Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 8

After tinitigan ni Maine ang litrato nila ni Alden ay napangiti siya bigla.

Sana sagutin mo to.

She dialled Shella's number. Matapos ang ilang kiriring...

"Hello?"

"She."

"O?  Bakit napatawag kana naman."

"I have something to tell you."

"Ano na naman yan?" Bagot na sabi ni Shella sa kabilang linya.

She sighed. "Nagkita kami..."

"Nino?" Timid namang magsalita.  Haaaay.

"Alden Richards mo."

"So?"

"So,  uhm. Wala lang. Baka kasi masayahan ka pagmalaman mong nagkita kami at may picture din kami." Pahayag ni Maine.

"Okay. O,  sige na. May pupuntahan pa akong date. Gotta go!" Date?  Nakikipagdate na siya?

"You're dating with someone now? Akala ko ba sab... -sasabiha... -"

Hindi niya pinatapos ang sinabi ni Maine. "Look, na realize ko na ang tanga ko nung mga panahong naniwala at nakipagsundo ako sayo na bawal muna mag boyfriend, na dapat sabay tayo at  dapat double wedding. Di mo ba na realize yun? Anyway, my NEW friends set me up with this guy. Akalain mo yun? Yung ultimate crush natin sa cang ege years  kilala pala nila Karen at Aya?"

Date. Tanga. NEW friends na diniin talaga pagkasabi. Ultimate crush noon na si Glen. Bakit #triplekill?

"Maine? Still there? Bababa ko na ha? Congrats nga pala. Buti kapa may picture na kayo ni Alden. This Sunday makikita ko na din siya kaya di ako naiinggit o ano. Nga din pala,  finallow kana niya. Swerte mo. Kainggit." At binaba na niya ang linya.

Napatulala naman si Maine sa mga sinabi ni Shella sa kanya. Di niya akalain na dadating ang panahong to. Ang kaibigan niya noon na malambing, thoughtful at mabait ay binabaliwala na siya ngayon.

Gaano ba talaga kalaki ang naging kasalanan ko?  Tangina. Puno't dulo lang naman nito e,  yang Alden Richards na gagong yan, e.

Hindi siya nagpaligoy ligoy pa.

Ilang sandali ay tumunog ang notification niya.

ALDEN: Ang lutong naman ng mura mo sakin.

MAINE: Dahil lutong hanggang langit ang galit ko sayo. Pakyu ka!

ALDEN: Ouch ha!  Sanay akong minumura ako dahil sa kilig pero ikaw iba ha.  Hehehe

MAINE: Wag kang tatawa tawa diyan!  Peste ka!  Galit ako sayo. Galit na galit at habang buhay ko tong ibabaon sa hukay ang galit ko sayo. TANDAAN mo yan damuho ko!

ALDEN: *Sighs.* Sorry. Di ko alam kung ano talaga ang kasalanan ko kung bakit galit na galit ka sakin pero SORRY.  SORRY talaga.

MAINE: Hindi na maibabalik yang sorry mo ang nasirang relasyon naming magkaibigan. She left me,  ALONE.  Dahil sayo!!!!

ALDEN: Alam mo,  abot dito yang galit mo.  Grabi sinasapal ako ng mga exlamation marks mo,  o. Pero seryoso,  sorry.

Hindi na nagreply si Maine. Naninikip na naman ang dibdib niya at may mga nagbabadya na namang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Kuya?  Baba ka daw muna. Kakain na tayo." Kumatok ang bunsong kapatid niyang babae sa pintu.an ng kwarto niya.

"Gel,  sabihan mo si dad pababa na ako." Sagot naman nito.

"Okay kuya,  bilisan mo na."

"Opo." Napatawa siya sa inasal ng kapatid niya. Kung makautos,  o. Ginagaya talaga si dad. Hahaha

"O,  iho?  Buti maaga kayong nakauwi ngayon."

"Oo dad,  medyo di po tight yung mga schedules ko ngayon. Nakabisita nga ako kanina sa Concha's. Nga pala, bakit tayong tatlo lang dito? Saan sina lola at lolo? Si Rizza? Si kuya?" Tugon nito sa ama.

"Hmmm, mga kapatid mo nasa trabaho pa tapos maagang natulog ang lola't lolo mo, susundan pa daw ata nila ako." Pabirong sabi nito sa anak. "Kumain kana para makagpahinga ka ulit." Dagdag niya.

Sa kalagitnaan ng pag kain nila...

"Hey,  kailan kapa natutong mga cellphone Gel?  Diba sabi ni kuya wag muna mag phone phone? Nakakasama yan." Saway niya sa bunsong kapatid na ngayon ay panay dotdot sa phone niya habang kumakain.

"Dad,  o. Si kuya."

"Hala!  At nagsumbong pa talaga. Tsk." Napalingo lingog sabi ni Alden sa kapatid.

"Nak,  hayaan muna. Kawawa naman kasi. Lahat ng kaklase niya sa school may mga telepono na tapos siya wala. Maiinggit lalo yan. Tsaka iba na ngayon ang millenials,  ano kaba."

He sighed. "Okay,  but atleast put your phone aside pag nasa hapag tayo Angel."

Napangiti naman ang kapatid niya. "Okay kuya." At bumalik ito sa pag kain.

A few minutes after ay nag flash sa TV screen ang Celebrity news na starring siya.

Alden Richards nag follow ng isang basher sa twitter account niya.

Yun ang headline.

"Hala!  Na news yung nag wacky na short hair sa tv kuya,  o." Turo ng kapatid niya.

"Bakit mo yan finallow anak?  Baka ano gawin niyan sayo ha?  Report mo agad yan. Baka may mga death threats siya. Haaay,  sabihin mo agad sa mga may awtoridad para ma imbestigahan yang babae'ng yan."

Napangiti naman si Alden. "Don't worry guys,  di naman siya masama. May pinaghuhugutan lang yang babaeng yan sa buhay kaya ganun ka sama ang tingin niya sakin."

"Sinasabi ko talaga sayo Rj baka mapahamak ka dahil diyan."

"Dad,  babae yan. Wag kang mag alala kaya ko siya finallow dahil hinahanapan ko yan ng lambot sa katawan. Alam kong mapapa amo ko siya."

"Ano yan?  Aso na itri. Train mo?" Natatawang tanong ng ama.

"Ay,  grabi siya. Di naman po. I want to try this,  yun bang i.prove ang sarili ko sa isang tao na grabi yung galit sakin?  Yung ipapamukha ko sa kanya na mali ang mga sinasabi niya tungkol sakin."

"Pagkatapos?  Kung magtagumpay ka diyan sa mala experiment mong galaw?"

"Edi... Wow!  Hahahaha di,  edi friends na kami."

"I.girlfriend mo kuya." Pangising sabi ni Angel.

"Huy,  tong batang to. Bakit alam muna ang mga ganyan, ha?! Mag aral ka nga lang muna." Saway nito sa kanya.

"Aba,  wag kang ganyan anak. Malay natin magdilang anhel yang sinabi ng kapatid mo. Baka magka develop.pan kayong dalawa." Tukso ng ama sa kanya.

"At talagang ginatungan mo ang sinabi nitong si bunso ha?" Natatawa na din si Alden.

"Oo nga kuya.  I.chat mo siya dali na."

"Wag nga kayo!  Imposible yun! Abot langit nga raw yung galit niya sakin tapos babaunin niya hanggang hukay ang galit niya. Kaya no chance..."

"Edi kong ganun wag mo ng ituloy yang pampalambot experiment mo. Try mo nalang yung pampatigas. Baka dun,  madala mo pa siya. Hahahaha" biro ng ama.

Napailing naman si Alden sa sinabi ng ama.

•••

Pampalabot at pampatigas 😂😂
Grabidad. Saan ko ba nahagilap ang mga salitang to!  Nakakaloka. Hahaha

Happy 23rd birthday to my kagid21 . Ang tanda mo na love!  Hahaha pero I love you pa din with all my hypothalamus 😂 sana magkita tayo today. May sorpresa ako sayo WAHAHAHAHA 😂😂 God bless you always.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro