C H A P T E R 2
[JV's POV]
Maaga akong pumasok as usual. Dahan-dahan lang akong naglalakad sa hallway, ng may sumundot sa aking tagiliran. Napasigaw ako kaunti kasabay ng pagharap sa aking gilid. Tinignan ko ng masungit si Clement.
"Bakit?" Masungit kong tanong. Umiling siya tsaka ngumiti, ang gwapo pero malandi whatever. Inirapan ko siya bago magpatuloy sa paglalakad. Nakisabay siya sa paglalakad.
"JV sa weekend busy ka ba? Sa Sunday?" Binigyan ko siya ng why-look at hinintay ang susunod niya pang sasabihin. "Labas tayo? Ice cream?" Ngumiti siya ng malapad at mukhang hindi siya tatanggap ng no.
"At bakit naman nagyayaya ka ngayon aber?" Pinanliitan ko siya ng mata.
"W-wala hindi ba pwede? Miss ko na kasing mag-ice cream kasama ka." Diyan siya magaling sa mga salita niya kaya andaming nagkakagusto sa kaniya kasi yung mga salitang ginagamit niya nakaka--- ewan!
"Ayoko nga," pagpapabebe ko.
"Bakit naman ayaw mo? Dati-rati naman nag-a-ice cream tayo ah!" Para siyang batang nagmamaktol.
Tinignan ko muna siya, nagpout ang loko. "Okay fine, oo na." Nakita ko ang pagngiti niya ng pumayag rin ako.
"Wala namang magagalit na chixx mo?" Mapanloko kong tanong, nawala ang kaniyang ngiti at naging seryoso.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong chixx okay?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Selos ka lang eh." Narinig kong bulong niya.
"Hoy ang kapal ng pagmumukha mo Clement Ford hindi ako nagseselos sa mga chixx mo!" Pero joke nagseselos ako unti hehe. Crush ko siya unti, pero secret lang syempre ayoko namang sabihin, alam ko namang di ako gusto niyan baka masira pa friendship namin kaya wag nalang.
"Susssssss!" Sinundot niya ulit ako sa tagiliran, medyo napatawa tuloy ako, eh nagsusungit pa naman ako.
"Hoy yung classroom mo nalagpasan mo na!" sabi ko.
"Ay oo nga no, see you later Jess!" Ngumiti pa siya at may paflying kiss na pahabol bago tumakbo pabalik sa kaniyang classroom. Napailing-iling nalang ako.
"Sweet." Nagulat ako sa nagsalita mula sa aking likuran, tinignan ko kung sino, si Jaylor na seryoso ang mukha. Tinignan ko lang siya saglit at tumalikod na ulit ako para magpatuloy sa paglalakad.
"Di mo man lang ako papansinin?" Kahit hindi ko siya tignan ay nakangisi siya ng sarcastic.
Napairap ako bago siya lingunin, "Hi." Tumalikod ako ulit. Ngumisi ulit siya.
Hindi ko na lang siya tinignan hanggang sa makapasok kami sa classroom namin. Umupo na ako sa upuan ko sa likuran, hindi katabi ng bintana pero malapit sa bintana, as usual wala akong katabi kasi naman yung apelyido ko W ang simula eh mga nasa 39 kami tag dadalawa pa naman yung magkatabi per table since ako yung last ako yung pang 39 at walang pang 40, ako lang mag-isa. Saklap mag-isa ko. Okay lang sanay na akong mag-isa.
Di ako humuhugot.
Mga ilang minutes ang lumipas at dumating na ang teacher namin na may hawak na libro at kasabay naman non ng pagpasok ng mga iba ko pang classmate at kasama na roon si Kej at Heihei na mukhang kumain na naman sa canteen. Ang aga-aga talaga kumakain na naman sila di ba sila nagsasawang kumain? Well food is lyfu nga naman.
"Before anything else, I have some announcements to tell you guys." Binababa ni Ma'am Bangs, ang librong kaniyang hawak. Ma'am Bangs ang tawag sa kaniya dahil sa kaniyang apelyido, Bangsul ba naman, and the fact na nakabangs pa siya, ang weird ng apelyido niya to be honest pero wala naman akong magagawa about don so hayaaan nalang natin.
"Since malapit ng makipagcompete ang ating mga players in their designated sport sa mga ibang players na galing sa ibang school, ang napili namang magrepresent ng school natin para sa pageant na magaganap ay ang Muse and Adonis ng classroom natin!" Sabay papogi naman at pacute ni Kej at Heihei
"Wooooohhhhh!" Hiyawan naman kaming magkakaklase with palapak also may padrum roll pa kami dahil sa excitement at sa nalaman naming sa section namin mangaggaling ang contestant para sa pageant and mga friends ko pa! So proud of them.
"Nasubmit na ang picture ng Muse at Adonis niyo and sooner or later baka -iupload na yun sa fb and syempre kailangan nating i-support yun, do like, comment and share the photo." Kaya pala, kaya pala may paphotoshoot silang nalalaman sa garden namin, yun pala yun!
"I saw the photos, the garden you found is spectacular and the pose, I mean everything, all in all, it's totally amazing, perfect, good job guys!" Nagthumbs up siya kina Heihei at Kej. Yan ang maganda kay Ma'am Bangs kung pumuri pak na pak nakakataba ng puso.
Tumingin sa akin si Kej at Heihei, nagwink at dab silang dalawa.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng may kumatok sa pinto. Isa siya sa mga varsity players ng men's badminton
"Good morning ma'am, tatawagin ko lang po si James practice na po kasi namin," nakangiti niyang sabi. Nagpaalam si Jaylor sa teacher namin at lumabas na ng classroom.
MABILIS namang nagtanghalian at pumunta na kami rito sa canteen para kumain.
"Ano namang talent niyo?" Tanong ko kay Heihei at Kej.
"Yun nga eh hindi ko alam." Mukhang problemado na ang itsura ni Heihei.
"Next next week na yan, pag-isipan mo na yan Heihei," komento ni Lexy.
"Bat hindi nalang kaya kayo sumayaw na dalawa? Magaling naman kayong sumayaw diba?" Suggest ni Jaylor na katabi ko.
"Sinasabi ko nga yan sa kaniya pero ayaw niya dahil daw nahihiya siyang sumayaw," inis na sabi ni Kej.
Tinignan ko si Heihei, "kung hindi ka sasayaw may naiisip ka pa bang pwede mong gawin?"
Napabuntog hininga si Heihei, "oo na sasayaw na tayong dalawa," mahinang niyang sabi.
"Yeheeyyyyy I love you babe!" Nginitian ni Kej si Heihei, nakita ko naman yung pamumula ni Heihei kaya inasar ko silang dalawa tapos nakisama narin sila Lexy.
Inihinto ko muna ang pagsubo ng pagkain dahil sa pagvibrate ng aking phone. Uminom muna akong tubig bago sagutin ang tawag na galing kay nanay.
"Hello nay."
"Anak umuwi kang magaa mamaya ha? Susukatan ka kasi mamaya para sa damit na susuotin mo sa event," sabi ni nanay.
"Sige po nanay."
Nagbyebye na ako tsaka ko binababa ang tawag, naalala ko na yung event pala na yun sa Sunday din , hala eh may date kami ni Clement, WOW DATE KAPAL KO. Anyways whatever. Sabihin ko nalang sa kaniya mamaya at ng mapag-usapan namin kung anong pwedeng maging remedy para matuloy ang date namin.
Tinignan ko saglit ang aking Insta. May nagmessage. Binuksan ko kung kanino galing pero may hula ako galing to kay......Cloud. Pagbukas ko tama nga, galing kay Cloud.
Jessi! Can you help me pick? May sinend siyang four na pictures ng painting na ginawa niya. Iisang image lang nakikita ko pero may apat na magkakaibang angle and place kung san nakalagay, merong nakalagay sa wall, nakalagay sa floor, nakalagay sa may terrace at yung isa nakalagay sa easel, and wait nakaupo siya sa upuan habang nagpapaint pero nakatalikod siya tapos nasa gilid kaya medyo half lang yung napicturan sa katawan niyang nakatalikod.
Hindi ko kilala personally si Cloud, nakilala ko lang siya rito sa Insta kasi minsan siyang nagcomment sa post ko so yun inistalk ko si Cloud tapos finafollow niya pala ako, nakita ko yung feed niya wow ang ganda puro paints and drawings. Ang galing grabe! Kaya di na ako nagtaka kung bakit andami niyang followers. Minsan akong nagcomment sa isa niyang paint na babae ang ganda ng pagkakapaint super. And that's basically how our friendship started. Mga 3 months na rin since ng nakilala ko siya, hindi ko pa nakikita ang itsura ni Cloud dahil nga sa ang nasa feed naman niya ay puro drawings, paintings, sometimes scenery pero walang kahit anong pagmumukha niya roon.
Pamysterous si Kuya Cloud, but one thing is for sure, lalaki si Cloud, gwapo kaya si Cloud? Hingi ata ako ng picture niya. Joke!
Cloud yung ano yung pic na nandoon ka!!!!! Reply ko.
Nagreply kaagad si Cloud.
C: Bat ka sumisigaw? Galit ka ba?
- Nope hindi ako galit nagandahan lang ako and the fact na kasama ka sa isang pic.
C: Soooo ano naman ngayon kung andoon ako sa isang pic?
- Wala lang
"JV!" Napatingin ako kay Heihei.
"Bakit?" Tanong ko.
"Bat ka nakangiti? Kausap mo? Sino yan? May boypren ka na ata eh tapos di mo lang sinasabi sa amin." Sunod-sunod niyang sabi.
Napairap ako sa kawalan. "Gahd wala."
Naagaw ng atensyon ko ng makita ko si Clement at napatingin siya sa direksyon namin, nong nakita niyang nakatingin ako sa kaniya, kumaway siya tapos ngumiti, napangiti naman ako tsaka ko siya inirapan. Gwapo niya talaga pero daming kaagaw diyan so wag nalang, di niya rin naman ako gusto. OUCH.
"Hoy update naman sa status niyo ni Clement." Rinig kong pang-aasar ni Heihei.
"Friends pa rin." Baka next week lovers na joke! Ayoko muna, mamaya masaktan na naman ako.
MAG-UUWIAN na at hinihintay ko naman si Clement dito sa may puno, sa gilid, na lumabas sa building para mabigay ko na yung notes na pinasulat na naman niya sa akin. May isa akong natutunan kay Clement, wag magtatanong kung anong gustong regalo. Nong birthday niya kasi tinanong ko siya kung anong gusto niyang iregalo ko sa kaniya at para na rin sa pagpapasalamat ko sa mga tulong na nagawa niya para sa akin. Magaling ang loko hingin ba namang gawahan ko siya ng notes kahit dalawang buwan lang. Pumayag nalang ako dahil bigla niyang isinumbat lahat ng ginawa niya para sa akin. Haist blackmailing.
"Sinong hinihintay mo?" Napalingon ako sabay atras ng makita ko si Jaylor sa tabi ko na nakatingin sa malayo at nakapamulsa.
"Ahh....Si Clement, ikaw may hinihintay ka ba?" Tumingin ako sa aking paanan.
"Ikaw." Tumingin ako sa kaniya at tumingin rin siya, nakaramdam tuloy ako ng kaba kaya umiwas na ako ng tingin.
"Bakit mo naman ako hinihintay?" Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga.
"I can wait until you trust me again, mi amor." Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa pagtawag niya ulit sa akin ng ganon.
"Stop calling me—"
"Mi amor." Kumuyom ang aking kamay at matalas ko siyang tinignan. Nanunubig ang kaniyang mga mata.
"Another act Jaylor?" Sarkastiko kong sabi.
"Do you think I'm acting?" Seryoso niyang tanong habang nakatitig lang sa akin.
"Oo." Nag-iwas siya ng tingin at ngumisi.
"Jess!" Narinig ko ang sigaw ni Clement kaya napatingin ako kung saan nanggaling ang boses niya, nakita ko siyang kumakaway habang naglalakad palapit sa amin.
Ng makalapit na siya sa amin tumingin siya kay Jaylor.
"Nakaistorbo ba ako?" Tanong niya.
"Yes, such an asshole to ask for a very obvious situation," mahina lang iyon pero sapat na para aming marinig.
"If there's an asshole between the two of us, don't ever mistaken me, cause I know you know, and you know I know, that it's you." Mariin na sagot ni Clement
"Mierda." Pumagitna na ako bago pa mahablot ni Jaylor ang kwelyo ni Clement.
"Bat ka galit kaagad?" Natatawang tanong ni Clement kay Jaylor.
"Mahiya naman kayo, kung wala kayong hiya sa mga makakakitang estudyante sa inyo, pwes ako may hiya ako." Pwede ba wag silang mandamay kapag mag-aaway sila, mamaya maisama pa ako sa principal's office.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Jaylor dahil sa nakaharap ako sa kaniya, tinignan niya muna ako bago tumalikod at naglakad palayo. Pinagmasdan ko ang kaniyang likuran hanggang sa makalabas siya ng gate at mawala na sa aking paningin.
Naramdaman ko ang kamay ni Clement na pumatong sa aking balikat, nilingon ko siya. Nagbuntong hininga siya tsaka pinat ang aking ulo.
"Magiging okay din ang puso mo." Ngumiti nalang ako kahit papaano.
Naglakad na kami ni Clement papunta sa parking lot.
"Ito nga pala yung notes mo." Walang gana kong inabot sa kaniya ang notebook.
"Thank you." Ngumiti siya at nagthumbs up nalang ako sa kaniya.
"Wag ka ng malungkot, ngumiti ka na, lalo kang pumapanget" Aray ah! So panget ako ganon? Tas pumapanget pa ako lalo ganon!?
"Joke." Tumawa siya ng nakakaasar.
"Bye uwi na ako ingat ka!" Sigaw ko tsaka tumalikod.
"Sungit! Hoy joke lang!" Nilingon ko siya. Nakapeace sign ang loko. Inirapan ko siya tsaka nagwave ng kamay bago pumasok sa kotse.
Napabuntong hininga nalang ako ng masarado ko na ang pinto ng kotse. Napangiti naman ako ng mapakla at nakaramdam ng kaunting kirot ng maalala ko na naman ang mga nangyari.
"VICTORIA." Parang frustrated si nanay pagkarating kung bahay.
"Halika na rito para masukatan ka na," sabi ni nanay kaya pumunta na ako sa sala. Sinimulan na rin akong sukatan ni mumsh.
"You should watch your diet ija ha baka bigla kang tumaba at hindi na magkasya sayo ang damit." Sabi ni mumsh na nagsusukat sa akin, bakla si mumsh. Gwapo si mumsh kahit bakla siya, siya yung bakla na lalaki pa rin manamit.
"Opo mumsh."
"Nanay si kuya? Kalian siya uuwi?" Tanong ko. Nasa Germany kasi ang hampaslupa kong kuya since may bahay kami roon, he's a businessman by the way.
"Basta sabi niya hahabol nalang siya sa mismong day na yun." Sagot ni nanay. Nasad tuloy ako, kala ko pauwi na siya excited na rin akong makita si kuya.
Matapos akong masukatan ay may binigay silang clear book at pinagpili nila ako ng design ng damit na gusto ko.
"Hay nako hija bakit hindi ka magmodel? You have the looks, the body and I once saw you walked," sabi ni mumsh.
"Nahihiya ako mumsh eh hehe," awkward kong sagot.
"Hay nako mother you should convince her and also papi Zed." Zed is my hampaslupang kuya's name.
"I tried Josh, I tried, but they really don't want the runway and photo shoots." Ayaw talaga kasi namin ni kuya Zed ng about sa mga modeling na yan, masyadong maiintriga ang buhay namin if ever and I hate that.
"We're home!" narinig ko naman ang masayang sigaw ni tatay. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hampaslupa kong kuya!
"Kuya!" Sigaw ko tsaka ako tumakbo sa kaniya para yakapin siya.
"Lil sis!" Pagkatapos ko siyang yakapin humiwalay na ako sa kaniya.
"How about me my princess?" Sinimangutan ko si tatay dahil sa tinawag niya sa akin, nakakainis. Ano ako nasa Disney? Niyakap ko nalang din si tatay tapos pagkatapos ko siyang yakapin tumingin ako kay nanay.
"Nanay you told me kanina na hindi makakauwi si kuya."
"Your kuya told me to say that to you, para isurprise ka," nakangiting sabi ni nanay. Sus may pasurprise pang nalalaman tong hampaslupa kong kuya.
Umupo si kuya sa sofa at pumunta munang kusina si tatay.
"Panget ka pa rin as always lil sis." Di nalang sana siya umuwi nag-uumpisa na naman siyang mang-asar nakakainis!
"Mas panget ka." Masungit kong sabi.
"Buti nalang at masquerade party ang theme ngayon kung hindi hay nako makikita nila kapangetan mo."Tumawa ng malakas ang hampaslupa kong kuya. Nakakaasar pa ang tawa niya.
Aba dapat atang hindi na umuwi tong kuya ko eh! Ito ata ang pasalubong niya, yung panglalait niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro