PG • 67
Hindi niya alam kung pang-ilang buntong hininga na ang nagawa niya habang minamasdan ang contact number ni Maine. Nagtatalo ang isip niya kung tatawagan ba niya ito o hindi. He misses her so much at gusto na niyang maayos ang kung anong alitan nila. Ilang araw na kasi ang lumipas mula nung insidente at hanggang sa mga oras na yun ay hindi na niya nakita.
"5 minutes left bago tayo mag simula, Alden." Paalala ng floor director sa kanya. May prod kasi sila kasama ang iba pang cast sa EB for promotion sa movie nila.
Tumango siya at ibinaling ulit ang atensyon sa teleponong hawak niya. Is she going to answer my call if tatawagan ko siya ngayon? Hay. One time lang.
Kahit kinakabahan, tinawagan niya pa rin ito.
•
Nakatukod ang siko ni Maine sa mesa habang naghihintay sa mga executives. Pinatawag siya sa meeting ng mga executives. Takang-taka siya kung bakit nasali siya sa meeting dahil di naman siya kasali sa mga 'yon... pero hindi siya nagreklamo. Paano naman niya kasi malalaman ang rason kung hindi siya dadalo... kaya pumunta siya.
She heard her phone beeped. Agad niya namang kinuha yon at halos maitapon niya ang teleponong hawak niya dahil sa pangalan na tumatawag sa kanya.
Biglang kumabog ng husto ang puso niya. Aminado siyang sobrang miss na niya ito... pero malaki pa din ang galit niya dahil sa mga sinabi nito sa press-con. Hindi naman niya hinahangad na ipagsigawan ni Rj sa buong Pilipinas na girlfriend siya nito... pero may konting parte ng utak at puso niya nankumikirot pa din at gusto niya munang palipasin ito bago siya harapin.
"Good morning people! Let's start."
Agad namang tinago ni Maine ang phone niya at inayos ang sarili. Isasantabi muna niya sa pag-iisip si Rj.
•
"Kamusta ang pambansang bae namin ngayon? Hanep! Blockbuster ang movie ah. Congrats!"
"Salamat po nay Rubs." Nginiti-an niya naman ito. Kakatapos lang ng prod nila at nagpapahinga na siya sa backstage kasama ng mga co-hosts sa Eat Bulaga.
"Masaya ka?"
Napatingin tuloy siya kay Ruby. Did she just asked him if his happy? Saang aspeto ba ang ibig niyang sabihin? Sa movie? Sa kalabasan nito?
"P-po?"
"Masaya ka ba?" Ulit nito. He looked at her in the eyes. Naguguluhan pa din kung bakit tinatanong siya ng ganon. Halata ba na di siya masaya?
"Sa alin po?"
"Sa ngayon. Sa trabaho, sa narating mo, sa mga bagay bagay."
Umupo siya ng maayos at ngumiti. "Oo naman po. Lahat naman po ng bagay na meron tayo ngayon ay kailangan natin ikasaya."
"Talaga ba? Hmm, well siguro, masaya ka nga... pero parang may kulang."
"Kulang po? Grabi ka naman nay Rubs. Wala. Stress lang po talaga siguro ito. Daming guesting eh. Wala masyadong pahinga." At sumandok siya ng ulam mula sa harapan niya.
"Hindi eh, iba kaya ang mukhang stress sa mukhang may namimiss."
Napakunot naman ang noo ni Alden. He did not expect for her to say that. "Hay nako nay, sabi ko naman sayo na wag kang magpalipas ng gutom. Ito po, sayo natong plat—"
"Nako Richard, wag mo akong echusan dahil di epektibo yan para sa akin. Magsabi ka nga ng totoo, may something ba talaga sa inyo nung babaeng non-showbiz na napapadalas na na-iissue sayo sa socmed?"
"Nay Rubs naman..."
"Huy wag ako! Alam kung meron kasi hindi mo tititigan ang phone mo ng ilang ulit para tignan kung may nag text ba or tumawag. Hindi ka ganyan dati."
Tumawa lang si Alden at binalik ang atensyon sa pagkain. Sa ngayon tatahimik muna siya.
•
"Our administrators wanted to advertise our products and network... gusto nating mas napalago pa ang industriyang ginagalawan natin.
Our main goal is to help people with our supreme products and with what we have discussed... we would like to get an artist to advertise it." Pahayag ng boss nila.
Napataas naman ng kilay si Maine. Eh sino naman ang sa Supreme products namin? Nakuha na ng iba si Piolo Pascual.
"... we would like to connect with the management of Alden Richards."
A-ano raw?
"And kaya ka namin pinatawag dito sa meeting nato miss Mendoza dahil alam namin na makakatulong ka para makausap namin ang management ni Mr. Alden Richards."
Halos hindi siya makagalaw sa narinig niya. H-ha?! 'Nak ng...
"B-bakit po ako?"
"Kasi sa pagkakaalam namin may koneksyon ka sa kanya mismo." Bakas sa mga mukha nito ang makahulugang titig. Gosh, pati ba sila nakiki chismis din pala.
"Hmm, titignan ko po."
"Bakit titignan pa? Eh boyfriend mo siya diba?" Sabat ng isang babae.
"P-po? Uhm, h-hindi po. May mutual friends lang po talaga kami kaya magkakilala kami."
"Really? How about the ne...—"
"Uhm, okay guys! We have no right to ask miss Mendoza's personal connection with mr. Alden Richards basta ang atin lang matulungan niya tayo na makausap ang management niya."
Tumango lang ang lahat. Mukhang wala nga siyang choice kundi ang tumango din at sumunod sa mga sinabi nila.
Hay tadhana, iniiwasan ko nga diba? Bakit mo pa ipapalapit.
"We want his feedback as soon as possible para kung hindi pwede ay makahanap pa tayo ng iba."
Tumango ulit si Maine at nanahimik na hanggang sa matapos ang meeting nila.
Bago paman sila makaalis lahat sa silid ay kinausap ulit siya ng head nila. "We are hoping for a positive feedback from their side." Marahang tumango si Maine at ngumiti. Hay nako! Promblema.
She sighed when she reached her table. Mukhang wala siyang choice kundi sundin ang sinabi ng head nila. Ayaw din naman niyang maging matawag na irresponsable kaya ko-kontakin muna niya ito.
Para sa trabaho lang 'to, walang personalan...
Para sa trabaho lang 'to, walang personalan...
Para sa trabaho lang 'to, walang personalan...
"Hello."
"Miss na kita."
O my goodness!! Mali! Mission abort! Bakit yon ang sinabi mo??!
"Maine? I miss you too. C-can we meet? Kanina pa kita gustong tawagan pero natatako...—"
She dropped the call.
Hindi pa niya alam kung paano kakausapin si Rj. Kahit miss nga naman niya ito pero parang hindi pa siya handang kausapin ito. Bukas nalang. Wag muna ngayon. Mag iipon muna siya ng lakas ng loob para kausapin siya.
•••
Hello my friends here! 😊
May bago po akong story. I tried to keep my hands to myself pero ang hirap di i-publish eh baka mawala ang mga ideas ko. Sayang naman. Huhu.
HIDDEN LOVE (visit my profile po)
Thank you guys!
Salamat po sa patuloy na paghihintay at pag tyatyaga. God bless us all.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro