
C H A P T E R 23
[JV's POV]
"Di mo man lang ako aalukin or bibigyan?" Huminto ako sa pagbukas ng barnuts at tinignan si Timothy.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Binigay mo 'di ba?"
"Damot ah." reklamo niya.
Kumuha ako ng isa at binigay sa kaniya, "Oh 'yan na, baka umiyak ka pa 'pag 'di kita binigyan."
"Guys!" Awtomatikong umangat ang tingin ko at tinignan ang nagsalita. "Practice na raw po." Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti. Nginitian ko rin siya at dali-daling tinago ang barnuts sa aking bag at tumayo.
"Oh the dumbass." Agad na nagsalubong ang kilay ko at tinignan si Timothy.
"Sino?" tanong ko sa kaniya.
Tumayo siya at ngumisi, "Wala."
Naglakad siya at iniwan akong nakatayo. Sinundan ko siya ng tingin. Bago siya lumabas ay tinanguan niya si Clement na nasa gilid ng pintuan. Napailing si Clement at napangisi.
"Naging friendly sila sa isa't isa?" bulong ko sa aking sarili.
Naglakad ako palabas, papunta kay Clement.
Hinawakan niya ako sa bewang ng makalapit ako.
Bumulong siya sa aking tenga, "Bakit ganyan itsura ng love ko?"
"Ahem! Ahem!" narinig ko na naman ang boses ni Heihei.
Nilingon ko ang nasa likuran namin, nakaabay si Kej kay Heihei, "Ang kati ng lalamunan ko baby!" dagdag ni Heihei.
"Oh wait baby," hinila ni Kej si Heihei palayo sa amin, "wag ka r'yan madaming langgam, baka makagat ka." Napatawa ako ng lagpasan lang nila kaming dalawa. Parang 'di nila kami nakita pero nagawa nilang magparinig. Mga sira ulo talaga.
"Nakakainis talaga sila." mahina kong sabi habang naglalakad kami.
"Kung naiinis ka ba't ka nakangiti? Kinikilig ka lang eh." Agad ko naming inalis ang ngiti ko sa aking labi. Oo nga nakangiti nga ako.
Pagkarating namin sa gymnasium ay agad kaming nag-ensayo.
Tahimik lang kaming dalawa ni Timothy habang sumasayaw. Pero may naalala ako. "Timothy may tanong ako."
Tinignan niya ako, "What?"
"Bigla mong pinansin si Clement kanina, ang unsual lang?" Hindi niya ako sinagot at pinaikot ako. Pagkaharap ko ay natanggap ko na naman ang nakakainis niyang sagot.
"Bakit close ba tayo para sabihin ko?" Inirapan ko siya ng malala
"Edi wag." bulong ko.
Iginala ko nalang ang aking mata at hinanap si Clement.
Magkasayaw sila ni Lexy, as usual. Nakatingin lang sa ibang direksyon si Lexy at maging si Clement ay ganon rin. Buti naman. Pero biglang nagtama ang mata namin ni Clement. Isang kindat ang ginawa niya at ngumisi.
Pinanliitan ko siya ng mata at pinigilan ang aking pagngiti.
"Love him so much?" tanong ni Timothy. Hindi ko siya nilingon.
"Yeah." sagot ko ng hindi pa rin inaalis ang tingin ko kay Clement.
"Nice," malamig niyang wika. Iniangat ko ang tingin ko kay Timothy pero hindi siya nakatingin sa akin.
Nanatili na siyang tahimik pagkatapos no'n. Parang bigla ata siyang nawala sa mood. Pangiti-ngiti pa siya kanina tapos bigla na naman siyang poker face. Medyo nakaramdam tuloy ako ng awkwardness.
Hmmm ano pa ba ang pwede kong itanong kay Timothy?
"Lilipat ka na sa kaniya." Bigla niya akong pinaikot. Lumipat ako sa isa kong partner at muli akong lumipat hanggang sa nakaabot ako kay Clement.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makaharap ko siya.
"Hi, love." bati niya ng mahawakan niya ang kamay at bewang ko.
I chuckled, "Hi."
"Kanina ko pa hinihintay ang formation na 'to." nakangiti niyang sambit.
"Why?" I know why and I think we have the similar reason. But still I wanna hear it from him.
"Because I get to dance with you. And by that I can see your beautiful face, I can smell your perfume, I can touch you and flirt with you even in small amount of time." Naging mapanloko ang kaniyang mga ngiti.
"You, do you like this formation?" Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi.
Inirapan ko siya at tumingin sa ibang direksyon.
"Ayaw mo?" naging pabebe ang kaniyang boses dahilan ng pagtingin ko sa kaniya.
"Gusto," masungit kong sagot sa kaniya.
"Good." Direstso ang kaniyang tingin sa aking mga mata. Para ata akong matutunaw.
Huminga ako ng malalim dahil parang feeling ko nauubusan ako ng hangin sa aking katawan. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng aking puso. Gosh.
Sa kabila ng pagtititigan namin ay humigpit ang hawak niya sa aking kamay. "Sabay tayong mag-lunch love ha?" malambing niyang sabi.
"Sabay naman tayo ha, di mo ba nabasa 'yong—"
"Nabasa ko po," pagpuputol niya sa aking sasabihin.
"Ba't mo pa ako tinatanong, kung nabasa mo?"
"Wala, gusto pa rin kitang ayain kahit inaya mo na ako." He winked and it made my heart skipped for a bit.
"Good morning, love! Daanan mo ko mamayang lunch, sabay tayong kumain. Have a nice day! insert smiley face and small cute heart. Dash, Love." Ine-recite niya ang isinulat ko sa papel.
Lumapit siya sa aking tenga at bumulong, "Kinilig ako no'ng nabasa ko 'yon." I heard him giggled before he pulled away.
May kung ano akong naramdaman sa aking tiyan. "Ewan ko sa'yo." And again, he giggled. Gosh, he's so cute.
"So saan mo gustong kumain, love?" tanong niya.
"Sa malapit sa garden," suhestiyon ko.
"Sure, love." Isang ngiti na naman ang gumuhit sa kaniyang mga labi, "I love you."
Nginitian ko siya bago sagutin, "I love you too." bulong ko.
"Ahem, biglang kumati lalamunan ko." Sabay kaming napairap ni Clement at nilingon si Kej, na katabi namin.
Bumalik ang tingin ko ng magsalita muli si Clement, "Talk to you later, love." Pinaikot ako niya para makabalik sa dati kong partner.
Pagkabalik ko kay Timothy ay mas lalo atang sumimangot ang kaniyang mukha. His jaw is clenching.
"Timothy, okay ka lang?" Tinignan niya ako kaagad.
Ngumisi siya. "Never been better." Agad niyang inalis ang tingin sa akin.
"Sure ka?" tanong kong muli.
Hindi niya ako tinignan ng sumagot siya, "Yeah."
Mukhang wala talaga siya sa mood kaya di na ako nagtanong pang muli.
Nakailang ulit din kami sa aming sayaw hanggang sa mag-lunch break.
Sabay-sabay kaming bumalik nila Heihei sa classroom.
Nakahawak ako sa kaniyang braso habang naglalakad kami. "Heihei, di kami makakasabay sa inyong kumain—" naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsabat niya kaagad.
"Sure, naiintindihan namin, wag kayong mag-aalala. Enjoy your landian moments!" nakangiti niyang sabi.
"Shh ang ingay mo," saway ko sakaniya.
"Yiee!" Inalis niya ang pagkakawah ko sa kaniyang braso at sinundot ang aking tagiliran.
"Heihei!" muli kong saway sa kaniya habang natatawa ako.
Pagkapasok namin sa room ay kinuha ko na kaagad ang aking bag. Nagpaalam ako ulit kina Heihei.
Si Timothy naman ay patango-tango lang sa lahat ng sinasabi ko sa kaniya. "Sungit mo," sabi ko sa kaniya.
Tinignan niya lang ako saglit at inirapan.
"Bye, Timothy! Sungit mo!" paloko kong sabi sa kaniya. Sa pagkakataong 'yon ay nginisihan niya ako at tinanguan.
Lumbas na ako ng room at sinalubong ako ng ngiti ng Clement.
"Tara na ro'n may dala na akong pagkain," ngiting sabi ko sa kaniya.
"Nagbaon ka?" tanong niya. Tinanguan ko siya bilang sagot.
"Doon tayo." Sabay turo ni Clement sa gitnang round table na nasisilungan ng malaking puno.
Pumwesto siya sa kabilang bahagi ng table at umupo. Nanatili naman akong nakatayo tsaka ko inilabas ang plastic na pinaglagyan ko ng mga tupperware.
Binuksan ko 'yon at isa-isang nilabas ang laman.
"Hold these." Binigay ko sa kaniya ang dalawang piraso ng kutsara at tinidor. Sunod kong nilabas ang dalawang tupperware ng rice.
Tinignan ko si Clement na nakatingin lang sa plastic. Hinihintay niya ata kung ano ang susunod kong ilalabas. Hays ang gwapong nilalang.
Pagkalabas ko ng ulam. Bigla siyang napangiti ng malapad.
"Sabi ko na nga." Tinignan niya ako.
Kumunot ang noo ko dahil wala naman siyang sinabi, "Ano bang sabi mo?"
"Sabi ko na nga Menudo ulam."
"Paano mo nasabi?"
"Kasi 'di ba tinanong mo ako kahapon. Kaya may hula na ako." Humagikgik siya, pati ako ay nahawa sa kaniya.
Bago ako umupo ng tuluyan ay inilabas ko rin ang dalawang tumbler ng lemon juice.
"Awee," rinig kong sabi niya, "ginawa mo 'to for me?" Ngumuso siya. Nagpapa-cute ang loko.
"Yes, nagustuhan mo?"
Ngumiti siya at tumango ng sunod-sunod.
Binuksan ko ang bawat tupperware, kinuha ko na rin sa kaniya ang isang pares ng kutsara at tinidor.
"Ikaw unang tumikim." Nilagyan ko ang kanin niya ng ulam.
Pinagmasdan ko lang siya habang inaamoy niya ang pagkain at hanggang sa sumubo siya.
Napalunok ako. Kinabahan ako bigla.
"Sarap ba or nah?" alanganin kong tanong sa kaniya.
Muli akong napalunok ng tumingin siya sa akin ng seryoso at nagtanong, "Tingin mo?"
"Hindi ko alam."
Ngumiti siya, "Masarap po love. Super!"
Bumuga ako ng hangin. I feel relieved, "Buti naman, pinaghirapan kaya namin yan ni Kuya."
"So bati na kayo?"
Tumango ako sa kaniya.
Nagsimula na akong kumain. Sarap nga ng luto namin ng hampaslupa kong Kuya.
Out of nowhere ay nagtanong siya ng random question, "Anong plano mo sa sembreak, love?" Napaisip tuloy ako.
"Hindi ko pa alam, pero baka mamamasyal sa kung saan." Kibit-balikat kong sagot.
"Basta dapat nakauwi ka na sa birthday ko."
Sinulyapan ko siya. "Syempre, di ako mawawala ro'n."
"Good." Ngumisi siya at kapag kuwan ay tumigil rin, "Pauwi pala sila Mama at Papa bukas. Sabi nila miss ka na raw nila pati si Kuya Zed."
Na-touch naman ako pero kumabog rin kaagad ang puso ko dahil sa sinabi niya. Gosh nahihiya na tuloy ako. Medyo matagal na rin no'ng huli kong nakita at nakausap ang mga magulang ni Clement.
"Kelan ba ako pwedeng pumunta sa inyo para mabisita ko sila?"
"Hmmm, maybe the other day."
"Sige, pupunta ako. Sama ko na rin si Kuya Zed." Ngumiti ako sa kaniya at tinanguan niya ako.
"Ikaw, anong gagawin mo sa sembreak?" Yumuko ako at sumubo ng pagkain.
"Baka mamasyal din ako kasama sina Mama."
Linunok ko ang pagkain na nasa aking bibig at nagtanong sa kaniya, "Saan mo naman gustong pumunta?" Hindi muna ako sumubo ng pagkain at hinayaan lang ang aking sarili na titignan si Clement.
"Siguro Siargao, gusto ko kasing mag-beach and di pa rin ako nakakapunta ro'n." Napapatulala nalang talaga ako sa nilalang na 'to. Parang nanlalambot ang aking puso sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Sa tuwing nagsasalita siya parang musika ang kaniyang boses.
Magugustuhan rin kaya siya ni Dad? Paano 'pag ayaw sa kaniya ni Dad? Paano kung hindi niya tanggap kung kanino ako nagmula? Paano kung saktan niya rin ako?
I sound so paranoid co'z how can't I? He has the power now to hurt me. He's one of my weaknesses now.
"Love?"
Napabalik ako sa aking wisyu ng hawakan ni Clement ang kamay ko.
Nag-aalala ang kaniyang mga mata, "Tulala ka r'yan, anong iniisip mo?" malambing niyang tanong.
Umiling ako, "Wala naman."
"Sure ka?" Marahan niyang pinisil ang aking kamay.
Tumango ako sa kaniya. Naalala ko tuloy 'yong pinapanood ko sa Netflix.
"Love," tawag ko. "alam mo 'yong panood na Riverdale?"
Kumunot ang kaniyang noo, "Yes, why?"
Tumingin ako sa ibang direksyon, "What if ikaw si Archie and I'm Veronica, then si Tatay is si Mr. Lodge. Anong gagawin mo?"
Tumingin ako sa kaniya at nakatitig lang siya sa akin, "Ipu-pursue mo pa rin ba ako?"
Ngumiti siya at pinisil ang aking kamay, "Yes."
Nabuntong hininga nalang ako, "Are you sure? What if ayaw rin sa'yo ni Tatay, lalaban ka pa rin?"
"Yes, love." Tumawa siya ng mahina, "Bakit ka nag-aalala? 'Di ba nga di naman ako pinagbawalan ni Tito. Tsaka gusto niya naman ako para sa'yo. Ba't mo ba 'yan natanong?" He, again, smiled and that gave me comfort.
"Yeah, bakit nga ba?" frustrated kong tanong sa aking sarili habang nakatingin sa kaniya. "Baka nadala lang ako sa pinapanood ko."
"Baka nga."
Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Clement pabalik sa aking classroom. At heto ako ngayon nakikipaglaro kay Timothy ng SOS.
"Magtira ka naman," inis kong sabi kay Timothy. Kanina pa kasi siya nakakabuo ng SOS. Lagi niya akong inuubusan.
"Bakit kasi hindi mo hinanap kanina," inis niya ring sagot sa akin.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang siyang ubusin lahat ng SOS na pwede niyang mahanap. Makakabawi rin ako mamaya.
"Oh, ayan ubos ko na, ikaw naman," pang-aasar niya.
Padabog kong kinuha ang ballpen sa kaniya.
Tinignan ko ang papel at masinsinang tinignan ang bawat column na ginawa namin.
Ngumisi siya. Matalim ko siyang tinignan at ibinalik rin ang tingin sa papel.
Nakakainis wala na akong mahanap.
"May nakikita ako," pakanta niyang sabi. Mas lalo akong na-frustrate dahil sa sinabi niya. Hindi ko mahanap ang nakikita niya.
I groaned out of frustration. Nagsulat nalang ako ng letter S sa pinakataas ng papel dahil wala akong mahanap.
"Okay my turn!" masaya niyang sabi.
Kinuha niya ang ballpen sa akin at nagsimula na naman siyang mag-ipon ng puntos.
Napabuntong hininga nalang ako. Umampat ako sa lamesa at iginala nalang ang aking tingin sa classroom habang hinihintay kong matapos si Timothy.
Dumako ang tingin ko kay Lexy. Nayuko lang siya sa kaniyang lamesa. Mukhang natutulog.
Hinanap ko naman si Jaylor, pero wala ang kaniyang bag sa upuan niya. Hindi ko kasi siya nakita kanina sa practice.
"Hindi ba pumasok si Jaylor?" tanong ko kay Timothy ng hindi siya nililingon.
"Hindi."
Nagkaroon ng kalabog sa gawi ni Lexy. Kumunot ang noo ko ng nagmamadali siyang mag-ayos ng kaniyang gamit. Sinuot niya ang kaniyang bag sa kaniyang balikat at mabilis na lumapit sa aming presidente. Hindi mapalagay ang itsura ni Lexy ng bumulong siya sa rito. Tumayo kaagad ang presidente namin at sinamahan kaagad si Lexy na makalabas ng room.
Napaigtad ako ng biglang mag-vibrate ang aking phone na nasa lamesa.
Si Jaylor tumatawag.
Sinagot ko 'yon, "Helllo—" naputol ang aking sasabihin.
"Since hindi ko matawagan ang Kuya mo sa'yo ko nalang sasabihin." Kumunot ang aking noo ng marinig ko ang galit sa kaniyang boses, "Thanks to your brother, my father is at the hospital."
Bago pa ako makapagsalita at matanong ang nangyari ay pinagbantaan niya na ako, "This is your brother's fault and if something bad, happens to my Dad. I don't know what the hell I can do with your family."
Agad niyang pinutol ang tawag.
Napahinga ako ng malalim at agad na denial ang number ng hampaslupa kong Kuya.
"Hey, pangit wazzup—"
"What did you do?" mariin kong tanong sa kaniya.
Nagseryoso ang kaniyang tono sa kabilang linya, "What do you mean by that? I didn't do anything."
Tumayo ako at agad na lumabas ng room.
"Nasa hospital ang Dad ni Jaylor. And he said it's your fault."
"What the hell did I do to deal with that!?" irita niyang tanong sa akin.
"I don't know!?"
"Did you asked what happened?"
"No, how can I asked if he didn't let me? He even threa—" pinutol ko ang sasabihin ko dahil baka mag-over react ang hampaslupa kong Kuya. Maybe Jalor was just angry that's why he said those things. He didn't mean it.
"He even what?" seryosong tanong ni Kuya.
Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong, "Sunuduin mo ko at pupunta tayo kung nasaan ang Dad ni Jaylor."
"Magkakagulo lang kapag pumunta tayo ro'n." pagpapaliwanag niya.
"Yeah, you're right. So what are we gonna do?"
"Nothing."
"What!? Hindi man lang ba natin sila kakamustahin or something?" inis kong tanong sa kaniya.
"If they see us there, it will just make things worse." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya, "I have to go lil sis kong panget. Marami pa akong gagawin. Don't worry, they'll be fine." Pinutol niya na ang tawag pagkatapos niyang magpaalam.
Napabuntong hininga nalang ako.
Ano ba kasing nangyari at sinisisi ni Jaylor ang hampaslupa kong Kuya.
"Ms. Wagner anong ginagawa mo rito sa labas?" Napakaurap ako ng ilang beses.
Nakakunot ang noo ni Ma'am Bangs na nakatingin sa akin habang hawak niya ang kaniyang libro.
"Is something wrong?" Hinawakan niya ang balikat ko at tinignan ako sa mata.
"Wala po Ma'am." Ngumiti ako ng malapad sa kaniya.
"Are you sure?"
"Yes po."
Alam kong hindi kong hindi siya kumbinsido sa aking sagot pero tinanguna niya lang ako at iginaya niya na akong pumasok.
Pagkaupo ko sa aking upuan ay muli na naman akong napabuntong hininga.
Gaano ba kalala ang nangyari kay Tito at nagawa pang pagbantaan ni Jaylor ang pamilya namin.
Ipinilig ko ang aking ulo. No, he won't do anything. He's not like that.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro