Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 21


[JV's POV]

Canteen

Mag-isa lang akong nakaupo at naghihintay rito sa isang mahabang table, na pang-animan. Hindi namin kasama sina Heihei, Kej at Timothy dahil naroon sila nakapwesto sa kabilang dulo ng canteen, ayaw kasi nilang maki-table sa amin. Gusto raw kasi nila kaming bigyan ng time. Hay nako talaga.

Hindi ko naman maiwasang hindi malungkot nang mapako ang tingin ko kay Timothy. Bakit ba kasi siya nagiging ganon. Wala naman akong naaalalang nagawa ko sa kaniya para umasta siya ng ganyan sa akin. Di ko naman siya inaway. Wala rin naman akong nasabing masasakit na salita sa kaniya.

"Here's your pancit, my love." Napatingala ako at nakita ko si Clement. Ibinababa niya ang isang plato sa aking harapan at ang isang plato ng spaghetti sa kabilang side ng table, atsaka siya umupo roon.

"Pst." pagtatawag niya.

"Yes?"

"Matutunaw ako, love." Ngumisi siya kaya napatawa ako at napairap sa kawalan.

"What's wrong, love?" Tinignan ko siya at batid ko ang pagtataka niya. Ngumiwi ako.

"Don't get me wrong, okay?" nag-aalangan kong sabi sa kaniya. Tumango naman siya sa akin at binigyan ako ng ngiti.

"Kasi si Timothy..." biglang kumunot ang noo niya. "Di ko kasi alam kung may nagawa akong kasalanan sa kaniya." Mukha ng nagseselos si Clement.

"Love, ba't ganyan itsura mo?" natatawa kong tanong.

"Wala naman." matipid niyang sagot.

"Love, it's just that he's one of my close friend, and he's like my boy best friend." Ipinatong niya ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa, sa magkabilang gilid ng kaniyang plato.

"I'm your boy best friend...and a lover." Hindi niya man pinapahalata ang pagiging masungit niya ay naririnig ko naman iyon sa kaniyang tono.

"Of course you are, love." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinisil niya naman ang akin. "But the difference between the two of you as my best friend is that, I love you, romantically, and he is my boy best friend that I don't have feelings for, just like I have for you, yet he's important to me.." malumanay kong pagpapaliwanag.

Hindi ko gusto si Timothy, romatically, pero naging malapit na rin siya sa akin at itunuturing ko na rin siyang matalik na kaibigan gaya nila Heihei, magkaiba kasi ang pagkakaroon mo ng kaibigang lalaki, na hanggang doon lang ang turingan niyo sa isa't isa, at sa pagkakaroon mo ng lalaking minamahal and at the same time bestfriend mo rin.

Hinintay ko ang sasabihin ni Clement pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Wala siyang sinabi kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Hmm, kalimutan mo nalang yun, kain na po tayo." Ngumiti ako sa sa kaniya at ng babawiin ko na ang kamay ko, hinawakna niya ito ng mahigpit.

"I get it." malambing niyang sabi. Umiwas siya ng tingin. "Selos lang ako, unti."

Hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang kamay. "Love, wag kang magseselos kasi friends lang kami ni Timothy, okay? Ikaw lang love ko." Napansin ko kaagad ang pamumula ng kaniyang tenga. Tumikhim pa ito bago tumingin sa akin.

"Opo, love. Sorry na." Napangiti ako dahil sa parang pagpapacute niyang ginagawa.

"Kain na tayo." Natatawa kong sabi. TUmango siya sa akin na parang bata habang nakapout.

"Subuhan mo ko," pagpapabebe niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Gusto mong matamaan sa akin, Clement? Sabi ko wag tayong PDA diba?" Tinaasan ko siya ng kilay at mas lalo siyang nagpout. Sinimangutan ko naman siya at natawa siya. Itong lalaking to talaga, di mo aakalaing ganito kapabebe. Nawala ang pagkakasimangot ko at natawa rin ako sa sa kaniya. Nahahawa ako sa mga ngiti niya, na kahit na naiinis ako sa kaniya ay napapangiti ako dahil sa panlalambing at kakulitan niya.

I love it when he smiles, but I also want his serious face.

"Sige na po kain na tayo," nakangiti kong sabi. Pinisil niya muna ang kamay ko bago niya ito bitawan.

Habang kumakain naman kami ay sinimulan kong magtanong ng mga paborito niyang pagkain.

"Anong fave mong ulam?" pagtatanong ko habang pinapaikot-ikot ang aking tinidor sa aking pancit.

"Menudo, love." Sumubo siya ng spaghetti pagkatapos niya akong sagutin. Napahinto naman ako sa pag-iikot-ikot ng aking tinidor. Gosh what's menudo? Siguro nakatikim na ako ng ganon pero hindi ko alam na menudo ang tawag doon. Tatanong ko nalang si Nanay mamaya or si Manang Carmen.

"Ano namang fave mong fruit juice?" Tumingin siya sa akin at ngumiwi.

"Lemon juice, love." Ngumiti siya sa akin na parang na-excite. Napangiti naman ako at napatango-tango. Yumuko ako saglit para sumubo at ng ibalik ko ang tingin ko sa sa kaniya ay nakatingin ito ng may ngisi sa kaniyang mga labi. Parang nagkakaroon na siya ng clue sa mga pinagtatanong ko.

"Bakit ka nakangisi?" painosente kong tanong.

"Bakit mo ko tinanong, love?" may bahid ng pang-aasar ang kaniyang tono.

"Wala, bawal ba?" pagsusungit ko sa kaniya.

"Love, alam mo bang alam ko kapag may binabalak ka." Yumuko siya para muling sumubo ng spag, bumalik ang tingin niya sa akin, kahit nakasarado ang bibig niya para ngumuya ay halata ko pa rin ang mga nakakaloko niyang mga ngiti.

"Wala akong binabalak." Tinaasan ko siya ng kilay. Nilunok niya ang nasa loob ng bibig niya bago magsalita.

"Oh yeah?" tumaas ang sulok ng kaniyang bibig.

Bigla siyang napaatras ng kaunti at yumuko para tignan ang kaniyang bulsa. Kinapa niya iyon at kinuha ang kaniyang phone, tinitignan niya ito na parang may binabasa at mabilis din siyang nag-type. Matapos niyang kulikutin ang kaniyang phone ay ibinaba niya ito sa lamesa. Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Love, susunduin ka raw ni Kuya Zed." Ngumiti siya sa akin.

"Nag-message siya sayo?" Tumango siya. Napayuko naman ako.

"Buti naman may balak na siyang pansinin ako." mahina kong sabi.

"Di ka niya matitiis." Muli akong napatingin kay Clement at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.


[Zed's POV]

Patuloy ako sa paglalakad habang ibinubulsa ang aking phone matapos kong ma-message si Clement. Nauunang maglakad si Tatay sa akin papunta sa aming kotse na naka-park dito sa likod ng restaurant.

"Tay, hahatid lang po kita sa kompanya then susunduin ko ang panget kong kapatid."

"Okay, anak," Hindi niya ako liningon ngunit narinig ko naman ang kaniyang sagot at nakita ang kaniyang pagtango.

Ilang hakbang nalang ay matutungtong ko na ang aming kotse ng marinig ko ang boses ni Jaylor.

"Kuya Zed!" Nakaramdam ulit ako ng inis ng banggitin niya ang pangalan ko. Ibinulsa ko ang isa kong kamay bago siya lingunin.

Tumakbo siya papalapit sa akin at habang mas lumalapit siya ay ramdam ko naman ang pagkunot ng aking noo.

"Anong kailangan mo?" diretsahan kong tanong sa kaniya ng makalapit siya.

Hindi siya sumagot kaagad dahil sa paghahabol niya ng kaniyang paghinga. Nilingon ko saglit si Tatay at naroon na siya sa loob ng kotse, nakatingin sa amin.

"Please, wag ang aming hacienda." Bumalik ang aking tingin sa bastardong lalaking nasa harapan ko.

"Wala naman sigurong masama na iyon ang maging kabayaran sa lahat ng pagkakautang ninyo sa amin, hindi ba? That's our collateral." Huminga ako ng malalim at pinigilan ang aking sarili na gumawa ng eksena. Sarap gulpihin ng tarantadong 'to.

"But you said, you will not take it." mariin niyang sabi.

"Pinili ko ang hacienda na gawin ninyong collateral sa amin para masiguradong hindi iyon mawawala sa inyo, dahil kung sa iba ninyo iyon ini-offer malamang sa malamang wala na yun ngayon."

"Then why take it now!?" tumataas ang tono ng kaniyang pananalita, hindi ko na ito nagugustuhan pero ayokong babaan ang aking sarili sa pagkakataong ito. Ayoko siyang patulan.

"Payback." matipid kong sagot. Ibinulsa ko na rin ang isa kong kamay at at iniayos ang aking tindig.

"Wala naman akong balak kunin ang hacienda ninyo, kung hindi lang dahil sa ginawa mo sa kapatid ko. Ang intensyon ko lang naman kaya't hacienda ninyo ang ginusto kong maging collateral dahil kung sa amin ninyo yun io-offer wala kaming balak agawin yun, kahit pa ilang million ang utang ninyo, dahil alam namin importante ang haciendang iyon sa inyong pamilya."

And as your friend, before, I did my best to help you preserve that hacienda. I did my best, we did our best to help your family in all possible things.

"Please Kuya Zed." Yumuko siya sa harapan ko.

"Lintik lang ang walang ganti, Jaylor." galit kong saad sa kaniya. Bumalik ang kaniyang tingin sa akin at pansin ko na ang pamumula ng kaniyang mga mata.

"Kung hindi dahil sa amin, wala na ang haciendang 'yan, at kung hindi dahil sa amin hindi magkakaroon ng katarungan ang Lolo mo." Wala na akong pakialam kung masamang isumbat lahat ng nagawa naming kabutihan para sa pamilya nila.

"Wag mo ng idamay ang pamilya ko." pagmamakaawa niya. "Kahit ako nalang pahirapan mo." Ang ganda ng offer mo Jaylor, sa totoo lang.

"Gustong-gusto na kitang ipagulpi ngayon, pero ayokong magalit ang kapatid ko sa akin kaya hindi ko yon gagawin, at nangako ako sa kaniyang hindi kita sasaktan, physically." Napangisi ako dahil sa huli kong sinabi.

"Swerte mong hayop ka, na kahit sinaktan mo siya ng sobra-sobra hindi niya naisipang gantihan ka, pero swerte ka rin naman sa akin dahil nanatili ako sa tabi mo ng mga panahong kailangan mo ng kaibigan, tinulungan kitang makamit ang katarungang hangad mo, pero ngayong nalaman ko ang ginawa mo, ibahin mo ko sa pagiging mabuti ng kapatid ko."

Mabilisan niyang pinunasan ang kaniyang luha ng umagos ito sa kaniyang pisngi. Wala akong maramdamang awa, puro galit nalang ang namumutawi sa aking puso.

"Sana inisip mo ang kaya kong gawin bago mo ginago ang kapatid ko. Hindi ko kasalanan kung malaki ang mawawala sa pamilya ninyo dahil tandaan mo, kung hindi mo ginawa ang mga bagay na iyon, hindi to mangyayari."

Bahala kang mabaliw sa bigat ng loob na maramdaman mo.

"Aalis na ako dahil baka kung ano pang magawa ko sa'yo." Ayokong masira ang aking pangako sa panget kong kapatid.

Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa kotse, hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Padabog kong isinarado ang pinto ng sasakyan at saglit kong pinasadahan ng tingin ang tarantado bago paandarin ito paandarin.

Tahimik ang naging byahe namin ni Tatay papunta sa kompanya. Pagkatapos ko siyang maihatid ay dumiretso na ako sa eskwelahan ng panget kong kapatid.

Napabuntog hininga ako ng matanaw ko na siya at si Clement, sa labas ng gate. Dahan- dahan ko namang iginilid ang kotse sa tapat nila. Kunot noo kong binuksan ang pinto at lumabas. Binati ako kaagad ni Clement pero biglang tumahimik ang panget, parang kanina lang na nakikipagkwentuhan siya kay Clement pero ngayong dumating ako, biglang tumahimik.

Nakita ko pa ang paghaplos ni Clement sa likuran ng kapatid ko bago ito umalis sa harapan ko at umikot papunta sa shotgun seat ng sasakyan.

Ibinalik ko ang tingin kay Clement.

"Thanks, bro." Tinapik ko ang kaniyang kanang balikat at ngumiti.

"You're always welcome." Tumango si Clement. Tumango rin ako bago tumalikod at sumakay sa kotse.

Bago ko paandarin ang sasakyan ay tinignan ko pa ang kapatid kong busy sa kaniyang phone. Kakapikon talaga kahit kailan.

Habang nasa daan ay nag-iisip ako ng pwede kong itanong sa panget na 'to, baka magkamali ako ng tanong at mas lalo kaming mag-away.

Napataas bigla ang isang kilay ko ng magsalita siya, "Ba't ganyan attire mo?" masungit niyang tanong.

"Nakipagmeeting ako sa pamilya nila Jaylor." Kitang-kita ko sa aking peripheral view ang mabilisan niyang pagtingin sa akin.

"Anong ginawa mo?" Rinig ko ang inis at pag-aalala sa kaniyang boses.

"Tinapos ko na ang partnership ng kompanya sa kanila." mahinahon kong sagot. "Wala akong ginawa kay Jaylor, kung gusto mo mang malaman." dagdag ko.

"Mabuti." Umayos na siya ng upo.

"Ba't mo tinapos?" mahina niyang tanong.

"Sa tingin mo magiging okay ang partnership namin ngayong nalaman ko na ang lahat? Tingin mo magiging okay ang connection namin?" Hindi siya sumagot. "Ang partnership ng dalawang tao ay hindi lang dapat sa business umiikot, kailangan mo rin ng tiwala sa kanila at magaan na loob para sa mas maayos na komunikasyon." Nanatili siyang tahimik.

Dumaan ako sa drive thru ng Mcdo para bilhan siya ng ice cream.

"Thank you." malumanay kong sabi sa isang crew ng Mcdo ng iabot niya ang iniorder ko.

"Here." Abot ko sa panget kong kapatid. Kinuha niya ang ice cream at tahimik pa rin siya habang binubuksan ito.

"Wala man lang thank you?" masungit kong tanong.

"Edi, thank you po." Pekeng malambing niyang sabi.

Nasa gitna na kami ng daan pauwi habang ine-enjoy niya ang pagkain ng kaniyang ice cream.

"Alam mo ba kung ano pa ang isa kong dahilan kung bakit hindi ko sinabi sayo na si Jaylor yun?" nilingon ko siya saglit dahil sa bigla niyang pagsasalita pero ibinalik ko rin ang tingin sa daan.

"Kasi ayokong maapektuhan ang pagkakaibigan ninyo." Napasimangot ako dahil sa biglang pagbigat ng aking pakiramdam.

"What if paupahin mo muna ang galit mo, tapos kausapin mo si Jaylor?"

"Ano namang pag-uusapan namin?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"Hmmm, yung nangyari. Sayang naman ang pagkakaibigan ninyo, masisira lang dahil sa ginawa niya sa akin. Di ka naman niya inano ha para magalit ka sa kaniya."

"Wala akong pakialam. Wala siyang ginawa sa akin pero may ginawa siya sa'yo"

"Wala kang pakialam? Weh? I know you."

"Kung magkaibigan kami bakit niya sasaktan ang isa sa mga taong iniingatan ko?"

"Pero kuya..."

"Victoria, stop. Wala ka ng magagawa."

"Ikaw ba niloko ha?" pagsusungit niya.

"Oo." Lumingon siya sa akin.

"Wowwww how!?" sarcastic niyang sabi.

"Nong nanatili siyang tahimik pero alam niya pala ang dahilan ng pagkakahulog mo sa hagdan." Oh ano, natameme ka? "Alam ko na ang lahat ng tungkol doon."

"Did Clement tell you?"

"Ohh so alam din pala ni Clement, pero sa akin hindi mo nagawang sabihin?"

"So hindi si Clement?" pagtataka niya.

"Kay Timothy ko nalaman."

"Bakit sinabi sa'yo ni Timothy!?" Napalayo pa ako sa gawi niya dahil sa pagsigaw na kaniyang ginawa. Sakit sa tenga.

"Nadulas lang siyang sabihin. Nagkausap kami pagkatapos ng nangyari sa birthday mo, sa sobrang inis ko, sa kaniya ko nabuhos lahat -lahat, kaya nasabi ko sa kaniya ang nangyari, and it turns out na alam niya rin pala ang tungkol doon, diba? Wow." Napatawa ako ng sarcastic. "Hindi ko naman lubos akalain na madudulas siya about sa pagkakatulak, ng babae ni Jaylor, sayo sa hagdan. So since nasabi na rin naman niya sa'kin, tinanong ko na ang buong detalye tungkol doon."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "So that's why..."

"Yeah, but still, I want the more detailed story, so tell me."

"Bakit ko naman sasabihin?"

"Ano pang point para itago mo?"

"Okay fine." masungit niyang sagot

"So bati na tayo panget?"

"Ikaw tong hindi namamansin ba't ako tinatanong mo?" Napatawa nalang ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro