C H A P T E R 24
[JV's POV]
Tapos na ang klase at kasalukuyan na kaming nasa sasakyan ni Clement, siya rin ang nagmamaneho.
Tahimik lang akong nakaampat sa bintana habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas.
Kailangan kasi naming pumunta sa kompanya namin. Medyo busy kasi si mumsh kaya sabi ko, ako nalang pupunta roon para mamili ng aking isusuot para sa event namin bukas.
Muli akong napabuntong hininga ng maalala ko naman ang tungkol sa dad ni Jaylor.
Kamusta na kaya si Tito?
"Love," malambing na tawag sa akin ni Clement.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso.
Nilingon ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay. Pinaghugpo ko ito at pinagmasdan.
Humigpit ang kaniyang paghawak. "Hey..." masuyo niyang tawag.
Tinignan ko siya. Saglit niya akong sinulyapan at binalik niya rin ang kaniyang tingin sa daan.
"What's in your mind?" tanong niya.
Hindi ako agad na sumagot at muling napabuntong hininga. Muli kong binaba ang aking tingin sa kamay naming dalawa.
"Nasa hospital ang dad ni Jaylor. He said it was my brother's fault." malungkot kong sagot sa kaniya. "I'm worried."
Inilipat ko ang aking tingin sa kaniya.
"Love, he's gonna be okay." He was assuring me.
"That's not it." mariin kong sabi. Kumunot ang aking noo. "What if kuya really did something? Though he said he didn't do something, but then Jaylor was blaming him."
"Kilala ko ang kuya mo." He paused for a bit. "Kung may ginawa man siya tingin ko hindi naman 'yon foul sa side nila Jaylor, kasi ayaw niyang magalit ka. Kaya ang gagawin niya, hahanap siya ng mali sa kanila at doon siya babawi. Para masabing okay lang na gawin 'yon." Huminga siya ng malalim. "So that it was not just base emotionally, but also logically."
"And what would that be?"
Nagkibit-balikat siya. "I don't know."
Napahinga nalang ako ng malalim at pinikit ang aking mata.
"Love, don't worry. Trust your brother."
"You don't know what he can do. You have no idea."
Pagkaparada ni Clement ng sasakyan ay umakyat na kami sa building at hinanap na namin si mumsh.
'Di naman kami nahirapang hanapin siya dahil agad namin siyang nakita sa front desk, nakikipag-usap siya roon sa babae.
Hinihintay niya pala kami. Binati namin siya at gano'n rin siya sa amin.
"Okay, let's go?" nakangiti niyang tanong sa amin.
"Opo," sagot ko sa kaniya.
Naunang maglakad sa amin si mumsh papunta sa kwarto kung saan ay naroon ang mga limited edition na damit.
May nakasalubong rin kaming isang lalaking modelo.
"Oh, Jessi, hi!" Ngumiti siya at kumaway.
"Hi," bati ko sa kaniya tsaka ko siya nginitian.
Nang makalagpas na kami ay dumikit lalo si Clement sa akin.
"Who's that?" casual niyang tanong.
Tinignan ko si Clement bago sumagot nang malumanay, "Paul, he's a friend" binalik ko ang tingin sa aking dinaraanan "and he's gay. Don't be jealous." dagdag ko.
"Do I look like I'm jealou—"
"Yes," pagpuputol ko sa kaniya "you're just trying not to make it look like it."
"I'm not." depensa niyang sagot.
Napailing nalang ako at napatawa ng palihim.
Ilang saglit pa ay nakapasok na kami sa room. Agad kong nakita ang mga dresses na nakapalibot sa buong kwarto. Nakaayon rin ang pagsasama-sama ng mga long dresses sa kapareho nilang kulay.
"What color, babygirl?" masayang tanong ni mumsh habang nauuna siyang naglalakad patungo sa gitna.
"Hmmm." Napaisip ako.
Huminto si mumsh kaya huminto rin kami. Humarap sa akin si mumsh.
"Red, black and white po kasi ang theme." dagdag ko.
"Oh okay." Tumalikod si mumsh sa amin at humarap sa mga damit. He pointed his right foot at his side. Humawak siya sa kaniyang bewang. Mukha siyang nasa pictorial dahil sa kaniyang postura. Palinga-linga rin ang kaniyang ulo habang tinitignan ang mga damit na nakahanger.
Hinapit ni Clement ang bewang ko. Bumulong siya, "But I think you really look good in red." He giggled. "You look sexy."
Hindi ko alam pero bigla nalang uminit ang tenga ko.
"Yes, babyboy, you're right." Bumaling kaagad ang tingin ko kay mumsh nang magsalita siya. Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa amin "red really suits you, babygirl."
Gahd narinig niya 'yong sinabi ni Clement. And of course, narinig niya rin kung paano niya 'yon sinabi.
Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang hiya.
"What do you want babygirl? Sexy dress? Backless? —"
Hindi ko na muling narinig pa ang mga sunod na sinabi ni mumsh dahil sa paglapit muli ni Clement sa aking tenga.
"You can wear sexy dress but not too revealing. Okay? Just so you know it's okay with me." He kissed my temple "I want you to look beautiful and feel beautiful about yourself."
My heart melts.
"Just not too revealing, okay?" pag-uulit niya. "I don't want other guys looking at my girl and would disrespect her."
Wala akong nasabi dahil sa mga sinabi niya. Pero si mumsh, narinig ko ang mahina niyang pagtawa na parang kinilig.
Naputol ang pagkatulala ko nang tawagin na ako ni mumsh para magsimulang maghanap ng damit.
Paulit-ulit rin akong nagsukat ng mga dresses para lang mahanap ang pinakada-best na damit na aking isusuot.
Sa lahat ng sinuot ko at sa tuwing lalabas ako ng fitting room ay lagi kong nakikita ang pagkislap ng mata ni Clement.
Kinikilig nalang ako sa tuwing naiisip ko kanina ang kaniyang mga papuri sa tuwing makikita niya ako. Kahit na medyo nahihiya na ako dahil naroon din si mumsh ay hinayaan ko nalang. Nakikisabay pa nga siya sa pang-aasar sa amin kaya hindi ko mapigilang uminit ang aking tenga.
Naglalakad na kami papuntang elevator dahil tapos na akong pumili. Huminto kami sa harap no'n at pinindot ni Clement ang button.
Hinarap ko si mumsh, "Thank you mumsh." malambing kong sabi sa kaniya. Niyakap ko siya at bineso. Humiwalay ako sa kaniya at sunod naman niyang niyakap at bineso si Clement.
"Mag-iingat kayo paauwi ha." pagkausap niya sa aming dalawa ni Clement pagkatapos niyang yakapin si Clement.
"Yes po mumsh." Sagot naming dalawa.
Tumunog ang elevator kaya nilingon namin ito ni Clement.
Muli kaming lumingon ng magsalita si mumsh.
"O sige na. Sumakay na kayo at may gagawin na rin ako, mag-iingat kayo, okay?"
"Opo." sagot ko.
Iginaya ako ni Clement papasok ng elevator. Kumaway pa kami kay mumsh bago tuluyang magsara ang pinto.
Kaming dalawa lang ni Clement ang nasa loob ng elevator na binalot ng mirror. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Sumandal ako at huminga ng malalim.
Nakita ko ang repleksyon niya na nilingon ako.
"You look tired, love." malungkot niyang sabi.
Tinignan ko siya. "Yes, I'm tired."
Lumapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya at hinayan ang sarili kong manghina.
Napaatras siya pero agad naman niyang nakuha ang kaniyang balanse.
Narinig ko ang pagtawa niya.
"Do you want me to carry you?"
"Nah, I'm fine."
"Iniisip mo na naman siguro ang tungkol sa dad ni Jaylor."
Hindi ako sumagot.
Hinaplos niya ang buhok ko.
"He's gonna be fine."
Hindi talaga mawala sa aking isipan ang sinabi ni Jaylor. Ano bang nagawa ng kuya ko.
"Gusto mong kumain muna tayo?" alok niya. Tumingala ako sa kaniya at tinitigan lang siya.
"Is that a yes?" Hinawi niya ang buhok ko at pinunta sa likuran ng aking tenga.
Muli kong binalik ang pagkakasandal ng aking ulo sa kaniyang dibdib.
"No, I wanna go home."
Hindi na siya sumagot pa. Nanatili kaming ganon hanggang sa bago magbukas ang elevator.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya ng bumukas ang pinto. Hinawakan ni Clement ang bandang ibaba ng aking likuran ng maglakad kami.
Nadaanan namin ang iba pang elevators, kakabukas rin at nagsisilabasan ang mga tao.
Napasimangot ako ng may nahagilap ang aking mata na pumasok sa isang elevator.
Nakita ko ata ang malanding babae, si Steccy.
Binilisan ko ang aking paglakad para maabutan ang elevator na kaniyang pinusakan at masilip, kung siya nga ba talaga iyon.
Pero pagkarating ko sa tapat no'n ay sumara na ito.
"Hey, why?" nagtatakang tanong ni Clement sa aking tabi. Nanatiling nakapako ang aking mata sa pinto nang umiling ako.
"Parang nakita ko si Steccy."
"Steccy? 'Yong babae ni Jaylor?"
"Yes."
"Baka namalik-mata ka lang. Ano namang gagawin niya rito?"
Sabagay, ano naming gagawin ng babaeng 'yon dito. Subukan niya lang tumapak dito.
"Yeah, you're right. Let's go." walang emosyon kong sabi kay Clement.
Nasa byahe na kami ni Clement. Mayroong mahinang musika na tumutugtog sa loob ng kaniyang kotse. Hawak ko ang kaniyang isang kamay habang ang isa naman niyang kamay ay nasa manobela. Pumikit ako at nilaro ang kaniyang kamay.
Maya-maya ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Inalis niya rin ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay kaya iminulat ko ang aking mata.
I frowned, "Why?"
Tinignan niya ako at sumagot, "Wait lang, love." Ngumiti siya sa akin bago niya buksan ang pinto at lumabas.
Sinara niya ang pinto at sinundan ko siya ng tingin papunta sa harapan ng sasakyan.
Mas lalong kumunot ang aking noo dahil may huminto ring sasakyan sa harapan namin. May lumabas na dalawang lalaki at lumapit sila kay Clement.
Sino 'yong mga yun?
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone kaya yumuko muna ako at kinuha iyon sa aking bulsa.
Pagkalabas ko ng aking telepono ay nakarinig ako ng putok ng baril kaya agad akong nag-angat ng tingin.
Nakatutok ang baril ng isa sa mga lalaki sa kaniya.
Dali-dali kong binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas.
"Clement what's this?"
Nilingon niya ako, "It's nothing. Bumalik ka na sa loob." Binigyan niya ako ng ngiti. Muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa mga lalaki.
Nakatutok pa rin sa kaniya ang baril ng lalaki.
Naglakad ako palapit sa kaniya pero agad akong napahinto sa kinatatayuan ko dahil sa pagputok ng baril.
Napahinto ako at tinignan si Clement. Bigla nalang bumagsak ang katawan niya sa daan.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naistatwa ako.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita kong dumaloy ang dugo mula sa kaniya. Tumakbo ako papalapit sa kaniya.
"Clement," garagal kong tawag sa kaniya. Iniharap ko siya sa akin.
Napasinghap ako dahil bukas ang mata niya at butas ang kaniyang noo.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi pero hindi siya sumagot.
No. No. No.
Sobrang lamig ng pakiramdam ko. What's happening!?
"I realized that I should hurt his sister, because if I would do that, he will suffer more."
Tumingala ako dahil sa nagsalita.
"Jaylor?"
"Baby! Jess, Jessi!"
Sumikip ang dibdib ko. Nagising ako dahil sa alog na naramdaman ko sa aking balikat. Humikbi ako ng sunod-sunod dahil sa takot na aking naramdaman. Nakita ko siya na nasa aking tabi at nagmamaneho. Pumikit ako habang kinakalma ang aking sarili.
Nag-aalala niya akong pinaklama, "It's okay, it's okay..." Boses niya 'yon. Muli niyang hinawakan ang kamay ko.
"Clement..." tawag ko sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa paghikbi.
"I'm here..." malambing niyang sagot sa akin.
Iminulat ko ang aking mata, inalis ko ang seatbelt na nakayakap sa akin at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
"It's okay baby...You're just dreaming..." Hinagod niya ang likuran ko.
"Stay with me, Clement."
"What?" pagtataka niya, kapagkuwan ay narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa, "Of course I'm staying—"
"I mean at my place, wag ka na munang umuwi. Roon ka na matulog, please..." Hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kaniya.
"Okay, sure. But why? Is this about your dream?" mahinahon niyang tanong.
"Yes, I dreamt of you." mahina akong napahikbi "It was a bad dream," humikbi ako "You were shot, and there was Jaylor."
"It's just a dream, baby, okay? I'm here, no one's gonna shoot me." pagkumbinsi niya sa akin.
Hanggang sa pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay nakayakap lang ako sa kaniya. Pinarada niya ang kotse sa tapat ng bahay.
"Love, bababa na tayo." Natatawa niyang sabi ng hawakan niya ang braso kong nakayakap sa kaniya.
"I know." pabebe kong sagot sa kaniya.
Narinig ko na naman ang pagtawa niya, "Bitaw ka na para makababa na tayo."
Hindi ako sumagot at humiwalay ako.
Inalis niya ang seatbelt niya at at binuksan ang pinto. Bago niya maihakbang ang kaniyang paa sa labas ay binuksan ko na rin ang pinto sa akin.
Hinawakan niya ang braso ko kaya nilingon ko siya.
"Let me open the door for you, okay?" Ngumiti siya sa akin. "Isara mo na 'yan 'uli para buksan ko."
Naalala ko na naman ang panaginip ko.
Tumango ako sa kaniya at sinunod ang kaniyang sinabi. Pagkalabas niya ay sinundan ko lang siya ng tingin ng umikot siya sa sasakyan at pumunta sa akin. Binuksan niya ang pinto.
Lumabas ako roon.
"Next time, wait for me." seryoso niyang sabi. "Lagi naman kitang pinagbubuksan ng pinto, right?" Tumango ako ulit sa kaniya. "So, always wait for me." maawtoridad niyang sabi.
Nang maisara niya na ang pinto ay kumapit ako sa kaniyang braso papasok sa bahay.
Pagtapak ng aming paa sa bahay ay muli siyang nagsalita, "Hindi ako aalis, love. Kapit na kapit ka sa akin." paloko niyang sabi.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagkapit sa kaniyang braso. Umupo kami sa sofa.
Narinig ko nalang bigla ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan. Tumingin ako sa bintana na nasa likuran ni Clement. Ipinatong ko ang aking pisngi sa kaniyang braso habang nakatingin ro'n
"Hindi ka pa ba gutom, love?" tanong niya sa akin.
Sumagot ako ng hindi siya tinitignan, "Gutom."
"Ako rin, pakainin mo ko." pabebe niyang sabi. Tumingala ako sa kaniya at pinanliitan ko siya ng mata.
"Gutom na rin ako." Nag-pout siya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya, "Sige, sasabihin ko kay Manang Carmen na maghanda na siya ng pagkain."
"Sige, hihintayin kita rito."
"Anong gusto mong pagkain?" tanong ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. "Kahit ano."
"Okay." Ngumiti ulit ako sa kaniya at tumayo.
Dumiretso ako sa kusina para hanapin si Manang Carmen. Nakita ko siya. Nakatalikod siya sa akin at busy-ing naghahalo ng kaniyang niluluto.
"Manang Carmen, ano pong niluluto niyo?"
Napaigtad siya at lumingon saglit sa akin.
"Aysusmaryosep kang bata ka," rinig kong sabi niya.
Natawa ako. "Sorry po nagulat ko po ba kayo?" nahihiya kong sabi.
"Medyo lang naman hija." Patuloy pa rin siya sa paghalo sa kaniyang niluluto. "Pero nagluluto ako ng adobong manok, nagugutom ka na ba?" saglit siyang huminto "eh malapit na rin itong matapos ha? Unting hintay nalang hija." malambing niyang sabi nang hindi ako tinitignan.
"Okay po sige," huminto ako at mahinang nagsalita "kasama ko po pala si Clement, padagdag nalang po ng isang pinggan mamaya sa lamesa, Thank you po!"
"Sige, hija." masaya niyang sabi. "Kumusta naman kayo ni Clement?" bigla niyang tanong sa akin.
"Okay naman po." batid ko ang kasiyahan sa aking boses.
"Mabuti 'yan. Basta't mag-aral kayong mabuti at 'wag magpapabaya." Rinig ko sa boses na Manang Carmen ang pagmamalasakit sa amin.
"Opo naman po Manang Carmen!" I assured her. "Kaya 'wag na po kayong mag-alala kasi mabuting lalaki po si Clement 'di niya rin po hahayaang mapariwara kami."
Narinig ko ang pagtawa ni Manang Carmen na parang kinikilig, "Maganda kung gano'n." Bahagya siyang tumagilid para kunin ang pampalasa kaya nakita ko ang kaniyang ngiti. "O siya sige at puntahan mo na siya ro'n at baka hinihintay ka na. Tatawagin ko na lamang kayo kapag ito'y natapos ko nang lutuin."
"Sige po! Sarapan niyo po ha?" I chuckled.
"Ay nako hija, hindi mo na kailangang sabihin sapagkat masarap naman talaga magluto ang Manang Carmen mo!" pagmamalaki niya sa kaniyang luto.
"Syempre naman po! Manang Carmen ata ang nagluto!" pagsang-ayon ko.
Sabay kaming tumawa at kapag kuwan ay nagpaalam na rin ako, "Sige po punta na po muna ako sa sala."
"Sige."
Naglakad ako pabalik sa sala. Nasilip ko na may hawak si Clement na photo album. Huminto ako at pinagmasdan siya. Pangiti-ngiti siya mag-isa habang pinagmamasdan ang bawat litrato.
Pinanliitan ko siya ng mata kahit hindi niya ako nakikita.
Ano naman kayang ngini-ngiti-ngiti ng lalaking 'to.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Tumikhim ako, "Ngini-ngiti-ngiti mo riyan?" tanong ko sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin "Wala, ang cute mo lang sa mga pictures mo nong bata ka."
Napailing ako at tumingin rin sa photo album na kaniyang tinitignan.
Inilipat niya ang pahina.
"Who's this?" Itinuro niya ang lalaking kasama ko sa picture. Ang lalaking kulay berde ang mata.
"Kalaro ko 'yan dati sa states." sagot ko. "Nakalimutan ko na ang name niya, pero I used to call him, Immy."
Napangisi siya "Immy, huh?" pag-uulit niya sa sinabi ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil nakarinig ako ng sarkastiko mula sa kaniya.
"You played a lot with him?"
"Yes, kalaro namin siya ni kuya."
Inilipat niya ang pahina.
"You seemed very close." seryoso niyang puna dahil may litrato na naman kaming dalawa ni Immy.
Natawa ako. "Are you jealous?"
"Yes," mabilis niyang sagot "that moron."
"What?" Hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi.
Huminga siya ng malalim at muling inilipat ang pahina. "Nothing."
"Where is he now?" tanong niya.
"Who, Immy?" My lips pressed. "Ewan ko, umuwi kasi siya rito sa Pilipinas dati tapos hindi na siya bumalik." Muli akong nalungkot dahil naalala kong muli noong birthday ko, hindi siya dumating. "Sabi niya nga pupunta siya sa birthday ko, sasakay niya pa nga raw ako sa bike niya no'n, pero di siya dumating."
"Gusto mo siyang makita 'uli?"
"Hmm, oo." napahinto ako saglit. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kawalan. "Ano na kayang itsura niya ngayon?"
"He looks like a moron." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko iyon.
Napatawa ako ng tahimik. "You're jealous."
He tsked.
Paano kung inisin ko pa siya lalo?
Lumapit ako sa kaniya at dinungaw ko ang photo album.
"Ba't tinitignan mo pa rin? Baka magselos ka lalo."
"Whatever. Gusto ko lang tignan itsura ng kalaro mo."
Tinignan ko siya at pinanliitan ko ng mata. Hindi niya ako tinapunan ng tingin.
"Sa mata lang naman siya nakalamang sa akin." masungit niyang sabi. "Pero kapag ganyan rin ang mata ko," ngumisi siya "malamang wala na 'yang panama."
"But his eyes are beautiful, right?" tanong ko sa kaniya.
Matalim niya akong tinignan. "Yes," binalik niya ang kaniyang tingin sa photo album. "Ganyan din mata ko rati kaso nagbago lang." mahina niyang sabi.
Napatawa ako. "Talaga ba?" Mukhang selos na selos na siya.
"Edi magpapapalit ako."
Ang sungit naman.
"Uuwi na nga ako." inis niyang sabi. Akma niya nang isasara ang photo album ngunit mabilis kong nilapag ang aking kamay roon.
Sinimangutan ko siya. "Kita mong umuulan nang malakas, tapos uuwi ka?" Tinignan niya ako "Atsaka sabi ko rito ka muna matulog, ayaw muna kita hayaang mag-isa after nang mapanaginipan ko."
Walang emosyon siyang sumagot sa akin, "Okay, fine. I'm just kidding. Iniinis mo kasi ako." Napabuntong hininga siya at muling binalik ang tingin sa photo album. Kapagkuwan ay naalis ang pagsimangot ko at ngumiti.
Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya. "Don't be jealous. Kalaro ko lang 'yan no'ng bata ako, okay? Atsaka wala naman na siya, di ko na nga alam kung nasaang lupalop siya."
Nilingon niya ako, "What if andito lang siya?" mahinahon niyang tanong sa akin.
Yumuko ako, "Edi andito lang siya." sagot ko naman sa kaniya.
"Hindi mo ba naging crush 'to rati?" tanong niya.
"Naging crush," nakita ko kaagad ang pagkuyom ng kaniyang kamao "kasi maganda mata niya." Naging visible ang mga veins sa kaniyang kamay. Mukhang nanggigigil na.
He cursed. "Magpapapalit na talaga ako."
Napatawa na naman ako sa kaniya. "Maganda mata mo, love. Okay? Di mo na kailangang palitan. Atsaka 'yang mata mo pa rin ang gusto kong tititigan nang matagal." Unti-unting nawala ang gigil sa kaniyang kamay. Naging relax na rin ang kaniyang kamao. "Iyang mata mo pa rin ang gusto kong tumingin sa akin." Tinignan ko siya. "Mga mata mo pa rin ang lumulusaw sa puso ko. Kaya 'wag mong papalitan." Tinignan ko siya ng diretso sa kaniyang mata. "Kahit titigan pa ako ng kung sinoman na may magandang mata r'yan, hindi ko mararamdaman ang nararamdaman ko sa tuwing ikaw ang gumagawa no'n."
Hindi siya nagsalita kaagad. Nanatili siyang tahimik. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang tenga.
"Paano kung pinalitan ko ang mata ko? Gusto mo pa rin bang titigan? Malulusaw ko pa rin ba ang puso mo kapag tinitigan kita?"
Binalik ko ang aking tingin sa kaniyang mata. "Yes, kasi ikaw pa rin ang gumagamit ng matang 'yon."
He didn't say a word but he looked at me intensely. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
Mas kumalabog lalo ang puso ko dahil sa sunod niyang sinabi, "I think I want to feel the warmth of your lips" he paused for a bit, "on mine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro