PG • 72
Hindi naging madali ang pagtanggap ng ibang tagahanga ni Alden sa naging rebelasyon nito.
May iba na pagkatapos ng gabing 'yon ay nagalit dahil nagsinungaling raw si Alden sa kanila, may iba namang masaya dahil sa wakas ay napakilala na niya sa publiko ang matagal nilang hinala na may special someone nga ito.
Umugong din sa social media at sa telebisyon ito dahil sa mga fans na nag post ng pictures at videos sa gabing 'yon.
Hindi rin naging exemption ang paglaganap ng balita sa mga kasamahan ni Maine.
"Maine," tawag ng isa sa mga kasamahan niya nang makarating siya sa office nila.
Napahinto naman si Maine sa paglalakad at hinarap ang mga nakangiting babaeng nagkumpulan. Alam niyang mangyayari 'to pero hindi niya inaasahan na pagkarating pa lang niya sa trabaho mula sa halos isang linggong pagpapahinga ay agad siyang sasalubungin ng mga ito para maki chismis.
"What? Bakit kayo lahat nandito?"
"Ito naman, gusto ka lang naming makita." Gustong matawa ni Maine dahil ngayon lang siya kinausap ng mga ilang katrabaho niya. Ngayon na nang pinakilala na siya ni Rj bilang girlfriend niya.
"O? Nakita niyo na ako. Balik na kayo doon. Mukhang may mga seminars pa kayo ah."
Isang babae ang humawak sa braso niya at nginiti-an siya ng matamis. "Nako, ang swerte mo naman! Sa lahat ba naman ng babae dito sa mundo, ikaw ang nakaupo sa trono ng puso ni Alden."
Lihim siyang napangiwi sa sinabi nito. Nakakaloka! Bakit ang korney pagkasabi nun?
Nginiti-an niya ito. "Thanks." At tumalikod na siya para umalis. Ayaw na niyang may marinig pa siyang ibang makatang salita mula sa kanila. Nakakapangilabot.
Nang makarating siya sa table ay agad niyang kinuha ang phone niya mula sa bulsa at napangiti siya nang may nag notify sa kanya na may message siya mula kay Alden.
Alden: Hello Me, have a nice day sa work :)
Maine: Thanks De, you know what may kwento ako sayo...
Ilang saglit lang ay tuminog ang phone ni Maine. Hudyat yon na may tumatawag sa kanya.
"Hello."
"Hi! So anong kwento mo?"
Umayos siya sa pagkakaupo. "Pinagfifiestahan ako rito sa office." She pouted.
"Talaga? Anong sabi nila?"
"Ang swerte ko raw sayo." Lumabi ito uli.
Tumawa naman si Rj sa kabilang linya. "What's funny?" She asked.
"Wala lang."
"Hay nako, wag kang feeling ha! FYI, kung nasa mood lang ako kanina I will really correct them. Ikaw ang maswerte sa akin at hindi ako ang maswerte sayo." Maarteng tugon ni Maine dito.
Mas lalo namang tumawa si Rj sa kabilang linya. "Uy, di naman ako nag fifeeling. Ikaw talaga, galit kana naman. Kalma lang, okay? Kakabalik mo lang pero high blood kana agad."
"Eh kasi naman eiih!" Pagmamaktol niya.
"Okay, just calm down. Tumawag rin ako to inform you na pupunta ako diyan sa office niyo para sa shooting tapos sabay na tayong mag lunch, okay lang ba?
Parang bigla namang tumalon ang puso ni Maine sa sinabi nito. She is still on high about their situation. Hindi na pala sila nagtatago ngayon, open na pala ang relasyon nilang dalawa at pwede na nilang gawin ang normal na ginagawa ng couple na hindi na nagtatago or nag di-disguise!
Nag usap pa sila saglit bago nito binaba ang tawag. Out of her knowing na may mga nag lulurk pala sa paligid niya na pawang kinikilig pa.
Hour later ay nagsidagsaan na naman ang mga kasamahan niya dahil nabalitaan ng mga ito na nasa lobby na si Alden Richards at papunta na sa shooting room.
"Maine! Huy! Andiyan na boyfriend mo. Di mo ba sasalubungin?" Tawag ng kasamahan niya na nagmamadaling tumungo sa table niya.
Huminto siya sa pagtitipa at tinignan ang kasamahan. "May mga kailangan pa akong tapusin."
"Nako, mamaya na yan. Puntahan mo na." Hinila siya nito patayo. "I'm sure he will be happy to see you." May halong kilig na sabi nito habang hinihila siya papuntang lobby. Wala rin siyang magagawa dahil sa pagkakahawak palang ng kasamahan niya ay mukhang wala na itong planong bitawan siya hanggang sa makarating sila sa kinaruruonan ng mga nagkukumpulang tao.
"Alden pa picture naman!"
"Woah! Ang gwapo mo talaga! Di nakakasawa!"
"Alden, grabi ang gwapo mo."
Bakas sa mukha ni Alden na parang nahihirapan siya dahil sa mga hila, yakap at halik na iginawad ng mga tao na nakapalibot sa kanya. "Okay po, sige po. Picture po tayo." Ngiti at mahinahong salita parin ang tugon niya sa mga tagahanga.
"Huy! Back off people! Andito na ang reyna." Someone shouted out loud na ikinahinto at ikinatahimik ng mga tao na nandoon.
Pati si Alden ay napawi ang ngiti sa gulat nang makita niya kung sino ang paparating. Then he heard people around him whispering...
Nang magkaharap na sila ay mas lalong nanaig ang katahimikan sa paligid. Walang nagsalita ni isa sa kanila.
"Uhmm," mahinang tugon ni Alden sa kaharap niya. "M-meeyn." Tawag nito sa kanya.
Napansin niya ang paghinga ng malalim ni Maine hanggang sa masilayan niya ang unti-unting ngiti sa mukha nito. "Good morning mr. Alden Richards! Welcome to our company. You and your team can now proceed to our shooting venue sir. Naghihintay na po ang production team and executives sa inyo, sir."
Gustong matawa ni Alden sa naging pambungad ni Maine sa kanya. Naiintindihan niya ang naging pahayag ng nobya sa kanya. She's not prepared to face him kaya ganon lang ang pakikitungo nito sa kanya.
Matapos kasi nung revelation ni Alden sa party ay nanahimik muna silang dalawa. Nagkikita naman sila pero hindi pa publicly. First time ulit ito kaya naiintindihan ni Alden kung bakit ganon ang reaction niya.
Kaya siya na mismo ang lumapit dito. He smiled widely as he slowly held her hand. "Naks, ang formal naman ng girlfriend ko. Let's go." Isinuot niya ulit ang sunglasses at inakbayan si Maine. "Saan ba ang table mo? Can I rest there for awhile? Medyo sumasakit kasi ulo ko eh." Nilingon niya ang mga kasamahan niya. "Guys, ma una na kayo. 20 minutes lang." he winked at them at naglakad na silang dalawa palayo mula sa mga taong nandoon.
•••
I'm back! ;)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro