PG • 65
Nakapangalumbaba lang si Maine na nakatitig sa labas ng restaurant. Iniisip niya kung paano siya uuwi nito ngayon eh ang lakas lakas ng ulan sa labas.
"You seems so worried." Pagpukaw ng atensyon ni Dong sa kanya. "Wag kang mag-alala, Ihahatid kita."
"Nako, w-wag na po. Titila rin to, wag na po kayong mag abala na ihatid ako." Mabilis na sagot ni Maine. Nahiya siya sa sinabi nito. Siya pa talaga nag offer na ihatid gayo'ng nilibre pa siya ng haponan.
"No, it's okay. Ako ang nagyaya kaya dapat ihatid kita. I would still offer it din kahit di pa umuulan sa labas." Malumanay na sabi nito.
Ay nako naman talaga. Gusto niyang mag wala sa kilig dahil sa offer nito pero hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang kaba at pangamba sa mga yugtong yon. Habang nag didiscuss nga siya tungkol sa pakay ni Dong sa kanya ay panay din ang inom niya ng tubig.
Parang may mali...
Napabuntong hininga siya ulit. "S-sir, wa...—"
"Dong?!" Isang nanginginig na boses ang narinig niya mula sa likuran. Kahit mahina lang yong pagkasambit sa ngalan ay nakaramdam na agad siya ng paglamig ng mga palad niya. "Kaya pala wala kang oras sa akin dahil may iba ka palang kinaka busyhan!" Dugtong pa ng babae. Agad na napaharap si Maine dito at halos lumuwa ang mata niya sa gulat nang makita ang babaeng hinarap niya.
O my goodness!
"Yana..." napatayo agad si Dong.
"Siya ba?!" Turo niya kay Maine at insaktong tonada ito para makakuha ng mga atensyon sa ibang mesa. "Siya ba ang pinakakaabalahan mo ngayon?! Kaya wala kanang oras sa akin? Ha? Tangina Dong! Hindi mo man lang sinabi na mas hilig mo pala ang mas bata."
"Yana, mali ang iniisip mo."
"Mali? Oo, mali talaga. Maling mali na pinili kita." Madiin at mangiyak-ngiyak na sabi ni Mariana sa kanya.
Nabato naman si Maine sa posisyon niya. Biglang nag blanko ang utak niya. Anong nangyayari?
"Mag-usap tayo..." hinila ni Dong ang kamay ni Mariana.
"Wala na tayong dapat pag-usapan." Galit na sabi ni Mariana sa kanya. "Sinabi mo nalang sana na mas bata pa sayo ang gusto mo... dinala na sana kita sa paaralan ng mga kindergarten. And ikaw, babae!" Hinarap niya ni Maine na puno ng galit. "Walang hiya ka! Pumapatol ka sa lalaking may karelasyong na."
Napalunok si Maine. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Pumapatol? Ako? Kanino? Kay Dong? Teka lang naman...
Magsasalita pa sana si Mariana pero buong lakas siyang hinila ni Dong palabas ng restaurant. Nagdulot iyon ng malaking komosyon sa paligid... pero parang bato lang ang pagtingin ni Maine sa mga nagkikislapang camera at mga taong nagbubulungan... dahil hindi pa nag sink in sa kanya ang mga nangyari.
"Teka nga! Ano ba Dong! Hindi pa ako tapos sa babae...—" wala nang narinig si Maine dahil lubusan na silang nakalabas sa restaurant.
"Maine..." Isang pamilyar na boses ang narinig niya at pagharap niya ay si Rj. Anong ginagawa niya dito? Kasama ba siya ni Mariana dito kanina? Bakit? Bakit sila magkasama? Wala naman ng shooting ngayon.
She cannot hardly blinked. Lulong pa din ang pang-iisip niya sa mga tanong na walang kasagutan... hanggang sa nakaramdam siya nang mainit na kamay na humila sa siko niya palabas doon sa restaurant. Hinila siya ni Rj hanggang sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya.
Nang makarating na sila doon, katahimikan na ang bumalot sa kanila. Hanggang sa pareho sila nag angat ng tingin at nagkakatitigan, he seemed puzzled at kailangan niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa loob. Kung bakit kasama siya ni Maine? Siya ba ang client? Mas lalong umusbong ang kakaibang nararamdaman niya. Selos.
"Why... why are you with him?"
"And why are you with her too?" Halos nagulat pa sila pareho sa mga lumabas sa bibig nila.
"Kasi.—" sabay silang napasagot at mas lumalim ang kanilang pagtitigan.
"Is he your client?" Unang nagsalita ulit si Rj at agad na tumango si Maine. "Is that how you meet your client? Para kayong nag di-date?" Dagdag niya.
Wait, what? Anong date na pinagsasabi nito?
"Ha? H-hindi naman sa ganon. K-kasi madali-an lang naman yon kaya dito kami nagkita. We just talked about the business." She sighed. "Wait, why are we talking about this? Diba sinabi ko naman sayo na may i-memeet ako na client? Hindi ako nagsisinungaling kung yan ma ang iniisip mo. Baka ikaw? Why are you here din? Tsaka bakit magkasama kayo?" Balik tanong ni Maine sa kanya.
"Sinamahan ko siya." Tipid na sagot ni Rj.
"Sinamahan? Bakit?"
"She needs someone to talk with. Nagka problema sila ni Dong at kailangan niya ng makakausap. Tapos ano... mag didinner sana kami kaso nakita niya kayo sa loo...—"
"Okay? Diba parang mas date yung dating niyo kesa sa amin? Why are you talking like parang mas mali ako? Na mali na nakipag meet ako dito?"
"What? Hindi ko sinasabi na mali ang ginawa mo. I am just... shocked."
"Shocked? Diba mas ma sho-shocked dapat ako dahil yung boyfriend como-comfort sa ibang babae? At ang worst? Sa babaeng nililink pa sa kanya!" Hindi na napigilan ni Maine ang sarili niya.
"Kailangan lang naman niya ng makakausap." Mahinahong sagot ni Rj sa kanya. Akmang lalapitan siya dito pero umatras si Maine.
"Don't." She stopped him. "Everything is just too much for me tonight. Napahiya ako sa loob at heto tayo... nagtatalo. Tama na muna to. Uuwi na muna ako."
"Maine, ihahati—"
"Wag. Baka may sumunod pa sa atin. Enough na muna yung nakita ka nilang hatak-hatak ako palabas. Wag mo ng dagdagan. Baka magawan na naman ito ng issue. Mahirap na."
•
Hindi alam ni Maine kung ano ang gagawin niya kaya napa video call siya sa mga kapatid niya. Inis na inis siya kaya di niya magawang sagutin ang mga tawag ni Rj at mas lalong di niya tinext ito nang makauwi na siya sa condo.
"Minsan, napaisip ako kung tama ba tong pinasok ko. Mukhang gumulo lalo ang buhay ko nung sinagot ko si Rj eh."
"Uy, bakit naman umabot sa ganyan? May hindi lang kayo napag-usapan ng maayos. Wag mo namang pagdudahan ang naging desisyon mo. Masaya ka naman ah, bakit mo nasabing gumulo?"
Harap-harapang sabi ng ate niya.
"Hindi naman talaga gumulo, hindi mo lang talaga naiintindihan ngayon ang naging set-up niyo ni Rj at dahil na din siguro sa sagutan niyo kanina." Wala sa sariling sabat naman ni Leen sa kanya. Busy kasi ito sa kakakulikot sa kamay niya habang nasa harap ng screen.
Napanguso siya. Mukhang tama nga naman ang mga sinabi ng kapatid niya pero inis pa din siya dito.
"Hay nako Maine, wag mo nga kaming pakitaan ng ganyang mukha. Hindi naman kami dapat ang kinakausap mo eh. Dapat si Rj. Ayusin niyo yan."
Sabi ng ate niya.
"Pero nakakainis lang kasi..."
Sumingit naman si Leen sa screen. "OA nito. Siya din malamang inis sayo."
"Edi magka inisa kaming dalawa. Kaya hindi pa kami pwedeng magkita ang magkausap. Ipapahupa muna namin to." Rason naman ni Maine sa mga kapatid niya.
"Fine, bahala ka. Bahala din kayo. Basta, remember this... wag niyong patagalin ang kung ano mang di magandang pagkakaintindihan niyong dalawa. Napapag-usapan naman talaga ang lahat eh. Mag usap kayo."
"Oo nga, mag usap kayo sa lalong madaling panahon. Baka kasi may iba pang mag ti-take advantage at gagawa na naman ng mga panibagong issue na mas lalo pang gugulo sa sitwasyon niyo."
Napabuntong hininga siya matapos ang tawag na yon. Medyo gumaan na ang pakiramdam niya dahil may nakausap siya.
•
"No! I will not do that!"
"Alden, please... sobrang gulo na sa labas at nadawit kana masyado sa issue ni Mariana. If you will not talk malamang magkaka problema tayo sa upcoming movie niyo. Alam mo naman kung gaano kalaki ang project nato. Please bear with this. Ngayon lang naman nag request ang network para sa project nato."
"I will talk but I not tell a lie. Hindi ko kayang gawin yan. Hindi ko pwedeng sabihin sa harap ng taong bayan na nag di-date kami ni Mariana."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro