Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 22

[Clement's POV]

Hinintay ko munang makalayo ang kotse nila Jess. Ilang segundo rin at tumalikod na ako para pumasok ulit sa school, papuntang parking lot.

Nahagip ng mata ko si Timothy, naglalakad papunta sa isa sa mga kotseng nakaparada. Bitbit ang kaniyang bagpack na itim sa kaniyang balikat.

Binilisan ko ang aking paglakad, "Timothy!"

Nilingon niya ako. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit sa kaniya.

Tinanguan niya ako, "Hey. What do you need?" walang gana niyang tanong sa akin.

"Can we talk?" tanong ko ng makalapit ako.

Kumunot ang kaniyang noo. "Sure, about what?"

"Not about what," Kumunot ang kaniyang noo. "actually, it's about Jess." Natagis ang bagang niya.

"Nilalayuan ko na siya, don't worry. Hindi naman ako manggugulo sa inyo." pagpapaliwanag niya kaagad.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa kaniyang sagot. Wala pa naman akong sinasabi para magpaliwanag siya ng gan'on.

"I'm just here to ask, not to forbid you to be friends with her." Tumingin siya sa ibang direksyon.

"Bakit mo ba siya iniiwasan?" Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.

"Do you like her?" pagtatanong kong muli. Yeah, I know he likes her. Pero gusto ko lang ng kasiguraduhan mula sa kaniya.

"What do you wanna hear?"

"The truth."

Matalim siyang nakatingin sa akin, "I don't like her. Maybe more."

Tumikhim ako at muli siyang nagsalita, "But don't worry, I'm backing off. Just as I heard about the two of you."

"The thing is, I'm not here to tell you to get away from her. I'm here to tell you that she's being sad because of you."

"Why?" Ang matalim niyang pagtingin ay nagbago at nag-aalala dahil sa aking sinabi.

"Because you're avoiding her." Bumuga ako ng hangin. "Actually, I like what you're doing, keeping your distance. But then, you're important to Jess."

"So, what do you want me to do? Still get close to her?" Napangisi siya at nag-iwas ng tingin. "You'll be jealous if I'd do that."

"Oh you shut up, moron." Napatawa ako ng mapakla. Maging siya ay napangisi.

Why wouldn't I be jealous, if he has further intentions?

[JV's POV]

"Tikman mo." Tinapat ng hampaslupa kong kuya ang kutsarang may lamang ulam, Menudo.

Inihipan ko muna iyon bago buksan ang bibig ko at sinubo ang kutsarang hawak niya.

"Ganyan dapat kasarap," mayabang niyang sabi sabay hila ng kutsarang nasa bibig ko palabas.

Hmm masarap nga talaga.

"Ba't kaya di ako marunong magluto?" mahina kong bulong.

"Kasi tamad ka."

Matalim kong tinignan ang kuya kong busy sa paghalo ng ulam na nasa kaserola.

"Oh bakit, hindi ba?" natatawang niyang tanong ng di ako tinitignan.

"Okay, fine." Napairap ako sa kawalan. Tumalikod ako at pumunta sa counter. Umupo sa isang upuan na naroon at inikot iyon para nakaharap ako sa hampaslupa kong kuya.

"Kuya."

"Hmm?" tanong niya ng hindi ako nililingon.

"Samahan mo kong magluto bukas, magbabaon ako niyan."

Humarap siya sa akin at pinanliitan ako ng mata, "At bakit?" nagkaroon ng mapang-asar na ngiti sa kaniyang labi.

"Wala," painosente kong sagot.

Saglit siyang tumahimik at bumilog ang kaniyang mata at napanganga. Tinaas niya ang kaniyang hintuturo. "Clement." Kumindat siya at tumawa.

"Ewan ko sa'yo." Inirapan ko siya at pinigilan ang aking pagngiti.

Naglakad siya patungo sa akin at umupo sa isang upuang katabi ko.

Tinignan niya ako. I saw in his eyes how much he cares for me. "You're so ugly and stupid, lil sis."

"Coming from you?" sarcastic kong bara sa kaniya.

Napangisi siya at kapagkuwan ay nagging seryoso, "You should be like me, hard." Tinapik niya ang aking ulo, "They don't deserve your good heart." Napahinga siya ng malalim habang hinahaplos ang aking buhok.

"You're not that hard. You're just like me, but you don't show it." Tumigil siya sa paghaplos sa buhok ko at matalim akong tinignan.

"Co'z if I do, they'll take advantage of me." Inalis niya ang pagkakahawak sa aking buhok. "Just like what happened to you, he did take advantage of you."

"Pero Kuya, can't you not forgive him? Just for your friendship's sake?"

"No."

"Pero matagal na yun—"

"Whatever." Inirapan niya ako at umalis. Tinignan ko nalang siyang pumunta sa lutuan at pinatay ang stove.

"I'm the next heir, ugly sister."

Napabuga ako ng hangin.

"Hindi pwedeng kinakaya-kaya lang nila ako." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero kahit papaano ay narinig ko pa rin 'yon.

"Would you also kill?" wala sa sarili kong tanong.

Napalunok ako. Hindi siya sumagot. Tanging tunog lang ng ulam na inililipat niya sa pinggan ang naririnig ko.

Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa ilagay niya sa sink ang pinaglutuan at humarap sa akin. Hawak niya ang pinggang may Menudo. Umuusok pa iyon pero ng tignan ko siya ay walang ekspresyon ang kaniyang mukha.

Inilapag niya ang pinggan sa harapan ko.

"Yes," malamig niyang sagot.

Napahinga ako ng malalim at napabuga ng hangin.


GUMISING ako ng maaga para makapag-prepare pa kami ni kuya ng ulam na babaonin ko sa school.

Excited na akong ipatikim kay Clement ang paborito niyang ulam. Sana lang talaga ay magustuhan niya. Pinaghirapan pa naman naming 'yon ng hampaslupa kong kuya.

"Here, ilagay mo dito sa tupperware." Ipinatong niya 'yon sa lamesa.

Dahan-dahan ko namang inilipat ang ulam sa lalagyan. Pagkatapos kong masalin ang ulam ay tinakpan ko na ito.

Muli kong tinignan ang mga dapat kong dalhin.

"Menudo, check. Rice, check. Lemon juice, check. Utensils, check."

"Are we off to go lil sis kong panget?" tanong ng kuya ko habang nakatayo sa aking gilid.

Hindi ako susunduin ngayon ni Clement dahil gustong bumawi ng Kuya kong hampaslupa sa hindi niya pagpansin sa akin at sa pagsabi niya kay Tatay ng tungkol sa amin ni Jaylor.

Bago ko ilagay sa aking bag ang mga tupperware ay inilagay ko muna iyon sa isang plastic dahil baka magkaroon ng leakage at madamay pa ang mga gamit ko sa school.

"Okay let's go!" rinig ko sa boses ko ang pagkasaya. Sinuot ko ang aking bag at sabay kaming lumabas ni kuya ng bahay.

Pagkasakay namin sa sasakyan ay tumahimik lang ako hanggang sa magbyahe kami. Nakaampat lang ang aking kamay sa gilid ng bintana habang nakatingin sa labas.

"Kuya, pakipatay mo aricon. Pababa ng bintana." malumanay kong paghingi ng pabor sa kaniya.

Ginawa niya nga aking sinabi.

Binuksan niya rin ang musika sa loob ng kotse. Napabuntong hininga nalang ako kasabay ng pagpikit ng aking mata habang nilalsap ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha.

Thank you, G, for happy. My heart really feels it.

Narinig ko ang pagngisi ng hampaslupa kong Kuya kaya nilingon ko siya.

Napasimangot ako, "Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" masungit kong tanong.

Sumagot siya ng hindi ako tinatapunan ng tingin, "Wala. Atsaka ikaw kaya ang ngumingiti-ngiti r'yan, hindi ako."

Napairap ako sa kawalan.

"Panira ka ng moment ko rito," bulong ko ng ibalik ko ang aking tingin sa labas ng bintana.


Hininto ni Kuya ang kotse malapit sa gate. Bago ako bumaba ay nagpabaon pa siya ng panlalait sa akin, "Bye pangit! See you later!"

"Bye! See you later pangit kong Kuya." Isinarado ko ang pinto at winagayway muna ang aking kamay sa tapat ng bintana.

"Pasok ka na ampangit mo kahit kalian!" Itinaboy niya ako gamit ang kaniyang kamay.

"Bye! Thanks sa ulam!" Binelatan ko muna siya bago lumayo sa kotse.

Isinarado niya na ang salamin ng bintana at agad na pinaandar ang sasakyan.

Masaya akong naglakad papasok sa aming building at pumunta sa locker ni Clement.

Hindi ko rin namalayan na napapahuni ako habang isinisiksik ang isang maliit na kaperaso ng papel sa babang parte ng kaniyang locker. Inihipan ko pa ito para mas pumasok ang papel.

"Ahem," napalingon ako dahil sa narinig kong pagtikhim.

Napasimangot ako ng makita ko si Timothy na nilagpasan lang ako. Parang baliw. Ano yun nagpapansin lang?

Naglakad ako ng mabilis para maabutan siya, "Hoy Timothy!" tawag ko sa kaniya. Mas binilisan ko ang aking paghakbang ng bagalan niya naman ang kaniya.

Ng malapit na ako sa kaniya ay hinablot ko ang kaniyang bag. Napahinto siya.

Pumunta ako sa kaniyang harapan, "Kaya pala hindi mo ko pinapansin." Pinanliitan ko siya ng aking mata.

"What do you mean?" Nagsalubong ang kaniyang kilay.

"Alam ko na kung ba't mo ko iniiwasan."

Bumilog ang kaniyang mata, mukhang nabigla siya, "And w-what is the reason?" nauutal niyang tanong.

"Kasi nasabi mo sa hampaslupa kong Kuya ang tungkol sa nangyaring kalokohan ni Jaylor."

Huminga siya ng malalim, "Oh fck." Napapikit siya at napahawak sa kaniyang dibdib. Para siyang naginhawaan sa aking sinabi? Weird.

Muli niya akong tinignan at nawala ang pangamba sa kaniyang mukha.

"Yeah, yeah that's right. I'm so sorry." mabilis ang naging pagkakabigkas niya ng bawat salita.

"Parang di ka naman sincere," inis kong puna.

Muli siyang huminga ng malalim at tinignan ako ng diretso sa aking mata.

"I'm sincere, I'm really sorry," malumanay ang kaniyang pagkakasabi, at sa pagkakataong 'yon ay naramdaman ko na ang sinsiridad sa kaniyang boses at maging sa kaniyang mga mata ay nakita ko iyon.

Tumingin siya sa ibang direksyon, "You just made me nervous. Damn it."

"Huh?" Binalik niya ang kaniyang tingin sa akin.

"Now, let's go." Isang irap ang ginawa niya ng lagpasan ako at muli siyang naglakad.

Wow, what just happened?

From soft to masungit real quick.

Pagkapasok namin sa classroom ay dumiretso na ako sa aking upuan. Ibinaba ko ang aking bag sa gilid ng aming lamesa.

Inayos ko ang aking pag-upo pero tumigil ako dahil sa may kamay na nakapatong sa tapat ng aking lamesa. Sinundan ko ng tingin kung kaninong kamay iyon. Timothy.

"Ba't andiyan kamay mo?" masungit kong tanong sa kaniya.

Ngumuso siya sa kaniyang kamay na nasa aking tapat. Tinignan ko 'yon.

Dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang kamay.

May natirang tatlong barnuts. "I'm sorry, okay? Bati na tayo." bulong niya.

Matalim ko siya tinignan at pinitik ang kaniyang noo, "Tingin mo makukuha mo ko sa pa-barnuts mo Timothy?" mahina ang pagkakasabi ko ngunit gigil ko siyang tinignan.

Tumawa siya. May kinuha siya sa kaniyang bag. Napalunok ako ng makita ko iyon. Isang plastic ng barnuts.

Ngumiti siya ng malapad at nag-puppy eyes. "Oh, di pa rin tayo bati?" Inilapag niya iyon sa tapat ko.

"Okay, fine. Tigilan mo nga pagpapa-cute mo. Di mo bagay." Inirapan ko siya bago buksan ang isang barnuts.

"Di mo lang ako matiis."

"Ano?"

"Wala." Isang ngisi na naman ang muli kong narinig mula sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro