Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 66

Mabilis pa sa alas kwatro ang paglaganap ng issue tungkol doon sa nangyaring skandalo ni Mariana sa restaurant kung saan niya nakita si Maine at si Dong na nag uusap.

Missing in action din ang dalaga matapos ang nangyaring yon kaya mas lalong umugong ang issue.

"This is what I am talking about! Paano na to? Ngayong gabi na ang airing ng official trailer niyo at magsisimula na din ang kaliwa't kanang press con. Hindi pa mahagilap si Mariana at hindi ko din nakukumbinsi si Alden na magsalita para dipensahan ang dalaga." Pasigaw na sabi ni Loida sa kabilang linya. She is talking to someone whom she could ask an advice with para sa sitwasyon ni Alden at Mariana.

Si Alden ay pabasa-basa lang ng magazine pero nakikinig ito sa mga sinasabi ng handler niya.

"Are we up for the press con?" Kaswal na tanong niya dito nang matapos na ang tawag ng kasamahan niya.

"They're waiting at the venue now..."

"Then let's go." Tumayo siya.

"Alden, plea—"

"Nag-usap na tayo tungkol dito and my decision is still no! Bakit niyo ba ako pinagpipilitan na gawin yon eh mismo nga siya at ang panig niya ay walang aksyon para maayos tong gulong ginawa niya. Besides, papanoorin at papanoorin pa din naman ng tao to kung gusto talaga nila." At tuluyan na siyang lumabas sa silid.

"Uy ano yan?" She sat beside her sister. Umuwi siya sa kanila para bisitahin din ang mga magulang at kapatid.

Natigilan si Leen at dumistansya ng konti.

"Damot mo ha."

"Sige, oh." She handed her phone. "Live press-con yan ng boyfriend mo. Paanoorin mo?"

Hindi sumagot si Maine. Hinihintay lang din ni Leen kung ano sasabihin nito pero laking gulat niya nang dinampot niya ang phone nito at umupo ng maayos sa tabi.

"Nag-isip pa, kukunin din pala naman." Hagikhik na sabi ng kapatid bago umupo sa tabi niya at nanunuod na din.

"Love letters Press-con"

"Let us all welcome, our Love Letters casts." Isa-isang tinawag ang mga leading casts at umupo na sa harap.

They introduced the movie and their roles. Maayos naman ang naging takbo ng pagkakasimula ng press-con hanggang sa matapos ang promotions nila.

"Alden, kamusta ang first experience having a loveteam?"

Umupo ng maayos si Alden at ngumiti. "Its one of the books. Hindi pa kasi ako na offeran na magka loveteam at ngayon lang kaya masasabi kong maganda ang experience ko. Marami akong bagong natutunan mula sa workshops at sa actual na shooting na talaga."

"Hindi ka ba nahirapan?"

"Hindi naman po. Marami naman po ang tumutulong sa akin to do this, that and all."

"Did Marianna helped you too?"

"Oo naman po, magaling na actress si Marianna kaya marami akong natutunan sa kanya. Like when direk would tell us na dapat sweet kayo... eh, mahirap po pero she is there to help me. She will instruct me to do this, to say this... mga ganon po."

Sunod-sunod ang mga naging tanong sa kanya at sa iba pang cast at walang ka tense-tense namang sinagot lahat ni Alden.

"Alden, I would like to know... well, in behave of everybody, gusto naming malaman talaga ang totoo sa lumabas na news noong isang araw tungkol doon sa scandalo na nangyari sa restaurant. Ang nakita namin doon, you and Marianna tapos si Dong at yung bali-balitang na link umano sayong babae ang nagsing-abot sa restaurant na yon. What was that? I mean pwede ba namin malaman kung ano talaga ang dahilan kung bakit sinugod ni Marianna ang babaeng kasama ni Dong doon?"

Tumahimik bigla ang lahat.

Kinuha ng direktor nila ang microphone sa mesa. "It was ju—"

"Direk, I will talk a little bit about that issue po. If it's okay with you." Bulong ni Alden sa kanya. Tumango naman ang direktor at binaba ang mic na hawak niya.

Tumahimik uli ang lahat nang kinuha niya ang mic niya. Tumikhim muna siya. "Alam ko na marami po ang nagtaka sa pangyayaring yon at marami na ding birsyon ang narinig niyo tungkol sa isyung nangyari nung isang araw. Wala po ako sa lugar para magsabi sa panig ni Marianna kaya wala po akong maisasagot sa inyo tungkol sa inakto niya doon. Pero tayong lahat alam natin na iba talaga pag babae na ang nagseselos. Yon lang po."

"So you mean, nagselos si Marianna sa kasama ni Dong?"

Nginiti-an lang ni Alden ang reporter. "No comment na po."

"Pero Alden, pahabol na tanong... sa dulong parte ng video na yon hinila mo din ang babaeng kasama ni Dong palabas sa restaurant. Magkahawak kamay kayong lumabas sa restaurant at hindi na bumalik ulit sa loob. Hmm, may something din ba sa inyo nung babaeng kasama ni Dong?"

Lumakas ang bulong-bulungan sa paligid. Napatingin si Alden sa handler at manager niya na nakikinig lang sa gilid. Halos mamutla na sila sa kaba sa kung ano ang isasagot ng binata but he remained calm and serious.

"Uh, wala po kaming something... Kailangan ko lang po siyang ilabas dahil marami na pong kumuha ng video at pictures sa kanya."

"So that woman is just nothing for you? Issue lang yung na lilink siya sayo?"

Gusto na niyang umalis sa kinauupo-an niya pero kailangan niya ding protektahan si Maine sa paraan na alam niyang ikakabuti at ikakatahimik ng pribadong buhay nila.

"Y-yes. Issue lang po lahat yon. That woman don't deserve the criticisms and all the hatred. Friend siya nila Jerald Napoles kaya naging kaibigan ko na din. Marami na po akong narinig at nakita na articles at issues tungkol sa kanya... please, ako na po ang hihingi ng pabor ihinto na po natin lahat ng mga akosasyon tungkol sa kanya at ilagay natin sa tahimik ang buhay niya dahil wala po'ng katutuhanan ang mga yan."

Mas umingay lalo ang paligid dahil sa kaliwa't kanang bulungan ng mga tao.

"Ibig sabihin ba nito... Single pa rin ang aming pambasang bae at pambansang dimple?" Pangiti-ngiting singit ng isa pang reporter.

Tumugon lang siya ng ngiti at binaba ang microphone.

"What was that?!" Gulat na sabi ni Leen sa kanya.

Humibit balikat lang si Mai at tumayo mula sa pagkakaupo.-an. Ayaw niya munang sagutin ang kapatid.

Bumukas naman ang pinto ang pumasok ang hingal na hingal na di Nikki. "Guys? Tapos na ba ang press-con?"

"Almost." Sagot ni Leen. "Tagal mo kasi."

"Sorry na bus—hey, saan ka pupunta?"

Hindi siya sinagot ni Maine. Inilagay niya ang mga gamit sa bag at nag-ayos.

"Maine..."

"Aalis muna ako. May tatapusin pa pala akong presentation para bukas." Kaswal na sagot nito.

"Maine, w-wag ka munang umalis. Kararating ko lang eh. Mag-uusap pa tayo tungkol sa boyf—"

"Pagod na po ako. Sa susunod na." At tuluyan na siyang lumabas mula sa kwarto. Naiwang naka nganga ang dalawa niyang kapatid.

•••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro