C H A P T E R 12
"pinagsasasabi mo?" tanong ko sakaniya
"actually tumutula ako." Tsaka siya ngumiti ng pilit.
Pagkatapos naming magpractice bumalik na kami sa room, para kunin namin ang gamit namin dahil uuwi na kami. Pagkarating naming room naabutan pa namin sila doon na nag-aayos na rin ng mga gamit nila dahil pauwi na rin sila.
"guys may play pala tayo." Sabi ng isa naming classmate si Carol.
"magkakagroup pala tayo, kasali kayo sa group namin kayong dalawa tapos si Sarah." Sabi niya.
"Tungkol saan yung play?" tanong ni Timothy
"ahm yung nabunot natin is Romeo and Juliet" napatango tango naman kami ni Timothy.
Pumasok naman si Heihei at Kej
"Heihei magkagroup tayo sa play!" sabi ko sakniya
"ohhhh may play? Tungkol saan? Sino pa mga kagroup natin?" sunod sunod niyang tanong sakin.
"si Timothy tapos sila Carol, hindi ko pa alam yung iba nating kagroup, and Romeo and Juliet daw ang nabunot nilang ipeperform natin."
"nice!" excited na sabi ni Heihei.
"ako hindi niyo kagroup?" biglang tanong ni Kej kay Carol
"hindi eh."
"aweeeeee di kita kagroup babyyyy." Sabi niya kay Heihei, napairap nalang ako kalandian nila sa harapan ko.
"okay lang yun babyyyyyy... and ahm Carol may nakaassign naba para sa mga lead characters?"
"yun nga eh, walang may gusto" Sagot ni Carol.
"Timothy.. ikaw na ang maging Romeo." Sabi ni Heihei.
"sure." Nakangiting sagot niya. Wow ah gustong gusto niya talaga ang narinig niya.
"good! Juliet nalang kulang wait magtatanong ako baka may gusto na" masayang sagot ni Carol. Tumalikod siya saglit samin at humarap sa iba naming classmate
"guys may Romeo na tayo sa mga karoup ko diyan sino gutso maging Juliet?"
"oh wait!" biglang sabat ni Heihei
"Si JV na ang Juliet!" napatingin ako kaagad sakaniya dahil sa sinabi niya at kita ko ang pang-aasar niyang mga ngiti as always.
"ayoko!" sagot ko
"akoooo nalang si Juliet!" sabi ng isa kong baklang classmate.
"ah hindi ako magro-Romeo kapag hindi si JV ang Juliet." Napatingin naman ako kay Timothy na ngayon ay nakangiti rin ng mapang-asar
"gahdddddd Timothy ayokoooooooo."
"sige hanap nalang kayo ng ibang Romeo." Sagot ni Timothy.
"JVVVVVVVVVVV please mag Juliet ka nalang, ayaw din ng ibang boys natin na magRomeo"
"dali na JVVVVVV ikaw na kasiii yieeeeeeeeeee" bwesit talaga tong si Heihei
"bahala ka diyan kapag wala tayong napractice kaagad, babagsak tayo." Bulong ni Timothy.
"tandaan mo ako lang may gustong maing Romeo and di ako magRoromeo kapag hindi ikaw si Juliet, bleehhh kasalanan mo kapag wala tayong napractice na maganda dahil ang arte mo.." Nahampas ko si Timothy sa balikat niya pero tawa lang sinagot niya sa akin.
"YIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE" rinig kong pang-aasar netong si Heihei at pati tong si Kej.
"okay fine. Para sa grade." Inis kong sabi kay Timothy.
"okay soo ahmmm sa Saturday tayo magprapractice, sa Next Friday na kasi to ipeperform. pag-usapan nalang natin mamayang gabi kung anong mga plano, ito na kasi ang exam natin kay Ma'am Bangs, wala na raw paper and pen kaya dapat mapaghandan natin, medyo perfectionist pa naman yun pagdating sa mga performance." Sabi ni Carol.
Umuwi akong bahay at dumiretso muna ako sa kwarto ko para humiga. Habang nakahiga naman ako ay kinuha ko ang phone ko at binuksan ang insta.
Oh nagreply na si Cloud!!
C: yah
C: hi schoolmate hahahaha
nagreply naman ako sakaniya
: hoy ikaw ang daya mo ha! Ako nakita mo na tapos ikaw di ko pa nakikita
Naisip ko namang kunin ang note na binigay niya dahil may naisip ako. Binasa ko ulit ang nakasulat.
"Omayghad!" Napatayo ako bigla sa kama ko at hinanap ko ang mga sulat na natanggap ko.
Umupo ulit ako sa kama ko ng mahanap ko na at pinagcompare ko ang mga yun sa note na binigay ni Cloud.
Oh gahdddddddddddddddddddd. Nakanganga lang ako habang palipat lipatt ang tingin ko sa mga hawak kong papel.
"SI CLOUD!?" pabulong kong tanong sa sarili ko. Napahawak ako sa mukha ko. Si Cloud? Waittttttttt si CLOUD BA TALAGA!? Ohhh gahdddd. Parehong pareho ang sulat. Di ako makapaniwala omaygahd. All this time si Cloud pala ang naglalagay ng mga sulat sa locker ko? Pero bakit? ano? Gusto ako ni Cloud? What? Ano? Di ko na magets? Gusto niya ako right?
Nacrumple ko ang mga papel na hawak ko dahil sa biglang pagvibrate ng phone ko.
C: hahahahahaha actually nakikita mo ko, pero di mo lang alam na ako yun.
: Cloud ikaw ba naglalagay ng mga sulat sa locker ko?
C: hmmmmmmmm
:anong hmmmmm?
C: secret.......
: anong secret!?
C: secret nga...
: wala ka namang gusto sakin no?
C: hhhmmmm
:anong hhhhmmm!? Sagot walangya ka Cloud masasapak kita kapag nakita kita, umayos ka ng sagot
C: hhhmmm ayokong umamin dito JV, kung aamin man ako gusto ko sa harapan mo mismo, ayokong umamin dito dahil gusto kong bigyan ng maayos na pagtatapat ang nararamdaman ko, and gusto ko ring ipakita na seryoso ako, kaya di ko sasagutin ang tanong mo dito.
: so ikaw yun?
C: wala akong sinabi.
:pero ikaw nga yun diba?
C: ewan
:ano nga ?
C: Sinabi ko naaaaaaaa dibaaaa hindi ko sasagutin ang tanong mo. Excited ka masyadong malaman.
:hoy based sa mga pinasasabi mo IKAW TALAGA YUN CLOUD!
C: hahhahaha idk. Assumera.
:ABA AKO PA TALAGANG ASSUMERA!? EH NAGTATANONG NGA EH
C: hahahahahaha chill. Makikita mo na ako soon.
"pangitttttttttttt!!! Kain na rawwwwww bumaba ka na." sigaw ng hampaslupa kong kuya sa tapat ng sarado kong pinto.
"opooooooooooooooooooooooooooooo" sagot ko.
:kakain na ako bye! Bahala ka diyan.
C: hahaha sige eat well.
Di na ako nagreply at nagbihis na ako para makababa na ako.
So siya yun, di niya lang gustong sagutin, pero siya yun. Parang sinagot niya na rin ang tanong ko pero indirect.
So gusto niya ako? Kailan pa? Or baka pinagtritripan lang ako ni Cloud? ano ba? gahddddd
"aalis kami ng nanay niyo sa Friday, dahil may business trip kami for 1 week, kayo munang bahala dito sa bahay." Sabi ni tatay, patango tango naman ako dahil ngumunguya ako.
"wag kayong magkakalat dito sa bahay at tulungan niyo sila Manang." Dagdag pa ni nanay
Ahhhhhhh ano ba yan di ako makakain ng maayos dahil iniisip ko yung Cloud na yun. Ano kayang itsura ni Cloud?
Medyo creepy ata ah, kasi nakikita niya na ako pero di ko pa siya nakikita. Ahhhh ewan! Bahala na.
"Victoria, malapit na 18th birthday mo, maghahanda nalang tayo sa hotel then invite mo mga classmates mo, tsaka naasikaso naman na namin." sabi ni tatay
"planado na po?" wow, ako yung may birthday pero wala man lang akong kaalam alam na may plano na pala para doon. excited din naman talaga tong mga magulang ko.
"Yes anak."
"hhhmmm pero tay ayoko na po ng mga 18 candles and such kahit simpleng handaan nalang po"
"sure sure.." sagot ni nanay. Magbibirthday na naman ako at may naalala na naman ako from the past.
Pagkatapos naman naming kumain ay umakyat na ako sa room ko, binuksan ko muna ang pc ko para gawin ang mga assignments ko, binuksan ko na rin muna ang facebook ko.
Carol: JV pwede bang magsleepover sa bahay niyo sa Saturday?
-GC-
Carol: ako na bahala sa script guys, ibibigay ko bukas, nasend ko na rin naman mga roles niyo and nakasend na rin naman na ako ng mga examples ng pwede niyong maging outfit, so try niyo na maghanap ngayon or magimprovise para hindi na tayo masyadong magcram.
Mabuti naman at mababait ang mga kagroup ko, at nakikicooperate sila. Tinignan ko naman ang sinnend ni Carol na damit na pwede kong isuot, long dress siya na long sleeves, wews, so saan kaya ako makakahanap ng ganito.
Nagmessage ulit si Carol
Carol: pwede ba JV?
: tatanong ko muna.
Bumababa muna ako saglit para hanapin sila nanay .
"nanay pwede daw bang magsleepover dito sa Saturday? Mga 9 silang pupunta."
"o sige, basta wag nalang kayong masyadong magkalat dito sa bahay, asikasuhin mo sila Zed ah."
"halaaa ayoko." Sagot ng hampaslupa kong kuya. Sinimangutan ko naman siya.
"so pwede nay? Sabihin ko na po."
"oo. Basta umayos kayo dito ha?"
"yesss nay."
Bumalik na ako sa kwarto ko at sinabi ko kay Carol na pwedeng magsleepover sa bahay.
Kinaumagahan ay gumising ako ng maaga para maglinis ng bahay at maayos ko ang kwarto na pagtutulugan nila.
"hoy panget yung kubeta wag mong kakalimutang linisan." Sabi ng hampaslupa kong kuya habang nakatayo sa pintuan ng kwarto. Inirapan ko nalang siya dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.
Mga tanghali ng nakarating sila dito sa bahay.
Dinidiscuss na ni Carol ang mga scene na gagawin namin, pati na rin ang mga kakailanganin props, binigyan niya na din kami ng tig-iisang kopya ng script. Habang tinitignan ko tong script bigla nalang nagsalita tong si Timothy.
"Oh Juliet!!!" Nagpigil ako ng tawa at napapikit dahil sa pagbitaw ni Timothy ng line niya.
"Romeoo Romeooo" sagot ko naman. Nagtawanan kaming dalawa dahil sa para kaming tanga sa ginagawa namin.
"Ayieeeeeeeeeeeeee ang sweet nila no!?" sinamaan ko naman ng tingin si Heihei na nang-aasar naman
"oo nga eh. Kayo ba?" tanong samin ni Carol. Umiling iling naman ako
"oy si Timothy tumatango eh oh!" tinignan ko naman si Timothy na patango tango hinampas ko naman siya ng script na hawak ko.
"aray! Joke lang.' patawa tawa pa sabay hawak niya sa hita niya na natamaan ko.
Tinuro naman samin ni Carol kung anong gagawin namin at kung saan kami magpwepwesto sa mga scene na gagawin namin.
Napractice na rin namin ang buong play namin habang hawak namin ang mga script namin dahil hindi pa naman namin memorize. Tumigil lang muna kami para magpahinga at habang yung iba naman ay nasa dining area pinag-uusapan kung paano nila gagawin ang mga props.
Pumunta naman ako sa sala para doon muna umupo.
"bat nong bata ka ang ganda mo, ngayon? Anyari?" inirapan ko si Timothy na tinitignan ang mga picture frame sa table, nilagpasan ko na muna siya at umupo sa sofa.
"can I see?" tsaka siya humarap sa akin at hawak niya ang isang album. Tinanguan ko naman siya.
"titignan ko lang kung gaano ka kapangit nong bata ka." Sabay tawa niya.
"wag mo ng tignan bwesit." Sabi ko sakniya
"jokeeee langg" tsaka siya umupo sa tabi ko.
Habang nagcecellphone ako ay rinig ko naman ang paglipat ng bawat pahina ng album at naririnig ko pa ang mahina niyang mga tawa, sinulyapan ko naman siya at palihim na inirapan, isa rin tong nakakainis eh.
"who's this?" lumapit ako sakaniya para tignan ang sinasabi niya.
"ako duhh." Sagot ko.
"hindi...ito sabi ko, alam ko naman ikaw yan ang panget eh." Saglitan ko naman siyang sinabunutan at tinignan ang tinuturo niya.
"ah kalaro ko yan dati doon sa states..." tinignan ko naman siya at pinanliitan ko siya ng mata ko "bakit nagwagwapuhan ka no? ganda ng mata diba?" sabi ko. Tanging tawa lang sinagot niya sa akin.
"anong nakakatawa doon?" tanong ko sakaniya na patuloy pa ring tumatawa, parang tanga.
"oo ang gwapo niya talaga sobra." Sabay tawa niya ulit.
"alam mo para kang tanga wala namang nakakatawa doon"
"Timothy!!" napatingin naman ako sa hagdan at andoon nalalakad pababa ang hampaslupa kong kuya.
Nagkamustahan sila at pagkatapos non ay pinagtripan nila ako. Mga bwesit! Umalis nalang ako doon at pinunatahan ko ang iba kong mga classmate sa dining area.
"JV sino yun??" tanong nila sa akin habang sumisilip sa sala.
"hampas--- kuya ko, bakit?"
"ang gwapo niyaaaaaaa OMGGGGGGG" sabay hawak ni Carol sa pisngi niyang namumula
"panget non." Mahina kong sabi.
"pwede bangggg ipakilala mo kami??" tanong ng isa kong classmate na bakla.
"hindi" natatawa kong sagot sakniya.
Pinilit naman nila ako na ipakilala sila kay kuya, gahddd nakakaloka.
"hoy pange--- lil sis anong gusto niyong ulam?" tanong ng hampaslupa kong kuya ng makalapit siya dito sa lamesa.
"hellooo po" bat biglang naging pabebe si Carol? Gahdddd napafacepalm nalang ako dahil sa kapulahan ng pisngi niya pati na rin ang isa ko pang baklang classmate.
"hi guys" sabay ngiti niya sa mga classmate ko "sorry if the house is kinda small."
"hala hindi pooo ang luwang nga po eh ang gandaa pa." sabi nong bakla kong classmate na todo ang ngiti kay kuya. Nginitian naman siya ni kuya
"anong gusto niyong ulam?" tanong niya ulit.
"kahit ano na kaya mo na yan." Sagot ko naman sakniya.
"okay, panget mo as always sistah" mahina niyang sabi. Inirapan ko naman siya bago siya makaalis.
"OMGGGG JVVV ang gwapo ng kuya mo swear ang hot niya paa!!" mahinang sabi ng bakla kong classmate, hay nakooooooooooo. Ngiti nalang ang naisagot ko saknila dahil di ko alam kung paano ko ba sasagutin mga pinagsasabi nila sa kuya ko. Ang panget panget naman non eh.
BInalikan ko naman si Timothy sa sala at patuloy pa rin siya sa pagtingin ng mga pictures sa album.
"kanina ka pa diyan di ka pa ba tapos?" tanong ko sakniya.
"hhhmmmm hindi pa, ang cute niyo lang kasi dito...anong meron dito?" Tinabihan ko siya at tinignan ang tinitignan niyang picture. Yung picture namin ng kalaro kong lalaki dati, group picture siya tapos magkatabi kaming dalawa sa harapan tapos katabi namin yung mga ibang bata na classmate niya.
"birthday niya yan actually, ang ganda ng mata niya no?" sabi ko
"kanina mo pa sinasabi yan, maganda ba talaga?" tanong niya
"oo kaya, siya lang yung friend ko na may ganyang mata, color green, ang cute no. mabait yan pero masungit minsan." tsaka ko napansin na medyo naging malungkot ang tono ng boses ko ng may naalala ako.
"sa kabilang village lang ang bahay nila malapit lang sa amin, ang lagi niyang kalaro ay si Kuya tapos nakikisali ako saknila, pero minsan ayaw niya akong isali kapag nagbabike sila ni Kuya dahil hindi daw ako marunong, baka daw matumba lang ako at pagalitan pa sila nila nanay at tatay, so ayunnnn pinapanood ko nalang sila ni Kuya habang nagbabike sila sa village namin, sabi ko sakay nila ako sa bike nila pero ayaw nila akong isakay."
Napabuntong hininga muna ako bago ako magkwento ulit.
"alam mo ba hindi siya pumunta nong birthday ko, sabi ko punta siya, pag di siya pumunta di na kami bati. Hinintay ko kaya siyang pumunta sa bahay non kasi sabi niya kapag birthday ko isasakay niya ako sa bike niya tapos magbabike kami kasama si kuya."
"I'm sorry." Napatingin naman ako kay Timothy na malungkot na nakatingin sa akin.
"bat ka naman nagsosorry?"
"ahh ahmm kasi bigla kang nalungkot" napailing nalang ako sakaniya at natawa.
"if ever na makita mo siya ngayon anong gagawin mo or sasabihin mo sakniya?"
"im gonna kick his balls for doing that! That was my fcking birthday and he didn't even said goodbye or have a word, he didn't even say happy birthday I swear im gonna punch him so hard."
"oh sht" narinig ko ang pagtawa niya.
"he left me, the day of my birthday without having a word, like a bubble poof"
"miss him?"
"no."
"ouch"
"ouch for what?"
"ouch for him." Inirapan ko siya habang siya naman ay natatawa.
"Okayyy guyyyyyyyys practice na. Romeo and Juliet" tawag ni Carol sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro