PG • 75
Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na siyang napabuga ng hininga habang patuloy na bumubuhos ang mga luha niya. She didn't expect this to happen. Biglang bumlangko ang isip niya nang makita ang resulta sa hawak-hawak niyang bagay.
Patuloy ang pag iyak niya nang biglang tumunog ang pinto at bumukas ito.
"Love ko! I'm he—bakit ka umiiyak? Anong problema?" Ang masiglang mukha ni Rj ay biglang nawala nang makita siya nitong umiiyak. Nilapag niya sa gilid ng couch ang dala niyang bag at agad siyang nilapitan.
"Rj." She sobbed nang makalapit na ito sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Wala naman siyang nabalitaang hindi maganda mula rito. She's fine when they had their video call. Hindi niya alam kung bakit umiiyak si Maine.
"What's wrong? May masama bang nangyari sayo? May nang gugulo ba? Magsalita ka naman oh." Puno ng pag-aalala ang mukha ni Rj habang tina-try niyang tignan ang nakayukong nobya.
Kakabalik lang niya from a provincial guesting at two days silang hindi nagkita kaya dumeritso na siya sa condo ni Maine pagkadating niya. Susorpresahin sana niya ito pero mukhang siya ang nasorpresa dahil pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang girlfriend niyang umiiyak.
Inalog niya ito para tumahan. Pina inom niya rin ito ng tubig. Hindi niya ito iniwan hanggang sa medyo kumalma na ito. He then lead her to her bed at pinahiga niya ito para makapagpahinga.
He went out to get his phone para umorder nalang ng makakain nila dahil mukhang impossible na silang makalabas dahil sa pamamaga ng mata ni Maine, inayos niya muna ang gamit at pasalubong niya bago siya bumalik sa loob ng silid.
"Hey," tawag nito nang makita niya si Maine na nakasandal na ngayon sa headboard ng kama. "Akala ko nakatulog kana."
"I can't sleep." Sagot nito. May mga nagbabadyang luha na naman na papatak mula sa mga mata nito.
Dagli siyang tumungo sa gilid nito at niyakap siya. He hugged her at dahan-dahang bumaba ang kamay niya sa likod nito para pokpokin ang balakang niya. He thought that maybe she's just having a dysmenorrhea kaya iyak ito ng iyak.
"What are you doing?" She managed to asked him kahit patuloy ito sa pag iyak.
"Y-you're having your period?" He cluelessly asked.
"Anong period ang pinagsasabi mo?" Biglang nagbago ang kaninay matamlay na awra. "Paano ako magkaka period?"
"Because it's your monthly period?" Bakas sa mukha ni Rj ang pagkalito.
This is what he always do when she's having her monthly dalaw. Pinupokpok nito ang balakang niya para ma lessen ang sakit pero mukhang hindi tumatalab ang ginagawa niya ngayon.
"Ano ka ba, Rj!" She took away his hand at medyo dumistansya ito sa kanya.
What the... ano bang problema?"
"Maine, can you just tell me what's going on in here? Bakit ka umiiyak? If it's not pms, ano to? Hindi ako magaling manghula, okay? So tell me now please." Bakas na sa mukha niya ang pagkabahala.
Suminghot si Maine at pinunasan niya ang luha. She slowly showed the thing from her hand. "Rj..." she said at dumaloy na ulit ang mga luha mula sa kanyang mata.
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Rj nang makita ang puting bagay na hawak-hawak ni Maine.
Patay este buhay kang bata ka!
"Are you..."tinignan nito ang girlfriend. "Pregnant?"
She sighed as she slowly looked at him. Halata sa mukha na naiinis na ito. "Ay hindi! Prank lang to. Pina prank kita tapos umiyak lang ako ng husto para mas believing tignan!" Inirapan niya ito habang pinunasan ang luha. "Syempre, oo! Gago ka ba?"
Parang biglang humiwalay ang kaluluwa ni Rj sa katawan niya sa sinabi ni Maine. Lumipad ang lahat ng braincells niya at bumlanko ng tuluyan ang utok niya.
"P-paano?" Utal nito. Habang dahan-dahang sini-sink in sa utak niya ang sagot ni Maine. He is sure that he's whiter than snow at the moment dahil sa sobrang kaba at takot.
"What the hell, Faulkerson! Araw-arawin mo ba naman ako noong mga nakaraang buwan at linggo?Tapos ngayon tatanungin mo ako kung paano? Bakla ka ba?!" Akmang susuntukin niya si Rj pero agad na tumayo ang binata.
"T-teka, teka naman. Alam ko naman 'yon pero syempre g-gulat na gulat pa ako. Sini-sink in ko pa ng husto sa isip ko ang lahat."
Humiga ulit si Maine at hindi na siya kinibu-an.
Timing rin na tumunog ang doorbell. Mukhang dumating na ang inorder niyang pagkain. Agad siyang lumabas sa silid para puntahan ito.
Habang hinahanda niya ang pagkain ay di mawala sa isip niya ang naging usapan nila ng parents ni Maine.
'Wag muna mag buntis. Magpakasal muna kayo.'
Napaupo siya bigla nang maalala 'yon. Paano ba 'to? I broke their trust. Dios ko.
'Sana wag mong balewalain ang pagtitiwala namin sa inyo. We allow you to visit her in her condo para may privacy kayo kahit konti at para di kayo fi-fiestahan ng mga tao kahit saan kayo magpunta. Wag mo naman sanang abusuhin.' He remembered what her dad said.
Dios ko! Ano na? Am I going to choose the consequence? Magmumumog ng sarili kong dugo o tatadtarin ako hanggang maging ground meat ng mga kapatid niyang lalaki? Nako naman.
Nanatili siya saglit doon hanggang maalala niya na kailangan niya na palang pakainin si Maine dahil sobrang late na.
At ang baby. Dios ko Lord naman talaga!
"Maine?" He went near her. "Kain ka muna. Hindi ka pwedeng magutom." Hinawakan niya ito sa balikat.
"I'm not hungry." She said coldly.
"Sige na. It's not good for you and for our b-baby na magutom kaya kailangan niyong kumain." He calmly said.
Dahan-dahang humarap si Maine sa kanya sabay punas ng luha. "Tanggap mo si baby?"
Kumunot naman ang noo ni Rj sa tanong niya. "Anong klaseng tanong yan? Ofcourse! Medyo lutang lang ako kanina kasi nabigla ako. Hindi ibig sabihin nun na hindi ko tanggap ang pagbubuntis mo at hindi rin ibig sabihin na tatakbuhan ko ang responsibilidad ko sa inyo ni baby." He kissed her forehead. "Papanagutan kita, Maine."
Tumulo ulit ang luha ni Maine. "Talaga?"
"Oo naman noh!" He cupped her faced. "Maine, don't ever think na problema ito. Isipin nalang natin na bunga ito ng pagmamahalan natin at blessing si baby. Okay? Tomorrow kakausapin natin ang magulang natin para sabihin ito. We will ask for their forgiveness and we will rebuild their trust. Okay ba 'yon?"
•
Hindi mapakali si Rj at Maine habang nasa hapag sila kasama ang magulang ni Maine.
"Rj, natatakot ako." Halos mamutla na si Maine sa kaba. Hinawakan naman ni Rj ang kamay niya to assure her that everything will be fine. Hindi naman nila pwedeng itago ito sa mga pamilya nila kaya kailangan na nilang sabihin ito habang maaga pa.
"Hindi naman kayo nagpasabi na darating kayo. Nagpaluto sana ako ng espesyal." Her nanay said as she sat down next to her husband at nagsimula na ring kumain.
Tahimik lang ang ama ni Maine habang palihim na tinitignan silang dalawa.
"S-sorry nay,big-biglaan lang po." Utal na sabi ni Maine. Halos hindi siya makatingin sa magulang niya.
"So bakit kayo napapunta dito ng biglaan?" Her nanay asked.
"K-kasi po..." Siniko niya si Rj para magsalita dahil mukha na itong tuod sa gilid.
Narinig nilang binaba ng tatay ni Maine ang kubyertos. "Kailan pa yan?"
"P-po?" Bakas sa mukha ni Maine ang kaba.
"Kailan pa yan?!"
Gusto ng mahimatay ni Rj sa kinauupo-an niya dahil sa lakas ng boses ng tatay ni Maine.
"Tay." Umiyak na si Maine. "Sorry po tay."
"T-tito, sorry po." Mahabaging Langit! Tulong po!
Napakunot naman ang noo ng tatay ni Maine. "Wait." He paused. "I'm just playing around."
Humagikhik naman ang ina ni Maine. "Honey, ano ka ba naman. Hindi kana nahiya kay Alden. Dito kapa talaga sa hapag nag acting-actingan. Alam mo kasi Alden ay Rj pala, gusto niya itry na mag acting sa harap mo. Titignan niya raw kung uubra ang dugong artista niya." Tawa ng tawa naman ang nanay ni Maine sa ginawa ng asawa niya.
Pero nang makitang hindi tumatawa si Rj, ang asawa niya at lalo'ng lalo na si Maine ay biglang nawala ang tawa niya. "Ay? Totoo?"
"T-Tito, Tita, alam ko pong nagtataka kayo b-bakit biglaan po ang pag punta namin ni Maine dito. M-may gusto po kasi kaming sabihin sa inyo." Tinignan niya si Maine at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Bun...bunt..."
"Buntis ka Nicomaine!?" Napatayo ang ina ni Maine.
"Nay, Tay..." Natarantang sabi ni Maine habang umiiyak.
"Opo, buntis po si Maine at nandito po ako para humingi ng tawad sa inyo dahil sinuway po namin ang utos ninyo na hindi pa po dapat gawin ang ginagawa ng mag-asawang gawain po, sorry po dahil nasira namin ang tiwala niyo po sa amin pero po rest assured, papanagutan ko po si Maine." Handa na si Alden sa magiging reaksyon ng mga magulang ni Maine at siguro dapat niya rin ihanda ang mukha niya sa kamao o palad na dadapo sa mukha niya pero nang maramdaman na wala... nagpatuloy siya. "I will be responsible for our child and for Maine po."
"O my goodness!" Napatakip sa bibig ang ina ni Maine. "Honey, magsalita ka?" Binalingan niya ng tingin ang kanyang asawa.
Matagal itong tumitig sa kanilang dalawa. Hindi nila mabasa ang iniisip nito kaya mas lalong kinabahan si Rj sa blankong reaksyon ng ama ni Maine.
He sighed. "Ano pa ba ang magagawa ko. Andiyan na eh. Basta ba alaagan mo itong anak ko at ang magiging apo ko."
"O-opo tito, tita. M-makakaasa po kayo." Parang nabunutan naman sila ng tinik nang marinig nila ito mula sa ama ni Maine.
Napangiti naman si Maine kahit na umiiyak parin siya.
"Pakasalan mo siya."
•
"O my goodness! Praise the Lord! Sa wakas magkakaapo na ako!" Sigaw ng ama ni Rj nang mabalitaan ito.
"Dad, wag ka munang mag post ha? Pala post kapa naman." Reklamo ni Rj sa ama.
Tumango lang ito sabay kuha ng phone nito. Malamang tatawagan na niya ang mga kapatid at pinsan ni Rj para ipaalam ito.
•
"Alden Richards! You'll be the death of me!" Sinigawan siya ni Loida, his manager. Good thing 2 weeks nalang ay mag re-renew na siya ng contract kaya magagawan nila ito ng paraan.
As for the moment bawal muna makaalam ang iba maliban sa pamilya ng dalawa at ang management niya.
•••
I miss writing 🥺. I miss ALDUB. I miss everything.
Sorry kung matagal akong nawala guys. A day after my last update... my father passed away.
(Cardiac arrest). I suffered too much. Nagka anxiety level 3 ako. I was afraid that it will lead to depression again but Praise God it didn't.
Sobrang bilis lang ng pangyayari. Inatake si tatay sa harap namin ng nanay ko... wala man lang paalam, walang "iloveyou, goodbye" moment, as in wala... kaya sobrang sakit. 🥺
Pero si God yung nagmamay-ari sa mga buhay natin eh kaya siya rin ang may right at may alam kung kailan niya kukunin ang pagmamay-ari niya. Masakit man, oo pero iniisip nalang namin ng nanay at kapatid ko na "ALL THINGS WORK TOGETHER FOR GOOD."
Hay, napahaba na ata ang pag share ko. Sorry po.
Mag ingat po tayong lahat! Wag nalang muna lumabas if di naman importante ang pupuntahan natin. God bless us all! 😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro