PG • 7
"Mams, daan muna tayo sa Concha's garden saglit ha?"
"Bukas na, pwede? sobrang pagod na ako, e. Yung paa ko halos di na makatayo dahil sa pagod." Reklamo ni Mams T sa kanya.
"Saglit lang naman kasi. Mangangamusta lang ako doon mams."
"Alam mo anak, minsan isasama talaga kita. May ipapa meet ako sayo."
"Mams naman..."
"Ipapameet ko sayo si PAHINGA. Mukhang di mo pa siya kilala, e." Iritang sabi ni Mams T sa kanya. "E, ang bata bata po pa pero di mo alam kung ano ang pahinga. Ano? Robot kaba? Galing ka bang planetang Mars?! Magpahinga ka naman Richard." Dagdag nito.
"Ahai, sige ganito nalang... Tumawag ka nalang ng sundo mams, dadaan nalang muna ako doon. Kita nalang tayo bukas sa bahay."
"Ewan ko sayo Rj! Kung nagpapatiwakal kana sabihan mo nalang ako... Ako tatapos sayo, di yung dinadahan dahan mo yang sarili mo." Binaling niya agad ang atensyon sa telepono.
Hindi na niya ito pinansin hanggang makababa na siya ng sasakyan ni Alden.
•
Joan Santillan! Pick up the phone! Ugh... She needs someone right now. Parang sasabog na ang buong internal organs niya sa kaba nang marinig niya ang pangalan na kinamumuhi.an niya.
Nang marinig kasi ni Maine ang sigawan ng mga tao sa loob ng restaurant... Agad siyang tumakbo sa CR. Sinamantala niya ang kaguluhan ng mga tao sa pagdating ni Alden.
"Hello?"
"Hello, thank goodness! I need you. Can you pick me up here at Co-conchita's garden?"
"H-ha? Akala ko ba may pa free merienda yung mga nakasama natin kanina sayo? Bakit aalis ka na diyan? Di ba parang mukhang PG ka naman pag ganun?"
"Ang dami mong satsat. Kunin mo nalang ako dito. Bilisan mo na. Text ko yung address sayo. Dali."
"Teka, bakit nga? Alam mo bang may date ako ngayon?! Disturbo ka, e." Reklamo ni Joan sa kanya.
"Kasi ano... Uhm, andito kasi si uh..."
"Miss Maine? Andiyan kapa ba?!"
Hala!
"O-opo, pa-patapos na po."
"Sige miss. Mas maganda kasi na sabay tayong kakain. Alam mo naman, ikaw guest namin. Nakakahiya naman kung ma uuna kaming kumain." Neke nemen kesheeee....
"S-sige po. Susunod na po ako."
Nang maramdaman ni Maine na wala na yung babae ay agad niyang ibinaling ulit ang atensyon sa kabilang linya ng telepono. "Joan!!! Please please... Bilisan mo na."
"Bakit ba kasi?! Nakakainis ka naman, uh-oh. Kung maka utos parang may binibigay kang sweldo sakin." Kulang kulang ba to? Bakit ang hirap niyang ipa intindi. Ugh!!
"Andito kasi yung Alden Richards mo! Tangina naman, uh-oh. Kaya bilisan mo na bago pa ako malibing ng buhay dito." Inis na saad ni Maine sa kanya.
"OA naman, Maniniwala pa siguro ako kung ikaw ang may balak na patayin si bibi boy ko... Pero seryoso?!! Andiyan ang Alden ko?!"
"Oo nga sabi... Nakakainis ka, e. Mamaya ka na magtanong! Bilisan mo na!" Agad na sabi ni Maine.
"Sige, sige. Coming!" Sabi ni Joan bago niya ito binaba.
Tong to, kung di ko pa sasabihin na andito yang Alden na yan di siguro ako pupuntahan dito. Ugh!
Nang sumilip si Maine sa labas ay medyo wala ng komusyon. Wala na siguro siya. Buti naman. Dahan dahan siyang lumabas at nagtungo sa table nila.
"Sorry guys natagalan ako. Sh-shall we eat now?" Yaya nito sa kanila.
"Uhm... Miss Maine ano po ang pinagkakaabalahan niyo po aside sa pag nenetworking po?" Tanong ng isang kasamahan nila.
Binabash ko lang naman po ang may-ari ng pinagkainan natin ngayon. "Uh, minsan umuuwi po ako sa amin o di kaya gumagala kasama yung..." Ay wala na pala. "Basta apartment lang po ako."
"Ah, so wala pa po kayong partner sa buhay?"
"P-partner ho?"
"Yun bang... Boyfriend." Magiliw na sabi ng isang kasama nila.
"Nah! Wala po, e." Hiya niyang sagot.
"Imposible! Ka ganda ganda mo, Wala?"
"Wala po, talaga, e. Pasensya po." Napakamot sa ulo na sabi ni Maine.
"Hayaan mo, dadating din yan iha. Hintay ka lang... Pero di ako naniniwala na wala kang manliligaw." Sabi nito sa kaniya.
"Wala din po, e."
"Ha?! Ano ba yan! Napaka imposible naman ata ng mga pinagsasabi mo. Ang ganda mo tsaka ang bait pa tapos wala talaga? Hmmm?"
"Nah! Mga ma'am, wala po talaga. Swear. Kung meron bakit ko naman po itatago diba?"
"Bakit wala pa?!"
Kasi pangako namin to ng jum...- hay! "Ewan ko din po, e."
"Hayaan mo iha, May single akong kilala. Ipapakilala kita kay...-Aaaaaay!!! Alden!!!! Dios ko!"
Nagsisisigaw na naman ang mga tao sa loob ng restaurant.
Ha????!!! Tangina. Andito pa pala siya?
Dagli niyang kinuha ang cellphone niya. Huy! Saan ka na ba Joan?!
Halos mabitawan na niya ang telepono niya dahil sa panginginig. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nababahala siya na baka ma familiar siya ni Alden sa pagmumukha.
Huy! Pwede bang kumalma ka?! Langya naman kasi. Bakit di ka pa umalis kanina nung nalaman mo na kanya to? Tanga mo din kasi, e. Sarap mi ilublop sa muriatic acid.
"Miss Maaaaine, Miss Maine!!!!" Sigaw ng isang kasamahan nila. "Picture.ran mo naman kami! Wooooaaah!!!!"
Hindi ka niyan makikilala! Humarap kana gaga!
"An-ano po?" Shit! Alden Richards...
"Picture.ran niyo po kami miss Maine please. Sa phone niyo nalang po." Parang kiti kiti na sabi ng isang kasamahan nila.
"S-sige po." My ghad!!
Nagsitayo.an ang mga kasamahan niya at nagmadaling lumapit kay Alden na nagsisisigaw.
"Hi po, kamusta kayo dito? Did you enjoy your food?" Tanong ni Alden sa kanila.
What the hell!!! Ang lamig ng boses.
Sabay sabay na nagsalita ang mga kasamahan ni Maine. Maine naman!! Nakita mo lang siya sa personal natulala kana? Nako naman! Tingin mo palang sa kanya halatang talo kana... paano nalang kaya kung siya ang titingin sayo?! Magpapatalo ka nalang ba? Maine, alalahanin mo nawalan ka ng kaibigan dahil sa kanya. DAHIL SA KANYA!
"Uh excuse me, picture na po?" Sambat ni Maine sa kanila.
"Oo nga pala... Uh, miss Maine sa phone mo nalang ha? Kukunin lang namin yan mamaya."
Agad silang pumusisyon at nagpa picture.
"Miss Maine, ikaw naman po."
"H-ha?"
"Picture din kayo! Sige na bilis! Opportunity nato." Hinila siya ng mga ito.
"Hi... " bati ni Alden sa kanya. What the hell.
Parang tuod si Maine na nakatayo sa tabi ni Alden, hindi niya kayang titigan ito at mas lalong di niya kayang kausapin ito.
"Say cheese!!!"
Inang giliw! Umakbay sakin! Tangina!!!
Pagkatapos ng picture nila ay agad ng umalis si Alden. Hindi nakagalaw si Maine sa kinatatayu.an niya para siyang naubusan ng hangin sa loob ng katawan. Mamamatay na ba ako?
Bumalik siya sa kanyang sarili nang binalik sa kanya ang phone niya at nang nag vibrate, sinagot niya ito.
"Hello?!"
"Hello Maine! Asan ka ba?! Sabi mo itetext mi yung address? Saang Conchita's garden kaba ngayon? Nasa Taguing branch ako ngayon."
"Concha's garden ako." Yun lang ang sagot niya.
"Putangina! Sabi mo Conchita's??!!"
"Sinabi ko bang conchita's? Sorry. Concha's garden pala to. Yung sa restaurant ni A-Al...haaaay" Wala sa sarili niyang sagot at binaba na niya ang linya.
Dagli siyang nagtungo sa gallery sa phone niya.
Halos malaglag niya sa sahig ang phone niya ng makita ang picture nilang dalawa ni Alden.
(C: Alden's IG)
Shit ka Maine! Ang laki talaga ng ngiti mo ano???!
•••
Woah! Buti pa si basher Maine naka pa pic na kay Alden! Ako kaya, kailang? 😌 haaay!
Hello guys! Kakauwi ko lang from Bukidnon! 😊 nag bakasyon ako with Family & Karl 😍 kaya pasensya medyo nanahimik ako saglit. Nga pala
Klase na bukas! Ang bilis no? Tsk! Bitin ang summer. Hahai pero okay lang! Hekhek
Ingat tayo! God bless.
Message me at @sheeshaii021 sa IG at Twitter.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro