, tama na." sabi ko ng dumating ang iba naming classmate para batiin kami.

"Ohh so sexy JV!" sabi ni Carol sa akin.

"Sus binobola mo ko ha."

Nagtawanan kami. Napatingin ang mata ko sa ibang direksyon at nakita ko si Timothy. Nakaupo siya sa bleacher kasama si Kej, mukhang kinakausap siya ni Kej pero siya naman ay nakatingin lang sa kawalan.

Pinanliitan ko siya ng mata.

Nilingon ko si Heihei at hinila ko siya. "Punatahan nga natin Heihei 'yong dalawa ro'n."

Umakyat kami sa bleachers at tumabi ako kay Timothy.

Pagkaupo ko sa tabi niya ay tinignan ko siya.

"Mukhang lalim ng iniisip natin ah."

Nilingon niya ako, lumaki ang mata niya ng makita ako, parang nagulat ata siya. Pero maging ako ay nagulat sa mata niya.

Para akong naistatwa sa nakita ko. May naalala ako.

"Ganda mo." mahina niyang sabi.

"Ba't green mata mo?" tanong ko.

Napatawa siya.

"May naalala ako sa'yo." sambit ko.

"Oh really? Who?" Iniharap niya ang katawan niya sa akin.

"May lalaki kasi sa event namin no'n. And green din ang mata niya parang you and him got the same..." I motioned my hands to explain what I wanna explain. "vibe."

"So you think that's me?" Tumawa siya sa akin kapagwakuwan naging seryoso siya at mas lalo niya akong pinakatitigan. "That's me."

"Wait, what?"

Umupo siya nang maayos at tumingin sa kawalan.

"I'm friends with your brother, right?"

"Oh! Okay. Ba't 'di mo sinabi sa akin na ikaw pala 'yon?"

Tumingin ulit siya sa akin. "Nothing. Wala ng thrill kapag nalaman mo kaagad, right?" He winked.

I stay stilled. Wala ng thrill kapag nalaman ko kaagad?

"Ganyan ulit ang itsura mo no'ng nakita mo ang mata ko." he said while looking at me.

Lumipat ang tingin niya sa buhok ko. Ngumiti siya. "Nice hairclip, by the way." Muli ay umayos siya ng upo.

Ano ba dapat kong sasabihin sa mga sinabi niya? Wala akong masabi. Medyo 'di lang nagsi-sink in na siya pala 'yon

"Thought you wouldn't wear that."

Napasimnagot ako kaya lumapit ako kaunti sa kaniya dahil hindi ko narinig, "What?"

Sinulyapan niya ako. Ngumisi siya at mahinang umiling.

"Naka-contact lens ka, right?" tanong ko.

"Yes."

Tumango ako at umayos ng upo. "I thought it was real."

"You sound disappointed. Do you want it real?"

Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin.

"Hmm. Nah."

"Guys! Guys!" tawag sa amin ni Carol. Umakyat siya palapit sa amin. "Maghanda na para sa waltz."

Umupo na rin ang iba naming classmate sa mga upuan na naka-assign para sa section namin. Pinahawak ko muna kay Carol ang clutch ko dahil hindi naman siya kasali sa mga sasayaw mamaya.

"By the way where's Jaylor and Lexy?" tanong niya sa amin.

"Hindi pa sila dumarating." sagot kaagad ni Heihei. "Kanina ko pa nga tinatawagan at mine-message pero hindi sumasagot." nag-aalalang niyang sabi.

"Baka nasa byahe na sila." pagpapakalma ni Kej kay Heihei.

Sumgaot rin si Carol, "Hindi bale, may 15 minutes pa naman bago magsimula. Baka parating na nga sila."

Nagpaalam na muna siya sa amin para bumalik sa kaniyang mga kaibigan.

Naghintay kami ng 15 mins pero pagkatapos no'n ay hindi pa rin dumating sina Lexy at Jaylor. Nagsimula na ang program.

Natapos na doxology pati ang pagkanta namin sa pambasang awit, tapos na rin ang openg remarks pero wala pa rin sila. Magsisimula na ang waltz.

"Hala paano 'yan wala sila Jaylor at Lexy." rinig kong sabi ng isa naming classmate.

Sumagot si Carol. "Ang magka-partner nalang is 'yong partner ni Jaylor at si Clement."

"Tara na." sabi ni Timothy sa aking tabi.

Inalalayan niya akong bumaba. Humawak ako sa kaniyang braso hanggang sa makaabot kami sa gitna ng gymnasium.

Bigla kong naramdaman ang kaba.

Pumunta sa harapan ko si Timothy at pumwesto na. Huminga ako ng malalim at hinanap ng aking mata si Clement.

Nakatingin na siya kaagad sa akin nang makita ko siya. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. He winked. Inirapan ko siya at binalik ang aking tingin kay Timothy.

Bago tumugtog ang kanta ay hinawakan ni Timothy ang bewang ko at ang kamay ko. Ipinatong ko naman ang aking kamay sa kaniyang balikat. Tumingin siya ng diretso sa aking mata.

"Let's enjoy this dance, shall we?" nakangiti niyang sabi.

"Sure!"

The music played and we started to dance.

"Let's enjoy this dahil hindi kita naisayaw noong birthday mo." naging malungkot ang mga mata niya.

Pinanliitan ko siya ng aking mata at kunwaring nagtampo, "Hindi mo 'ko sinayaw."

"Ito na nga sinasayaw ka na. I'm sorry for that, wala lang ako sa mood no'n."

Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng really-look.

Tumawa siya at tumingin sa ibang direksyon.

Nagpatuloy kami sa pagsayaw hanggang sa maabot namin ang steps kung saan malapit na akong lumipat ng partner.

"Lilipat ka na."

Pinaikot niya ako at lumipat ako sa sunod kong partner. At sumunod pa. Hanggang sa mapunta ako kay Clement.

Napasinghap ako dahil sa paghapit niya sa bewang ko palapit sa kaniya na hindi naman usual na lapit namin talaga. "Hi there gorgeous." He smiled playfully and winked.

"Alam mo ikaw masyado kang..." papogi "epal." Inirapan ko siya.

He chuckeld. "The epal of your life."

Napairap ako. "Whatever."

In-enjoy ko ang moment na iyon. I was smiling the whole time and he was also.

Naging seryoso ang mukha niya, "Hays, you're going back with that moron," bulong niya. Kapagkuwan bigla siyang ngumiti sa akin. "See you later, love." He winked again. Pinaikot niya ako para bumalik sa dati kong partner. At muling umikot. Hanggang sa makabalik ako kay Timothy.

"How's the landian?" tanong niya sa akin.

Napatawa ako at kinilig. "Good!"

Napangisi siya pero malungkot ang kaniyang boses, "Sana oil." Para siyang broken no'ng sinabi niya 'yon.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa ibang direksyon. "That, dumbass."

"Who?" tanong ko kaagad.

Hindi niya ako tinignan nang sumagot siya, "Bakit close ba tayo para sabihin ko?"

Wow.

Natapos ang sayaw namin at agad rin kaming bumalik sa upuan namin.

Pagkaupo namin ay nagsalita si Timothy na siyang katabi ko.

"Let's take a pic." Nilabas niya kaagad ang kaniyang phone at binuksan ang front camera.

Lumapit ako sa kaniya at ngumiti.

"Another one." sabi niya.

Nag-wacky kaming dalawa. At sunod-sunod niyang pinindot ang button kaya nag-iba-iba kami ng poses. Ginaya niya pa ang mga ginagawa ko.

"Wow, baka gusto niyong magsali?" rinig kong sabi ni Heihei.

"Okay." Masayang sabi ni Timothy.

Sunod-sunod kaming nag-take ng pictures.

"JV!"

Nilingon ko ang tumwag sa akin. Si Carol. "Hinahanap ka ni Clement." May tinuro siya sa baba kaya sinundan ko iyon ng tingin.

"Yieee!" asar na naman ni Heihei.

"Shhh." senyas ko kay Heihei. Gahd mamaya makisabay mga kaklase ko.

"Wait JV wag ka muna umalis picture muna tayo." sabi ni Carol.

May photographer sa baba kaya nagpa-picture muna kami. Pagkatapos no'n ay bumaba na ako para puntahan si Clement.

Hinawakan niya ang likuran ko. "Let's take some pictures."

Iminulat ko ang aking mata at tinignan siya.

Iginaya niya akong pumunta sa may arch ng white flowers.

"Here?" gulat kong tanong.

"Yes, ayaw mo ba?" Biglang bumaba ang energy niya. Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kaniya.

"It's okay!"

Bumalik muli ang ngiti sa kaniyang labi.

Tinawag niya ang lalaking kumuha ng litrato sa amin.

Habang kinukuhanan kami ng litrato ay napatingin ako sa gilid ng photographer. May nagkumpulang babae roon at nakatingin sa amin. Nakangiti sila at nagtatawanan parang kinikilig.

Oh, yah, what can I say. Ang gwapo ng nilalang na nasa tabi ko. Pakiramdam ko tuloy ay magpapakuha sila ng litrato kasama ang lalaking 'to.

"Thank you, bro." masayang sabi ni Clement. Nakipag-fist bump muli siya sa lalaking iyon. Mukhang magkakilala ata sila.

"Sure, no prob." sagot ng lalaki.

Aalis na sana kami pero,

"Excue me po." Nilingon ko ang babaeng isa sa mga nagkukumpulan kanina.

"Pwede pong magpa-picture?" tanong niya habang nakatingin kay Clement. Bumaling ang tingin niya sa akin at ngumiti, "pwede po?" tanong niya rin sa akin.

Napangiti nalang rin ako.

Lumapit sa tenga ko si Clement. "Okay lang ba?" tanong niya.

Sa totoo lang ayaw kong makipag-picture siya sa ibang babae maliban sa akin. Pero naisip ko picture lang naman iyon and crush nila si Clement, and of course kung magkaroon ka nga naman ng picture with your crush ang saya no'n. Gusto ko sanang tumanggi pero ang immature naman ata no'n, the fact na hindi pa naman kami ni Clement. Kaya...

"Okay lang." Ngumiti ako sa babae.

"Thank you po!" Kinilig siya sa sagot ko. Basta 'wag niya lang subukang agawin sa akin si Clement or landiin, sasapakin ko talaga ang babaeng 'to.

Lumayo muna ako sa kanila at tumabi muna ako sa pwesto ng photographer. Lumapit sa kaniya ang babae.

Magkalapit silang dalawa pero hindi naman gano'n dumikit ang babae. Behave naman ang kamay ni Clement dahil nanatili iyon sa kaniyang likuran.

Malapad ang kaniyang ngiti habang kinukuhanan sila ng litrato. Humahanga lang siguro talaga ang babaeng 'to sa taong mahal ko.

Pagkatapos nilang magpa-picture ay lumapit na ako sa kanila.

"Thank you po!" Ngumiti siya sa akin at maging kay Clement. "Sobrang idol ko po kasi talaga kayo sa basketball pati na rin po ng kapatid ko, kaya ayun! Thank you po ulit!" masaya niyang sabi.

She seems very happy with that.

"You're welcome," sabi ni Clement "Excuse us." dagdag niya. Hinawakan niya ang likuran ko at iginayang maglakad palabas ng gymnasium.

Bago kami tuluyang makaalis sa harapan ng babae ay nginitian ko rin siya.

Pagkalabas namin ay tinanong ako kaagad ni Clement, "Ba't ka pumayag?"

Bumagal ang paglalakad namin.

"Hmmm. Well wala pa ako sa buhay mo, I mean, no'ng hindi pa naman ganito ang connection natin marami ng nagpapa-picture sa'yo." I paused. Binabaan ko ang tono ng aking boses sa mga sunod kong sinabi. "Atsaka hinid pa naman talaga tayo."

Pero muli akong naging seryoso, "Basta, wag lang nilang subukang i-chat ka. Landiin ka. At lalong-lalo na agawin ka nila sa akin." Sinulyapan ko siya. "Alam mo rin naman kung sino ang mga dapat layuan at hindi." Inirapan ko siya. Bumulong ako sa aking sarili, "ayoko ring maramdaman mong pinagbabawalan kita sa mga bagay na nakasanayan mo. Baka masakal ka kaagad sa akin."

Huminto kami sa gilid. Napansin ko ang ibang students na nasa tapat ng kanilang mga sasakyan at doon nag-uusap-usap.

Pinaharap niya ako sa kaniya. He cupped my face and face it with him. He looked at me sincerely. "If you're not comfortable with it, it's okay baby to tell me." He kissed my temple and hugged me. "But from now on, I'm gonna limit myself with that," tumawa siya "co'z I know you're jealous."

"I'm not—" naputol ang papgprorpotesta ko.

"You're just trying not to make it look like it." panggagaya niya sa sinabi ko sa kaniya.

"Whatever."

"Sino pa ba ang kailangan kong ma-meet para maging legal na tayo baby?" pag-iiba niya ng topic.

Niyakap ko siya. "Basta po, but soon makikilala mo na siya. And sana..."

"Sana?"

"Sana magustuhan mo rin siya. I mean sana maging magaan rin ang loob mo sa kaniya dahil isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko."

"I think, we're gonna be okay." He's confident.

"Yes, I hope." Napatawa ako kahit nakaramdam ako ng takot na baka iwan ako ni Clement kapag nalaman niya ang lahat o kaya naman ayaw sa kaniya ni dad. "So. Sorry if I don't answer you yet because I want you to know him first."

"I can wait. And I know that you love me and that's enough for now."

Huminga ako ng malalim at mas lalo ko siyang niyakap. "There's a lot of things that you don't know yet about me."

Humigpit ang pagyakap niya sa akin. "I'll accept you and love you anyways." Sana masabi mo pa rin 'yan kapag nalaman mo na ang lahat.

"And you also, have a lot of things to know 'bout me." Tumawa siya para pagaanin ang paligid.

Tumingala ako. "And what's that?"

Tinignan niya ako. "You'll learn about it as we continue our journey." He paused. Pinanliitan niya ako ng mata. "So hangga't hindi ko pa nakikilala ang isang taong sinasabi mo, i-enjoy na muna natin ang panliligaw ko sa'yo at pagkilala natin sa isa't isa, right?" He smiled.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ligaw pero nagnakaw na ng halik?"

Wala siyang naisagot. Tumawa siya. "Okay, my bad. I'm sorry."

Kapagkuwan ay tumigil siya sa pagtawa. Patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin. "But then we're saying I love you's to each other."

Ngumiwi ako. "Ahm I think our label is unofficial?"

Meron bang ganon? Kung wala, ako na ang gumawa.

Alam ko namang kapag nagsabi na rin ako ng "I love you" habang nililigawan niya ako ay para ko na rin siyang sinagot. Hindi ba pwedeng sabihin ko rin ang nararamdaman ko sa kaniya pero ayaw ko munang maging kami, officially? Natatakot pa kasi akong sagutin siya, baka iwan niya lang ako kapag nakilala niya si dad.

Lumipat ang tingin niya sa buhok ko.

"Madalas 'kong napapansin na sinusuot mo ang hairclip na 'yan sa mga events or occasions."

"Oh, bigay kasi sa akin 'yan."

"Nino?"

"Ahm, Immy?" alanganin kong sagot dahil for sure maiinis 'to.

At tama nga bigla nalang nagseryoso ang kaniyang facial expression. "Oh that, Immy."

"Ba't mo pa rin sinusuot?" seryoso niyang tanong.

"Beco'z it's my fave." Binaba ko ang aking tingin. "Ayaw mo bang isuot ko?" nalungkot ako sa mismo kong tanong.

Nagbago ang kaniyang tono na parang sinusuyo ako, "I'm sorry, it's okay. Alam ko namang importante sa'yo ang bagay na 'yan. I'm just a bit jealous." He paused and take a deep breath. "Why is he so important, anyways?"

Sasagutin ko ba o hindi na muna?

Nakaramdam ako ng pag-vibrate sa aking legs. Umusog si Clement ay may dinukot sa kaniyang bulsa.

Nilabas niya ang kaniyang phone at kinalikot iyon. Nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Nag-text si Heihei." Iniabot niya sa akin ang kaniyang phone. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya.

Binasa ko ang mensahe ni Heihei.

Hey, wala na raw ang dad ni Jaylor kaya di sila naka-attend. Oh god.

Just inform JV, andito kasi ang clutch bag niya.

Nabigla ako sa nabasa ko. Nag-alala ako at nalungkot.

Akala ko ba okay na ang dad ni Jaylor? What happened?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro