PG • 68
"Hello?"
She sighed. Hindi niya alam kung ano talaga ang sasabihin niya pero dahil na prepressure na siya... gagawa na talaga siya ng paraan para makausap si Rj. "M-mams T? S-si Maine po ito."
"Maine!"
"Mams, kasama mo ba siya ngayon? Saan po kayo? Hinaan niyo lang po ang boses niyo baka marinig niya kayo." Saway ni Maine dito. Sa mga patago at palihim nilang pagkikita ni Rj, si mams T ang naging katulog nila. Ito ang naghahanap ng nga susuotin nila, ito ang nagbo-book sa mga pribadong lakad nilang dalawa kaya nakilala na din siya ni Maine.
"H-ha? H-hindi. Uhm, I mean naka salang sya ngayon. May pictorial. Bakit? Teka, uhm... bakit napatawag ka? Okay na ba kayo ni Rj?"
Bigla siyang natahimik. Okay ba kami? Haaay.
"Uhm mam, anong susunod na schedule niya? Pwede ko po bang makita? Pwede niyo po bang ma send sa akin?"
"Eeiyt, na miss na niya! Hay nako, bakit pa kasi ayaw mong kausapin itong alagac ko. Ilang araw natong lumbay na lumbay." Panunukso nito kay Maine.
She did not say anything. Kumawala nalang siya ng konting tawa at nanahimik ulit sa kabilang linya.
"Okay, i-sesend ko sayo mamaya." Yon lang ang naging sabi ni mams T bago nito binaba dahil aayusan pa niya si Rj, break time na kasi.
She thought mams T would still interrogate her buti nalang at hindi na. Nakahinga siya ng maayos doon.
Mabilis naman niyang nakuha ang hinihingi niya dahil agad na sinend ni mams T sa kanya iyon.
Habang binabasa niya ang mga nakasulat doon dahan-dahang kumunot ang noo niya.
What the heck is this? Anong tingin nila sa boyfri—eerm, Rj? Superhero? Eh halos walang pahinga na yung taong eh! Lahat full ang schedule niya hanggang sa... wait, whole year schedule na niya to?!
Hindi siya makapaniwala na kahit sa mga araw na nagkikita at maayos pa sila noon ay naisingit pa talaga siya nito despite sa mga hectic schedules niya araw-araw.
Ganoon niya ako kamahal?
But she shook her head. Ipinangako niya sa sarili na isasantabi muna ang personal niyang damdamin kaya pagkatapos non ay agad siyang umalis at nagtungo sa susunod na appointment ni Rj.
Maaga siya pero ilang saglit lang ay nagsidatingan na din ang production team sa gagawing tvc commercial shoot.
Ilang saglit pa siya doon naghintay hanggang narinig na niya ang mga maiingay na parating. Biglang kumabog ang puso niya. Shit, andito na siya.
Tatayo na sana siya pero biglang nanghina ang mga tuhod niya nang magtama ang mga tingin nila.
"Maine!" Tinawag siya ni mams T.
Napabaling ang atensyon ng lahat sa gawi niya at halos humiwalay ang kaluluwa sa katawan niya nang nahagip sa tingin niya ang malalim na titig ni Richard sa kanya.
Shit, lapitan mo. Magsalita ka, gaga! May kailangan ka diba?
Huminga siya ng malalim at naglakad na patungo sa deriksyon nila. She saw him whispered something sa mga kasamahan niya at tumango ang mga ito at naglakad palayo sa kanya.
She felt better dahil pinaalis ni Rj ang mga kasamahan niya.
"Hey." He greeted her. Nang magtagpo ang tingin nila ay para namang may kung anong kirot na nararamdaman si Maine. Kitang kita ang pangungulila nito sa kanya.
No. Be calm. Hindi muna personal ang pag-uusapan niyong dalawa.
"M-may kailangan a-ako sayo. P-pwede ba tayong mag usap?" Utal niyang tugon sa binata.
Napatingin naman si Rj sa orasan bago siya tinignan ulit. "I still have 20 minutes bago ako ayusan. Too short pero kung igugugol ko naman ang 20 minutes ko sayo... sobrang worth it."
Napalunok naman si Maine sa sinabi nito. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang nakangiti na siya sa kilig pero sa mga oras na 'yon, kaba ang nangingibabaw sa kanya. She is not prepared to meet him pero dahil sa trabaho niya ay kailangan siyang makipagkita dito.
"So..." sabay nilang sabi. Nasa exclusive café sila nagtungo na malapit lang din sa lugar kung saan gaganapin ang shoot si Rj.
"Uhm, Congratulations nga pala sa successful na movie." Bati ni Maine sa kanya. Kailangan niyang pangunahan ito bago pa man ma iba ang usapan nila.
"Salamat. Nanuod kana?"
Napaupo naman si Maine ng tuwid sa tanong ni Rj. O goodness.
Nung okay pa kasi silang dalawa, plano na nilang manuod ng sabay kaya parang mas lalo siyang na awkwardan dahil sa tanong nito.
"H-hindi pa eh. Busy kasi."
Tumango-tango naman si Rj. "Ah, so uhm... baka gusto mong manuo—"
"Rj, I'm here to offer you something." Pag iba niya ng usapan. Kailangan na niyang ibahin dahil baka hindi na niya ito mapigilan sa pagsasalita tungkol sa personal. "Our network wants you to become our ambassador. They asked me to come to you to offer and give you this." Inabot nito ang brown envelop kung saan doon nakalagay ang mga company reviews and contracts.
Kunot noo'ng tinanggap ni Rj ang bigay ni Maine sa kanya.
"Okay, I'll hand this to my handler and manager." Sagot nito matapos sinilip ang nasa loob.
"Salamat. I hope we can get your fast positive feedback on this."
Nagulat siya nang biglang ngumisi si Rj sa kanya pero binaliwala niya lang ito. Inayos niya ang bag niya at inilagay sa harap.
Matapos ang kaonting katahimikan ay tumayo na si Maine. "I guess I have to go now. 10 minutes nalang."
Mas lalong lumakas ang tawa ni Rj kaya nabaling ang tingin niya dito. "Really? Ito lang ang ipinunta mo dito? Ang ibigay sa akin ito? What if I won't accept this?"
Halos huminto ang paghinga ni Maine nang marinig niya ang sinabi ni Rj. "I-It's not only you who will decide for this. P-paano kung gusto ng handler at manager mo ito? Diba wala kang magagawa?"
"Meron. Hindi naman sila ang aakto at haharap sa kamara para sa kompanya niyo. Ako. Kaya wala silang magawa kung ayaw ko." Diin nitong sabi sa kanya.
"Really? So may magagawa ka pala. May parte ka din palang pwede mag decide kung tatanggapin mo o hindi ang proyekto." Ngumisi siya. "Bakit hindi ka tumanggi sa movie kasama si Marianna?"
Hindi nakasagot si Rj sa tanong ni Maine. Tahimik lang siyang nakatingin sa dalaga. "Kasi ginusto mo!" Pinal na dagdag niya kay Rj. "Gusto'ng gusto mo." Namuo na ang mga luha sa mata ni Maine pero pinigilan niya itong tumulo sa harap ni Rj.
"Bakit ngayon lang to lumabas mula sayo? Bakit hindi mo sinabi sa akin itong hinanain mo tungkol sa proyekto na kasama ko si Marianna? I thought okay sayo ang lahat dahil di naman negatibo ang feedback mo nung sinabi ko ito sayo noon. Hmm? Or baka gumagawa ka lang ng paraan para matapos na 'tong lahat?"
Tuyong-tuyo na ang lalamunan ni Maine dahil sa pagpipigil. Wag mong sagutin Maine. Wag na wag mong sagutin. He did not even answered your question kung bakit di siya tumanggi sa proyekto.
"Di ko sasagutin yan. Hindi mo nga sinagot ang tanong ko sayo kung bakit hindi ka tumanggi." Ikinawit ni Maine ang bag niya sa balikay. "I have to go."
Pero bago pa siya makaalis, nagsalita ulit si Rj. "Ganito na lang ba ang lahat? Aalis ka na naman? Tatalikuran mo na naman ako? Hindi mo na naman ako kakausapin? Ano? May saysay pa ba tong kung anong meron tayo ngayon?"
Hindi na napigilan ni Maine ang mga luha niya. Hindi niya kaya ang mga sinabi at tanong ni Rj. Hindi niya alam kung anong isasagot sa mga ito dahil nahihirapan siya. Sumisikip ang kanyang dibdib.
"Ano? Itutuloy pa ba natin to?" Nanginginig na boses na dagdag nito sa dalaga.
"H-hindi ko alam. Siguro h-hindi na."
At tuluyan na siyang lumabas ng tuluyan.
•••
Nako, himala nakapag update ako kahit soooobrang busy sa school. Huhu na miss ko 'to, na miss ko din mga comments niyo. Huhai.
Congrats sa ating Maine girl 💚 Sobrang nakaka proud! Wala man akong ka chance2 na maka bili, sobrang PROUD NA PROUD pa din ako sa kanya. 😊 Swerte nung lalaki no? Hahaha diba guys?
Planning to have a PG marathon... kahit 3 updates man lang on my birthday pero iniisip ko pa kung kaya kong isingit sa mga school requirements ko. Hehehe sana nga kaya no?. 🙏🏻😊
Ps. Alam niyo ba na on my way home (riding a jeepney) nalang ako makakapag sulat? Kaya sobraaang dalang ng update ko. Pasensya na po talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro