Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 73

Pssst, ang programang at mga taong mababanggit sa chapter na ito ay isang kathang isip lamang. Wala po talagang ganito sa GMA hihihi. Thank you po! :)

•••

Gaya ng isang typical na mag girlfriend-boyfriend, lumalabas na silang dalawa kaya palagi na silang spotted at laman ng mga celebrity news.

Kahit medyo awkward kay Maine na makita ang pagmumuka sa tv or sa social media na nakanganga, naka tawa na halos labas ang ngala-ngala, naka wacky, naka simangot, parang nang gigigil, masaya, in love at iba pang ekspresyon sa pagmumukha ay wala na siyang magawa. Nakipagrelasyon siya sa isang sikat na artista kaya dapat niyang tanggapin ang mga bagong nangyayari sa buhay niya.

Habang abala siya sa paghahanda ay may biglang tumawag na unknown number sa kanya. Hindi naman bago ito pero hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.

She took her phone at sinagot ito. "H-hello? Sino 'to?"

"Good morning ma'am, is this ms. Maine Mendoza?" Sagot ng isang babae sa kabilang linya.

Napaupo naman ng maayos si Maine. Sino kaya to?
"Yes, speaking. Sino po sila?"

"Ay, ma'am, good day po! This is Rita from Bonggang Buhay!"

Nakahinga naman siya ng maayos. Akala niya kasi kung ano na. May mga iilan pa rin kasing tumatawag sa kanya at minumura at pinagtatawanan siya hindi lang sa social media pero pati rin sa calls at text messages mula noong naging public na ang relasyon nila. Hindi nga niya alam kung saan nakuha ng mga ito ang number niya,  Rj wanted her to change her phone digits at isumbong ang mga gumagawa nito sa kanya pero ayaw na niyang gawin 'yon. Magsasawa rin ang mga 'yon sa kaka message at tawag sa kanya kaya hinahayaan nalang.

"Ma'am Maine?"

"Uh, yes? Hello. Sorry."

"Uhm, ma'am di po ba kami nakaka-isturbo sayo?"

"Hindi naman po.. bakit po?"

"Can we ask you something?"

"Sure, what is it?" Masiglang tugon nito. Bakit to tumatawag? Omg! Baka kukunin nila akong artista? charot.

"Next week po ay 1st anniversary na ng show. We will be airing live on Wednesday and we will be guesting our Pambansang bae. Uhm, we would like to surprise him by asking you to have a video greeting po para sa kanya sa araw na 'yon. If it's okay with you po?"

Hindi agad nakasagot si Maine.  Totoo ba to? Dios ko, masasanay na rin ba akong magkaroon ng appearances sa TV? Kaloka.

Wednesday came. Maagang nagising si Alden dahil maaga ang call time nila. He messaged Maine na may live guesting siya sa Bonggang Buhay. If may time raw ito ay pwede siyang manuod.

The show is all about the personal lives of the celebrities. Their success as an actor, their families and also loved ones. Dito lang madalas nakikita kung ano talaga ang totoong buhay ng isang artista likod ng kamara. Hosted by Tekla and ma'am Charo, cheret. Carmina Villaruel.

She wished him good luck bago nila binaba ang tawag.

"Amega, ngayong umaga ay may espesyal tayong bisita!"

Napatili naman si Tekla. "Goosh! Special child ba 'to?"

"Shunga, hindi syempre! Isa siya sa mga pinaka gwapo at mabait na nakilala ko sa industriyang ito!" May halong kilig na pakilala ni Carmina.

"Hala siya! Kilig na kilig ang auntie oh! Sige nga, pakilala na nga natin to? Baka ma ihi kana diyan ha!"

"Ito na nga... Isa siya sa pinaka successful na tao sa larangan ng showbiz ngayon! Pero sa kabila ng kaliwat kanang blessings na natatanggap niya ngayon, paano niya pa niya binibigyan ng oras ang pamilya at special someone niya? Nakoo! This is a great privilege for us to have him! Ang tagal na natin siyang gustong i-guest pero ngayon palang talaga tayo nagka panahon dahil sa sobrang busy ng taong ito. Mga ka bongga, let us all welcome ang nag iisang pambansang bae! Mr. Alden Richards!!"

Nagsigawan naman ang lahat ng tao na nasa loob ng studio. Dahil live nga ito ay nag imbita rin sila ng mga taga hanga nito.

"Hello, hello po! Good morning!" Lumapit siya kay Carmina at nag beso. Kinamayan naman niya si Tekla.

"Ay teka, bakit shake hands lang sa akin tapos kay Carmina, beso?" Tampong sabi ni Tekla.

"Ay, bawal. Di pwedeng bomeso sayo. May magagalit." Tatawa-tawang tugon ni Alden.

"Oh, so she's threatened?" Nagtawanan naman ang lahat ng tao sa studio. "So mas maganda pa ako sa kanya? Ganern? Okay, sige. So, kung nanunuod kaman ngayon special someone ni Alden." Humarap at kumaway siya sa camera. "Diyan ka lang! Wag mong i-change ang channel."

Tumawa ang lahat na nanuod sa sinabi ni Tekla.

"So Alden, may mga franchise restaurants kana tapos may pa soon to rise kana namang post," pinakita sa led screen ang post niya na may panibago na naman siyang business. "Paano mo pa nabibigyan ang pamilya mo ng oras? You seemed so busy, hijo. Pansin ko pag wala kang shooting or work related travels ay may mga business ka pang inaatupag."

"Well, it's a matter of time management lang po. Nung una medyo mahirap pero kinalaunan natutunan ko rin naman pong mag adjust."

"Kasi feeling ko pag ako nasa katayu-an mo, ground meat Tekla na siguro ako sa sobrang tadtad at dami ng trabaho. Ang hirap ha!"

Tumawa si Alden. "Opo, mahirap po talaga. Good thing yung mga taong nakapalibot sa akin ay sobrang mababait, understanding at trustworthy kaya di ako masyadong nahihirapang mag adjust sa mga nangyayari sa buhay ko po ngayon."

"Ay, yon naman talaga ang mahalaga. If you appreciate the effort and hardwork of your teammates ay mas lalo nilang iigihan ang pag tatranaho nila siyo at sa pamamagitan non... ma le-lessen ang mga gawain mo because they are there to help you."

"Amen!" Pag sang-ayon ni Tekla.

"Tama po." He smiled. "Tsaka sa family ko rin naman po, palagi ko pong sinasabi at pinaparamdam sa kanila na para sa kanila po lahat itong ginagawa ko at naiintindihan naman po nila ako."

"Ay grabi siya, sis no?" Tekla looked at Carmina. "Imagine, sobrang gwapo na niya, mabait pa tapos matulungin pa sa pamilya. Hay nako, sana oil."

"Korek ka jan Tekla!" Sang-ayon ni Carmina. "Pero paano ba ang isang Alden Richards makipag bonding sa pamilya niya?"

"Well, kung nasa bahay lang po kami... nagkukulitan po kaming magkakapatid. Nag uusap tungkol sa business kasama si daddy at nag uusap rin tungkol sa mga bagay-bagay kasama ang lola't lolo ko po."

"Wow naman! That is so sweet of you." Papuri ni Carmina.

"I wonder.... char, english!" Pahayag ni Tekla.  "naghuhugas kapa rin ba ng mga pinagkainan niyo? Nagwawalis ka ba sa bahay o nag lilinis?"

"Hmm? Bihira nalang po eh." Napakamot si Alden ng ulo. "Kasi may mga pinagkakatiwalaang kasama rin po kami sa bahay na tumutulong sa amin sa mga gawain pero pag inuutosan ako ni lola.. ginagawa ko rin naman po."

"Good boy!"

"Now Alden, may surprisa kami sayo."

Biglang nanlaki ang mata niya. "A-ano yan?"

"Well, watch this!"

May pa video greet ang mga kapatid ni Alden sa kanya. Nagpasalamat ang mga ito dahil sa kabutihang ginagawa niya para sa pamilya nila. They wished him happiness and good health rin para mas marami pa itong magawa at matupad na mga pangarap.

He was left teary-eyed. Sobrang na touch siya sa mga sinabi nang dalawa niyang kapatid sa kanya.

"Anong masasabi mo Alden?"

"Uhm." Halata sa mukha niya na nagpipigil siyang maiyak. "Mahal ko kayo! Isipin niyo palagi na ginagawa ko tong lahat para sa pamilya natin. Gusto ko palagi kayong nasa mabuting kalagayan dahil sobrang sakit at hirap para sa akin na makita kayong nahihirapan gaya ng naranasan natin noon. Pinapangako ko na hanggang sa abot ng aking makakaya, with God's grace ay mas mabibigyan ko pa kayo ng mas maganda at bongga pang buhay in the future. Mahal ko kayo."

Hindi agad nakapagsalita si Carmina at Tekla dahil pareho silang nagpupunas ng kanilang mga luha.

"Uy, ito naman!" He comforted the two.

"Ang feeler natin no? Iyak na iyak na tayo rito pero di naman pala para sa atin yung message. Di pala tayo ang kapatid ni Alden. Ang saklap!" Komento ni Tekla.

Yun ang nakapagpagaan ng mga damdamin na nandoon pati na rin sa mga viewers.

"Sa bagbabalik natin! Eeeih! Ito exciting! First time natin maka kwentohan si Alden tungkol sa fruitful na love life niya! Stay tuned! We will be right back. Dito lang sa... BONGGANG BUHAY!"

Matapos ang break ay sumigaw na ang floor director na 1 minute nalang at magsisimula na sila ulit.

Medyo kinakabahan si Alden dahil first time niyang magsalita sa publiko tungkol sa relasyon nila ni Maine pero nanaig din ang excitement niya nang maalala na pwede na pala siyang magsalita tungkol dito. No filtered words just the truth!

"Okay! Nagbabalik na po tayo at kasama pa rin natin ang nag iisang Alden Richards!" Nagpalakpakan ang mga tao.

"Hmm, Alden to start with... sobrang umugong ang balita lately na you are dating with a non-showbiz girl at kinomperma mo rin ito sa isang party na iginawad ng mga fans mo sayo. Once and for all, totoo ba talaga ang balitangito? May nagpapatibok na ba talaga sa puso ng aming pambansang bae?" Tanong ni Carmina sa kanya.

Ngumiti siya ng husto. "Opo! Totoong-totoo po."

"Omg! Ang swerte naman ni ate girl! How did you meet her? Oh diba! Mapapa english ka talaga pag kaharap mo si Alden eh." Biro ni Tekla.

Tumawa naman si Alden. "Mahabang kwento po kasi yung love story namin eh." Tumili ang mga fans na nandoon sa studio. "Siguro po sa susunod if given a chance ay ikwekwento ko na po. I need to ask permission pa kasi po sa kanya eh. She's a very private person kaya kailangan ko pa rin po ng approval niya."

Tumango-tango naman ang dalawang host. "Okay, we understand, hijo. Pero sana dito pa rin sa show namin gaganapin ang kwento mo ha?" Masuyong sabi ni Carmina.

"Sana di pa ako napapalitan na host dito." Malungkot na biro ni Tekla. Tumawa naman ng husto si Alden.

"Pero Alden, alam mo bang mas lalo kang gumwapo ngayon? Kita sa awra mo ang pagka inspired ng husto eh. Rumereflect."

"Talaga po ba? Nako, Sobrang inspired po talaga ako ngayon at walang mapaglagyan nito."

"Dios ko! Lumalalim ang dimples mo! In love ka nga."

He smiled widely.

"Hmm, anong mga bagay ang nabago niya sa buhay mo Alden nung dumating siya sayo?"

"Marami po." He smiled. "She's my shelter even in the time of storm."

"Nako naman!!"

"Bakit ganon? Pag sa jowa ko siguro itatanong niyan malamang dilobyo lang dulot ko sa kanya." Sabay pandyak na sabi ni Tekla. "Pero pag ikaw kahit maypa storm-storm ka pa, nakakakilig pa rin pakinggan?"

"Grabi naman yang dilibyo! Di naman siguro pareng Tekla—"

"Aray ko bhe! Naka saya't makeup na ako rito oh! Pareng Tekla pa rin?!" Umayos siya ng upo. "Suntukin kita diyan eh." Naging lalaki ang boses nito kaya tawa lang ng tawa ang mga nandoon.

Nang maka recover na sila sa kakatawa ay agad na sinigundahan ng tanong ni Carmina si Alden. "Grabi naman 'yon. Ibang level na pagka describe nun ah!"

He just smiled at them.

"Pero Alden, we heard na hindi raw maganda ang mga unang pagkakilala niyo. Is it true? Paano ba? Mag kwento ka naman kahit snippet lang." mangungulit ni Carmina dito.

"Well, uhm..." he sighed. Mukhang wala siyang takas sa mga 'to. "Hindi naman sa hindi maganda.. even us din naman kasi may mga moment tayo na parang hindi natin feel yung tao o di kaya maiirita ka sa kanila kahit di mo pa sila na mi-meet personally."

"Omg! So ayaw mo sa kanya nung first?!" Gulat na tanong ni Tekla.

"Actually, hindi ako. Siya ang may ayaw sa akin."

Napatakip pareho ng bibig ang dalawang host. Pareho silang speechless sa sinabi nito.

"I can't believe it! Anong klase ba siyang nilalang? Is she from the other planet? Kapamilya ba siya ni Kokey? Gosh! Sino bang nilalang ang aayaw sa isang Alden Richards?!"

"Well, ayaw niya ako nuong una eh. Para ba akong isang nakakadiring nilalang para sa kanya. She can't afford to looked at me on tv or even in billboards o kahit saang lugar na nakapaskil ang mukha ko. Gusto niyang akyatin at punitin ang nakabalandrang pagmumukha ko."

"Talaga ba? Nako naman! Yung iba nga nag aaaway-away na dahil nag uunahan sa mga posters at pictures mo! Tapos siya? Ayaw? Nakoo!" Halata sa boses ni Tekla ang ibang inis.

But Carmina said, "Curious ako kung paano kayo nag meet? Kung galit siya sayo before ano ang naging turning point? What made her like you despite of anger that she felt towards you?"

Napangiti siya ng husto nang maalala kung paano niya pinursige si Maine at kung paano nagbunga ang parang impossible nilang nararamdamanan para sa isa't isa. "Uhm, It was an impossible road for us to meet.  At first, I thought it will not work because of the differences and difficulties we had pero may plano pala talaga ang Dios. It was even a rough and stormy journey but God allow it, He did something to make our paths cross. He gave me her to be my shelter and became my inspiration to continue in everything that I do. And the turn of events? Nako, pinagtyagaan ko talaga! Pinag igihan ko ang pangungulit, pakikipag kaibigan at pagpapa cute sa kanya hanggang sa wala na... hulog na hulog na siya sakin. Charot! Joke lang!" At tumawa siya ng husto sa sarili niyang joke.

"Nako! Nako! Nako! Naiihi ako dito sa kina uupo-an ko sa kilig!" Tili ni Tekla.

"Nako Tekla! Hold it! Sa pagbabalik natin ay may sorpresa tayo kay Alden! Stay tuned! Magbabalik po tayo."

Nang nag on-air ulit sila ay mas lalong kinabahan si Alden.

"As promised, may surprise kami sayo! Infairness ha, mahal ka talaga niya dahil willing siyang gawin to para sayo." Pangiti-ngiting sabi ni Carmina sa binata.

"Ano to? VTR? Letter? Paano niyo siya napapayag!!?" Halata sa boses ni Alden ang kaba at pananabik.

"Anong letter at VTR?! Live tayo no! Kaya live din natin siyang makakasama ngayon! Let us all welcome, ang maswerteng babae sa buhay ng ating pambansang bae, Miss Maine Mendoza!!" Pakilala ni Tekla sa babaeng papasok sa stage.

"Hello po, bonggang buhay! Good morning po!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro