Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 71

"Paano ba nagsimula ang lahat ng 'to?" Panimula ni Rj.

Gusto sanang irapan ni Maine si Rj pero baka may gagawin ito sa kanya kaya tinitigan niya lang ito bago at sinagot. "Bakit mo pa ako tinatanong? Alam mo naman kung saan nagsimula to lahat."

"Pang ilang kita niyo na ni Dong?"

"Anong pang ilan? Eh alam mo naman na purong trabaho lang 'yon. Sinasabi ko sayo kung may meeting kami sa labas. Ikaw nga diyan eh, pang ilang labas niyo na 'yon?"

"That was only the first time I went out alone with her."

Hindi na napigilan ni Maine ang sarili. Inirapan niya na ito. "See? Ikaw nga diyan eh. Nakikipagkita ka sa iba." Gusto na niyang umalis sa kandungan nito pero mukhang wala pa rin itong balak na bitawan siya.

"Aaminin ko na wrong way yun. I just want to comfort her dahil sa nangyari sa kanya. Medyo nagkakalabu-an silang dalawa ni Dong sa mga panahong 'yon. May iba na raw kasing kina bi-busyhan ang boyfriend niya at sa hindi inaasahang pagkakataon, ikaw ang lumabas na kinaka busyhan niya dahil ikaw ang kasama niya sa restaurant sa gabing 'yon."

Huminga ng malalim si Maine. "I swear to God, Rj. That was purely a business. Alam mo naman siguro kung ano trabaho ko diba?"

"Pero sa maling pagkakataon tayo nagsing-abot."

Parang may dumaang anghel sa maliit na distansya nilang dalawa dahil bigla silang napatahimik at nagkatitigan nalang.

He sighed. "Alam mo panis natong away nato eh. Bakit ba pinapatagal pa natin 'to?"

Biglang kinabahan si Maine. A-anong ibig niyang sabihin?

Nagulat siya nang biglang hinawakan ni Rj ang magkabilang bewang niya. "You know what? Bakit di nalang tay—"

"Ano? Magpalamig? Space? Space ba gusto mo? Ha! Sige, pagbibigyan kita." Diin na sabi ni Maine sa kanya. "Nahihirapan kana no? Sabi ko naman kasi sayo na di mo ako matatagala— anong nakakatawa?"

Napahinto siya nang makitang marahang tumatawa si Rj sa harapan niya. "Gago, seryoso ako." Pumiglas siya pero mas lalo pang hinapit ni Rj ang bewang niya. "Bitawan mo nga ako!"

"I should have said those words nung mga araw na iniiwasan mo ako." Hindi pa rin mawala ang ngisi niya sa mukha.

"At bakit naman?" Mataray nitong sabi.

"Kasi nakakatawa lang."

The hell!

"Anong nakakatawa? Huy! Richard Faulkerson Jr. para sa kaalaman mo, hindi ako sumama sayo rito para makipagkatuwaan! Marami pa sana akong nagawang trabaho ngayon kung hindi ka nag iinarte na magpahatid dito!" Duro niya rito.

Mas lalong tumawa si Rj nang makita ang inis na reaksyon ng nobya. "Hay nako, na miss kita ng husto." At niyakap niya ito ng mahigpit.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako."

"Alam mo, akala ko mawawala kana sakin eh kasi kahit anong gawin ko... hindi na umeepekto sayo. Dumating na ako sa punto na gusto nalang kitang bitawan dahil parang nahihirapan kana rin sa sitwasyon natin... pero sa huli, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sayo kaya kahit parang medyo tagilid ang sitwasyon natin ngayon ginagawan ko pa rin ng paraan para makausap st makasama ka."

"Rj,"

"Sorry, if it sound so selfish ha? di ko naman talaga kasi alam kung ano talaga ang laman ng isip at puso mo dahil di tayo nakapag usap ng maayos... napa isip na nga ako na baka di mo na ako gusto dahil may iba kana or baka nagpapakipot ka lang talag—ay joke! Wag ka munang umalis. Na miss kita ng sobra eh. Na miss ko ang mga ganito natin. Let me hug you muna."

Parang may kung anong humaplos sa puso ni Maine matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Rj sa kanya. Hindi niya namalayan na bumuhos na pala ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Sa mga yugto na 'yon, nag flashback lahat lahat sa kanyang isipan.

Ang mga panahong halos patayin na niya ito sa isipan niya, ang mga panahong walang ibang laman sa isip niya kundi ang galit at puot sa lalaking nasa harap niya... pero ito din pala ang lalaking aamo at magpapatibok ng puso niya hanggang sa kasalukuyan

at maging sa hinaharap.

And that moment, na realize niya na ang lalaking nasa harap niya, ang lalaking lumuluha din kasabay niya sa mga oras na 'yon ay ang lalaking hindi niya kayang mawala sa buhay niya dahil mahal na mahal niya ito.

"I love you..." He whispered slowly.

"Mahal na mahal din kita." tugon niya din dito.

Agad siyang niyakap nito ng mahigpit, napatawa naman si Maine sa naging reaksyon nito. Ramdam niya ang kasiyahan ng nobyo dahil sa naging tugon niya dito.

He sighed. "Sana ganito nalang tayo hanggang mag umaga... pero may pupuntahan pa tayo eh."

Agad na napabitaw si Maine. "Ha? Akala ko ba wala kang lakad?"

Hindi sumagot si Rj. Pinaupo niya lang si Maine sa shotgun seat at siya na ang nag drive papunta sa pupuntahan nila.

"Ayoko, dito lang ako." Angil ni Maine nang marating na nila ang venue kung saan ang may naririnig silang malakas na music mula sa loob. Isa itong party.

"Sige na, bumaba kana. Kanina pa sila naghihintay sa loob."

"Ano ka ba! Baka kuyugin lang ako ng mga fans mo doon. Dito lang ako."

"Maine, look at me." Huminga siya ng malalim at nakasimangot na tinignan si Rj. "Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari 'yan sayo doon?" Dahan-dahang umiling si Maine. "Ako ang una nilang makakalaban kung may gagawin silang hindi maganda sayo."

"Talaga ba?"

"Oo naman..."

"Eeh, di rin. Utang mo kaya sa kanila itong tinatamasa mo ngayon kaya wala kang karapatang awayin sila no!"

He sighed. "Alam ko naman yon at buong buhay ko naman 'yong pinapasalamatan sa kanila... pero kung aabot na sa sitwasyon na nasasaktan na din nila ang mga taong mahal ko, eh hindi na pwede 'yon... tsaka kung totoong mahal at sinusuportahan nila ako dapat tanggapin at mahal din nila ang mga taong mahal ko."

Walang nagawa si Maine kundi ang bumaba sa sasakyan at sumunod na rin dito.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga nandoon pagkapasok ni Rj sa loob ng hall.

"Good evening everyone, medyo gabi na pero hinintay niyo pa rin po ako kaya sobrang salamat po sa inyong lahat. Salamat sa lahat ng nag organize just to make this event possible. Salamat sa lahat nng dumalo at nakiisa. Grabi kayo! Mula noon hanggang ngayon, iba pa rin ang supporta niyo!"

"We love you, Rj!"

"We love you, Den!"

"Mahal ko din po kayong lahat." He added. "But before anything else, gusto ko po ipakilala ang kasama ko po ngayong gabi. Siya po ang sisihin niyo kung bakit na late ako."

The hell! Agad na napaataras si Maine sa kinatatayu-an niya.

"Di, joke lang! Subukan niyo lang siyang saktan bibigyan ko kayo ng critical attack!" Biglang natahimik ang mga nandoon sa sinabi niya. "Pero Joke lang din 'yon." Pagbawi niya. "Pero seryoso nga, I wan to introduce to you guys my girlfriend, Maine. Maine Mendoza."

•••
HAPPY NEW YEAR Everyone! 😊
Praying that we may all have a wonderful 2019!
God bless us always guys.

1 Chronicles 15:7
Be ye strong therefore, and let not your hands be weak: for your work shall be rewarded.

Ps. Tumatanggap pa din po ako ng Christmas and New Years gift. Haha 😅

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro